Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Gdan Paul T.

Aliboso
BSEE 1-3
Lipunan at Kasalukuyang Daigdig sa Aking Pananaw

Nasulyapan ko kung gaano kaganda ang taglay nitong mundo at paligid. Noon ito
ay ‘di hamak na maayos at matiwasay ngunit naglaon ang oras at ito ay kumupas. Ang
sanaysay na ito ay patungkol sa mga pangyayari ayon sa aking natuklasan. Ilalathala ko
dito kung ano ang mga kaganapan sa ating lipunan at mundong ginagalawan ayon sa
aking kaalaman at nakita ng aking mga mata. Kung paano tila mas lumupit itong ating
paligid.

Maraming magagandang mga tagpo tayong makikita sa ating kapaligiran. Minsan


ay may mga kaganapan na bigla na lamang magpapalambot sa ating puso dahil sa
kabutihan nitong taglay. Halimbawa na lamang ay mayroong isang estudyante na
nagsusumikap mag-aral para lamang sa kaniyang magulang o kaya mga sikat na tao na
handang tumulong sa mga naapektuhan ng sakuna. Hindi nauubos ang pag-asa sa ating
mundo. Dapat natin ipalaganap ang pagmamahal at punain ang mga pagkakamali. Dapat
lang mas pagtuunan ng pansin ang mga kamalian dahil ito ang kailangang baguhin. Sa
sandaling dumadami ang mabuti, nagiging talamak din ang makasalanan. Lalong lalo na
sa aspeto ng politika. Maraming katiwalian nagaganap dito at ito ay ng pagiging
mapanakit, madamot, at mapangsamantala nito.

Ang lipunan at kasalukuyang daigdig ay mapanakit. Sigalot na ang hapag natin sa


bubungad sa panibagong araw. Walang araw na walang balita na hindi masalimuot na
mensahe ang hatid. Marami na ang napapaslang. Kaliwa’t kanan ang putukan at tila
musika na natin ang pagkalabit sa gatilyo. Ang mga bala ay sumasabay sa pagbagsak
ng mga luha. Mapangutya rin itong mundong ito. May mga diskriminasyon dahil may mas
pinapanigan ang mga ito. Ang gobyerno ay lumikha ng mga gusali at imprastruktura
ngunit dugo ang ginamit ditong pintura. Hindi matutumbasan ng matataas na likha ang
bilang ng buhay na naagrabyado. Hindi nila ito maaaring ipanakip butas. Totoo nga ang
sinasabi nila na ang tae ay tae pa rin kahit nasa magarang sisidlan..

Ang lipunan at kasalukuyang daigdig ay madamot. Ipinagkakait nito ang


oportunidad. Ang mga lugmok na ay mas lalo pa nitong binabaon. Hindi pantay ang
distribusyon ng karapatan kaya ganoon na lamang handang mamatay ang iilan dahil
may kailangan silang buhayin. Ipinagkakait din nito ang boses ng mamamayan.
Binubusalan ng mga nakatataas ang mga nasa laylayan ng takot at pangamba. Siyang
onting hinihinging tulong na kanilang isinisigaw, pagbingi-bingihan naman ang binibigay
ng may mga may kapangyarihan. Hinahain lang sa kanila ay pagbabantat itong mga salat
sa kapangyarihan, rehas o libingan lamang kanilang pagpipilian.

Ang lipunan at kasalukuyang daigdig ay mapangsamantala. Binubuo na ito ng mga


ganid. Mga hayok sa kapangyarihan at kayamanan. Mga kurakot at mandurugas na
handang gawin ang lahat upang masipsip ang pera ng mga tao. Mga magnanakaw na
inaangkin ang mga salapi na hindi naman sa kanila kaya hindi matugunan ang mga
nangangailangan. Ang mga politiko na gahaman na nilalagay ang mga mahihirap sa
sadlak at dusa. Ang mga nagpapakain ay walang makain dahil binabarat nila ang mga
ito upang may mas kitain pa sila. Pinagsasamantalahan nila ang kamangmangan ng iba
upang makalamang sa kanilang kapwa. Kay lungkot lang isipan na ang mga kapos palad
ay naglalaro lang sa mga kamay nila. Dahil sa mga tigang na politikong ito, talamak na
ang tiwali sa ating lipunan. Marami na ang inaapi at inaabuso. Silang bumababoy sa
mundo ay sila pa ang malaya at nagpapakasasa. Lulutang din ang basurang itinapon nila
sa ilog.

Bilang isang mamamayan, ang aking mga nasaksihan ay iilan lamang. Nakabibingi
na ang panaghoy nitong ating minamahal na mundo. Nakakarindi na rin ang paghingi ng
mamamayan ng saklolo. Kulang ang tamang mga salita sa kanilang maling ginawa. Hindi
ito ang mundo na aking kinamulatan . Teka, hindi ba talaga ito ang mundo na aking
kinamulatan o sadyang ganito na talaga at huli na akong namulat sa lipunan? Ang
mamatay nang dahil sa’yo ay isang karangalan ngunit dapat mas piliin nating mabuhay
at magpatuloy upang ito ay mas lalong maalagaan.

Sa lahat ng katiwalian na nakita ko dito, tila walang nananagot. Ang kalaban ay


makapangyarihan at malalaking mga pangalan. Kaya may tanong ako, sira ba ang
timbangan?

You might also like