Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Pinagmulan ng Pilipinas

Ibat'iba ang mga pala-palagay tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas. Ayon sa mga dalubhasa sa pag-
aaral ng balatlupa, noong unang panahon ang Pilipinas ay bahagi ng Asya. Walang dagat na
namamagitan sa Asya at sa Pilipinas. Nguni't dahil sa pagguho ng lupa, lindol, pagputok ng bulkan
at pagbaha ng yelo, ang bahagi ng lupang nag-uugnay ng Pilipinas sa Asya ay gumuho. Ngayon
ang nakikita natin sa lugar niyan ay tubig.

May mga nagpapatotoo na ang Pilipinas ay bahagi nga ng Asya noong unang panahon. Kamakailan
ay may natuklasang mga bungo ng hayop sa bundok ng Cordillera. Ang mga hayop na tulad nito ay
doon lamang nakikita ngayon sa ibang bansa sa Asya at wala sa Pi1ipinas.

Alinsunod naman sa mga mananalaysay, ang Pilipinas daw noong kauna-unahang panahon ay
bahaging labi ng malaking lupalop na lumubog sa dagat ng India na kung tawagi'y Lemuria. Ayon
naman sa iba, ito raw marahil ay bahagi ng nawalang lupalop Pacifico na kung tawagi'y Hu.

Ayon naman sa ating matandang alamat, noong unang panahon ay walang lupa kundi langit lamang
at tubig. May isa raw uwak na walang madapuan. Naisipan ng uwak na papaglabanin ang langit at
dagat. Nagkaroon nga ng labanan. Malalaking alon ang isinaboy ng dagat sa langit. Ang langit
nama'y naghulog ng malalaking bato sa dagat. Sa mga batong ito nagmula ang lupa. Isa sa mga
pulo ng lupang naturan ay ang Pilipinas.

Ang isa pang kinawiwilihang alamat tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas ay ang tungkol kina Silalak
at Sibabay. Nang lalangin daw ang mundo ng Punong Pinagmulan ang inunang lalangin ay dagat at
langit. Pagka't wala pang buhay noon sa daigdig, ang Punong Pinagmulan ay malulungkutin. Sa
kanyang kalungkutan siya ay napaluha. Dalawang patak na luha ang nalaglag sa papawirin at iya'y
naging ibon. Sapagka't walang pulong madapuan ang ibon, naibulong ng Punong Pinagmulan ang
"Nais kong magkaroon ng lupa at kakahuyang dapat madapuan ng ibon." Halos hindi pa nasasabi
ito, nang sa di-kawasa, nagkarobn ng lupa at gubat.

Sa puno ng kawayan sa lupang naturan, dumapo ang ibon. Tinuktok ng ibon ang isang biyas na
kawayan. Wari'y may mahiwagang tinig na narinig, "Lakasan mo ang pagtuktok." Nang tuktukin
nang buong lakas ang biyas ng kawayan, nabiyak ito at lumabas ang kauna-unahang lalaki. Siya ay
si Silalak. Isinunod ng ibon ang pagtuktok sa isa pang biyas ng kawayan. Nang mabiyak ang
kawayan, lumabas naman ang kauna-unahang babae. Siya ay si Sibabay.
Teorya ng Tulay na Lupa

Ang teoryang ito ay inihayag ni Fritj of Voss. Isinasaad ng teoryang ito na kabit-kabit dati ang mga lupain
ng mundo at nagmukha lamang hiwa-hiwalay dahil natunaw ang mga bundok ng yelo. Ito ang naging
dahilan ang paglalakbay ng mga tao sa iba’t ibang kontinente.

Teorya ng Bulkanismo
Ito ay inilahad ni Bailey Willis. Sinasabi ng teoryang ito na ang Pilipinas ay sumulpot dahil sa malakas na
puwersa at pag-galaw na naganap sa kailaliman ng dagat may 200 milyong taon ang nakalipas.

Teorya ng Diyastropismo
Ang diyastropismo ay ang ang pag-galaw ng ibabaw na lupa na nagsanhi ng pagkawala ng hugis ng mga
bato. Napaibabaw sa tubig ang mga magagang bato at ibang materyal na tumaas kaysa sa dagat.

Teorya ng Pagkaanod ng Kontinente (Continental Drift)


Inalahad ito ni Alfred Wegener noong 1912. Isinasaad dito na noong 200 milyong taong nakakalipas, iisa
lamang ang kontinente sa mundo, ang Pangea. Malipas ang ilang daang taon, Ito ay nahati sa sa
dalawang kontinente, ang Laurasia at Gondwanaland, at nahati pa ang mga ito sa iba't ibang lupa na
katulad ng sa kasalukuyan.

You might also like