Professional Documents
Culture Documents
Kabihasnangshang 170613150435
Kabihasnangshang 170613150435
GIRON
Ang Shang ay ang unang dayuhang tribo
na permanenteng nanirahan sa ibabang
bahagi ngYellow River (Huang Ho).
Dumadaloy ang Huang Ho may 4,640 Km. at
nagdadala ng LOESS o dilaw na lupa. Dahil sa
madilaw na kulay na tubig nito kaya tinatawag
itong HUANG HO oYELLOW RIVER
Nag iiwan ng depositong LOESS o dlaw na lupa ang tubig ng
Huang ho sa kabuuan ng lambak nito.
Sa pagitan ng mga Buwan ng Hulyo at Oktubre dumarating ang
hangning MONSOON na may ulan. Dahil sa taunang pag-apaw
at bagong deposito ng LOESS, ang lupa rito ay mataba at
angkop para sa malawakang pagtatanim.
Ngunit minsan ang mataas na pagbaha g Huanh Ho a maari ring
sumira sa maraming ari-arian at pumatay sa maraming tao.
Kaya nangangailangan ng paghahanda laban sa sobrang pag-
apaw ng tubig at ilihis ang daloy ng tubig tungo sa sa mga
taniman.
Natuto ang mga magsasaka sa lambak na ito ng teknolohiya ng
pagtanim at pagkontrol ng baha.
Nang lumaonang mga neolitikong pamayanan ay naging
lungsod sa panahon ng kabihasnang shang.
Noong 1920, nahukay ng mga arkeologo ang mga labi ng
neolitikong pamayanan sa lambak ng Huang Ho.
Lunar Calendar
Komunikasyon at Panulat
Sa panahong Shang, ang
mahahalagang pangyayari ay
nakaukit sa mga bahay ng pagong at
mga buto ng hayop sa pamamagitan
ng Oracle Script, ang
pinakamatandang porma ng
nasusulat na komunikasyon ng
Tsina.
O
R
A
C
L
E
S
C
R
I
P
T
Oracle Bones
Butong panghula at paraan ng pakikipag
usap sa kanilang diyos at namatay na ninuno.
Ang Oracle Script ay naging
mahalagang kulturang Tsino na
pinaunlad pa nila sa isang sining
na pagsusulat na tinatawag na
CALLIGRAPHY.
CALLIGRAPHY
Mga Paniniwalang Relihiyon
Sa paggitaw ng pagsasaka,
sinasamba ng mga tao ang langit
para magkaroon ng magandang
panahon at mga pananim. Ito'y
isanguri ng pagsamba sa
kalikasan.
Ang isa pang paniniwala ay
ang pagsamba sa kanilang mga
ninuno na tinawag ding
pagsamba sa kaluluwa. Nag-
aalay sila ng sakripisyo sa
kanilang mga ninuno at
dumadalanging pagpalain sila ng
kanilang ninuno.
Sistemang Panlipunan at Pulitika
Sa Dinastiyang Shang ay
laganap ang sistema ng pang-
aalipin. Nagtatamasa ang mga
aristokrata ng karangyaan
samantalang namumuhay na parang
aso ang mga alipin.
Sila'y pag-aari ng kanilang
mga panginoon. Pagkaraang
mamatay ang may-ari ng mga
alipin, kadalasa'y inililibing sila
nang buhay bilang alay na
kasama ng mga inialay na hayop.
LABI NG MGA ALIPING INILIBING NG
BUHAY BILANG ALAY
Upang mapanatili ang kanilang
kapangyarihan, pinagsanib ng mga
hari ang pagsamba sa mga ninuno at
ang pagsamba sa kalikasan.
Layunin nito ang lumikha ng
Diyos ng Kalangitan, at
ipinahayag ng mga hari ang
kanilang sarili bilang mga ahente
o pangmundong inapo ng Diyos.
Ang pagbagsak ng Shang
Sa pagkamatay ni Haring
Wuding ay hindi nagtagal ang
panahon ng Dinastiyang Shang.
Ayon sa mga salaysay, ang
Shang ay bumagsak dahil sa
pagkawala ng "kapangyarihan mula
sa langit".
Ayon naman sa kasaysayan,
naging malupit ang kahuli-hulihang
hari ng Shang, kaya sumidhi ang
panloob na mga alitan at nagrebelde
ang mga decal state.
Ang dinastiyang Shang ay
lubusang lumipas nang gupuin ito ng
dinastiyang Chou.
Mga Katanungan
1. Ano ang
kabuhayan o
ekonomiya ng Shang?
2.Ano ang kanilang
kontribusyon sa
larangan ng agrikultura?
3. Ano ang kanilang
kilalang Industriya?
4.Ano ang kanilang
kontribusyon sa
astromiya?
5.Ano ang kanilang
kontribusyon sa
transportasyon?
6.Ano ang kanilang
sinaunang pamamaraan
ng pagsusulat at
komunikasyon?
7.Ano ang
pagpapaunlad na
sistema ang nagawa nila
sa Oracle Script?
8.Saan nila isinusulat
ang mga mahahalagang
pangyayari?
9.Saan nila ginagamit
ang Oracle Bones?
10.Ano ang mga
paniniwalang pang-
relihiyon ng Shang?
Mga Sagot
1.Ang kanilang kabuhayan o
ekonomiya ay agrikultura o
pagsasaka
•2.
•Sistema ng irigasyon at
pagkontrol sa pagbaha.