Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

GENERAL ACADEMIC STRAND  

(Tagapagligtas ng kinabukasan) 
Sa aking mga kapwa mag-aaral, mayroon na ba kayong napiling kurso 
para sa kolehiyo? O desisyon para sa iyong kinabukasan. Narito ako sa 
inyong harapan upang bigyan kayo ng ideya sa kukunin ninyong track para 
sa Senior High School. 
 
Senior high school isa sa mga hakbang sa iyong kinabukasan at dagdag 
gastusin para sa iyong magulang. Kaya nararapat lamang na pumili ka ng 
track na akmang-akma sa iyo upang hindi masayang ang taon mo sa senior 
high school at pera ng iyong magulang. Narinig mo na ba ang track na 
General Academic Strand?o kung tawagin ay GAS. General Academic Strand 
ay isang track sa Senior High School, ito ay may lahat ng Asignatura na 
parang isang kumpletong rekados sa iisang putahe. Ito rin ay para sa mga 
mag-aaral na wala pang naiibigang kurso para sa kolehiyo ika nga ng ilan 
“undecided”. Akmang-akma din ito para sa mga taong may napili nang 
kurso ngunit may hindi nais na asignatura sa ispisipikong kurso.  
 
Lahat din ay mayroong kakulangan o kung tawagin sa ingles ay 
disadvantages. Sa pagkuha ng kurso sa kolehiyo ay maaari kang malito sa 
mga asignatura mo sa kolehiyo dahil ang ibang asignatura sa GAS ay 
pawang pahapyaw lamang. Ngunit kung iyong titignan, kaibigan lamang 
ka sa kanila dahil lahat ay napag-aralan mo,kumbaga sa suntukan panalo 
ka. Sa pagpili ng kurso dapat mag-isip ka ng mabuti parang botohan lang 
yan aking kamag-aral “Think Wise” upang hindi mo pagsisihan sa huli.  
 
 

You might also like