Filipino IV Mock Test

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

INCREDIBLE MINDS

TUTORIAL SERVICES
City of San Jose del Monte, Bulacan

MOCK EXAM
IN
FILIPINO iv

Name: _________________________________ Date: _______________


Grade and section: _______________________

Test I. Kahunan ang dalawang buong diwa sa sumusunod na mga tambalang pangungusap.
Lagyan ng / ang ginamit na pangatnig.
1. Ang nanay ko ay isang Pilipina samantalang isang Amerikano ang aking tatay.
2. Matanda na si Mang George pero nagtatrabaho pa rin siya.
3. Naglaba si Dina at naglinis din siya ng bahay.
4. Inaantok na ako subalit marami pa akong dapat pag-aralan.
5. Nagtatrabaho na ang lahat habang si Nestor ay tulog na tulog pa.
Test II. Bilugan ang dalawang buong diwa sa sumusunod na mga tambalang pangungusap.
Lagyan ng X ang pangatnig .
1. Pumipili si Myra ng bag at ang kapatid niya ay nagsusukat ng damit.
2. Kapuwa matangkad ang dalawang lalaki subalit ang babae ay pandak.
3. Walumpu’t walong taon na nga si Lolo Damian pero siya’y malakas n amalakas pa.
4. Ikaw at ako ay sasakay sa bus at sina Luz at Ferdinand ay magtetren.
5. Maligo ka na at magbihis ka ng malinis na damit.
Test III. Isulat ang T kung tambalan ang uri ng pangungusap ayon sa kayarian o pagkakabuo at
H kung hugnayan.
1. Kung uulan mamaya , susunduin ko kayo.
2. Ako ang magluluto at ikaw ang magliligpit ng kinainan.
3. Malinis ang uniporme mo pero marumi naman ang iyong sapatos.
4. Hindi makapapasok si Dindi sapagkat mataas ang kanyang lagnat.
5. Gusto kong mag-aral ngunit wala akong pambayad sa iskul.
6. Magsepilyo ka ng tatlong beses isang araw upang hindi ka magkaroon ng sirang ipin.
7. Dahil mabuti kang bata, gagantimpalaan ka ng Diyos.
8. Mahusay umawit si Sarah at marunong din siyang tumugtog ng piyano.
9. Bumalik ka rito kapag ubos na ang gamut mo.
10. Tuloy-tuloy na bumuhos ang ulan kaya tumaas ang tubig sa aming barangay.
Test VI. Ibigay ang hinihinging impormasyon tungkol sa card catalog na nakalahad.
Philippine Poetry (Filipino)
F
PL
616.4.R9 Rubin, Ligaya Tiamson
P11 Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula NG Buhay at Bayan
2000 Ligaya Tiamson-Rubin.-
Manila: De La Salle University Press, Inc. C2000
179 p.23 cm.
ISBN 971-5555-335-4
1. Philippine poetry (Filipino). I. Title

______________1. Uri ng Kard


______________2. Awtor
______________3. Pangalan ng tagapaglathala/
Tagapaglimbag
______________4. Lugar ng palimbagan
______________5. Petsa ng pagkakalimbag
______________6. Bilang ng pahina
______________7. Sukat ng aklat
______________8. Pamagat ng aklat

Test V. Gawing karaniwan ang ayos ng sumusunod na mga pangungusap.


1. Ang anak ay masayang yumayakap sa kanyang ina.
_____________________________________________
2. Si Dana ay sanay gumamit ng makinang Panahi.
_____________________________________________
3. Ang mga manlalaro ay pinuri ng pangulo.
_____________________________________________
4. Sina Xian at Inigo ay kapuwa mahusay tumugtog ng gitara.
_____________________________________________
5. Ikaw ba ay handang tumulong sa mga nangangailangan?
_____________________________________________
Test VI. Isulat sa di-karaniwang ayos ang sumusunod na mga pangungusap.
1. Tapat makisama sa lahat si Benjo.
_____________________________
2. Dali-daling sumakay sa bus ang lalaki.
_______________________________
3. Maagang pumasok sa opisina ang ate ko.
__________________________________
4. Lumaking magalang at masayahin si Trisha.
___________________________________
5. Matiyagang inaalagaan ni Dino ang kapatid.
____________________________________
Test VII. Piliin ang tamang sagot ng HANAY A sa HANAY B.
HANAY A HANAY B
______1. Karaniwan o Tuwid a. kapag ang panaguri ay nauuna sa simuno.
______2. Di-karaniwan o kabalikan b. kapag ang simuno ay nauuna sa panaguri.
______3. Kard ng Awtor c. pangalan ng awtor ang pinakanaunang
nakasulat sa itaas na bahagi ng kard na ito.
______4. Hugnayan d. pamagat ng aklat ang pinakanaunang
nakasulat sa itaas na bahagi ng kard na ito.
______5. Kard ng Paksa e. pangungusap na binubuo ng dalawang
sugnay na makapag-iisa
______6. Kard ng Pamagat f. pangungusap na binubuo ng isang diwa
at sugnay na di-makapag-iisa
______7. Tambalan g. ang paksa ang pinakanaunang nakasulat
sa itaas na bahagi ng kard na ito.

You might also like