Additional Guidelines MAS Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Ministry of Altar Servers

Mga Patnubay sa Paglilingkod

PANIMULA

Ang Lingkod ng Dambana ay isang ministeryong kinabibilangan ng mga kabataang lalaki na ang pangunahing
layunin ay makapagbigay ng mapagpuring paglilingkod sa Banal na Misa, kaisa ang Panginoong Hesu-Kristo, ang tunay na
Pari at Handog, sa pamamagitan ng Kanyang pari. Kay Kristo na sentro ng ministeryong ito at sa pamamatnubay ng Mahal
na Birheng Maria na Ina at Modelo ng bawat lingkod, patuloy na hinuhubog ng Lingkod ng Dambana ang bawat kasapi nito
upang maging mga huwarang Kristiyano para sa Simbahan na sa hinaharap ay magiging mga tunay na Kristyanong pinuno
na taglay ang espiritu ng pag-ibig at paglilingkod, ayon sa halimbawa ng Panginoong Hesu-Kristo.

UNANG BAHAGI: Unang Pagpapakilala at mga Hakbang Patungo sa Ganap na Paglilingkod

Part I

Katapatan sa Diyos!

Isang hamon para sa isang lingkod ang manatiling tapat sa kanyang pangako ng paglilingkod sa dambana ng Diyos
at sa kanyang kapwang lagi niyang nakakasama. Sa bawat sandali ay kailangan niyang maipakita sa lahat ng aspeto ng
kanyang buhay ang kanyang paninindigan sa Panginoong tumawag at nagbibigay-halimbawa sa kanya. Dumating man ang
mga sandali na parang hindi niya ito napapanagutan dala ng kahinaan, naroon ang paniniwala sa Awa ng Diyos na tapat
sa lahat ng Kanyang pangako. Ang Mabathalang Katapatang ito ay marapat na masuklian din naman ng katapatan sa abot
ng makakaya ng isang lingkod. In Christo, serviam – Kay Kristo, ako’y maglilingkod!

Mga Layunin
 Makataong Paglago (Human Maturity).
 Ugnayan kay Kristo (Relationship with Christ).
 Pakikiisa sa Simbahan (Membership in the Church).
 Pananagutan sa Kaharian ng Diyos (Commitment for the Kingdom).
Mga Haligi ng Paglago
 Salita ng Diyos (Word of God)
 Panalangin at Liturhiya (Prayer and Liturgy)
 Kapatiran (Brotherhood)
 Paglilingkod (Service)
Mga Pangunahing Ugali
 Pag-galang (Reverence)
 Disiplina (Discipline)
 Kabanalan (Piety)
 Tamang Gawa (Decorum)
 Pagtutulungan (Unity)
Mga Gawain ng Ministry
 Pagpupulong ng Ministeryo
 Pagtuturo ng Katesismo
 Takdang-Paglilingkod sa Misa
 Pagsamba sa Banal na Sakramento
 Lingguhang Pananalangin ng Santo Rosaryo
 Pagtanggap ng mga Sakramento
 Pansariling mga Pananalangin
 Mga Gawaing Pang-Simbahan
 Araw-Libangan at iba pang gawain
Part II
Mga Karagdagang Pangunahing Dokumento (Profilling)
Kinakailangan ang pagtatala ng mga kinakailangang mga dokumento na inilaan ng Simbahan sa bawat Kristiyano
upang masiguro ang katiyakan ng pagbibigay ng mga Tagubilin sa Ministry at mga Sakramento ng Simbahan sa bawat
nagnanais maglingkod bilang Altar Server. Alinsunod dito ang kopya ng mga sumusunod na Pangunahing Dokumento
inilaan ng Inang Simbahan ay lubos na kinakailangan:
A. Bago magsimula ang paglilingkod sa Ministry:
1. Romal Catholic - Baptismal Certificate
2. First Communion Certificate
B. Maaaring isunod habang naglilingkod na sa Ministry:
1. Confirmation Certificate (Kumpil)
Pinapakita rin dito ang pagpapahalaga natin sa mga bagay na may matibay na pagpapatunay na pinagkakaloob ng
Simbahan ang mga sakramento nito sa mga nararapat na magnais nitong tumanggap. Sa pamamagitan nito nagkakaroon
ng matatag na patunay at talaan ng mga impormasyon ang mga nagiging bahagi ng Ministry. Marapat na magkaroon din
ng naayong pagtatala ng mga detalye ukol sa pangunahing impormasyon ng nais maglingkod at maging kaisa ng Ministry.
1. 2 by 2 picture/s na colored at latest (updated)
2. Mga Pangunahing Impormasyon na isusulat sa Isa’t Kalahating Index Card
(Kapag naipasa na, saka ito isusulat ng Kalihim sa Official Ministry Registration Form o Information Sheet)
Ang mga sumusunod ay ang mga kinakailangan impormasyon o detalye na ilalagay sa isang isa’t kalahating Index Card:
1. Apelyido, Unang Pangalan, Middle Name
2. Taong Gulang at Petsa ng Kaarawan (Buwan, Araw, Taon)
3. Address ng Tahanan (Block, Lot, Street, Phase, Subdivision, Barangay)
4. Sariling (Personal) Contact Number
5. Kumpletong Pangalan ng mga Magulang
a. Mother
b. Father
6. Kumpletong Pangalan ng Tagapangalaga (Kung maaari)
7. Contact Number ng mga Magulang o Tagapag-alaga
Part III: Pangunahing Paghuhubog (Formation)
Ang mga nagnanais maging bahagi ng Ministry at makapaglingkod bilang Altar Server ay kinakailangan dumaan
muna sa mga Pangunahing Paghuhubog na naitatala sa Policies and Guidelines ng Ministry of Altar Servers na mula sa
ating Ministry of Liturgy ng Diocese of Imus (Unang Bahagi, Pahina 12):
1. Tradisyon ng Paglilingkod
2. Mga Katangian ng Lingkod ng Dambana
3. Kahalagahan ng Banal na Misa sa ating Buhay
4. Mga Bahagi ng Misa
5. Panahon ng Liturhiya
6. Mga Kilos sa Banal na Misa
7. Mga Banal na Bagay at Kagamitan
Kinakailangan din makadalo sa isang Recollection maging ito man ay pang-panahon ng Adbyento o Kwaresma (Lent)
at makatanggap ng Sakramento ng Pagbabalik-loob (Kumpisal) bago ang pagtatalaga sa isang Lingkod ng Dambana.

IKALAWANG BAHAGI: ALTAR SERVERS SACRED VESTMENTS AND MINISTRY UNIFORM PRECEPTS

Part I. During Meetings, Service Rehearsals, Seminars, Recollections and the like.

Type A
1. Ministry T-shirts White or Black
2. Slacks or Pants (preferably dark blue or black only)
3. Footwear: Black Shoes only
4. Socks (preferably dark blue or black only)

Type B
1. Any decent civillian attire (polo/tshirts/pants)
2. No sandos or any sleeveless shirts
3. No shorts, tokong and ripped jeans
4. Any kind of footwear will be allowed

Part II. During Mass Scheduled Services, Outdoor Processions and other Liturgical Celebrations

Type C
1. Plain White T-shirt (if printed – wear the opposite side)
2. Slacks (preferably dark blue or black only)
3. Footwear: Black Shoes only
4. Socks (preferably dark blue or black only)

Type D: Sacred Vestments


Requirements: Neat and smooth vestments: Surplice, Sutana and Alb

IKATLONG BAHAGI: ABSENT, LATE, EXCUSE LETTER, SUBSTITUTION PRECEPTS

Part I: Absent, Late, Excuse Letter

1. Pagkakatala ng Pagliban (Absent Record)

Ito tumutukoy sa pagkakaroon ng tala ng pagliban na tanging dulot lamang ng dalawang pangunahing dahilan:

a) hindi pagkakaroon ng kapalitang altar server (substitution) tuwing Banal na Misa lamang at
b) hindi pagbibigay ng Liham Pahintulot (Excuse Letter) tuwing Banal na Misa o iba pang gawain pang-Simbahan.

2. Pagkakatala ng Pagkahuli (Late Record)

Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng tala ng pagkahuli dahil sa hindi pagdating sa nararapat na binigay na oras
para sa pagdiriwang ng Banal na Misa at iba’t ibang mga gawaing pang-Ministry o pang-Simbahan.

Hinihikayat na dumating ng isang oras hanggang kalahating oras bago ang pagsisimula ng pagdiriwang ng Banal
na Misa at bago magsimula ayon sa binigay na takdang oras sa iba pang mga gawaing pang-Simbahan upang sapat na
makapaghanda ng naayon sa mga kinakailangan gawin.

Ang unang dalawang beses na pagkakatala ng pagkahuli ay magreresulta sa Pagliban sa Paglilingkod at mga
gawaing pang-Ministry o pang-Simbahan. Ang pagtatala na ito ay bumabalik sa umpisa sa bawat pagtatapos ng Liturhikong
Kalendaryo ng Simbahan.

3. Pagbibigay ng Liham Pahintulot (Excuse Letter)


Ang Liham Pahintulot (Excuse Letter) ay nagbibigay kaalaman o impormasyon na dahilan kung bakit hindi nakadalo
sa takdang oras ng paglilingkod sa Banal na Misa o sa iba pang gawaing pang-Ministry o pang-Simbahan sa araw na yaon.

Maaaring sulat kamay o printed ito, nakalagay sa anumang klase ng papel na kinakailangang nababasa at
naiintindihan ang mensaheng nais ipagbigay-alam, kalakip nito ang pirma at buong pangalan ng Altar Server/s at ng
magulang o tagapagpangalaga.

Hinihikayat na ipasa ito ng mas maaga sa araw na hindi makadadalo kung inaasahan naman ang dahilan nito,
ngunit kung hindi inaasahang dahilan, isang linggo makalipas ang hindi pagdalo ay kinakailangan itong ibigay sa mga
namumuno sa Ministry o Simbahan.

Part II: Altar Servers Substitution

A. Ano ang Altar Servers Substitution?

To substitute means “a person serving in place of another.”

Ito ay tumutukoy sa paraan na kung saan ang isang Altar Server na hindi makakadalo sa kanyang oras ng tungkulin
ay maghahanap ng kapalitang Altar Server na tutugon sa oras na iyon dahilan lamang sa mga sapat o hindi inaasahang
dahilang katulad ng mga sumusunod:

1. Kinakailangang mga gawain na patungkol sa pag-aaral

2. Iba’t ibang mga inaasahan o ‘di inaasahang sitwasyong pampamilya

3. Pagkakaroon ng masamang karamdaman sa katawan (pisikal o mental).

Ito ay tanging nararapat gamitin lamang sa mga takdang oras ng pagdiriwang ng Banal na Misa, hindi ito maaaring
gamitin tuwing nagsasagawa ng mga Monthly General Meetings, Recollections, Retreats, Seminar Discussions at iba pang
mga gawain sa Simbahan.

B. Mga Uri ng Pakikipagpalitan (Substitution)

1. Pakikipagpalitan ngunit maglilingkod pa rin sa oras ng kapalitan sa Banal na Misa (Substitution and Exchange)

Hindi na kinakailangan ng Liham Pahintulot (Excuse Letter) kung makikipagpalitan lamang ng oras sa paglilingkod at tiyak
na makadadalo sa oras ng kapalitang Altar Server sa Banal na Misa. Ang sinumang Altar Server na hindi makakatugon sa
oras na nakipagpalitan siya ay mamarkahan bilang isang absent without substitution sa ating Attendance Record Sheet.

2. Pakikipagpalitan ngunit hindi maglilingkod sa oras ng kapalitan sa Banal na Misa (Substitution due to absence)

Kinakailangan ng Liham Pahintulot (Excuse Letter) ang sinumang hindi makakadalo sa oras ng kapalitan maliban na lamang
kung ito ay dadalo bilang maninimba sa ibang oras ng Banal na Misa na hindi siya nakatakdang maglingkod. Ang sinumang
Altar Server na hindi makahanap ng kapalitang Altar Server ay mamarkahan bilang absent without substitution sa ating
Sunday Attendance Record Sheet.

IKA-APAT NA BAHAGI: LIST OF INAPPROPRIATE BEHAVIORS AND DISCIPLINARY ACTIONS

Part I: Paraan ng Pagdisiplina ayon sa Mababang Uri ng Paglabag (Minor Offenses)

Disciplinary Actions:

1. Unang Pagkakataon Notice of Verbal Warning


2. Ikalawang Pagkakataon Notice Letter of Violation
3. Ikatlong Pagkakataon Notice Letter of Suspension

1. Hindi pagdalo sa mga gawaing pang-Simbahan (Responsibilidad)


Ang paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagliban ng isang kasapi sa lahat ng mga gawaing pang-Simbahan
na walang sapat na kadahilanan o liham pahintulot (excuse letter) na kinabibilangan ng mga sumusunod:

a. Paglilingkod sa takdang oras sa Banal na Misa


b. Pakikilahok sa mga prusisyon at mga pagdiriwang (Kapistahan o Dakilang Kapistahan)
c. Pagdalo sa mga retreat, recollection o seminar discussions na pang-Simbahan o pang-ministry at
d. Pagsisimba tuwing araw ng linggo.

Ang kabiguang makapag-pasa ng Liham Pahintulot (Excuse Letter) ayon sa panahong inilaan (deadline) ay
magreresulta sa pagtatala ng pagliban sa mga gawaing pang-Simbahan (absent record).

2. Hindi pagdalo ng mga pagpupulong - Monthly General Meetings or Emergency Meetings (Responsibilidad)

Ang paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagliban ng isang kasapi sa pagdalo ng mga pulong tulad ng
buwanang pulong at ibang pang uri ng mga pagpupulong na isinasagwa ng Ministry. Ang sinumang liliban sa mga pulong
ay hindi maaaring bigyan ng anumang atas na paglilingkod sa mga darating na mga linggo maliban na lamang kung may
liham pahintulot o (excuse letter).

Ang kabiguang makapag-pasa ng Liham Pahintulot (Excuse Letter) ayon sa panahong inilaan (deadline) ay
magreresulta sa pagtatala ng pagliban sa pagpupulong (absent record).

3. Kawalan ng paggalang o pagpapahalaga habang nasa paglilingkod o pagpupulong (Disiplina)

Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa hindi maayos na paglilingkod o mga paugon sa mga atas na
mga gawaing ibinibigay at iba pa.

Ito rin ay tumutukoy sa paggawa ng mga hindi makabuluhang bagay tulad ng pakikipag-usap ng walang kinalaman sa
pagpupulong, paglalaro ng cellphone games o paggamit ng cellphone kung hindi naman emergency purposes at iba pa
habang nasa oras ng paglilingkod, pagpupulong, mga seminar discussions, at iba pang mga katulad na gawain.

4. Kawalan ng paggalang o pagpapahalaga sa kapwa Lingkod ng Dambana (Pagkakapatiran)

Ang paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pisikal o pa-salitang pananakit ng isang kasapi sa kanyang kapwa
habang nasa loob o nasa labas ng Simbahan. Mga halimbawa nito ay pagduduro, pang-aasar, paggawa ng anumang
kalokohan, simpleng panununtok, pamamatok, pangungurot, pamamatid at iba pa na may intensyong makapanakit ng
ibang mga kasama sa Simbahan.

5. Kawalan ng paggalang o pagpapahalaga sa ating mga sarili bilang isang Lingkod ng Dambana (Decorum)

Ang katawan ng tao ay banal kaya hindi ito dapat dungisan. Ang paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa
paglalagay ng hikaw o body piercing/s sa anumang bahagi ng katawan kahit pa nasa loob o labas siya ng Simbahan. Ito rin
ay tumutukoy sa hindi tamang pagkaka-ayos ng buhok at paglalagay ng anumang kulay dito. Ipinagbabawal ang paglalagay
ng mga goma sa buhok para maging panali. Ang tamang buhok sa paglilingkod ay hindi dapat natatakpan ang mga mata
at tainga; kung mahaba o makapal na, siguraduhin ito ay naka-brush up palagi upang hindi makapang-agaw pansin sa mga
maninimba tuwing maglilingkod.

6. Kawalan ng paggalang sa banal na kasuotan (Decorum)

Ang paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa kawalang paggalang sa mga banal na kasuotan. Kasama dito ang
paglilingkod ng hindi maayos ang sutana o alba at surplice. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga banal na
kasuotan sa ibang mga gawain tulad ng pagpapalabas sa entabledo, o paggamit nito bilang costume at iba pang hindi
nararapatg kilos ukol sa mga banal na kausotan sa Simbahan.

a. Pagsusuot ng printed t-shirt o hindi pagbaliktad ng printed t-shirt sa oras ng paglilingkod.


b. Gusot o hindi malinis na damit pang-lingkod (sacred vestments).
c. Hindi naaayong kasuotan ayon sa hinihingi ng gawain ng ministry o parokya.
7. Kawalan ng respeto sa mga namumuno sa Simbahan (Reverence)

Ang paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa kawalan ng paggalang at respeto sa mga namumuno sa
Simbahan gaya ng Kura Paroko, Katuwang na Pari, at iba pang samahan o ministry na naglilingkod sa Simbahan. Halimbawa
nito ay ang kawalan ng nararapat na pakikitungo sa iba’t ibang mga taong namumuno sa Simbahan at ang hindi pagsunod
sa mga nararapat na hakbang na inilaan sa atin sa mga oras na kailangan nila ng katuwang sa kanilang mga gawain.

8. Kawalan ng paggalang o pagpapahalaga sa mga banal na gamit, banal na mga larawan o imahen at mga sagradong
pook o lugar sa loob at labas ng Simbahan. (Reverence)

Ang paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa direkta o hindi intensyong paninira dulot ng pagpapabaya o
kalikutan, paglalaro at kawalang paggalang o pagpapahalaga sa mga banal na bagay o kasangkapang ginagamit sa
Simbahan kasama na rito ang pag-iingat sa mga dokumento ng ministry at lalong lalo na sa mga banal na gamit sa
pagdiriwang ng Banal na Misa.

Ito rin ay tumutukoy sa hindi pagpapahalaga at hindi pagbibigay respeto sa lahat ng oras sa lahat ng mga banal na
larawan o imahen sa Simbahan kasama na rin rito ang mga banal na lugar o pook sa loob at labas ng Simbahan halimbawa
nito ay ang ‘di palagiang pagbibigay paggalang sa Santuwaryo o Altar Dambana na kinalalagyan ng Banal na Tabernakulo,
ang tahanan ng Katawan ng ating Panginoong Hesukristo sa loob ng Simbahan.

10. Kawalan ng pagpapahalaga sa pag-aaral bilang isang responsableng Lingkod ng Dambana.

Ang paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa hindi magandang katayuan sa paaralan o pamantasan na
makakuha ng mga mabababang marka o hindi kanais-nais na mga ulat dahilan sa pagpapabaya, hindi magandang pag-
uugali sa paaralan, hindi pagdalo sa klase at iba pa. Kabilang na rin dito ang hindi nararapat na paggamit sa pangalan ng
Ministry o Simbahan sa paaralan o pamantasan ng walang sapat na dahilan o tunay na basehan.

9. Kawalan ng pagpapakita ng pagpapahalaga sa pagmamahal at pag-aalaga sa kalikasan at kapaligiran.

Ang paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagtatapon ng kahit anong uri ng bagay na patapon na o mga kalat
sa hindi tamang lagayan o basurahan. Kabilang na rin dito ang hindi pagpulot o paglilinis, hindi pagpansin o pagbibigay-
kilos na may pagkukusa sa mga nakikitang mga dumi o kalat sa anumang bahagi ng Simbahan para linisin at ilagay sa
tamang kinalalagyan o basurahan.

Part II: Paraan ng Pagdidisiplina ayon sa Mataas na Uri ng Paglabag (Major Offenses)

Disciplinary Actions:

1. Unang Pagkakataon Notice Letter of Serious Warning


2. Ikalawang Pagkakataon Notice Letter of Suspension
3. Ikatlong Pagkakataon. Notice Letter of Ministry Dismissal

1. Pagdadala ng anumang bagay na maaaring makapanakit

Ang paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagdadala ng mga bagay na maaaring makapanakit sa iba tulad
ng baril at kutsilyo at iba pang katulad nito lalo na kung may layuning makapanakit ng iba at hindi naman kinakailangan.

2. Sapilitang paghingi ng salapi sa pamamagitan ng pananakot

Ang paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paghingi ng anumang halaga ng salapi sa mga kasamang altar
server/s sa pamamagitan ng pananakot o pagbabanta at paggamit niya ng kanyang posisyon.

3. Pagpapakita ng mga eskandalosong larawan, panuorin, babasahin, mahahalay na kilos at pananalita sa loob at labas
ng Simbahan.
Ang paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paglalahad, pagdidikit at panonood ng mga hindi kanais-nais
at mahahalay na larawan o babasahin sa loob o labas ng Simbahan. Kasama rin dito ang pagpapahayag ng mga hindi
naaangkop na sexual metaphors at mga indecent na mga pananalita na nakakasira sa pag-unlad sa kabanalan.

4. Pagsasagawa ng anumang uri ng pagsusugal sa loob at labas ng Simbahan

Ang paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagsusugal sa loob at anumang bahagi ng Simbahan kasama
ang pag-akit sa ibang kasapi na magsugal dahil ang salapi ang nag

5. Pagsasagawa ng pagnanakaw o pagkuha ng gamit ng iba o ng Simbahan

Ang paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagkuha ng gamit ng iba ng walang pahintulot ng may ari,
kasama dito ang pagnanakaw ng mga gamit ng Ministry at ng Simbahan.

7. Paglalagay ng permanent tattoo sa anumang bahagi ng katawan

Ang paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paglalagay ng permanenteng tattoo o anumang larawan o guhit
sa kahit anong bahagi ng katawan. Ang katawan ay banal kaya hindi ito dapat dungisan ng ganitong gawain.

8. Pagiging sangkot sa gulo

Ang paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagiging sangkot ng isang altar server/s sa mga gulo sa labas
ng Simbahan, pisikal man o pasalita kung ito ay hindi naangkop at para sa ikabubuting layunin ng kapayapaan.

9. Pagkakaroon ng bisyo

Ang paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pag-inom ng alak na nakalalasing at ang paggamit ng anumang
ng uri ng sigarilyo na isang bisyo lalong higit na sa mga wala pa sa tamang gulang. Kung nasa tamang gulang naman na ay
kinakailangan maging responsable lalong higit na kung ito ay makakaapekto na sa kanilang paglilingkod sa Simbahan.

10. Pagsasalita o pagsusulat ng mga hindi karapat-dapat na mga salita o pagmumura

Ang paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagsasalita o pagsusulat ng mga hindi karapat-dapat na mga
salita o pagmumura sa anumang gawain ng Simbahan sa loob at labas nito. Ang mahuhuling gumawa nito ay bibigyan ng
nararapat na disiplina upang maiwasan na at mahikayat na lumago sa kabanalan ng Diyos.

Part III: Pagpapakahulugan sa mga Paraan ng Pagdidisiplina (Disiplinary Actions)

1. Notice of Verbal Warning

Ito ang pagbibigay ng babalang pasalita sa isang altar server/s dahilan sa unang pagsasagawa nauukol sa
mababang uri ng mga paglabag na magmumula sa mga nakatatanda o mga namumuno sa ministry. Kalakip nito ang dalawa
hanggang tatlong araw ng paglilingkod tuwing mga araw ng Lunes hanggang Sabado.

2. Notice Letter of Warning

Ito ang pagbibigay ng unang liham babala na dahilan sa ikalawang pagsasagawa nauukol sa mababang uri ng mga
paglabag na tanging magmumula ayon sa kapasyahan ng mga namumuno sa ministry at pahintulot ng pari. Kalakip nito
ang tatlo hanggang lumang araw ng paglilingkod tuwing mga araw ng Lunes hanggang Sabado.

3. Notice Letter of Serious Warning

Ito ang pagbibigay ng unang liham babala na dahilan sa unang pagsasagawa nauukol sa mataas na uri ng mga
paglabag na tanging magmumula ayon sa kapasyahan ng mga namumuno sa ministry at pahintulot ng pari. Kalakip nito
ang apat hanggang anim na araw ng paglilingkod tuwing mga araw ng Lunes hanggang Sabado

4. Notice Letter of Suspension


Ang Notice Letter of Suspension ay isang dokumento nagpapawalang-bisa ng iyong paglilingkod sa Banal na Misa
tuwing mga araw ng Linggo at mga Kapistahan o Dakilang Kapistahan. Ito ay kadalasang ibinibigay sa loob ng isa o higit
pang mga buwan na naayon sa karampatang

Hindi kasama sa Letter of Suspension ang paglilingkod tuwing mga pangkaraniwang araw (weekdays) simula lunes
hanggang sabado maliban na lamang kung may Kapistahan o Dakilang Kapistahan sa araw na ito na lubos na ipinagdiriwang
at pinaghahandaan.

Sa panahon ipinagkaloob ang Letter of Suspension, maaari ka pa rin dumalo sa mga recollections, seminar
discussion at sa iba’t ibang mga uri ng mga pagpupulong na pang-Simbahan o pangministri.

Ano ang nararapat gawin kapag nabigyan ng Letter of Suspension?

Lubos na kinakailangan makapaglingkod ka sa mga araw ng Lunes hanggang Sabado upang mabuo mo ang bilang
ng takdang araw na kailangan mong maglingkod na tanging sa mga araw lang ng Lunes hanggang Sabado mabubuo. Ang
takdang araw na kinakailangan sa panahon ng Suspension ay labing-limang araw hanggang dalawampung araw na
paglilingkod sa bawat Misang Pamparokya.

Ang layunin ng Letter of Suspension ay para makapagbigay-aral sa ating mga Lingkod ng Dambana na may kaakibat
na responsibilidad ang pagiging Lingkod ng Dambana. Ang paglilingkod ay naipapakita rin sa pagsunod sa mga alituntunin
ng ating Ministry bilang pagsunod sa tugon ng pagmamahal sa ating Panginoong Hesukristo.

Hindi ito sandata para ikaw ay kagalitan o pag-initan ngunit ito ay isang paraan ng pagdidisiplina sa ating mga sarili
para sa lalong pagpapalalim ng ating pagkakakilanlan sa kung sino ba dapat tayo sa harapan ng ating Panginoon.

5. Notice Letter of Ministry Dismissal

Ito liham na mapapawalang-bisa ng mga sinumpaang pangako sa dambana upang makapaglingkod bilang isang
altar server. Sa pamamagitan nito, aabutin ng isa o hanggang dalawang taon bago makabalik sa paglilingkod at maging
bahagi ng Ministry na dadaan muli sa mga pinakaunang mga pangunahing hakbang bago maging bahagi ng Ministry.

IKALIMANG BAHAGI: PATULOY NA PAGHUHUBOG, PAGTATAYA, PAGSASABUHAY

Part I: Mga Pangunahing Paghuhubog (Ministry Basic Formations)

Sa pakikipagtulungan sa Ministry ng Katekesis at iba’t ibang mga namumuno ng ibang Ministry, kinakailangan na
maunawaan ng bawat naghahangad na maglingkod at magpatuloy pa sa Ministry na ito na mabigyang panahon ito sa
bawat Kalendaryo ng Simbahan sa isang buong taon.

1. Tradisyon ng Paglilingkod
2. Mga Katangian ng Lingkod ng Dambana
3. Kahalagahan ng Banal na Misa sa ating Buhay
4. Mga Bahagi ng Misa
5. Panahon ng Liturhiya
6. Mga Kilos sa Banal na Misa
7. Mga Banal na Bagay at Kagamitan
Part II. Recollection, Retreats and Other Liturgical Formations

 Advent and Lenten Recollection na palaging sinusundan ng pagtanggap ng Sakramento ng Kumpisal (Reconcillation).
 Liturgical Formations na tumutukoy sa iba pang mga Gawain sa Simbahan na may layunin makilala pa ang Liturhiya.

Part III. Ministry Member/s Consultation and Evaluation

Daraan sa mga pangunahing Consulation at Evaluation ang bawat kasapi ng Lingkod ng mga Dambana sa bawat
quarter ng isang buong taon upang maisangguni ang kanilang mga hinaing, rekomendasyon at makilatis ng may malalim
na pag-unawa at pagtingin ang bawat kasapi sa pangunguna ng mga Officers at Senior Council Committee.
Recollection

Recollection, as understood in respect to the spiritual life, means attention to the presence of God in the soul. It
includes the withdrawal of the mind from external and earthly affairs in order to attend to God and Divine things. It is the
same as interior solitude in which the soul is alone with God.

This recollection is twofold:

 Active recollection may be acquired by our own efforts aided by the ordinary grace of God. Thus any
devout soul can acquire the habit of thinking of God's presence and of fixing attention upon Him and his Divine
perfections.

 Passive recollection does not depend upon our own efforts, but is an extraordinary grace infused by God, by which
He summons together the faculties of the soul and manifests His presence and His perfections; this kind of
recollection is classed by mystical writers as the first degree of infused contemplation.

The first kind of recollection belongs to ascetical devotion and practice. It is necessary for all who wish to attain Christian
perfection. Without it, it is most difficult to make progress in virtue. Therefore, it is necessary to observe the means by
which it may be acquired. These are:

 silence and solitude, according to our state of life, keeping in mind, at the same time, that one may be recollected
amidst the duties of an active life;

 the avoidance of distracting and dissipating occupations not dictated by reason or required by necessity.
Multiplicity of occupations is an obstacle to recollection. Father Faber says that the man who undertakes too much
is a foolish man, if not a guilty one.

 The frequent exercise of the presence of God. As recollection is itself an application of the mind to the Divine
presence within us, it is evident that the shortest way to its acquisition is frequently to call to mind that
our souls are the temples of God.

“So an altar server must be careful not only in front of the priest and at the altar but in all places for he is called to
serve not only at the altar.” — Pope Benedict XVI

Mga kailangan dalhin o gawin sa tuwing dadalo sa iba’t ibang gawaing pang-Simbahan.

1. Magdala ng Rosaryo palagi lalo na kung tutungo sa iba’t ibang gawaing pang-Simbahan.

2. Dumating ng 30 minutes bago ang iba’t ibang pagdiriwang ng Liturhiya ng Simbahan.

a. 15 minutes para sa panalangin para sa paghahahanda ng sarili para sa pagdiriwang.

b. 15 minutes para sa paghahanda ng mga gamit na kinakailangan para sa pagdiriwang.

3. Siguraduhing kumain na bago tumungo sa Simbahan bago ang iba’t ibang gawaing pang-Simbahan katulad ng Monthly
General Meetings, Recollections and Seminar Discussions. Maliban na lamang kung ito ay ang pagdiriwang ng liturhiya ng
Banal na Misa na kung saan isang oras bago nito ay hindi na dapat kumain ng kahit anong uri ng pagkain bilang paghahanda
sa pagtanggap ng Banal na Komunyon sa Banal na Misa. Kung pinapagdala naman ng sariling pagkain, ay siguraduhin
nakahanda ito para sa maayos na partisipasyon sa iba’t ibang mga gawaing Pang-Simbahan.
Para sa mga Lingkod ng Dambana

Ako si ______________________________ na nangangako na tutuparin at susunod sa mga patnubay ng Lingkod


ng Dambana at walang alinlangan tutugon sa tawag ng aking tungkulin bilang isang Lingkod ng Dambana ng Our Lady of
Miraculous Medal sa tulong at gabay ng aming Ina, Birhen ng Medalya Milagrosa. Amen.

Lagda ng Altar server

Para sa mga Magulang

Ako si ______________________________ na nangangako na gagabayan at tutulungan ang aking anak sa


kanyang paglilingkod sa Diyos bilang isang lingkod ng Dambana at suma-sangayon sa mga patnubay at gabay ng Lingkod
ng Dambana ng Our Lady of Miraculous Medal sa tulong at gabay ng aming Ina, Birhen ng Medalya Milagrosa.

Lagda ng Magulang

You might also like