Pagsusuri para Kay B

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Pagsusuring pang

nobela
Para kay B
Ipinasa ni:
Dansson R. Caranto
IX-Einstein

Ipinasa kay:
Gng. C. Norrmann
Mataas na paaralang
Ramon Magsaysay High School
Espanya,Manila
Nobyembre 25, 2014
(2014-2015)

I. Pamagat
Para Kay B
II. May Akda
Lee, Ricky
Maiksing Biograpiya:
- Si Ricardo Lee o mas kilala bilang Ricky
Lee, ay ipinanganak noong
Marso 19, 1948
sa Daet, Camarines Norte at
kasalukuyang nabubuhay bilang isang
manunulat sa edad na 66.
Si Ricky Lee ay nakapagsulat na ng
mahigit na 150 produced film scripts,
limang dula, maraming artikulong
panlathalain, ilang maikling kwento, isang
script writing manual, at isang nobela.
May mahigit 50 trophies siya mula sa
kanyang mga pelikula, kabilang na ang
lifetime achievement award mula sa
Urian. Nagbibigay din siya ng libreng
scriptwriting workshop mula pa noong
1982.

III. Taon ng Pagpapasulat


©2008
Ngunit sa kabuuan ay,
limang beses itong nalathala.
1st printing: Nob. 2008
2nd printing: Dis. 2008
3rd printing: Peb. 2010
4th printing: Ene. 2012
5th printing: Peb. 2013

IV. Kahulugan ng Pamagat


A. Bago Mabasa:
- Noong una ang aking akala ay ito iyong
tipo ng libro na kagaya ng mga akda ni
Marcelo III lalo na iyong libro niya na
“Para sa Broken Hearted” dahil ito ay
parang magkatunog o magkaparehas ng
mensahe.
B. Pagkatapos Mabasa:
- Ngayon naman naintindihan ko na ang
“B” na tinutukoy dito sa nasabing nobela
ni Ricky Lee ay si Bessie na isa sa mga
pangunahing tauhan sa kwento na ito. Si
Bessie ay ang natatanging iniibig ni Lucas
na siyang pinaka pangunahing tauhan
dahil sinasabi dito na siya ang may akda
ng iba’t-ibang tauhan at kwento na
nakasaad sa libro.

V. Mga Tauhan
Unang Kwento:
1. Irene- isang wirdong babae na siyang hindi
makalimot sa alaala ng nakaraan.
2. Jordan- isang lalaki na naulila sa mga
magulang dahil pinatay ang mga ito ng
hinihinalang mga NPA. Ang lalaking minahal
ni Irene.
3. Fr. Zuñiga- ang kumupkop kay Jordan
pagkatapos ng pagpatay sa kanyang mga
magulang.
4. Sonya- ang stepmother ni Irene sa kanyang
ama.

Pangalawang Kwento:
1. Sandra- isang babaeng umiibig ng bawal sa
kanyang kapatid.
2. Lupe- Kuya ni Sandra na siyang iniibig niya at
iniibig din siya nito.
3. Ruben- asawa ni Sandra na walang alam sa
kanilang bawal na pag-ibig.
4. Belinda- ang anak nina Sandra at Lupe.

Ikatlong Kwento.
1. Erica- ang babaeng bida sa kwento na siyang
galling sa Maldiaga, isang lugar ng walang
pagmamahalan.
2. Matandang babae sa ilog- ang boses na
nagsasabi ng I Love You na siyang sinundan ni
Erica upang mapunta sa mundo natin.
3. Jake- ang lalaking hindi marunong magmahal ng
tama ngunit natuto dahil kay Erica.
4. Mrs. Baylon- ang ina ni Jake na siyang
pinakamalakas na taga-suporta sa pagiibigan
nila.

Ikaapat na Kwento:
1. Ester- isang babaeng nabyuda ngunit may lihim
na pagmamahal sa kapwa babaeng
nagngangalang Sara.
2. Sara- ang kanilang kasambahay noon pa man
na umalis sa kanila nang may mangyari sa
kanila ni Ester.
3. AJ- ikalawang anak ni Ester na siyang bakla
ngunit siya rin ang tumulong sa pagkikita nila ni
Sara muli.
4. Pio- ang matandang asawa ni Sara na siyang
alam ang kanilang pagiibigan kaya’t
nagpapahaba ng buhay upang kanya lamang si
Sara.

Ikalimang kwento:
1. Bessie- ang kaibigan ni AJ na siyang laging may
ka date sa kanyang bahay.
2. Lucas- isang manunulat na siyang minahal si
Bessie.
3. Brigs- isang ka-date ni Bessie na siyang
nambugbog kay Lucas.
4. Manang Belen- ang kumupkop kay Lucas dahil
sa kalunos lunos na kalagayan.
5. Charlie- ang parang naging mentor ni Lucas sa
pagsusulat.

VI. Buod
Unang Kwento:
-Si Irene ay taga San Ildefonso. Nakilala niya si
Jordan, isang ulilang lubos, sa isang clinic kung
saan ginagamot ang tama ng baril sa leeg nito.
Kinupkop ito ni Fr. Zuñiga at ginawang sacristan.
Naging magkaibigan sila ni Irene at sa kalaunan ay
nakaramdam ng kakaiba para sa isa’t isa. Nangako
si Jordan na pakakasalan niya si Irene baling araw.
Pinaalis ng mag asawang Ignacio si Jordan dahil sa
pambubugbog nito sa anak nila. Hindi na nakita ni
Irene si Jordan hanggang sa makatapos siya ng pag
aaral sa Maynila. Isang araw, nakita ni Irene si
Jordan sa isang hotel at sinundan niya ito. Pinaalala
niya kay Jordan ang pangako nito sakanya ngunit
hindi nito maalala ang lahat. Dinala ni Irene si
Jordan sa isang hotel at doon ay may nangyari
sakanila. Iniwan ni Irene si Jordan sa hotel habang
mahimbing itong natutulog.
Ikalawang kwento:
-Si Sandra ay isang magandang babae at maraming
manliligaw ngunit hindi niya malaman kung bakit
wala siyang magustuhan kahit isa sa mga ito
hanggang sa nagtama ang mga mata nila ng
kanyang Kuya Lupe at may naramdaman silang
kakaiba. Naging mas malapit pa sila sa isa’t isa at
naging tagpuan nila ang kanilang bodega kung saan
sila ay nagiging isa. Nalaman ito na kanilang mga
magulang at pinalayas ang kanyang Kuya Lupe.
Hindi na nila ito nakita hanggang sa mamatay ang
kanilang mga magulang. Lumuwas sa Maynila si
Sandra. Isang gabi, habang pauwi sila ng kanyang
nobyo na si Ruben mula sa Luneta, napadaan sila
sa isang madilim na parte ng Baywalk at doon niya
nakitang muli ang kanyang Kuya Lupe na siyang
nangholdap sa kanila. Kinuha nito ang cellphone ni
Ruben at tinawagan siya. Nagkita sila sa isang
motel at doon ay nagsanib na naman ang kanilang
mga katawan. Iniwan siya ni Lupe at hindi kalaunan
ay isinilang si Belinda.

Ikatlong Kwento:
-Si Erica ay mula sa kakaibang mundo na Maldiaga
kung saan ang mga tao ay hindi marunong
magmahal. Napunta siya sa kabilang mundo na
lahat ng tao ay marunong umibig. Nakilala niya si
Jake at minahal siya nito ngunit hindi niya
magawang mahalin ito. Iniwan si Jake at naging
isang sikat na TV host ngunit makalipas ang ilang
taon ay nagbitiw din sa trabaho dahil nais niyang
maalagaan si Jake. Naaksidente ito dahil sa
paghahanap sakanya kaya’t ni hindi na ito
makapagsalita.

Ikaapat na Kwento:
- Si Ester at Sara ay magkaibigan na simula bata.
Habang lumalaki si Ester, sinabi ng kanyang tito na
makikita niya sa bubong ng bahay kung sino ang
kanyang true love. Nagpakasal si Ester. Isang gabi,
umakyat siya sa bubong at nakitang umiiyak si Sara
at bnaisip niyang tama nga ang tito niya. Naging
malapit sila at hanggang sa may nangyayari na
sakanila. Umalis si Sara sa bahay nila. Ilang taon
ang lumipas, hinanap ni AJ, anak ni Ester, si Sara at
pinuntahan nila ito ngunit nalaman nilang may
asawa at anak na ito. Tuwing Biyernes ay
pumupunta sa bahay nila Ester si Sara.

Ikalimang Kwento:
-Si Bessie ay isang babae na hindi marunong
magseryoso, nymphomaniac at nangangarap na
maging isang actress. Nakilala niya si Lucas na
isang messenger at frustrated writer. Nagtrabaho si
Lucas para kay Bessie. Habang tumatagal lumalalim
ang nararamdaman ni Lucas para kay Bessie ngunit
hindi nga ito marunong magseryoso.

Ikaanim na kwento:
Ang totoong kwento sa totoong kwento
-Ang author ay ipinakilala bilang si Lucas. Biglang
lumabas ang limang panguahing tauhan at hinarap
si Lucas. Nais nilang ipabago ang wakas ng
kanilang mga kwento dahil para sakanila ay tila wala
itong closure at hindi happy ending. Samantala,
ayaw na ipabago ni Sandra at Ester ang kanilang
wakas.
Binago ng manunulat ang wakas ng ibang kwento.
Sinundan ni Jordan si Irene sa San Ildefonso,
humingi ito ng tawad at tinanggap naman ito ni
Irene. Bumalik sa pagiging isang TV host si Erica
mula ng mawala si Jake na napunta sa Maldiaga at
nagpakasal si Erica sa isang TV executive na
minahal niya hindi kalaunan. Tinapos ni Lucas ang
kwento, pumunta sa pad ni Bessie at iniwan sa
receptionist ang sinulat. Natanggap ito ni Bessie at
pinipigilang maiyak habang binabasa ang sinulat ni
Lucas.

Totoong Nangyari:
-Bitbit ni Lucas ang manuscript at dinala kay Bessie.
Kasama ni Bessie sa isang basketball court ang
mag amang Moncayao. Nakita siya ni Bessie at
lumapit ito. Binigay ni Lucas ang manuscript at
nalaman niya mula kay Bessie na kalive-in na nito si
Brigs, anak ni Colonel Moncayao. Inilagay ni Bessie
sa isang upuan ang manuscript at sinayawan ang
mga tao. Ang nakikita niyang Bessie ay isang
maduming babae at noon niya narealize na tapos na
siya sa kanyang kwento at lalong lalo na kay Bessie.

VII. Pagsusuri ng Nobela


A. Kalagayang Sosyal at Pangkabuhayan
- kung susumahin ang lahat ng kwento, sa aking
palagay ay makikita natin ang normal na Pilipino sa
pinakahuling istorya lalo na sa mga nakatira sa riles
na sina manang Belen at Charlie. Ang kalagayang
sosyal nila sa nasabing kwento ay kahirapan o
mahirap dahil nga sa deskripsiyon pa lamang ng
lugar nila ay mahihinuha mo na sa isip mo ang lugar
na kanilang tinitirahan. Ang mga mamamayang
mayayaman ay sa kwento nina Erica dahil sa
nasabing negosyo nina Mrs. Baylon na flower shop.
Ang mga tiwaling opisyal naman na kagaya nina
Mayor Ignacio at sina Colonel Moncayao ay
yumayaman lamang dahil sa mga katiwalian na
kanilang pinaggagagawa. At ang pinakahuli ay ang
eksenang kapit sa patalim na kagaya ng kay Bessie
na gumagawa ng mga ganung bagay upang
magkaroon lamang ng salapi.
B. Kulturang Pilipino
1. Magiliw na pagtanggap sa mga bisita – kung
iyong mababasa ang akda ay makikita mo ito sa
ikaapat na kwento. Dito kung saan ay bumisita sina
Ester sa bahay nina Sara ay magiliw naman silang
tinanggap nito at ang mga bata ay marunong
gumalang.
2. Ang tradisyon ng pag lilibing ng mga Katoliko –
makikita ang tradisyon/kultura na ito sa ikalimang
kwento dahil sa pagkamatay ng taong nagkupkop
kay Jordan noong siya ay maulila. Si Father Zuñiga
na siyang ililibing na ay iprinusisyon na lamang
imbis na isakay sa karo ng patay.

C. Pilosopiyang Pilipino
- Ang pilosopiya o teorya na siyang pinaniniwalaan
dito sa kwento na ito ay ang 4 sa kada 5 Pilipino
siyang sawi sa pag-ibig at ang isa ay mananatili
bilang masaya habang buhay.

D. Simbolismong Ginamit
- Ang simbolismo na ginamit sa akdang ito ay ang
hitsura na kung saan si Lucas ang ipinapalabas. Sa
harap ng libro ay may lalaking parang kumawala sa
isang bagay o alaala at mayroon siyang hawak na
manuscript at makikita din duon ang sombrero
niyang may nakasulat na “Awesome Me”.

E. Mga Terminolohiya
1. Nagpupuyos- ang ibig sabihin nito ay nag
uumapaw.
2. Bantulot- ang isa sa mga ibig sabihin nito ay ang
nag aalangan.
3. Proposition- ito ay isang pangungusap na
nagpapahayag ng opinion o argumento.
4. Conjure- isang bagay na siyang bigla na lang
lumabas sa kung saan.

VIII. Pagsusuring Pampanitikan


A. Mga teoryang ginamit
- Gaya nga ng nabanggit kanina ay ang teorya ni
Ricky Lee na “ 4 sa kada 5 tao ay sawi sa pag-
ibig at isa lang ang sasaya sa sa kanilang lima.”

B. Mga Kabisaan
- Bisa sa Isip – nabago ang aking pananaw
tungkol sa pag ibig dahil sa nasabing quota.
Mas lalong tumindi ang paniniwala ko na ang
pag-ibig ay binibigyan ng tamang panahon para
sa iyong kapares ay makita mong tunay at ikaw
ay sumakto sa quota na sinasabi.
- Bisa sa Damdamin – mas napansin ko na ang
aking pakiramdam tungo sa mga sensitibong
bagay na kagaya ng pag ibig ay lalong tumigas
at ako’y nagdesisyong huwag munang pumasok
o manghimasok sa mga ganyang bagay.
- Bisa sa Kaasalan – hindi naman nagbago ang
aking pag aasal tungo sa ganitong mga bagay.
Nananatili at mananatiling Neutral o tama lang
ang aking asal tungo sa mga bagay na ito.

IX. Konklusyon
- Sa kabuuan ako’y nagpapasalamat
kay Gng. Norrmann dahil sa
proyektong ito dahil na rin sa ito’y
nakatulong sa akin sa pag-angat sa
panibagong lebel ng buhay dahil hindi
naman ako nagbabasa ng libro at
ngayo’y ako’y naeengganyo magbasa
ng iba’t-ibang akda kahit na hindi
kailangan ng pagsusuri.
Ang Para Kay B ay isang akda na
kung saan tinatalakay ang limang uri
ng babae na kung saan iisa lamang sa
kanila ang magiging masaya ayon na
rin sa teoryang inilatag ni Ricky Lee.
Ito ay isang akda na siyang
nagpapaliwanag o nagpapakita ng
katotohanan ng buhay sa iba’t-ibang
aspeto nito. Tinatalakay rin nito ang iba’t-
ibang uri ng tao na siyang nakikipaglaban
sa iba upang mabuhay at makuha ang
taong minamahal o ang total na
kasiyahan sa buhay kasama ang
pinakapapangarap nilang mga bagay na
nais nilang maganap sa kanilang buhay.
X. Rekomendasyon
- aking nirerekomenda na ito’y inyong basahin dahil
madali ka lamang makasakay sa mga punto na
pinapakita ng may akda dito. Sa umpisa ay
maaaring makaramdam ka ng kakaunting
pagkainteres sa kwento dahil na rin sa sobrang
pagmamahal ang ipinupunto dito. Ngunit pag ikaw
ay lalong lumayo at patapos na ay mabibitin ka ng
tunay sa iyong mga ninanais na kaganapan.

XI. Bibliyograpiya
- NA-
Wakas

You might also like