Paksa: Dapat Ba o Hindi Dapat Isabay ang Panliligaw sa Pag-aaral?
Lakandiwa: Ako ang inyong lakandiwa na naglilingkod lamang Sa paksang magaganap, matutunghaya’y isang bakbakan Dalawang mararangal na mambabalagtas sa ating harapan Ang panliligaw ba ay dapat o hindi isabay sa paaralan Kanilang pagpapahayag ay ating pakinggan Tayo na’t salubungin sila ng masigabong palakpakan Dapat: Sa aking pamumuhay dito sa daigdig Ay walang naranasang katumbas ng pag-ibig Nung ako’y elementary pa lamang Ay lubos ang paghanga’t tuksuhan Nang nag High School nama’y nakahanap ng kasintahan Tila ang buhay ko’y npuno ng kasiyahan Eh yung sa iyo naman? Puro lang ba seryosohan? Buong buhay ay kinulong sa silid-aralan Asan ang tinatamang kaluguran? Pakidikta naman nang ako’y maliwanagan Hindi Dapat: Iyong ligawan na iyong winiwika Hindi ba yan salot sa iyong hininga? Sa daming takda’t proyektong pinapagawa Nagawa mo pang makipaglandi sa iba Ako’y lubos naaawa sa iyong kamangmangan Kaya ang buhay ngayon sa asawa linalaan Ngunit asawa nga ba ang tawagan? Kung wala namang naganap na kasalan Hindi nakapagtapos dahil nabuntis ng katipan Ngayo’y nabubulol sa pakikipagtalastasan Ano nalang masasabi ng iyong paglilligawan Na isang malaking hadlang sa kinabukasan Mabuti sana kung ilulugar ang landian Ngunit magaganap pala sa mismong paaralan Dapat: Sa tingin ko’y ika’y nalipol sa katotohanan Na hindi ako kundi ikaw ang talunan Ngayo’y may bahay, pamilya, kaligayaha’y nasa akin Naiwan ka na kasama ang iyong librong inangkin Hindi salot kundi biyaya sa aking paningin Nabulag ka na ata sa kapal ng iyong salamin Ilang dekada ka na ding nawaglit sa minamahal na paaralan Sakaling bumalik man ikaw parin ay walang kasintahan Kawawa naman, sarili nalang ang kainuman Hindi Dapat: Una sa lahat ay hindi ako basagulero Di tulad sa iyo na ganda lng ang meron Wala kang maipagyayabang sa estado mo Tanungin mo ang sarili mo kung nakapagtapos ng kolehiyo? Kung ako’y walang karelasyon anong mali doon? Siguro Masaya ka ngayon sa piling niya Ngunit dahil sa iyong intelektwal ay meron na siyang iba Sana naisip mo yun bago ka nagpabagsak Ngayo’y hindi lamang isip kundi puso’y nawawasak Dapat: Ligawan lang naman, anong masama? Hindi Dapat: Ligawan nga lang siguro makakapaghintay yan? Dapat: Hindi ikaw ang magdedesisyon sa iyong kapalaran Kung kayo’y pinagtadhana’y di matatakasan Hindi Dapat: Kung tunay kang minamahal ay magagawang maghintay Huwag biglaan, dahan-dahan,hinay-hinay Lakandiwa: Atin munang hintuan ang inyong pagtatagisan Sapagkat parehas ay tana at nasa katuwiran Sa panahon ngayo’y hindi talaga makapagpasiya Kung ang pagmamahal at pag-aaral ay parehas ang halaga Ngunit kahit gayo’y naipakita ng mga makata Ang kadahilanan sa bawat pasya Tunay na napakaganda ng inyong inilathala Kaya hayaan natin ang hatol sa madla Ating palakpakan ang dalawang manunula Pantay lamang ang pahayag, panalo silang kapwa