Konseptong Papel

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Konseptong Papel

I. LARANG

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa Wikang ginagamit sa tahanan ng mga Katutubong


Aeta sa Barangay Diteki, San Luis, Aurora

II. RASYUNANAL/LAYUNIN

Nararapat na saliksikin ang mga wikang ginagamit sa tahanan ng mga Katutubong Aeta
dahil sa panahon ngayon unti unti na tayong nasasakop ng makabagong teknolohiya na
nakakaapekto sa pagpapalaganap ng iba’t ibang wika na nakakaapekto sa paggamit ng wika ng
mga katutubong Aeta. Ang pagkawala ng kultura at wika ng mga katutubong Aeta ay isang
napakalaking dagok at negatibong pangyayari sa kanilang mga ninuno gayun din sa mga taong
patuloy na inilalaban at pinagyayaman ang kanilang wika.

Layinin ng pananaliksik na masagot nito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ano ang mga wikang ginagamit ng mga Aeta sa tahanan?


2. Ano ano ang mga salik na nakakaapekto sa kung paano nila gamitin ang wika sa
kanilang tahanan?

III. SULIRANIN
IV.KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

 Mga Reperensya mula sa papel pananaliksik

Ayon sa mga mananaliksik na sina Ericka Lai G. Lapid at Diana Rose I. Orilla na dito sa
Pilipinas ay maraming mga pangkat etnikong naninirihan at ang ilan sa kanila ay sikat na o
tanyag na tulad na lang ng mga aeta, Mangyan, Lumad, Igorot at maraming pa iba. Mayroon
ding iilang mga pangkat na hindi pa nadidiskubre.

Ang bawat pangkat etniko may may kani-kanyang mga paniniwala, kultura at sining, at
wikang ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay. Sa unti unting pag-usbong ng modernong
panahon ay unti-unti ring naiimpluwensyahan ang ilan sa mga pangkat etiniko hanggang sa
matutunan nila ang mga kaalaman tungkol sa modernong panahon at unti unting nababago ang
kanilang paniniwala. Bagamat marami nang grupo ang naimpluwensyahan may mga grupo parin
naman na hindi pa at nananatiling matatag sa kanilang mga paniniwala at nananatiling ginagawa
ang kanilang mga kultuta at sariling wika ang ginagamit.

 Mula sa Internet

Ang wikang ginagamit sa kani-kanyang tahanan, ang wika sa bawat tahanan ay napakahalaga
dahil ito ang dahilan kung bakit nagkakaintindihan ang isang pamilya sa loob ng tahanan. Ang
wika rin ang ginagamit sa pagpapahayag ng damdamin at maging sa pakikipag komunikasyon sa
ibang tao. Ang wika ngayon ay maaring maapektohan ng maraming aspekto tulad ng panonood
ng telebisyon ito ay maaaring maka apekto sa paggamit ng wika sa tahanan. Ayon kay Maria
Santos-Bulaong ang wika ay naaapektohan sa pamamagitan ng panonood ng telebsiyon at sa
iba’t ibang programa dito, tulad ng mga balita ito ay mamaaaring isang dahilan na kung minsan
ay nag kakaroon ng di-wastong paggamit ng wika. Ang pamamaraan ng paghahatid ng balita o
kung minsan ay ang ang maling paggamit ng gramatiko.

 Mula sa literaturang Lokal


Ang pag-didisiplina sa paggamit ng wika ay makakatulong upang magkaroon ng wastong
paggamit ng wika sa publiko at maging sa tahanan. Sa pagkakaroon ng disiplina sa paggamit
wika ay masasabi na dito rin umuusbong ang pagka-makabansa at pagmamahal sa sariling wika
at sa sariling bayan. Ayo sa mananaliksik na si Galileo S. Zafra na mainam at nararapat na ituro
ang ang wastong paggamit ng wika at gramtika sa mga estudyante at layunin magkaroon maayos
na komunikasyon. Nakasaad din dito kung paano ituturo sa k-12 ang wika at kultura na
nakabalangkas ayon sa wika ng paglalarawan, wika ng pagbuo ng kahulugan, wika ng pagtugon,
at wika ng paglahok.

V. METODOLOHIYA

Ang disenyo ng konseptong papel ay descriptive o deskrito, kami po ay gagawa ng


sarbey sa mga ktutubong Aeta ng Brgy.Diteki, San Luis, Aurora at papasagutan ang mga tanong
na nakalahad sa paglalahad na suliranin pagkatapos nito ay pagsasamasamahin ang mga datos
ayon sa sagot at itatally.

VI. LAGOM

Bilang pagbubuod

VII. KONKLUSYON

Natuklasan sa pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:

You might also like