Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KABANATA 32:

Ang Bunga ng mga Paskil


I. Talasalitaan
1. Paglilimayon- pagsasaka
Hal. Ang tatay ko ay magaling sa paglilimayon ng palay.
2. Kapisanan- isang uri ng samahan, samahang damayan o union
Hal. Sabi ng nanay ko ay huwag daw akong sumali sa kapisanan ng
aking kaibigan sapagkat makakasama ito sa aking pag-aaral.
3. Piging- tumutukoy sa pormal o seremonyal na hapunan na
karaniwang sinusundan ng mga talumpati. Ito ay isang malaking
kainan na karaniwang ginagawa upang ipagdiwang ang isang
importanteng bagay o pangyayari sa buhay ng isang tao o lipunan.
Hal. Inimbitahan ako ng aking kasintahan sa isang piging ng kanyang
angkan at doon niya ako ipapakilala sa kanila.
II. Pagpapakilala sa Kabanata
Sa kabanatang ito ay nakapaloob ang mga nangyari pagkatapos ng
pagsusulit sa unibersidad, kung paano nagkaroon ng kamalayan sa mga nangyayari
si Basilio kahit na ito ay nasa bilangguan, ang reaksyon ng mga tao sap ag-iisang
dibdib ni Juanito Pelaez at Paulita Gomez, at kung bakit hiniwalayan ng dalaga si
Isagani.
III. Tagpuan
Sa lungsod ng Maynila
IV. Tauhan
 Simoun
-nagkasakit ngunit gumaling na
-naghanda ng piging
-nag-asikaso sa kasal nina Juanito Pelaez at Paulita Gomez
 Paulita Gomez
-dating kasintahan ni Isagani
-ikakasal kay Juanito Pelaez
 Basilio
-hindi nakakuha ng pagsusulit sapagkat siya ay nasa bilangguan
 Tadeo
-hindi nakapasa sa pagsusulit
-sinunog ang kanyang mga aklat
 Pecson
-hindi nakapasa sa pagsusulit
-magiging kawani ng hukuman
 Macaraig
-hindi nakapasa sa pagsusulit
-nagmadaling pumunta sa Europa
 Juanito Pelaez
-hindi nakapasa sa pagsusulit
-ikakasal kay Paulita Gomez
-may dugong kastila at anak ni Don Timoteo Pelaez
 Isagani
-nakapasa sa pagsusulit
-pumasa sa asignatura ni Padre Fernandez
 Sandoval
-nakapasa sa pagsusulit
-hinusayan ang pagtatalumpati
 Sinong
-kotserong dumadalaw kay Basilio sa bilangguan at ibinabalita sa kanya ang
tungkol sa nangyayari sa labas ng bilangguan.
 Ben Zayb
-nagbalita na magaling na si Simoun
 Don Timoteo Pelaez
-ama ni Juanito Pelaez
-isang mayamang negosyante
 Kapitan Heneral
-ninong sa kasal nina Juanito Pelaez at Paulita Gomez
V. Banghay
Dahil sa mga pangyayari, maraming magulang ang nagpatigil ng pag-aaral sa
kanilang mga anak at nag-utos na harapin na lamang ang paglilimayon. Maraming
hindi nakapasa sa unibersidad lalo na doon sa mga naging kasapi sa kapisanan.
Hindi nakapasa sina Tadeo, Macaraig, Pecson, at Juanito ngunit nakapasok naman
sina Isagani at Sandoval. Si Tadeo ay sinunog niya ang mga aklat, nagmadaling
pumunta si Macaraig sa Europa, naging kawani si Pecson sa hukuman, at si Juanito
naman ay nagpatali sa negosyo ng ama. Nakapasa sina Isagani sapagkat pumasa
siya sa asignatura ni Padre Fernandez samantalang si Sandoval naman ay
hinusayan niya ang pagtatalumpati.
Si Basilio naman ay hindi pa nakakakuha ng pagsusulit dahil nasa bilangguan
pa. Nalaman niya ang pagkawala ni Tandang Selo at ang pagkamatay ni Juli sa
tulong ng kotserong si Sinong na tanging dumadalaw sa kanya at ibinabalita ang
mga nangyayari sa labas ng bilangguan. Samantala, ayon kay Ben Zayb ay mabuti
na ang lagay ni Simoun. Mamamahala umano ito ng isang piging sa bahay ni
Kapitang Tiago na nakuha ni Don Timoteo Pelaez sa murang halaga. Mamamahala
siya ng isang piging sapagkat paraan niya ito ng pasasalamat sa kaniyang
paggaling at bilang pamamaraan sa baying nagdagdag ng kaniyang kayamanan.
Mula noon ay madalas si Simoun sa tindahan ng mga Pelaez na usap-usapan ng iba
na pinakisamahan na niya ito.
Makaraan ang ilang Linggo ay napabalitang ikakasal si Juanito kay Paulita.
Marami ang nainggit sa kapalaran ng mga Pelaez sapagkat nakabili sila ng bahay
sa murang halaga, nagtubo ng magaling sa kanilang paninda, nakasama sa
pangangalakal si Simoun, at makakasal si Juanito kay Paulita na mayamang
tagapagmana at mayroong angking kagandahan. Nang matapos na ang Abril, ang
Maynila ay walang pinagkaabalahang gawin kundi iisang bagay: ang maghanda
upang sila ay maanyayahan sa pistang gagawin ni Don Timoteo Pelaez dahil sa
kasal ng anak. Ang Kapitan Heneral ang magiging inaama at si Simoun ang
mamamahala sa lahat. Ang pag-iisang dibdib ay idaraos dalawang araw bago
umalis ang heneral.
VI. Mensahe/Aral
 Mag-aaral ng mabuti upang makapasa.
 Huwag masilaw sa kayamanan dahil ito ay nauubos at nawawala din ng
halaga sa paglipas ng panahon.
VII. Simbolismo/Pahiwatig
 Si Basilio ay hindi nakakuha ng pagsusulit dahil nasa bilangguan siya.
-Sumisimbolo ito sa pagtanggal ng kalayaan ng mga mapang-abuso sa mga
naaapi.
VII1. Kulturang Pilipino
 Ikinatuwa ni Tadeo ang kanyang pagbagsak at sinunog pa ang
kaniyang mga aklat.
-Kapag nagkaroon ang mga Pilipino ng problema ay paminsang idinadaan
na lang sa mga bagay na makakapaglibang o stress reliever.
 Pagmamadali ni Macaraig na pumuntang Europa.
-Kapag malungkot o nabigo ang mga Pilipino ay paminsan ay pumupunta sa
mga lugar kung saan pwedeng makalimot o magsimula ng panibagong
buhay.
 Pagpapatali ni Pelaez sa negosyo ng ama.
-Kaugalian ng mga Pilipino na kapag nabigo ay unang lalapitan ang pamilya
upang makatulong na iahon ang sarili.
 Pagbibigay ng impormasyon ni Sinong kay Basilio na nasa bilangguan.
-Karaniwan na ang mga kaibigan ay laging nakakausap saan mang lugar
naroroon. Pupunta sila sa mga kaibigang gusto nilang makausap lalo na
kapag mahalaga ito.
 Paghahanda ng piging ni Simoun.
-Kapag may natagumpayan ang isang Pilipino ay paminsang naghahanda ng
mga pagkain o salu-salo.
 Pagpili ni Paulita kay Juanito na mayaman kaysa sa kay Isagani na
walang kakayahan.
-Masamang ugali ng ibang mga Pilipino na mas pinpili pa ang
makapangyarihan kaysa sa anong bagay na mas makakabuti.
 Paghahanda ng mga tao upang maimbitahan sa pistang gagawin ni Don
Timoteo Pelaez.
-Kapag may gustong makuha ang mga Pilipino ay gagawa sila ng paraan
para makuha nila ito.
 Ang pagkuha kay Kapitan Heneral bilang ninong sa kasal.
-Gusto ng ibang mga Pilipino na kunin ang mga mayayaman bilang ninang o
ninong sa kasal sapagkat nakatatak na ito sa isipan nila na malaking halaga
ang mga ibibigay nila.
1X. Suliraning Panlipunan (Solusyon)
 Bago manghusga ng isang tao ay dapat itong bigyan ng malaking pang-
unawa tungkol sa ginawa niya.
X. Mga Katanungan
1. Ano-ano ang mga ginawa nina Tadeo, Macaraig, Pecson at
Juanito pagkatapos nilang malaman na sila ay bagsak sa
pagsusulit?
SAGOT: Si Tadeo ay sinunog niya ang mga aklat, nagmadaling
pumunta si Macaraig sa Europa, naging kawani si Pecson sa hukuman, at si
Juanito naman ay nagpatali sa negosyo ng ama.
2. Bakit naman nakapasa sina Isagani at Sandoval sa pagsusulit?
SAGOT: Nakapasa sina Isagani sapagkat pumasa siya sa asignatura
ni Padre Fernandez samantalang si Sandoval naman ay hinusayan
niya ang pagtatalumpati.
3. Bakit mamamahala si Simoun ng isang piging?
SAGOT: Mamamahala si Simoun ng isang piging sapagkat paraan
niya ito ng pasasalamat sa kaniyang paggaling at bilang pamamaraan
sa baying nagdagdag ng kaniyang kayamanan.
4. Bakit masasabing mapalad ang mga Pelaez?
SAGOT: Marami ang nainggit sa kapalaran ng mga Pelaez sapagkat
nakabili sila ng bahay sa murang halaga, nagtubo ng magaling sa
kanilang paninda, nakasama sa pangangalakal si Simoun, at
makakasal si Juanito kay Paulita na mayamang tagapagmana at
mayroong angking kagandahan.
5. Kung ikaw ang isa sa mga taong gustong maanyayahan sa pista,
anong paghahanda ang gagawin mo?
SAGOT: (Opsyonal)
Reperensya:
https://www.facebook.com/media/set/?set=a.766069980444470&type=3
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fprezi.com%2Fm%2Fhs60q2zw
zdip%2Fkabanata-32-ang-bunga-ng-mga-paskin-el-
filibusterismo%2F%3Ffbclid%3DIwAR1o49R-
snX8CN3LwVci8s2GB9uhYBtLlTWAtogwCh3Kd8oL-
c9rHu6SkGM&h=AT0pOFDnH_gbmkrHnqDn-
8OKnTp2MsHr0IqXp4b44hk3KS_dmSUWsZOcedTHAHSb40GTmNFjQtvEX2S
KEPA79veK5bMTOeWy97UnyTh7yZ8mMB8LUfGnLR9lefwywSnNx7tSbA

You might also like