Noli Role Playing Script Revised

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Noli Role Playing Script

Scene 1

Characters: Kapitan Tiago, Ibarra, Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra,
Donya Victorina, Katulong, mga panauhin
Narrator: Sa Kalye Anloague ng Binundok, sa isang malaking bahay, nakatira si Don
Santigo de los Santos, na higit na kilala bilang Kapitan Tiago. Kilala siya sa
buong bayan dahil sa kanyang kayamanan, lalo’t higit sa kanyang kabaitan.
Isang pag salu-salo ang ginanap sa kanyang bahay. Sa kalagitnaan ng
kasiyahan ay may ipinakilala siyang isang importateng panauhin.
Kapitan Tiago: Magandang gabi sa inyo mga padre, gayundin sa inyo mga ginoo at
binibini. (Saglit na napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa ng magsalita si
Kapitan Tiago). Ikinararangal kong ipakilala sa inyo si Don Crisostomo
Ibarra, anak ng kaibigan kong si Don Rafael Ibarra. Kararating lang niya
galing Europa.
(Ang lahat ng mata ay na kay Ibarra. Kitang-kita sa mga mukha ng mga
panauhin ang pagkamangha. Maliban kay padre Damaso na tila ba’y hindi
maipinta ang itsura sa presensya ni Crisostomo.)
Ibarra : Ikinararangal kong Makita kayong lahat. (Punong- puno ng paggalang na
wika nito, sandaling matitigil si Ibarra at magagawi ang mata niya sa isang
padre…) Aba! Naririto pala si Padre Damaso (lalapitan si Padre Damaso),
ang matalik na kaibigan ng aking ama. Ikinagagalak ko kayong makita
(agad inilahad ni Ibarra ang kanyang kamay upang kamayan ang Kura.
Bakas sa mukha nito ang pagkagalak, ngunit tila napako ang tingin ng
padre sa binata kung kaya’t di niya nagawang kumibo sa kanyang
pagkaupo) Ipagpatawad niyo kung ako’y nagkamali.
Padre Damaso: Hindi ka nagkamali ginoo, ako nga si Padre Damaso. Ngunit kailanman
ay hindi ko naging kaibigan ang iyong ama.
(Dahan-dahang inurong ng binata ang kanyang kamay dahil sa labis na
pagkahiya sa inasal ng pransiskano. Malalakad na sana palayo si Ibarra ng
biglang…)
Tinyente Gueverra: Kayo ba talaga ang anak ni Don Rafael Ibarra?
Ibarra: Ako nga po ginoo.
Tinyente Guevarra: (Kita ang pagkagalak sa mukha ng tinyente) Maligayang pagbabalik
ho Don Crisostomo. (Kakamayan niya si Ibarra gamit ang dalawang kamay.
Biglang mag iiba ang ekspresyon ng tinyente, naging malungkot ang
kanyang tinig) Nakasama at nakilala ko na ang iyong ama, at masasabi
kong tunay siyang marangal na tao. Nararapat lamang na siya ay kilalanin.
Sana ay mas maging mapalad kayo sa iyong ama.
Ibarra: Ginoo…Maraming Salamat sa iyong papuri sa aking ama dail sa iyong
sinambit ay tila ba’y nabunutan ako ng tinik sa dibidib. Sandaling mawala
ang aking pagaalinlangan sa kanyang sinapit.
(Hindi na natapos ang pag-uusap ng dalawa dahil biglang pumasok sa
bulwagan ang isa sa mga nagsisilbi)
Katulong: Magandang gabi po sa inyo mga ginoo at binibini (yuyuko) nakahanda na
po ang hapunan.
(Inihanda na ang kanilang kakainin. Nagpasalamat muna sila sa Diyos na
pinangunahan ni padre Sibyla, tahimik lamang ang ginawa niyang
pagbasbas. At matapos iyon anglahat ng panauhin ay tahimik ng kumain.
Mkailang oras pa ay binasag na ni Donya Victorina ang katahimikan…)
Donya Victorina: Don Crisostomo, ilang taon kayong Nawala sa Pilipinas?
Ibarra: (Titingin si Ibarra dito) Mga pitong taon din po.
Donya Victorina: Hindi nyo ba nalimutan ang Pilipinas? Matagal-tagal din ang pitong taon.
Ibarra: Hindi mangyayari iyon, ako marahil ay malimutan ng aking bayan. Pero ako,
lagi kong aalalahanin ang lupang aking sinilangan.
Donya Victorina: Anong ibig niyong sabihin?
Ibarra: Mahigit isang taon na rin akong hindi nakakabalita sa Pilipinas. Ni hindi ko
alam kung paano at kalian namatay ang aking ama.
Donya Victorina: Nasaan ba kayo nun at hingi man lang magpadal ng telegrama? Noong
kami’y ikasal, nagpadal ako ng telegrama sa Espanya. Hindi niyo ba
natanggap iyon?
Ibarra: Malamang ay nasa Alemanya po ako ng mga oras na yun. At sa Polonyang
sakop ng Rusya nitong huling dalawang taon.
Donya Victorina: Tila’y marami ng kayong napuntahang bansa. Don Ibarra, ngnunit alin
sa mga bansang iyong napuntahan ang labis mong naibigan, at ano ang
pinakamahalagang bagay ang iyong Nakita sa mga bansang ito?
Ibarra: Bago ko puntahan ang isang lugar ay pinagaaralan ko muna ang
kasaysayan nito maging ang dahilan ng pagunlad nito. At lagi kong
napapansin ang kasaganahan ng isang bayan ay may kaugnayan sa
kalayaan. Kung gayo’y ang kalayaan ay nakakamit kung ang isang bayan
ay may labis na pagmamahal sa sirili at sa kanyang mga ninuno.
(Nasamid si Padre Damaso sa sinabi ni Ibarra, kaya’t nabaling ang tingin
ng lahat sa padre)
Padre Damaso: Yun lang ba ang natutunan mo? Nag aksaya ka lamang pala ng salapi
sa iyong paglalakbay. Kahit BATA alam yang sinasabi mo.
(Tila nagpanting ang tenga ni Ibarra sa inasal ng Padre. Ngunit mas pinili
niya ang magtimpi at lumisan na lamang sa lugar na iyon.)
Ibarra: Ipagpatawad niyong lahat kung inaakala ni Padre Damaso na ako’y
musmos pa rin kagaya ng dating madalas silang magsalo ng aking ama…
(Dadako ang tingin ni Padre Sibyla kay Padre Damaso at kapansing –
pansin na nanginginig si Padre Damaso sa sinambit ng binata)
Ibarra: Mga ginoo at binibini, hayaan niyo na akong makapagpaalam na. Marami
pa akong pangangailangang dapat tapusin. Natapos nanaman ang
pinakamahalagang bahagi ng hapunang ito. (Itataas ang baso ng alak) Mga
ginoo…Sa ngalan ng Espanya at Pilipinas.
(At agad na niyang tinungga ang alak. Nakigaya naman sa kanya ang
Tinyente.)
Kapitan Tiago: Sandali lamang! Huwag kayong umalis! Mga ilang oras na lamang siguro
ay nandito na si Maria Clara, sinusundo na siya ni Isabel. At ang bagong
kura ng iyong bayan ay darating din.
Ibarra: Pupunta po ako ditto bukas, Sadyang may kailangan lamang akong dalawin
ngayon na hindi maaaring ipagpaliban.
(Agad ng lumisan si Ibarra matapos ang kanyang sinabi…Pagkaalis ni
Ibarra ay biglang nagsalita si Padre Damaso…)
Padre Damaso: Nakita na ninyo? Hindi matanggap na napagsalitaan ng isang kura. Akala
mo’y kung sino na kung makaasta. Ito ba ang bunga ng pag aaral sa
Europa? Kung ako ang masusunod ay dapat ipagbawal na ang
pagpapaaral ng mga batang Indyo sa Europa, sapagkat may masama itong
epekto.

End of Scene 1
Scene 2
Setting: Sa isang kalsada
Characters: Tinyente Guevarra, Ibarra
Narrator: Pagkatapos ng hapunan ay tila walang matunguhan si Ibarra. Wari’y paikot-
ikot lamang siya. Ilang sandali pa ay naramdaman ng binata na may kamay
na pumatong sa kanyang balikat.
Tinyente Guevarra: Binata, magiingat kayo. Nawa’y nagsilbing aral sa inyo ang sinapit ng
inyong ama.
Ibarra: Mukhang malapit sa puso niyo ang aking ama. Maaari niyo bang ikwento
sa aking ang totoong sinapit ng aking ama?
Tinyente Guevarra: Oo naman. Sumama kayo sa akin patungong kwartel at isasalaysay
ko ang nangyari sa inyong ama habang tayo ay naglalakad.
(Habang naglalakad ay sinimulan na ng Tinyente ang pagkukwento)

Tinyente Guevarra: Ilang buwan pa lamang kayong umalis nang magkasamaan ng loob
si Padre Damaso at ang inyong ama. Pinagbintangan ni Padre Damaso na
hindi nangungumpisal ang ama mo gayong matagal na niya itong alam.
Mula noon ay palagi nang pinasasaringan ni Padre Damaso ang iyong ama
sa tuwing nagmimisa siya. Nang mga panahong iyon ay aksidente niya ring
naitulak ang isang kolektor ng buwis. Namatay ang kolektor at nakulong
ang iyong ama. Sinabi ng isang doctor na alta presyon ang naging sanhi ng
pagkamatay ng kolektor, malinaw na malinaw na walang kasalanan ang
iyong ama. Subalit lumabas ang maraming kaaway ng iyong ama at
pinagbintangan siyang erehe at filibustero. Ito’y higit pa sa pumatay ng
tatlong mangongolekta ng buwis. Siguro kung walang mga kaaway ang
iyong ama ay kindi siya makukulong. Ginawa ko ang lahat makalaya lang
ang iyong ama, ngunit walang gustong tumulong sapagkat ayaw nilang
madamay sa demanda. Dumating ang panahon ng katarungan ngunit huli
na ang lahat. Nagkasakit si Don Rafael sa loob ng kulungan at doon siya
binawian ng buhay.
(Natapos na ang pagkukwento ng tinyente at nakarating na rin sila sa
kanilang destinasyon)

Tinyente Guevarra: Talagang ang mga mabubuting tao ay hindi nagtatagal at


nagkakaroon ng maraming kaaway katulad ng inyong ama. Kailangan ko
nang bumalik sa kwartel. Hanggang sa muli ginoo. (Nagkamayan ang
dalawa)
Ibarra: Maraming Salamat sa impormaston tinyente.
(Hahawakan ng tinyente sa balikat si Ibarra at bibigyan ito ng isang
nakalungkot na ngiti. Matapos iyon ay tahimik na nilisan ni Ibarra ang lugar
na iyon)
End of Scene 2
Narrator: Kinaumagahan, makikita si Maria Clara na nakaupo sa isang silyon katabi ng
isang bintana, abala sa pagbuburda. Bakas sa kanyang kilos na may hinihintay siyang
bisita.

M. Clara: (silip ng silip sa bintana) Mahabaging Panginoon, tanghali na. Ano kaya ang
dahilan ng kanyang pagkahuli?

Narrator: Ang kanyang pagkainip ay napawi nang may kalesang pumara sa tapat ng
kanilang tahanan.

Kutsero: How! How!

Ibarra: (bumaba ng kalesa) Magandang araw po, Tiya Isabel. Nais ko po sanang
makausap si Maria Clara.

T. Isabel: Ay, nandyan siya sa loob. Halika, tuloy ka. (ituturo kay Ibarra ang daan)
K. Tiago: Como estas, Ibarra. Salamat naman at dumalaw kang muli sa aming tahanan.

Ibarra: Magandang tanghali, Don Tiago. Nais ko lang po sanang makausap ang inyong
anak.

K. Tiago: Aba’y sige. Clarita! Nais kang makausap ni Ibarra! Isabel, sunduin mo siya sa
kwarto at malamang ay nag-aayos iyon o nahihiya. (susunduin ni T. Isabel si Maria
Clara sa kwarto) Oh, ayan na siya. Maaari na kayong mag-usap sa asotea. kailangan
mo ba ng maiinom, Ibarra?

Ibarra: Gracias, Señor ngunit hindi na ho kailangan.

Narrator: Maya-maya pa ay makikita na ang dalawang nag-uusap sa asotea.

Ibarra: Maswuerte ako at naipagkasundo tayo ng ating mga magulang upang ikasal.
Dahil kung hindi ay hindi na ako makakikita pa ng isang babaeng katulad mo.

Maria Clara: (may dalang pamaypay at binubukas-sara iyon) Napakatamis ng iyong


dila, Crisostomo. Siguro’y dahil diyan ay nabihag mo ang maraming kababaihan sa mga
bansang iyong napuntahan.

Ibarra: Isa nang magandang obra ng Diyos ang aking sinisinta. Bakit pa ba ako
hahanap ng iba?

Maria Clara: (nagtakip ng bibig ng pamaypay) Sinungaling. Hindi ako


makapaniniwalang sinasara mo ang iyong mata pagdating sa ganda ng ibang dilag sa
Europa.

Ibarra: Ang kagandahan ay nasa panlasa ng tao. Ito ay naroroon sa taong sumusuri ng
kagandahan. At mula sa aking puso, sinsasabi ko sayong ikaw ang aking pinaka-iniibig.
(tumigil ng saglit) Patawad aking sinta, ngunit kailangan ko nang lisanin ang iyong
piling. Bukas ay Todos Los Santos, kaya’t kailangan kong puntahan ang isang tao doon
upang tulungan ako bukas.

Maria Clara: Naiintindihan ko, Ibarra. Nawa’y makapaglakbay ka ng ligtas at matiwasay.

Ibarra: Paalam, aking minamahal.

Maria Clara: Patnubayan ka nawa ng Maykapal. (nag-antanda ng krus)

Narrator: Halata sa mukha ni Maria Clara ang sobrang kalungkutan.

End of Scene 3
Scene 4
Settings: Sa Sementeryo
Characters: Ibarra, Matanda, Tagapaglibing, Padre Salvi
Narrator: Araw na ng mga patay, kaya naman ay nagpasya si Ibarra na bisitahin ang
puntod ng kanyang ama kasama ang isang matandang utusan.
(Nakarating na si Ibarra sa sementeryo kasama ang isang matanda na
utusan)
Matanda: Pasensya na po at hindi ko masyadong nadalaw ang libing ng iyong ama
sapagkat ako po ay nagkasakit, bukod sa marami akong ginagawa…Sabi
po ni Kapitan Tiago ay siya ang magpapagawa ng nitso. Tinamnan ko po
ng bulaklak at nilagyan ng malaking krus ang kanyang puntod. Nandun!
Banda run po (Itinuro ito ng matanda)
Matanda: Nasaan na? ang alam ko ay naririto lamang iyon (matatanawan ng matanda
ang isang sepultorero) Aah! Ang Mabuti pa ay magtanong na lamang tayo
duon sa Sepultorero.
(Lumapit sila sa mga tagapaglibing)

Matanda: Magandang araw sa iyo, ginoo. Magtatanong lamang sana kami kung may
napansin kayong libing, may palatandaan itong malaking krus. At noon ay
nakalibing banda duon.
(Titingnan ng tagapaglibing ang itinututo ng matanda at mapapaisip)

Tagapaglibing: Isang krus po ba na Malaki na may nakaukiy na dibuho at natatalian ng


yantok? At ang libing ay natatamnan ng mga bulaklak?

Matanda: Oo yun nga! Maari niya ba kaming dalhin jung saan ang libing na yuon?

Tagapaglibing: Yun ba? Eh sinunog ko na ang krus nun eh (sagot nito na wari’y
tinatamad)

Ibarra at matanda: Sinunog?


Ibarra: Bakit mo sinunog?!

Tagapaglibing: Dahil ito ang sabi ng kurang Malaki. Yung kurang namamalo, si Padre
Garote (Sagot nito na halatang natakot na)

Ibarra: Kung gayo’y nasaan na ang puntod ng aking ama? Siguro naman ay
naaalala mo kung saan siya nakalibing.
(BAhagyang natawa ang tagapaglibing)

Tagapaglibing: Ngunit wala na ang bangkay na sinabi niyo diyan. Hinukay ko na ito
at inutos sa akin ng kurang Malaki na ilibing ito sa libingan ng mga Intsik
ngunit dahil ng amalakas ang ulan ng gabing iyon ay…
(Hindi na napigilan ni Ibarra ang sarili, hinawakan niya ng madiin ang
tagapaglibing sa kanyang bisig at niyugyog)

Ibarra: At ginawa mo naman?!

Tagapaglibing: H-hindi ko po n-nagawa iyon, kaya huwag na kayong magalit. Naisip kong
itapon na lamang sa ilog ang bangkay kesa mapasama sa mga Intsik.
(Idiniin pa lalo ni Ibarra ang pagkakahawak sa tagapaglibing)

Ibarra: Ikaw ay isang sawimpalad!


(At tuluyan na itong umalis sa lugar na iyon. Habang naglalakad si Ibarra
ay natanaw niya si Padre Salvi, bigla na lamang nandilim ang paningin niya)

Ibarra: Anong ginawa mo sa bangkay ng aking ama?! (Sambit nito habang hawak
ang padre sa magkabila nitong balikat-madiin ang pagkakahawak nito. Unti-
unting napalunod ang pari sa ginawa ng binata)

Padre Salvi: Wala akong ginawa sa iyong ama.


Ibarra: Anong wala! Magsabi ka ng totoo! (Mas lalo pa niyang dinianan ang hawak
sa padre)

Padre Salvi: Wala po talaga akong ginawa. Baka po ang kurang pinalitan ko na si Padre
Damaso ang tinutukoy niyong may nagawang masama sa inyong ama.

Ibarra: Ah! (Napasapo sa kanyang ulo si Ibarra at mabilis na siyang lumisan. Iniwan
niya ang padre na nakalupasay sa daan, tinulungan naman ng matandang
utusan ang padre upang makatayo ng ayos)

End of Scene 4
Scene 5(final scene)
Setting: Hapag kainan
Characters: Ibarra, Kapitan Tiago, Padre Damaso, Maria Clara
Narrator: Ilang araw na ang lumipas. Pagkatapos magawa ang buong paaralan na
ipinatayo ni Ibarra ay isang piging ang naihanda, na dinaluhan ng maraming mga taga-
alta de sociedad. Nag-uusap ang Alkalde at si Ibarra. Puro papuri ang ipinukol ng
Alkalde sa kausap, habang sumimangot at nagpasaring sa kanya si Padre Damaso.

Padre Damaso: Oh, ano nga pala ang inyong pinag uusapan nuong ako’y hindi pa
dumating?

Alkalde: Binabanggit po ni Ginoong Crisostomo ang mga taong tumulong sa kanya


sa pagpapatayo ng paaralan at ang arkitektong gumawa ng plano.

Padre Damaso: (Matatawa) Balewala sa akin ang mga arkitekto. Natatawa ako sa mga
taong kumukuha pa ng serbisyo sa arkitekto, ipinapakita lamang nila na sila
ay mga mangmang. Ako nga, ako lang ang nagplano ng sibahan natin.

Alkalde: Pero kailangan ng isang eksperto upang makapagpatayo ng isang gusali


gaya ng paaralan.
Padre Damaso: Eksperto? Nagbibiro ka ba? Ang paaralan ay binubuo lamang ng apat
na pader at isang bubong na sawali. Diba napakadali, tapos kailangan pa
ng isang dalubhasa? Hahahaha. Nagpapatawa ka nga talaga ata, ginoo.

(Lahat ng tao ay napatingin kay Ibarra, ngunit nanatiling walang kibo si


Ibarra at kunwari ay abala sa kanyang kinakain.)

Padre Damaso: Tingnan mo nga naman ang mga indyo, kapag natuto ng kaunti ay
masyado ng nagiging palagay at mayabang. Silang lahat ay hindi nararapat
sa mundong ito. Kaya naman pinarurusahan ang mga magulang ng mga
iyan. Ha! Nangamatay sa piitan.
(Hindi na napigilan ni Ibarra ang sarili at nilundagan na niya ang padre.
Kumuha siyang kutsilyo at itinuon ito sa padre)

Ibarra: Lumayo kayo kung ayaw niyong madamay! Ang paring ito ay malugod na
tinaggap ng aking ama sa kanyang tahanan. Pinakain at itinuring na
kaibigan! Ano ang iginanti ninyo? (Sinabi ni Ibarra habang umiiyak) Siniraan
nito ang aking ama. Ginamit nito lahat ng kapangyarihan upang ang aking
ama ay makulong. Hindi nagtagal siyay namatay sa kulungan. Hindi pa ito
nakuntento sa ganun. Pinahukay pa nito ang bangkay ng aking ama sa
sementeryo at itinapon sa ilog. Sinong anak ang hindi magagalit?
(Nagtinginan sila ni Mara Clara na umiiyak din) Ganito ba magmahal ang
simbahan? Ang dapat sayo’y mamatay! (Itinaas ni Ibarra ang kutsilyo at
akmang isasaksak ni niya ito sa padre nang napahiyaw si Maria Clara)
Maria Clara: Crisostomo huwag! (Nagtinginan ang dalawa. Bakas parin sa mukha ni
Ibarra ang labis na galit nito)
Maria Clara: Maawa ka! Para sa akin, maawa ka sa kanya!
(Unti-unting ibinaba ni Ibarra ang patalim. Tila natauhan siya. Gulong-gulo
ang utak ni Ibarra ay agad agad nang lumisan)
End of Play

You might also like