Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

INTRODUKSYON

Maituturing ngang isang natatanging bansa ang Pilipinas batay sa pagkakaroon nito
ng iba’t ibang wika. Hango sa ating mga ninunong unang sumambit ng mga katagang
sinasalita natin ngayon, masasabi nating matagumpay ang pagrereserba ng ating wika.
Ngunit sa pagdaan ng panahon, maraming aspeto ang nakaapekto sa ating sinasalita. Sa
kadahilanang yumayabong ang teknolohiya at kahit na ibang wika ay atin na ring sinasalin.
Gayunpaman, umusbong ang ating pamamaraan sa paghihiram mula sa iba’t ibang etniko at
dayuhang wika. Mula sa ating wikang “Pilipino” na may dalawampung letra lamang,
nadagdagan ito walo at naging wikang “Filipino”. Marahil may mga haka-haka na sa patuloy
na panghihiram ng ibang wika, maaring mawala at maglaho na lamang ang ating kasarinlan.
Posible kaya ito" ngunit may iba lamang naniniwala sa ating wika ay nagpapayaman lamang
sa pamamagitan ng panghihiram. Ito raw ang nagpapayabong sa bokabularyo ng ating wika.
Sa pag!aaral na ito, susuriin ang mga hiram na salita mula sa itinuturing na wikang unibersal,
ang wikang Ingles. Kalakip na dito ang mga salitang walang katumbas sa Filipino at kung
paano ito nakakatulong sa pagpapaunlad at pagpapayaman sa ating wikang pambansa.

Bilang mga tao, ang bawat isa ay may kakayahang makapag-isip at makapagsalita
gamit ang wikang pambansa. Sa kasalukuyang panahon, nagiging moderno na ang ating
henerasyon at ang neolohismo ay patuloy na lumalaganap. Ang neolohismo ay may
kahulugan na “bago” na may kahulugang “pananalita, pagbigkas”. Ito ang tawag sa isang
bagong termino, salita o parirala na maaaring nasa proseso ng pagpasok sa pangkaraniwang
gamit, subalit hindi pa ganap na tanggap sa pang araw-araw na wika. Ito ay ang paglikha ng
mga bagong salita o bagong kahulugan. Dito mapapatunayan na dinamiko ang ating wika.
Malaki ang kakayahan nitong umangkop at makabuo ng mga bagong salita. Kung hindi
pumasok sa kultura ng wika ang neolohismo, maaaring natural itong mawala at maglaho na
lamang. Kung kaya’t ang pagtanggap ng madla o publiko ang pinakamahalagang dahilan
upang manatili ito bilang bahagi ng wika. Ninanais ng adbokasiyang ito na bigyang pansin
ang neolohismo bilang paksa upang mabigyang pansin ang paglaganap nito. Bigyang
kahalagahan ang neolohismo sa kasalukuyag panahon. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa
iba’t ibang paraan kung paano lumalaganap ang neolohismo sa modernong panahon.
Ang neolohismo ang maaring pinakamalaking problema ng tagasalin. Ang mga bagay-
bagay at mga bagong proseso ay nalilikha dahil sa teknolohiya, kasabay nito ang bagong
katawagan. Ito ay ang paglikha o pagbuo ng mga bagong salita na maaaring may malinaw na
batayan o wala. Maaari rin ito ay batay sa mga lumang salita na may bagong kahulugan.
KONSEPTWAL AT TEORITIKAL NA BALANGKAS

WIKA

Neolohismo

Lumang Mga Kolokasy Aponym Parirala Lipat


Likha Daglat Akrony
salita salitang on s ng na
m
namay hango salita salita
bagong
kahulug-
an

D I N A M I K O
Pagtatalakay/paglalahad ng mga kaisipan sa Konseptwal na Balangkas

Ang teoretikal na balangkas na ito ay naglalarawan sa kung paano nagbabago ang


wika sa kasalukuyang panahon. Ang wika ay makapangyarihan ginagamit ito ng mga tao
upang magsilbing tulay tungo sa pagkakaintindihan at pagkakaunawaan sa isa’t-isa.
Maraming klase ng wika sa buong mundo nakadepende ito sa lugar o bansa at bawat bansa
ay may uri ng dayalekto katulad sa Pilipinas na may mahigit isang daan ang dayalekto na
ginagamit na mga tao at patuloy na yumayabong. Ayon kay Lachica (2002), ang wika ay isang
bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na
batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa
pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin
itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan damdamin at mga
hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumikha ng tunog; at kabuuan din ito ng
mga sagisag sa paraang binibigkas.

Ang neolohismo ay isa sa mga uri kung bakit ang wika ay nagbabago, nagdagdagan,
nag-iiba, at nabubuo sa pamamagitan ng paggamit ng tao dahil sa pangangailangan upang
mas mabilis na maihatid ang impormasyon o mensahe tungo sa iba. Daan ang neolohismo sa
pag-unlad ng wika na ating ginagamit upang makabuo tayo ng mga salita na maaring
magamit sa ating pagkikipagkomunikasyon sa ibang tao o sa ibang bansa. Ang neolohismo
ay nahahati sa siyam na uri ito ay ang; lumang salita na may bagong kahulugan, likha, mga
salitang hango, daglat, kolokasyon, aponyms, pariralang salita, lipat na salita at acronym.
Bawat isa ay may kanya-kanyang pamamaraan kung bakit nagbabago ang isang salita

Nagbabago ang salita dahil ang wika ay isang dinamiko na patuloy na nagbabago sa
kasalukuyang panahon dahil narin sa paggamit ng tao at sa pangangailangan nito upang
magkaroon ng malinaw, mabilis, nakakaaliw, interesadong diskurso at progresebong
pakikipagtalastasan ng tao sa kanyang na kinabibilangang lipunan. Katanggaptanggap ang
bagong salita kung patok ito sa panlasa ng mga taong nakakarining dito, kahit paman hindi
masyado maintindihan ang mga bagong salita na nabubuo sa pamamagitan ng
pakikipagkomunikasyon mabilis naman itong natatanggap at naiintindihan ng tao dahil
naging bahagi na ito sa kanyang araw-araw na pamumuhay.
Paglalahad ng mga halimbawa

1. Lumang salita na may bagong kahulugan

Salita Lumang kahulugan Bagong kahulugan


Isang material na gawa sa mga Taong hindi tunay ang
Plastik
sintetikong organiko na malambot. ipinapakitang ugali
Sisiw Anak ng inahing manok Madali lang
Makulay na hugis arko sa
Bahaghari LGBTQ+
kalangitan
Marupok Madaling mabali o mabasag Babaeng makati
Betamax Tape Dugo ng manok
Ahas Literal na hayop na gumagapang Traydor na kaibigan
Pagbibiro o pagsisinungaling para
Bilog na bagay o laruan na
Bola makapanlamang o makuha ang
ginagamit sa mga palaro
gusto
Biased ang kompetisyon marahil
binayaran ang mga nag-oorganisa
Niluto Literal na pagluluto ng pagkain
ng patimpalak o malaki ang
impluwensiya ng kalahok sa kanila
Literal na pagpatong o paglagay ng Isang uri ng bribery o perang
Lagay
isang bagay inaabot na kalimitang ilegal
Retorikang parirala o motto sa
Hugot Talian ng mahigpit
buhaya
Dinatnan Nasaksihan o napuntahan Nagkaroon ng regla
Literal na tinaga ng matalim na
Tinaga Siningil ng malaki
bagay
Nganga Nakabukas nag bibig Walang magawa/nagawa
Isang maliit na tuldok na
Bituin Isang sikat na tao
kumikislap sa kalangitan
Buwaya Literal na hayop kurakot
Lugar kung saan lumalapag ang
Airport Noo
eroplano
Kasambahay Kasama sa bahay Katulong
Pokpok Pagpalo ng isang bagay Babaeng kaladkarin
Kapag wala nang karga ang baterya
Lowbat Pagod o nanghihina
ng gadget

2. Likha (coinage)

Jologs Char Yorme Lespu Goli


Werpa Jeprox Lodi Tsekot Bagets
Layshow Praning Petmalu Astig Imba
Yosi Noypi Hokage Etchos bae

3. Mga salitang hango (derived)

Bahagdan –bahagi+daan = porsiyento Sutokil – sugba+towa+kilaw = pagkain


Buntala – bunga+tala = planeta Tatsulok – tatlo+sulok = hugis
Pariugat – parisukat+ugat = ugat na
Siglakas – sigla+lakas = katangian
kwadrado
Punlay – punla+buhay = semilya Biglakas – bigla+lakas = katangian
Bantayog – bantay+tayog = monumento Tagislakas – tagisan+lakas = kompetesyon
Sociology – socio(society)+logos(study) =
Dulawit – dula+awit = panitikan
pag-aaral sa lipunan
Biology – bio(buhay)+logos(study) = pag- Astronomy – astronaut +autonomy = pag-
aaral ng buhay aaral sa mga celestial object
Homophobia –haima(dugo)+phobia(takot)
Sayawit – sayaw+ awit = panitikan
= pagkatakot sa dugo
Aquaphobia – aqua(tubig)+phobia(takot)= Cryophobia – cryo(lamig)+phobia(takot) =
pagkatakot sa tubig pagkatakot sa lamig
Kalarongan – karunungan+laro = palarong
Parihaba – parihas+haba = sukat
may kaalamang natutunan

4. Daglat (abbreviation)

Pangulo – Pang. Senador – Sen. Junior – Jr. Engineer – Engr.


Attorney – Atty. Binibini – Bb. Senior – Sr. Kagawad – Kgwd.
Ginang – Gng. Ginoo – G. Heneral – Hen. Santo – Sto.
Gobernador – Gob. Father – Fr. Kapitan – Kap. Santa – Sta.
Congressman – Cong. Doctor – Dr. Seargent – Sgt. Secretary - Sec

5. Kolokasyon (collecation)

Basag-ulo Kape’t gatas Pusong mamon Tanghaling-tapat


Hatinggabi Madaling araw Ningas-kugon Bahay-bata
Bahaghari Dalagang-bukid Balat-sibuya Anak-araw
Anak-pawis Ligaya’t lumbay Pusong ligaw Dapit hapon
Atake sa puso Madaling araw Kawan ng ibon Marangyang piging
6. Eponyms

Boycott Watt Volt Celcius


Braille Down syndrome Graham cracker Leotard
Atlas Fahrenheit Murphy’s law Poinsettia
Addison’s disease Cook island Alexandrine Victorian
Vogt syndrome Fluorescent Bumke’s syndrome Alzheimer disease

7. Pariralang salita

Pay-out Check-in Check-out Time-in


Time-out Tune-in Take-out Log-in
Log-out Sign-in Sign-out Push-in
Punch-in Point-in Point-out Jump-in
Jump-out Walk-in Walk-out Fill-in

8. lipat na salita (transferred word)

Japayuki Performer Entertainer Mania


Lesbian Bisexual Brunayuki Malaysian
Trans gender Trans woman Trans sexual

9. Akronim

CALABARZON – Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon


MIMAROPA – Mindoro, Marindoque, Romblon, Palawan
NCR – National Capital Region
ARMM- Autonomous Region of Muslim Mindanao
YOLO – You Only Live Once
ASF – African Swine Fever
SC – Supreme Court
BSP – Bangko Sentral ng Pilipinas
DPWH – Department of Public Works and Highway
PNP – Philippine National Police
DOE – Department of Energy
COA – Court of Appeals
DOLE – Department of Labor and Employment
CHR – Commission of Human Rights
SSS – Social Security System
HIV – Human Immunodeficiency Syndrome
AIDS – Acquire Immuno Deficiency Syndrome
OOTD – Outfit of the Day
ATM – At the Moment
SS – Stay Strong

PANANAW/REAKSYON

Inaasahang makakatulong ang adbokasiyang ito upang makapagbigay ito ng mga


ideya tungkol sa paglaganap ng neolohismo at mabibigyang pansin ang tamang paggamit ng
mga salitang nawawasto sa mga bagong salita. Magkakaroon ng kaalaman ang bawat isa sa
epekto ng mga impormal na salita sa kilos o gawi, pananalita, pag-iisip ng mga tao.

You might also like