Professional Documents
Culture Documents
Radio Broadcasting Script
Radio Broadcasting Script
Radio Broadcasting Script
IX- GALILEO
Program Title: Bilis Balita Ngayon
FORMAT: Balita
Station: DWST 10.05
Airtime: 8:00 a.m. – 8:05 am daily
Petsa ng Newscast: ika- dalawampu’t anim ng Nobyembre, dalawang libo- labing siyam
Limang drug suspect ang arestado ng pulisya sa 2 magkahiwalay ng operasyon ng Manila Police
District (MPD) nitong Miyerkoles.
Unang nahuli ang 3 lalaki matapos silang makuhanan ng hinihinalang ilegal na droga sa Sampaloc,
Maynila.
Nagsagawa ng anti-drug operation ang MPD Station 4-Drug Enforcement Unit dahil sa isang tip ng
concerned citizen ukol sa ilegal na gawain sa lugar.
Nagtungo ang mga pulis sa Buenos Aires street, Barangay 570, Zone 56 at nahuli nga ang 3 lalaki.
Nakuhanan sila ng 3 sachet ng hinihinalang shabu. Natuklasan pa na ang isa sa kanila ay nasa drugs
watch-list na.
Sa sumunod na operasyon sa Sampaloc pa rin, nahuli naman ang isang lalaki at isang babae sa
Paquita street corner Delos Reyes street sa Barangay 463, Zone 46.
nagbabalita ngayon.
At nagbabalik ang Bilis Balita Ngayon, boses ng bayan, sumasalamin sa katotohanan, BILIS
BALITA NGAYON.
GROUP III
IX- GALILEO
NEWS BROADCAST MSC FADE UNDER
HEATHER
Nakumpiska nitong Miyerkules ng gabi ang labing-apat na piraso ng ecstasy ng mga tauhan ng
Southern Police District (SPD) sa isang estudyante sa buy-bust operation sa Bonifacio Global
City (BGC) sa Taguig City.
Nahaharap ang suspek na si Kim Go, 21, ng Taguig City sa kasong paglabag sa Section 5 at 11
ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Isinagawa ang buy-bust operation laban sa suspek, sa pangunguna ng mga kagawad ng District
Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (DAID-SOTG) ng SPD sa BGC dakong 10:00
ng gabi.
Tumayong poseur buyer ng limang tableta ng ecstasy sa halagang P2,500 ang isang pulis. Sa
aktong pag-abot sa poseur buyer ay agad dinakip na ng mga pulis si Go, at nahulihan pa ng
siyam na ecstasy pills na isinilid sa isang candy box.
Ayon kay Taguig City Police chief Senior Supt. Allen Ocden, matagal nang nasa police
surveillance ang suspek matapos makumpirma ng ilang asset ng pulisya na nagbebenta si Go ng
ecstasy sa BGC at iba pang lugar sa Maynila.
Itutuloy ang follow-up operation ng awtoridad sa pamilya ni Go laban sa umano’y supplier niya
ng party drugs at iba pang kasabwat.
Para sa lokal na balita, Tanod todas sa tandem, para sa detalye narito si LMN, bilis, balita mo
ngayon!
Naliligo sa kanyang sariling dugo si Emilliano Pahayhay, alyas “Intoy”, tinatayang nasa 40
hanggang 45-anyos, ng Barangay Tambo, Paranaque City na may ilang tama ng bala sa iba’t
ibang bahagi ng katawan.
Dakong dakong 1:20 ng madaling araw naganap ang pamamaslang ng dalawang suspek na sakay
sa motorsiklong walang plaka sa Quirino Avenue, Bgy. Tambo batay sa ulat na nakalap ni
Parañaque City Police chief Senior Supt. Jose Carumba.
Batay sa ulat, nakatambay umano ang biktima sa lugar nang dumating ang mga suspek at
pinaputukan si Pahayhay.
Iniuugnay sa ilegal na droga ang motibo sa pamamaril lalo na’t kilala umano ang napaslang na
drug pusher sa kanilang lugar Ayon kay Carumba.
Ang programang ito ay inihatid sa inyo ng Pandayan Bookshop, kabalikat ng mga magaaral.