Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

DEMOKRASYA

Ang Pilipinas ay tinaguriang mayroong isang demokratikong pamahalaan. Ito ay


isang sistema ng pamahalaan ay inihalal ng taumbayan;ang pinuno ay may
pananagutan sa taumbayan. Ang demokrasya ay mahalaga para sa ating lahat sapagkat
ito ay ang pundasyon ng ating pagkakaisa. Sa isang demokratikong bansa gaya ng
Pilipinas ay may mahahalagang sangkap na dapat maisakatuparan: Ang Malaya, Patas
at Transparent na Halalan na kung saan ay kinakailangan ng pantay na partisipasyon
mula sa tao ang paghalal ng mga lider. Ang bawat Pilipino ay Malaya na pumili sa nais
nilang ibotong kandidato. Ang halalan ay dapat maisagawa sa malinis, tama, payapa, at
makatuturan.

Ang isang demokratikong bansa ay mayroong batas na nagsasaad ng Bill of Rights.


Kaakibat ng bawat probisyong naksaad ditto ay ang due process na iginagalang sa lahat
ng karapatang nakasulat sa listahan ng mga karapatan ng mga mamamayan naksaad sa
Bill of Rights. Ang tatlong pangunahing karapatan ay karapatang magtamasa ng buhay,
kalayaan at ari-arian. Ang ibang karapatan ay karapatang malayang pagpapahayag;
malayang pagdulog sa hukoman at iba pa. Dahil sa labis na kapangyarihan nakalagak sa
pamahalaan, kaya iginagalang ang due process upang maiwasan ang pang-aabuso ng
ilang makapangyarihang tao sa pagpapatupad ng batas. Ang isyu ng Extra Judicial
Killing at iba pang paglabag sa karapatag pantao ay halimbawa sa di pagsunog ng due
process.

Bagamat ang pamahalaan ang nagpapatupad ng batas, ang mga tao sa pamahalaan
ay saklaw rin ng bias ng mga batas. Ang accountability ay pagpapanagot sa mga tao na
nasa kapangyarihan kung may nagawa silang katiwalian, korapsyon, at pagdarambong.
Dito umiiral ang Rule of law na kung saan walang sinuman ang nangingibabaw sa
batas.

Upang ang Pilipinas ay masabing isang matagumpay na demokratikong bansa ay


kinakailangan ng mga mamamayan na magkaroon ng pagkakaisa.

You might also like