Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Saklaw at limitasyon

Ang Pagaaral na ito ay ukol “sa pagdiriwang ng buwan ng wika sa kolehiyo:


pagpapaunlad ng kamalayan ng mga magaaral sa wikang Filipino” ito ay naglalaman
ng paliwanag kung paano napapaunlad ang kamalayan ng mga magaaral ng
kolehiyo sa wikang Filipino sa pagiriwang ng buwan ng wika.
Ang kabuuang bilang na gagamitin sa pagaaral na ito ay 100 na magaaral na nasa
antas ikalawa mula sa ibat ibang sekyon ng college of engineering bilang tagasagot
sa mga katanungan.

Pagbuo ng hinuha
Walang makabuluhang kaugnayan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Kolehiyo
at pagpapaunland ng kamalayan ng mga mag-aaral sa Wikang Filipino.

Kaligirang pangkasaysayan

Kabahagi ng Wikang Filipino sa proseso ng pagbabago at pagkakaisa ng ating


pamahalaan at lipunan.
Sinabi ng kosntitusyon ng Filipino na ang ating pambansang wika na tungkulin natin
itong paunlalarin at pagyamanin batay sa wika na rasyonal at rehiyonal. Ayon sa
konstitusyon Pilipino ang dapat medium ng opisyal na komunikasyon at pagtuturo sa
mga paraalan.
Ito ang itinakda ng pangunahing batas sa ating lipunan ngunit pambansang wika
natin ang Filipino hindi lang sinabi ito ng konsitutsyon kung iisipin natin nakasulat
ang mga probisyong iyon dahil sa tagumpay ng tinig ng mamamayan.
Pambansang wika ang Filipino dahil ito ang buhay na wika ng ating mga kababayan,
Kung magiging tapat ang konstitusyon sa panata ito ng demokrasya at aktibong
partisipasyon ng mamamayan, dapat lang na kilalaning pambansang wika ang
wikang masa. Ito ang tunay nakabuluhan ng pambasang wika hindi lamang dahil iisa
ang wikang ginagamit sa mga silid aralan o sa pagkat ito ang giangamit sa opisyal
na komunikasyon at mga transaksyon sa pamahalaan hindi lang dahil
pinagdiriawang natin ang buwan ng wika taon taon kundi dahil tayo ay
nakikipagusap nagkukwento nananaghoy ng pangagailangan at nagpapahayag ng
isipan sa wikang ito sa wikang Filipino binibigyan tinig ang tuwa galit , kalungkutan,
pagasa at pangarap ng kababayan.
Habang patuloy ang pagunlad at paginog ng mundo patuloy ding nadaragdagan at
nagbabago ang pangangailangan ng isang katauhan kinakailangan umakma sa
hinihingi ng panahon at pagkakataon ang bansang patuloy na nagpupunyagi tungo
sa makabagong panahon gamit ang istandard nilang wika.

Ipinagdiriwang ng mga paaralan sa buong bansa ang buwan ng wika sa


pamamagitan ng ibat ibang Gawain o patmpalak gaya ng sabayang pagbigkas,
sayaw-awit o sayawit , pagsulat ng sanaysay at marami pang iba. Binigyang diin ng
deped region 1 na mahalaga ang pagdiriwang ng buwan ng wika tuwing Agosto ng
kadataon naipahayag sa libro na ang wika at komunikasyon sa nagbabagong
panahon (2014) ang pagdiriwang ng buwa n ng wika ay bilang pagsunod sa
pampanguluhang proklamasyon bilang 1041, serye ng 1987
Layon ng pagdiriwang ng wikang pambansa na mahikayat ang ibat ibang ahensya
ng pamahalaan at pribado ng nakikiisa sa mga programang nakasaad sa
proklamasyon. Kabilang na dito ang pagpapatalastas ng kamalayan sa paggamit ng
sariling wika at maipakita ang kahalagahan ng wika para sa pambansang kaunlaran.
Mahalaga ang pagpapalaganap at pagpapaunlad ng ating sariling wika upang
magkaroon ng malinaw na pananaw sa katutubong katangian ang mga
mamamayan. Ang pambansang kongreso ay kabiolang sa mga aktinidad ng
komisyon ng wikang Filipino para sa pagdiriwang ng buwan ng wikang pambamsa
Ayon sa naobserbahan ng mananaliksik, ang mga magaaral sa sekondarya ay
nagkakaroon ng pagkawili sa pakikilahok sa mga patimpalak na isinisagawa tuwing
buwan ng wika dahilan sa pagkakaroon ng karanasan at mapagibayo ang kaalaman
sa asignaturang Filipino. Para sa karangalan na kanilang makakamit, malaking
tulong ito para sa pagpapataas ng kanilang grado na magtutulak sa magandang
simulain tungo sa tagumpay.
Nararapat na maipaliwanag ng mga guro o ng mga namamahala sa paaralan ang
tulong na maibabahagi sa mga magaaral ukol sa pagsali sa mga patimpalak.
Maipaunawa sa bawat magaaral ukol sa pagsali sa mga patimpalak. Maipaunawa sa
bawat magaaral ang paghubog ng kanilang kagalingan hindi lamang sa loob ng silid
aralan. Sa ganitong paraan magkakaroon ng tiwala sa sarili ang mga magaaral na
kayong gawin ang hindi inaakalang makapagpakita ang makapagpamalas ng talas
ng isip , pakikipahalubilo at kasiyahang mararanasan tungo sa pagunlad.
Ginawa ang pananaliksik na ito sa paglalayong mapagyaman ng bawat magaaral
ang paggamit ng Filipino bilang mabisang karanasan na magbubunsod sa
pangangalaga ng kulturang Filipino at pagyabong ng diwa bilang isang lahi. Ito ang
tunay na kabuluhan ng wikang pambansa. Hindi lamang dahil iisa ang
pagpapausbong ng buwan ng wika kasabay ang pagiging aktibo sa akademikong
performans sa loon ng silid aralan. Pagyamanin natin ang wikang pambansa na
siyang magiging instrument sa pagkakaunawaan. Tumulong tayo sa paglinang at
pagpapalaganap nito.

You might also like