Akademikong Sulatin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF THE EDUCATION

Region IV-A, Division of Rizal

TANAY–SAMPALOC NATIONAL HIGH SCHOOL

MALIKHAING SULATIN
Isang proyekto na iniharap kay
Gng. Elsie Panizales-Dela luna
Guro sa Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Bilang bahagi ng Pagtupad sa mga
Gawaing Kailangan sa Pagtatamo ng
Pampinal na Marka
Sa Asignaturang Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
Ni
Ruvin Insem Bardago
Prologo
Ang proyekto na ito ay naglalayong
ihayag ang anim sa labing isang
akdemikomg sulatin, kung saan
nagbibigay ng impormasyon at
halimbawa sa isa nito. Ito ay maaaring
makatulong sa mga nangangailangan
ng impormasyon patungkol sa iba’t-
ibang sulatin na kanyang ihahayag at
makapagbigay halimbawa upang may
basehan kung paano at ano ang dapat
gawin sa Akdemikong Sulatin.
Ang nagmamay-ari ng proyektong
ito ay nagpapasalamat sa lahat ng
tumulong, lalong lalo na kay Gng.
Elsie P. Dela Luna kung saan siya ay
gumabay at tumulong upang Sulatin.
makagawa ng isang Akdemikong
Nagpapasalamat din siya sa
kanyang kamag-aral bilang
ikalawang gumabay sa kanya
upang magawa ang proyektong ito.
Nagpapasalamat din siya sa
kanyang magulang dahil sa suporta
sa kanyang paggawa nito, at higit
sa lahat sa Diyos na gumagabay sa
kanya.
TALAAN NG NILALAMAN
Introduksyon…………………...…1-2
Replektibong Sanaysay……………3
Sintesis…………………………..….4
Panukalang Proyeko……………….5
Talumpati……………………………6
Pictorial Essay………………………7
Introduksyon
Akademikong Sulatin
Ang akedimikong sulatin ay
isang uri ng pagsulat ng kung saan
ito ay naglalaman ng mga
mahahalagang impormasyon, ito ay
ginagamit upang maibahagi nila ang
kanilang mga nalalaman sa ibang
tao. Ito ay nakabatay sa personal
na buhay o di kaya pang-akademiks
at intelekwal ng pangunahing
tauhan. Sa pamamagitan ng
akademikong sulatin malalaman
natin ang kwento ng bawat
Replektibong Sanaysay
Ang Replektibong Sanaysay ay isang uri ng panitikan na nakapasailalim sa
isang anyong tuluyan o prosa. Ang Replektibong Sanaysay ay nangangailangan sa
sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa. Isa itong masining na
pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang
partikular na pangyayari.

Halimbawa:

“Edukasyon ay para sa lahat”

Ang Edukasyon ay tunay ngang isang mabisang sandata para sa


pagbabago. Ngunit lahat nga ba ng kabataan ay nakakamit ang pag-aaral? Sa
malamang ay hindi dahil sa nababasa at napaanood naten sa pahayagan ay
maraming bilang parin ng ang hindi nakakapag-aral.

Noong ako ay nasa ikalimang baiting pa lamang nagkaroon ako ng


kamag-aral na tumigil sa pag-aaral upang tumulong na lang sa pagtatrabaho sa
kanyang mga magulang. Kahirapan parin ang unang dahilan kung bakit marami ang
hindi nakakapag patuloy ng kanilang pag-aaral. Kaya ito ang dapat pagtuonan ng
pansin ng gobyerno ang mahanapan ng solusyon kung paano mapapababa ang
bilang ng hindi nakakapag-aral. Dahil batid nating lubhang mahalaga ang Edukasyon
para sa mga kabataan. Importanteng mahasa ang kanilang isipan ang mahubog ng
husto ang kanilang pagkatao. Dahil darating ang isang araw na sila naman ang
mangunguna sa ating bayan.

I paglaban natin ang karapatan ng bawat kabataan na mabigyan ng


libreng makapag-aral sa paaralan. Ayon nga sa ating pambansang bayani, “Ang
kabataang ay ang pag-asa ng bayan.”
Lakbay Sanaysay
Ay isang sanaysay na ang pinanggagalingan ng mga ideya nito ay mula sa
pinuntahang lugar, hindi lamang ang lugar ang tinatampok dito pati na rin ang mga
kultura, tradisyon, pamumuhay, uri ng mga tao, damdamin ng isang taong
nakaranas pumunta sa isang partikular na lugar at lahat ng aspektong natuklasan ng
isang manlalakbay.

Halimbawa:

Bago pa man sumikat ang araw nakahanda ang grupo ni Ruvin upang
puntahan ang Mount Daraitan. Sumakay sila ng trycicle upang makarating sa
paradahan papuntang Brgy. Daraitan. Habal-habal ang kanilang sinakyan, ang
habal-habal ay isang motor na ginagamit para sa malulubak na daanan. Ang
pamasahe ay umaabot sa 100 o mahigit depende sa layo. Medyo malubak ang
daanan sa pagpunta sa Brgy. Daraitan at medyo matarik. Sa kasagsagan ng
paglalakbay makikita ang iba’t-ibang mga tanawin at mga ilog. Bago tuluyang
marating ang Mt. Daraitan kailangan munang tawirin ang ilog. Ayon sa mga
residente titanatanggal ang tulay kapag may mga parating na bagyo at ibinabalik din
nila pagkatapos. Isa sa mga dinarayo ng mga turista rin dito sa Brgy. Daraitan ay
ang “Daraitan River” na namamangha karin sa ganda at linis ng ilog na ito. At ng
kami ay nasa paanan na ng Mt. Daraitan inihanda na naming ang mga
kakailanganing gamit. Sinimulan naming ang pagakyat medyo may kahirapan ngunit
kakayanin. Makikita rin dito ang mga ibong bato-bato. At sa wakas ay narating na
naming ang tuktok ng Mt. Daraitan. Makapigil hininga ang tanawing makikita mo at
mga ulap na abot kamay.
Bionote
Ang bionote ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang
magtatanghal o sinumang magiging panauhin sa kaganapan o event. Kadalasan na
may makikita ang bionote sa likurang ng pabalat ng libro na may kasamang larawan
ng awtor o ng may akda.

Halimbawa:

Ruvin Bardago 21 yrs old nakapagtapos ng kursong Bachelor of Science in


Education sa New Era University. Nakatanggap siya ng paranggal bilang Best Writer
of 2019 dahil sa kanyang kamanghangmanghang gawa sa isinagawang Gawad
Parngal 2019. Marami ang nabibighani sa kanyang mga gawa dahil ito ay
pumapatungkol sa mga katatakutan.
Pictorial Essay
Ito ay tinatawag din bilang photo essay. Isa itong kamangha-manghang anyo
ng sining nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga
larawang sinusundan ng maiikling deskripsyon/kapsyon kada larawan.

Halimbawa:

SA LIKOD NG MGA
NGITI

Siya si Ruvin Bardago isang estudyanteng masayahin, matulungin sa


magulang, at maka- Diyos. Determinado siya sa kanyang pag-aaral upang makamit
ang kanyang pangarap.Sa kabila ng kanyang pagiging masayahin nakakaranas din
siya ng mga kapighitian dala ng mga iba’t-ibang suliranin sa buhay. Nalulungkot din
ngunit hindi niya ito ipinapakita sa mga tao sa kanyang paligid dahil, siya ang unang
nagpapasaya sa mga taong nalulungkot din at nahihirapan. Tinutulungan niya ang
mga nangangailangan sa abot ng kanyang magagaawa. At higit sa lahat hindi niya
nalilimutang ang kanyang paglilingkod sa Diyos bilang kaanib sa loob ng Iglesia ni
Cristo.
Katitikan ng pulong
Ito ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong. Isinusalat dito ang
tinatalakay sa pagpupulong ng bahagi ng adyenda. Nakasulat dito kung sino-sino
ang dumalo, anong oras ng simula at nag wakas ang pagpupulong gayundin ang
lugar na pinagganapan nito. Ito ang nagsilbing tala ng isang malaking organisasyon
upang maging batayan at sanggunian ng mga bagay na tinatalakay.

Halimabawa:

Paksa: Year-end Party

Petsa: September 25, 2019

Oras: 5:00pm

Pagdarausan: G11-Galileo(room)

Mga Dumalo: Mga di-dumalo

Ruvin Bardago Kenth Viray

Jhon Soler Kenneth Resu

Rose Jerusalem

Steven Mark

Jay Amit

Mj Tongohan

Ipinaliwanag ni Ruvin Bardago kung ano ang mga dapat dalhin na gamit
at pagkain. Sa gamit ito ay mga kagamitang maaaring magamit sa pagdedesenyo at
sa pagkain naman ito ay (kanin, lechong manok, lumpia, adobo, at cake). Nagtanong
si Rose kung magkano ang magagastos sa lahat. Ang lahat ng magagastos ay
1,325. Isinuhestiyon ni Steve na kung maaaring magkaroon ng videoke at hindi ito
naaprubahan dahil kinulang sa budget. Idinagdag pa ni Ruvin kung ano pa ang
maaaring gawing aktibidad at ang suhestiyon naman si Rose na kung maaaring
magkaroon ng Parlor games at naaprubahan naman. At sa huli muling binanggit ni
Ruvin ang mga kakailanganin at mga dapat maganap.
Agenda
Ang kahulugan ng salitang agenda ay plano o mga Gawain na kailangang gawin.
Karaniwang gumagawa ng agenda sa mga pagpupulong kung saan inillista o
isunusulat nila ang mga paksang kailangan nilang pag-usapan.

Halimbawa:

Petsa: September 25, 2019 Oras: 5:00pm-5:30pm

Lugar: G11-Galilelo(room)

Paksa/Layunin: Year-end Party

Mga Dadalo:

1. Ruvin Bardago
2. Jhon Soler
3. Kenneth Resu
4. Kenth Viray
5. Rose Jerusalem
6. Steven Mark
7. Mj tongohan
8. Jay Amit

Mga Tatalakayin:

 Mga dadalhing kagamitan para sa pagdedesenyo


 Mga pagkaing dadalhin
 Magkano ang magagastos
 Mga ibang pang maaaring maging aktibidad

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF THE EDUCATION

Region IV-A, Division of Rizal

TANAY–SAMPALOC NATIONAL HIGH SCHOOL


MALIKHAING SULATIN
Isang proyekto na iniharap kay
Gng. Elsie Panizales-Dela luna
Guro sa Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Bilang bahagi ng Pagtupad sa mga
Gawaing Kailangan sa Pagtatamo ng
Pampinal na Marka
Sa Asignaturang Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
Ni Jhon Christian T. Soler

Prologo
Ang proyekto na ito ay naglalayong
ihayag ang anim sa labing isang
akdemikomg sulatin, kung saan
nagbibigay ng impormasyon at
halimbawa sa isa nito. Ito ay maaaring
makatulong sa mga nangangailangan
ng impormasyon patungkol sa iba’t-
ibang sulatin na kanyang ihahayag at
makapagbigay halimbawa upang may
basehan kung paano at ano ang dapat
gawin sa Akdemikong Sulatin.
Ang nagmamay-ari ng proyektong
ito ay nagpapasalamat sa lahat ng
tumulong, lalong lalo na kay Gng.
Elsie P. Dela Luna kung saan siya ay
gumabay at tumulong upang Sulatin.
makagawa ng isang Akdemikong

Nagpapasalamat din siya sa


kanyang kamag-aral bilang
ikalawang gumabay sa kanya
upang magawa ang proyektong ito.
Nagpapasalamat din siya sa
kanyang magulang dahil sa suporta
sa kanyang paggawa nito, at higit
sa lahat sa Diyos na gumagabay sa
kanya.

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF THE EDUCATION

Region IV-A, Division of Rizal

TANAY–SAMPALOC NATIONAL HIGH SCHOOL


Ang aking Proyekto sa
Filipino sa
Piling larang

Jhon Chrstian T. Soler


Mag-aaral

Elsie P. Dela luna


Guro

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF THE EDUCATION

Region IV-A, Division of Rizal


TANAY–SAMPALOC NATIONAL HIGH SCHOOL

Ang aking Proyekto sa


Filipino sa
Piling larang

Ruvin Bardago
Mag-aaral

Elsie P. Dela luna


Guro

You might also like