Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

HOLY CROSS OF AGDAO

R. CASTLLO St. Agdao Davao City


UBD Learning Plan

ARALING PANLIPUNAN 8
Ginoong Aljohn B. Anticristo

Paksa: Yunit 1- Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig


Bilang ng Sesyon: 10 Araw
Agosto 15-30, 2017

ANTAS 1: INAASAHANG BUNGA


Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran na nagbigay-daan
sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa
pamumuhay ng kasalukuyang panahon.

Pamantayan sa Pagganap:
Nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga
pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na
henerasyon.

Kakailanganing Pag-unawa :
Maipakikita ang pag-unawa sa mga naging pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa
pamamagitan ng preserbasyon at pagpapaunlad.

Mahalagang Tanong :
Paano maipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga
sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa mga hamong dulot ng kapaligiran?

Dating Kaaalaman :
Ang kultura ay mahalagang malaman upang magkaroon ng pagkakaintindihan at
pagkakaunawaan.
Ang heograpiya ay tumutukoy sa katangiang pisikal ng mundo, gayunpaman mahalagang pag-
aralan ito upang matukoy ang ibat-ibang katangian nito at ang interaksyon ng tao dito.

Transfer Goal:
Nais kong matutunan ng aking mga mag-aaral ang kahalagahan ng Heograpiya sa pag-usbong
ng mga sinaunang kabihasnan. Ang kultura ay mahalagang pag-aralan upang maunawaan at
maintindihan ang ibat-ibang uri ng pamumuhay mayroon ang mga sinaunang kabihasnan,
gayundin ang implikasyon nito sa kasalukuyang salinlahi.

Nauunawaan ng mag-aaral ang :


 Kinalalagyang Relatibo
 Kinalalagyang Absolute
 Continental Drift
 Plate Tectonics
 Pacific Ring of Fire
Ang mga mag-aaral ay inaasahan na :
Nasusuri ang Heograpiyang Pisikal ng daigdig.
Naipaliliwag ang mga Katangian pisikal ng daigdig.
Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon at ng mga tao sa daigdig.
ANTAS 2: PAGTATAYA

Inaasahang Pagganap/Produkto
Pagtataya gamit ang GRASPS:

Layon – Pagbuo ng Photo Exhibit. Layuning ng gawaing ito na maunawaan at maipaunawa sa


mga mag-aaral na mahalaga ang ginagampanan ng heograpiya sa paghubog ng sinaunang
kabihasnan kung kayat dapat paunlarin at ipreserba ng kasalukuyang henerasyon.

Gampanin - Ang mga mag-aaral ay gaganap bilang


 Photographer- mangangalap ng mga pamanang iniwan ng mga sinaunang
tao at lalapatan ng larawan at iaayos sa isang galeriya.
 Animator – gagawa ng isang animation ang mga pamanang iniwan ng sinaunang
tao at upang mapag-aralan at maitampok ng kasaluyang henerasyon.
 Pinuno ng isang organisayon – na bubuo ng isang resolusyon ukol sa
Pangangalaga, pagtatampok, at pagpreserba ang
mga pamana ng mga sinaunang tao na ipapasa
sa lokal na pamahalaan.
Manonood – kapwa mga mag-aaral, guro at maging mga magulang.
Sitwasyon – Nakaligtaan ng mga kabataan sa ngayon na ang mga gamit o kultura na
pinakikinabangan ngayon ay nag-ugat sa mga sinaunang kabihasnan.
Produkto – Makabubuo ng sumusunod:
 Mga larawan para sa photo exhibit
 Kopya ng animation patungkol sa pamana ng sinaunang tao
 Resolusyon sa pagtatampok, preserba, at pangangalaga sa naiwang mga pamana ng
sinaunang tao.
Pamantayan – Ang pamantayan sa paghatol ay ang Rubrics sa pagbuo ng Photo Exhibit.

Rubric sa Pagmamarka
Kraytirya Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailanga
n pa ng Dagdag
(4) (3) (2) na pagsasanay
(1)
Nakapokus sa Nakapokus sa Ikalahatan, Hindi nakapokus
Pokus paksa ang lahat paksa ang nakapokus sa sa paksa ang mga
ng pahayag o sa karamihan sa paksa ang mga larawan at mga
mga larawan mga pahayag o sinabi o inilarawan pahayag
larawan
Nakahihikayat at Gumagamit ng May Simple at limitado
Panghihikayat kawili-wili ang ilang mga pagtatangkang ang mga larawan
mga larawan at larawan at makagamit ng at pahayag
pahayag pahayag na nakahihikayat na
nakahihikayat larawan at
pahayag
Nakaaantig ang Bahagyang Walang gaanong Wala kahit anong
Damdamin mga larawan at nakaaantig ng damdamin ang damdamin ang
pahayag na damdamin ang mga larawan at pahayag
ginamit mga larawan at mga pahayag
pahayag
Wasto lahat ang May isa o May ilang mali sa Karamihan sa
Kawastuan mga ibinigay na dalawang mali sa mga ibinigay na ibinigay na datos o
larawan at mga ibinigay na datos o impormasyon ay
pahayag datos o impormasyon mali
impormasyon
Sapat ang detalye May sapat na May kalabuan ang Walang gaanong
Katwiran at lubhang detalye ngunit mga pahayag at detalye at Malabo
malinaw ang hindi malinaw mga larawan ang mga katwiran
ginamit sa ang ilan sa
katwiran katwiran
Maayos ang Hindi gaanong Hindi maayos ang Magulo ang
Paglalahad paglalahad o maayos ang pagkakalahad o pagkakalahad o
pagkakasulat paglalahad pagkakasulat pagkakasulat

Antas ng Pag-unawa: Ang mga mag-aaral ay maipamamalas ang pag-unawa sa paksa gamit
ang 6 Facets of Understanding.

1. PAGPAPALIWANAG
 Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng heograpiya.
 Kraytirya: Malalim ang kallidad ng imporsyon.
2. INTERPRETASYON
 Sa tulong ng heograpiya, mas naging malinaw at makabuluhan ang pag-aaral
ng kasaysayan ng mga sinaunang kabihasnan.
 Kraytirya: Malalim ang kalidad ng impormasyon
3. PAGLALAPAT
 Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura at mga naambag ng mga sinaunang
kabihasnan
 Kraytirya: Pagpapahalaga
4. PERSPEKTIBO
 Paano naimpluwensyahan ng heograpiya ang ating kultura at ang mga
sinaunang tao?
 Kraytirya: Katapatan at may katutuhanan.
5. EMPATYA
 Kung ikaw ang punong barangay ng inyong lugar, paano ka makatutulong sa
pangangalaga sa pisikal na ganda ng inyong kapaligiran?
 Kraytirya: May katapatan at may katutuhanan.
6. PAGKILALA SA SARILI
 Para sa iyo, nakaaapekto ba ang heograpiya sa paghubog ng iyong pagkatao?
 Kraytirya: May Katapatan

Iba pang Pagtataya:


Formative: Ipasasagot ng guro sa mga mag-aaral ang mga Tiyakin at Linangin.
Summative: Unang Markahang Pagsusulit.

ANTAS 3: PLANO SA PAGKATUTO


Gabay sa Pagtuturo-Pagkatuto ng Aralin

I. Introduksyon
Araw 1
Aralin 3-Impluwensya Ng Heograpiya Sa Pagbuo At Pag-Unlad Ng Mga
Sinaunang Kabihasnan Sa Daigdig
Picture Analysis
 Gamit ito ay ipapakita ang isang larawan na nagpapakita ng mapa ng Asya .
 Gagamitin nila ito upang masagot ang mga katanongan na nasa subukin.
Pagtatalakay:
 Impluwensya ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan
 Pagbibigay ng ipagpaunang gawain
Pangkatang gawain:
 Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng pagbabahagi ng mga gawain
 Isang palabunutan ang isasagawa upang maiatas ng maayos ang mga paksa na
kanilang iuulat at ibabahagi sa klase .
Pangkat 1
Mesopotamia
(Fertile Crescent)
Pangkat 2
Ehipto
Pangkat 3
India
Pangkat 4
Tsina

II. Interaksyon
Araw 2
Pag-uulat
Mesopotamia
( Fertile Crescent)
Paglalahat at Pagbubuod ng gawain
 Ang mga mag-aaral ay inaasahang magkakaroon ng mga katanongan ukol sa paksang
inulat.
Pagtataya
 Ang Bawat Grupo ay magbibigay ng isang maikling pagsusulit .

Araw 3
Pag-uulat
Ehipto
(Biyaya ng Nile)
Paglalahat at Pagbubuod ng gawain
 Ang mga mag-aaral ay inaasahang magkakaroon ng mga katanongan ukol sa paksang
inulat.
Pagtataya
 Ang Bawat Grupo ay magbibigay ng isang maikling pagsusulit .
Araw 4
Pag-uulat
India
Paglalahat at Pagbubuod ng gawain
 Ang mga mag-aaral ay inaasahang magkakaroon ng mga katanongan ukol sa paksang
inulat.
Pagtataya
 Ang Bawat Grupo ay magbibigay ng isang maikling pagsusulit .
Araw 5
Pag-uulat
Tsina
( Silk Road)
Paglalahat at Pagbubuod ng gawain
 Ang mga mag-aaral ay inaasahang magkakaroon ng mga katanongan ukol sa paksang
inulat.
Pagtataya
 Ang Bawat Grupo ay magbibigay ng isang maikling pagsusulit .

Araw 6
Pagtatalakay
 Mga iba pang Sinaunang Kabihasnan
1.1- Phoenicia
1.2- Palestina
1.3- Hittites
1.4- Persiano
Pagtataya:
Ipapasagot ang Tiyakin sa pahina (76).

III. Integrasyon
Araw 7
Gabay na tanong: Paano nakatulong ang mga sinaunang kabihasnan sa paghubog at
pag-unlad ng sibilisasyon sa daigdig.
Gawain:
 Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng mga kontribusyon ng sinaunang
kabihasnan na ginagamit parin natin ngayon sa kasalukoyan .

Rubriks sa Pag-iskor
Kraytirya Katangi-tangi Mahusay Katamtaman Kailangan pa ng
4 3 2 dagdag na
pagsasnay
1
Lubhang Makabuluhan at Hingdi gaanong Mali ang
makabuluhan at wasto ang makabuluhan t mensaheng
wasto ang mensaheng wasto ang binigyan ng
Interpretasyon mensaheng binigyan ng mensaheng interpretasyon
binigyan ng interpretasyon binigyan ng
interpretasyon interpretasyon
Angkop na Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop
angkop ang estilo at angkop ang ang estilo at
Estilo estilo at materyales na estilo at materyales na
materyales na ginamit materyales na ginamit
ginamit ginamit
Napakamasing Masining ang Hindi gaanong Hindi makasining
Pagkamasining ng pagkakagawa pagkagawa masining ang ang pagkagawa
pagkagawa
Napakalinis at Malinis at Hindi gaanong Hindi makinis at
Pagkagawa napakakinis ng makinis ang makinis at malinis ang
pagkagawa pagkagawa malinis ang pagkagawa
pagkagawa
Kawastuhan Wasto ang mg May limang mali Maraming mali Mali ang ipinakita
ipinakita sa ipinakita sa ipinakita

Araw 8
Role Playing
 Magkakaoon ng tatlong grupo para sa gawain
 Magsasagawa ang mga mag-aaral ng isang maikling pagsasadula ukol sa
pamumuhay ng mga sinaunang tao at kabihasnan sa asya.

Araw 9
Paglalahad ng Gawain
 Ang bawat mag-aaral ay ipapakita ang kanilang mga pinaghandaan na mga
presentasyon para sa gawain
 Sa pamamagitan ng isang palabunutan ay malalaman ang pagkakasunod-sunod ng
mga presentasyon
 Sila ay bibigyan ng puntos ayon sa krayterya sa itaas
Araw 10
Pagbubuod ng mga Paska
 Itatalakay ang koneksyon ng bawat paksa sa isat-isa
Ipapasagot sa mga mag-aaral ang gawain sa linangin sa pahina 81-84

Panapos:
Ipagawa sa mga magaaral ang kasanayan sa Isabuhay sa pahina(51)

Pagpapahalaga:
 Pagkamasigasig
 Pagkamalikhain
 pagkamakakalikasan

Date Submitted:

Received By: Noted & Approved By:

John Rodolfh C. Zaspa Sr. Ma. Conception E. Mendez, TDM


Academic Coordinator School Principal

You might also like