Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

16 | Martin Dy-Liacco | 11-Garnet

Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Komunidad ng mga Tindero at Tindera

Sa pangaraw-araw na buhay, makikita na mahalagang aspeto ang wika at pahiwatig

ng mga tao. Sa paaralan, sa bahay, sa mall at sa trabaho, laging importante ang

komunikasyon sa isa’t isa. Maraming aspeto na puwedeng suriin tungkol sa komunikasyon

ng mga tao sa isa’t isa. Sa isang papel na ginawa ni Nilo S. Ocampo na pinamagatang “Mga

Varayti ng Wika,” mayroon siyang sinabi tungkol sa sosyolek—ang varayti ng wika sa isang

komunidad. Ang mga salik na kasama rito ay edukasyon, okupasyon, uring panlipunan, edad,

kasarian, etnikong kaligiran, kultura, rehistro, at iba pa. Isa ring puwedeng suriin ay ang mga

pahiwatig, mga berbal o di-berbal na ekspresyon ng emosyon na nakabatay sa kultura ng

isang komunidad. Sa papel na ito, layuning magkaroon ng mas malalim na pagkakaunawa sa

kultura ng mga tindero at tindera (salesclerk) sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanilang

pagsasalita at pahiwatig.

Matatagpuan ang SM Department store sa SM Marikina, kung saan maraming tindero

at tindera ay nagtatrabaho. Maraming taong pumupunta rito upang bumili ng iba’t ibang

bagay. Masigla at masaya ang atmospera rito at maraming nangyayari rito. Dahil maraming

taong nag-uusap dito, maraming puwedeng obserbahan para sa pananliksik na ito. Pagbisita

ko rito, napansin ko na kawili-wili ang mga interaksyon ng mga tindero at tindera sa mga

mamimili; kaakit-akit ang paraan ng pagkumbinsi nila sa mga mamimili na bumili ng isang

produkto. Sa mga sumusunod na pagbisita ko, napansin ko na parang iba ang paraan ng

pagsasalita ng mga tindero at tindera sa isa’t isa kumpara sa interaksyon nila sa mga

mamimili. Dahil dito, nabuo ko ng isang tanong na: Ano ang relasyon ng komunikasyon ng

mga tindero at tindera sa isa’t isa at komunikasyon nila sa mga mamimili?


Mga Obserbasyon

Sa unang pagbisita ko sa SM Department Store, inobserbahan ko yung mga salitang

ginagamit ng mga tindero at tindera para makumbinsi ang mga mamimili na bilhin ang mga

produkto nila. Sa pag-iikot ko, napansin ko na masaya ang kapaligiran, at maraming tao ay

nag-uusap sa isa’t isa. Mula rito, inobserbahan ko ang mga pag-uusap ng mga tindero at

tindera, at mamimili. Ginamit ng mga tindero at tindera ng mga termino gaya ng “buy 1 get 1

free,” “50% off,” at “sale.” Napansin ko rin na ang tono ng boses nila ay tunog

nanghihikayat, at palakaibigan ang kaugalian nila.

Ang ikalawang obserbasyon ko ay ang tono ng mga tindero at tindera habang nag-

uusap sila sa isa’t isa at sa mga mamimili. Habang nagsasalita sila sa isa’t isa, masaya ang

tono nila, mas kaswal din ang pag-uusap nila. Nag-uusap sila tungkol sa mga nangyayari sa

bansa, yung gagawin nila pagkatapos ng araw nila, at iba pang mga tungkol sa buhay nila. Sa

kabilang banda, ang paraan ng pag-uusap ng nila sa mga mamimili ay masaya rin pero hindi

lang kaswal ang pag-uusap nila, may pagkahalong pormal na tono rin.

Ang huling obserbasyon ko ay habang tumitingin ang mga mamimili sa mga

produkto, lumalapit ang mga tindero o tindera sa mga mamimili bilang senyales na handa

silang tulungan yung mamimili. Lagi silang naghahanda para sagutin ang mga tanong ng

mamimili o para makumbinsi nila yung mamimili na bilhin ang produkto. Ilang mga

halimbawa nito ay nangyari sa akin habang umiikot ako sa SM Department Store. Nang

pumunta ako sa may tindahan ng medyas, agad-agad na lumapit yung tindera sa akin para

masagutan ang mga tanong ko, at para ibigay ng mga suhestiyon para sa mga bibili ko.

Pagsusuri

Mula sa mga inobserbahan ko, narito ang mga salita at termino na nakuha ko mula sa

aking mga pagbisita:


 Deal: Isang ispesyal na paghahandog kung saan mapapakinabang ang

mamimili

 Sale: Isang uri ng deal kung saan nagkakaroon ng mas mababang

presyo ang isang produkto kaysa sa orihinal na presyo sa isang takdang

panahon

 Buy (bilang) get (bilang) free: Isang uri ng deal na sinasabi kung binili

mo yung bilang ng produkto na nakatakda sa deal, makukuha mo ng

libreng produkto. Nakadepende ang bilang at produkto sa mga

nagtitinda

 __% off: Paraan ng pagsasabi ng laki ng bawas sa presyo ng isang

bagay kung may sale

Maliban sa mga salita at termino, ito ang mga pahiwatig na naobserbahan ko:

 Paghihintay malapit sa mamimili: Nakahanda ang tindero o tindera

para sa mga tanong ng mamimili

 Pagngiti at pagtingin sa mamimili habang lumalapit siya: Isang

ginagawa ng mga tindero at tindera upang makuha ang pansin ng

mamimili

Sa pagsusuri ko, ang tungkulin ng mga ito ay upang makumbinsi ang mamimili na

bumili ang mga produkto na nasa department store. Base sa isang panayam na ginawa ko,

sabi ng isang tindera na sinusubukan nilang gawin ang lahat ng kanilang makakakaya upang

makabenta ng isang produkto. Pinapakita nila ang iba’t ibang varayti ng produkto, iba’t ibang

mga deals, at kung hindi makabili yung mamimili sa isang brand, ipinapadala yung mga

mamimili sa ibang brand upang magkaroon pa ng pagkakataon upang makabenta ng

produkto.
Ang problema lang na Nakita ko sa pagsusuri ko ay walang ispesipikong termino at

pahiwatig na ginamit sap ag-uusap ng mga tindero at tindera sa isa’t isa. Dahil dito, lilipat

ako sa mga pagsusuri ko sa kultura ng speech community. Kapag isang word lamang ang

gagamitin ko upang ilarawan ang speech community na ito, ang salita na pipiliin ko ay

pagkakaibigan. Ito yung salita na pinili ko dahil sa lahat ng interaksyon na Nakita ko, laging

nakangiti ang mga tao, laging nagkuwekuwentuhan, at laging palakaibgigan ang dating nila

sa isa’t isa. Sa papel nina Morrison at Cooper-Thomas (2016) mayroon silang sinabi tungkol

sa pagkakaroon ng kaibigan sa trabaho: “Employees with a best friend at work are seven

times as likely to be engaged in their jobs; in addition they serve customers better, have

higher well-being, are more productive, and are less likely to get injured on the job… (Rath

& Harter, 2010).” Sabi rin nina Ting at Ho (2017) na ang pagakakaroon ng mga kaibigan sa

trabaho ay may direktong positibong epekto sa pakikisangkot sa trabaho at sa pagsasagawa

nila sa trabaho. Mula sa mga sanggunian na ito, mahihinuha na nagiging mas magaling ang

mga tindero at tindera sa mga trabaho nila dahil sa mga kaibigan nila sa kanilang trabaho. Sa

konteksto ng isang tindero o tindera sa department store, baka makatutulong ang

pagkakaroon ng maraming kaibigan sa trabaho dahil puwedeng patalasin ang social skills ng

mga tindero at tindera sap ag-uusap nila sa mga kaibigan nila, at puwede rin itong magsilbing

ensayo bago nilang pagsilbihan ang mga mamimili. Dahil dito, ang komunikasyon ng mga

tindero at tindera sa isa’t isa ay puwedeng maging isang salik ng pagiging masaya ang pag-

uusap nila sa mga mamimili.

Konklusyon

Bilang buod, may relasyon ang komunikasyon ng mga tindero’t tindera sa isa’t

isa at ang komunikasyon nila sa mga mamimili hindi lamang sa pagtatrabaho, kundi sa

kultura rin. Nalaman ko na dahil sa pagkakaroon ng kaibigan ang mga tindero at tindera
dahil sa pag-uusap nila sa kanilang mga co-worker, nagkakaroon ng positibong epekto nito sa

kanilang pagsasagawa ng trabaho (na karaniwan ay pakikipagusap sa mga mamimili).

Maliban sa ambag na ito, nag-aambag din ang relasyon na ito sa kultura ng komunidad dahil

nagiging mas masaya at palakaibigan ang dating ng mga tindero at tindera sa mga mamimila,

na ang kinalabasan ay isang komunidad na may positibong kapaligiran at parang

magkakaibigan ang lahat. Mula rito, mahahanap ang pagkakaisa ng komunidad na ito mula sa

mabuting relasyon na bunga ng pagsasalita ng mga kasama rito sa isa’t isa.


Sanggunian

Morrison, Rachel L., and Helena D. Cooper-Thomas. "Friendship Among Coworkers". The

Psychology Of Friendship, 2016, pp. 123-140. Oxford University Press,

doi:10.1093/acprof:oso/9780190222024.003.0008. Accessed 1 Oct 2019.

Ting, Shueh-Chin and Mei-Hsin Ho. “The Influence of Workplace Friendship, Job

Involvement, and Organizational Identification on Job Performance: Administrative

Staffs of Private Science and Technology Universities in South Taiwan as an

Example.” (2017).

Ocampo, Nilo S. “Mga Varayti ng Wika,” Salindaw: Varayti at Baryasyon., 2012

You might also like