Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KASULATAN NG SANGLA

ALAMIN NG LAHAT SA PAMAMAGITAN NITO:

Ang KASULATANG ito ay pinagkasunduan at isinagawa sa pagitan


nina:

Nicolas Palmes, nasa hustong gulang, at nakatira sa Block 7 Lot


8 Arellano St. Sta Ana Manila na sa kasulatang ito ay tinaguriang
NAGSANGLA;

at

_________________, nasa hustong gulang at nakatira sa No.


2510 Arellano St. Sta Ana Manila na sa kasulatang ito ay tinaguriang
PINAGSANGLAAN;

NAGPAPATUNAY

Na ang NAGSANGLA ay humiram sa PINAGSANGLAAN ng


halagang LIMAMPUNG LIBONG PISO ( P50,000.00) na tinanggap at
sumakamay ng NAGSANGLA ngayong ika-15 ng Setyembre 2019 na
pinapatunayan ng kanyang lagda dito. Ang nasabing pagkakautang ay
babayaran pagkatapos ng isang (1) taon o higit pa.

Bilang panagot sa nasabing pagkakautang, isinasangla ng


NAGSANGLA ang isang unit(2nd Floor) na sarili niyang pag-aari na
matatagpuan sa Block 7 Lot 8 Arellano St. Sta Ana Manila.

Bilang interes sa nasabing pagkakautang, pinapahintulutan ng


NAGSANGLA ang PINAGSANLAAN na kumuha ng upa sa nasabing unit,
na nagkakahalagang apat na libo (4,000) kada buwan sa loob ng
nasabing kasunduan.

Ang nasabing apartment ay tunay na pagmamay-ari ng


NAGSANGLA at walang ibang utang o sanlang pinanagutan.

Sakaling mabayaran ng NAGSANGLA ang nasabing pagkakautang


sa itinakdang panahon, ang kasulatang ito ay mawawalan ng bisa at
saysay. Subalit kung hindi naman niya ito magawang bayaran, ang
Kasulatang ito ay iiral at ipapatupad sa kaparaanang itinatakda ng
batas.

Maaaring i-renew ang kasulatang ito ng naaayon sa


mapagkasunduan ng NAGSANGLA AT PINAGSANGLAAN.

SA KATUNAYAN NG LAHAT, ang magkabilang panig ay lumagda


sa kasulatang ito ngayong ika-_________ sa Lungsod ng Maynila.

Nicolas Palmes
Nagsangla Pinagsanglaan

MGA SAKSI:

MARIA RUBY PALMES-NAVAYRA MARIA RECHILL PALMES

You might also like