Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Hindi Pa Tapos

Isang hikab. Mahina ang tunog ng umiikot na electric fan pero rinig ito sa tahimik
na silid. Sa sobrang tahimik, unti-unti nang pumipikit ang mga mata ko. Naudlot nga lang
nung may bumagsak na kung ano man sa sahig. Bolpen ko lang pala. Pambihira!

Humikab ako ulit. Pangalawa na 'yon. Bilang panangga sa antok, tumingin-tingin


ako sa paligid. Halos lahat nakayuko, pasulyap-sulyap sa luntiang pisara sabay sulat ng
sagot sa dilaw na papel. Tipikal na nangyayari tuwing may gawain. 'Yung iba nga lang sa
papel ng katabi nakatingin. Meron ding iba na walang maisulat dahil panigurado, pagkain
ang nasa isip.

Nandoon pa rin ang antok pero pinigilan ko na ang pangatlong hikab. Sakto
namang tumayo ang titser at rinig ng lahat ang kaluskos ng upuan niya sa sahig. "Ten
minutes left!" sigaw ni ma'am. Kapansin-pansin ang pagmamadali ng lahat.
Nakakapagtaka tuloy kasi nag-iisa lang ata akong tapos na.

Tinignan ko ang papel ko at ang pisara. Biglang nanlamig ang mga daliri ko. Hindi
pa pala 'to tapos! May karugtong pa pala sa nakasulat kanina. Nako, hindi na yata aabot.
Saglit! Pwede pala, kaso baka mali-mali naman mailagay ko. Unti-unti nang napalitan ng
kaba ang antok. Hay nako, hindi na aabot, hindi na talaga aabot!

Naghalu-halo na ang kaba, inis at lungkot. Ang sakit sa ulo! Nandiyan ang kaba
kasi nga kulang na sa oras. Nandun din ang inis dahil namamanhid na ang kamay ko
kamamadali at sinamahan pa ng lungkot. Lungkot dahil iisa lang naman ang pwedeng
maging resulta nito: isang lumalagapak na grado.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa bolpen at niliitan ko na rin angsulat. 'Di bale


nang kulang, basta tama ang laman. Mas ayos na 'yon kumpara sa punong-puno nga,
puro mali naman. Binilisan ko lalo ang pagsulat at ramdam kong mabilis din ang
pagkabog ng dibdib ko. Maya maya, sumigaw ulit ang titser ng isang malakas at matinis
na "Times up!"

Tumigil ang lahat sa pagsulat at kasabay nito ang pagreklamo ng iba. Ako rin hindi
pa tapos, pero ano namang magagawa ko? Pinapasa na ang mga papel papunta sa
harap at mabilis itong kinolekta ni ma'am. Napansin niya yata na pagod na pagod kaming
lahat dahil ngumiti siya at sinabing "We will continue this activity tomorrow. Good bye and
thank you, class" nagdiwang ang lahat pero nanlata lang ako. Itutuloy pa pala bukas.
Namanhid ang mga kamay ko para sa wala. Pambihira!

You might also like