Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

LUPANG TINUBUAN (SUMMARY)

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang
kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang
pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay
sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin. Ang ating susuriing kwento ay ang
“LUPANG TINUBUAN” ni Narciso Reyes. Ang kwentong ito ay nagkamit ng parangal. Ang mga
tauhan dito ay sina Danding, ang pangunahing tauhan, Juana at Tiyo Gorio. Isa si Danding, kasama
ang kanyang Tiya Juana at Tiyo Gorio sa mga taong naroon na uuwi sa lalawigan upang
makipaglibing sa kanyang Tata Inong na pinsan ng kanyang ama. Sa kanyang pag-uwi ay marami
pala siyang mga kamag-anak sa Malawig. At doon niya nakilala ang kanyang mga di-kilalang
kamag-anak. Isa nga sa mga kamag-anak niya ay si Lolo Tasyo. Nagkuwento ang matanda kay
Danding tugkol sa knayang Ama. Masasabing nabibilang ito sa toeryang historikal sapagkat
gumamit ang awtor ng flashback sa buhay ng isang tauhan sa kwento. Nabibilang iton sa teoryang
historikal spagkat tumutukoy ito sa mga kwento ng isang matanda sa pinagdaanan ng ama ni
Danding noong bata pa siya. ’Kaparis ka ng iyong ama,’ ’Ang batang ito! Ako ang nagbaon ng
inunan ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan. Naulila agad siya sa ama.’ Doon
siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang munti. Sa kabilang pitak siya nahulog
sa kalabaw, nang minsang sumama siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan siya noon, ang akala ko’y
hindi siya titigil sa kaiiyak.’ Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo isang
hapon, noong kainitan ng himagsikan, nang mabalitaang may mga huramentadong Kastila na
paparito. At doon, sa kinauupuan mo kanina, doon niya isinulat ang kauna- unahan niyang tula-
isang maikling papuri sa kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya sa bayan. May tagong
kapilyuhan ang ama mo.’ Ang mga katagang iyan ang ginamit ng awtor upang magbalik-tanaw sa
mga pangyayari sa kwento. Kung ating papansinin ang katagang ito: pagsasaranggola sa bukid,
ang pagkahulog sa kalabaw, dalaga sa bunton ng palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang gunita
ng isang tao o indibidwal. Para bagang isa itong karanasan ng isang tao. Ang mga ito ay
masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog ng awtor. Naipakikita rin rito ang
pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin kagaya ni Danding nabigyan ng linaw ang
kanyanmg mha tanong tungko sa kanyang ama. Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa
palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang
pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak
ay sumasalungat sa bagyo at baha makauwi lamang sa Inang Bayan. Kung bakit walang atubiling
naghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio. Dito na pumasok ang teoryang historikal dahil nabanggit
ng may-akda ang kadakilaan ng ating mga bayani na si Rizal at Bonifacio. Hindi man deretsahang
sianbi ng may-akda na nabuwis ng buhay ang dalawang bayani ginamit niya naman ang dugo
upang maging simbolo sa katapangan ng mga ito

You might also like