Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon IV-A CALABARZON

Sangay ng Lungsod ng Lipa

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 5

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap

C. Kasanayan sa Pagkatuto

1. Natutukoy ang kahulugan ng isng dula.

2. Naibibigay ang damdamin at saloobin ng bawat tauhan.

3. Naisasabuhay ang mga aral na nakukuha sa dualang tinalakay.

II. NILALAMAN

A. SANGGUNIAN

“Dahil Sa Anak”

Mga Pahina sa Tesbuk; PLUMA, pahina 2-10


B. Iba pang Kagamitang Panturo: Pantulong Biswal, Ispiker, Larawan,
Medalya

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. PANALANGIN

(Tugtog ng Gangsa)

B. Bago kayo maupo magkakaroon


muna tayo ng isang tsek. At ito ay
tatawagin kong #DULA TSEK

D - dapat ang mga estudyante


ay makapagobserba sa kanilang
kapaligiran

U –upang Makita kung may


mga basura sa kanilang silid
aralan.

L -limutin ang kalat na makikita

A –at ayusin ang bawat silya


pagkatapos ay bumati ng
MAGANDANG HAPON.

C. Pagtatala ng mga liban

Ngayon naman ay lingonin nyo ang


inyong katabi kung sila ay pumasok
at kung hindi ay itaas ang kamay at
sabihin sa akin ang pangalan ng
liban.
A. Balik-aral sa nakaraang aralin ata
pagsisimula ng bagong aralin

Mga bata mahalaga ba ang bawat


nakaraan natin?
Sasagot ang esgtudyante na
naaayon sa kanyang pananaw.
Bakit mo nasabing oo/hindi?

Kung mahalaga ang nakaraan,


maari ba kayong magbagi sa akin
ng inyong natutunan patungkol sa
ating tinalakay noong nakaraang
araw.
Ang natutunan ko po ay tungkol sa
dula.

Ang dula ay isang uri ng panitikan.


Nahahati ito sa ilang yugto na
maaring tagpo.

Ano ang pinakalayunin ng dula?


Pinakalayunin nitong itanghal ang
mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado.

Ano ang tinatawag na tagpo sa dula?


Ang tagpo sa dula ay ang paglabas
masok sa tanghalanng mga tauhan.

Ano ang bahagi ng dula?


Ang mga bahagi po ng isang dula ay
yugto, tanghal t tagpo.

B. Paghahabi ng Layunin ng Aralin

Magbibigay ang guro ng ilang


dayalekto na nagmula sa dulang
kanyang tatalakayin.

Ang bawat dayalekto na ibibigay ng


guro ay bibigkasin ng mga
estudyante sa ibat ibang emosyon.

Mga dyalekto na nakapaloob sa


dulang “Dahil Sa Anak”

 “Para sa akin ay mas


mahalaga ang isang ama
kaysa ilan mang asawa… ang
ilan mang asawa at anak ay
maaring Makita, ngunit ang
isang ama ay hindi.”- Manuel
 “Magpapari ka lalagutin mo
ang tanikalang magmamana
sa pangalang lakambayan?
Naloloko ka na ba?”-Don
Arkimedes
 “Itoy isang batang walang
ama… at sa akala ba ninyo ay
kasalanan ng batang ito ang
siyay magkaroonng isang
nunong sa halip na lagyan sa
dibdib ng isang puso, ang
napalagay ay isang batong
meycauayan?”-Sidora
 “Pwes, ang asawang sinasabi
ninyo, at ang amang inyong
binabanggit ay hindi dito
nakatira. Hindi ko sya
nakikilala… kung ang ibig
ninyong sabihin ay ang aking
anak… pwes, akoy walang
ana…Kamamatay
lamang..”-Don Arkimedes
 “Marahil ay nasa isip ninyo na
ang mga hapaslupang ito ay
naparito upang lumuhod sa
inyo at umiyak.. pwes,
nagkakamali kayo… kamiy
mahihirap… ngunit kamiy
hindi makapagpapalimos ng
asaw at ama.. kayo ay
nakilala namin.. para sa inyo
ang mahihirap na gaya namin
ay di mga tao kundi mga ya
 glit na sumama sa alikabok,
at pag ihip sa hangin ay syang
makakapuwing sa inyo…
nalalamn ba ninyo?”-Sidora

Ngayon naman ay meron akong


inihandang jumble letters na kung
saan ay inyong aayusin upang
malaman ninyo ang ating
tatalakayin. Meron akong larawan
na ipapakita na magbibigay daan
upang mabuo nyo ito ng tama.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin:

Base sa ginawa ninyo, ano ang


nabuo nyo?
DAHIL SA ANAK po.

Ang dahil sa anak ay isa lamang


halimbawa ng isang dula na isinulat
ni Julian Cruz Balmaceda. At ang
bawat dayalektong inyong binigkas
kanina lamang ay mga dayalektong
nagmula sa dulang dahil sa anak.

Ano ang ideya napumasok sa inyong


isipan sa pamagat ng akdang ating
tatalakayin?
Sa palagay kopo ay patungkol ito sa
isang pamilya.

Magaling! Ang dulang ito ay tungkol


sa isang pamilya.

(ang guro ay aakto na isa sa mga


karakter ng dula na kung saan sya
ang magkukwento ng mga
pangyayari sa dula)

At ang kwentong ito ay patungkol sa


aking buhay.

Ako si ma’am Rita. Bago ako


magkaroon ng masayang pamilya,
marami munang lungkot,sakit at
iyak ang aking naranasan.

#SabiNgaNila “Sa buhay bago ka


maging masaya kelangan mo muna
makaranas ng hirap”

Nais ko lang ibahagi ang aking


istorya na pinamagatang “Dahil Sa
Anak.”

(Bago ikwento ang istorya ay meron


munang ilang bagay na dapat
isaalang-alang)

Bilang bahagi parin ng


pangangailangan ninyo upang
maintindihan ang akdang aking
babasahin ngayon, ay mayroon
akong ikakapit na talasalitaan sa
pasira. Ito ay magsisilbing gabay
ninyo sa pakikinig at pagiintindi ng
akdang baasahin.

Hampaslupa- mahirap lamang na


nilalang.

Yagit- mga anak mahirap.

Kutsero-

Meycauayan-

Lakambayang lalaki-

D. Pagtatalakay sa bagong konsepto


at paglalahad ng bagong kaisipan

Ngayon ang nais ko lamang ay


kayo’y makinig habang akoy
nagkukwento.

Handa na ba kayong makinig?

“Dahil Sa Anak”

TAUHAN:

Don Arkimedes- ay maituturing na


makaluma. Bukod sa pagiging
relihiyoso ay patuloy parin syang
naniniwala sa mga kaugalian at
paniniwala ng mga nging ninuno
niya. Anak niya si Manuel.
Don Cristobal- ay kasalungat ng
ugalin mayroon ang kaniyang
pinsan(don Arkimedes) na kanya
ding kaibigan. Siya ay maunawain at
bukas ang kanyang isipan sa lahat ng
bagay. Tiyuhin ni manuel.

Aling Sidora- ay ang tiya ni Rita. Siya


ang kumupkop sa kaniya noong
namatay ang kanyang ina.

Manuel- ay ang anak ni Don


Arkimedes. Siya ay umibig sa babae
na ang estado ng pamumuhay ay iba
sa kaniyang nakagisnan.

Rita- ay ang babaeng inibig ni


Manuel. Isang guro sa kanilng
bayan.

TAGPUAN:

Sa bahay ni Don Arkimedes. Ito ay


isang bahay na mayaman.
Mapapagkilalang itoy isang bahay sa
una dahil sa mga kasangkapang
gamit. Ipalalagay din na ang
namumuhay ay mapaniwalain sa mg
autos ng pananampalataya.

Ang itsura ba ng tanghalan ay inyo


nang naiimuha?
Opo. Iyan po ay isang halimbawa ng
isang tagpo sa dula.

Ngayon ay uumpisahan ko na ang


aking kwento.
Nagumpisa ang kwento sa pag
iibigan nina Rita at Manuel. Si
Manuel na anak ni Don Arkimedes
ay nagkaroon ng suliranin nang
ibigin niya si Rita na anak na isang
labandera ngunit nakapagtapos
naman sa Normal School at
nakapagturo sa paaralang-bayan.
Lingid sa kaalaman ng Don ang
pag-iibigan ng dalawa. Nang
magbunga ang kanilang
pagmamahalan,ninasa nilang
magpakasal upang mabigyan ng
pangalan ang sanggol. Naisip ni
Manuel na hingan ng tulong ang
kanyang maaing si Don Cristobal na
pinsan ng kanyang ama. Pumayag
naman ito ngunit sa pakikipag-usap
nito sa kanyang pinsan,sinabi sa
kanya ni Don Arkimedesna mula raw
nang sandaling gumawa ng
napakalaking kasalanan si Manuel
itinakwil na niya ito kahit na
nag-iisang anak lamang
ito.Ngunit,dahil sa matalinong
paaralan ng pakikipag-usap ni Don
Cristobal,na paglubag niya ang
kalooban ng kanyang pinsan na
nagpapasalamat pa sa kanya.
Bago umalis,ipinagbilin pa ni Don
Arkimedes na kung makikita niya
si Manuel,sabihing gusto niya itong
makausap.Tinawag naman ni Don
Cristobal si Manuel ngunit sa
pag-uusap ng mag-ama,nagmatigas
si Don Arkimedes sa pag-ayaw
niyang pakasal ito kay Rita.
Gayunman,sinabi ni Manuel na sa
ayaw at sa gusto ng ama
tutuparin niya ang kanyang pangako
kay Rita na sila'y magpapakasal.
Muling,nag-usap ang mag-amain.
Umisip sila ng paraan upang
mabago ang pasya ni Don
Arkimedes. Nang mabuo na nila ang
paraan na inaakala nilang siyang
makalulutas ng suliranin,kinausap
nila si Rita at ang ale nitong si Aling
Sidora. Inilahad ng dalawa kung
paano makikipag-usap
ang mag-ale kay Don Arkimedes.
.

IKA-VII TAGPO
(Si Rita, si Sidora, at Arkimedes)

Si Rita kasama ang kanyang anak at


si Aling Sidora ay nagtungo sa bahay
ni Don Arkimedes upang ito ay
kausapin. Nais nalang kausapin ang
Don patungkol kay Manuel at sa
anak nila ngunit itinaggi ito ni Don
Arkimedes na may anak sya.

“Pwes, ang asawang sinasabi


ninyo, at ang amang inyong
binabanggit ay hindi dito nakatira.
Hindi ko sya nakikilala… kung ang
ibig ninyong sabihin ay ang aking
anak… pwes, akoy walang anak ….
Kamamatay lamang..”-Don
Arkimedes

Sa tingin nyo tama ba na itanggi ng


isang ama ang kanilang anak?

Mahusay! Mali na itanggi ng


ama ang kanilang sariling anak
sapagkat kahit na hindi biro
ang pagkakasala ng kanyang
anak sa huli ay dugo parin nya
ang nanalaytay at bumubuhay
rito.

Ngayon ipagpatuloy ntin ang


aking kwento.

Pinagpatuloy nina Rita at Aling


Sidora na kauspin ang Don kahit na
itoy nagmamatigas pa.

“Marahil ay nasa isip ninyo na ang


mga hapaslupang ito ay naparito
upang lumuhod sa inyo at umiyak..
pwes, nagkakamali kayo… kamiy
mahihirap… ngunit kamiy hindi
makapagpapalimos ng asawa at
ama.. Kayo ay nakilala namin.. para
sa inyo ang mahihirap na gaya
namin ay di mga tao kundi mga
yaglit na sumama sa alikabok, at
pag ihip sa hangin ay syang
makakapuwing sa inyo… nalalaman
ba ninyo?”-Sidora

Ano ang masasabi ninyo sa pahayag


ni Aling Sidora? Ano ang kanyang
naging ugali?

Nagpatuloy ang pag sasalita ni Aling


Sidora upang mas lalong paamuin si
Don Arkimedes.

“Itoy isang batang walang ama… at


sa akala ba ninyo ay kasalanan ng
batang ito ang siya’y magkaroon ng
isang nunong sa halip na lagyan sa
dibdib ng isang puso, ang napalagay
ay isang batong
Meycauayan?”-Sidora

Ano ang nais iparating ni Aling


Sidora sa kanyang pahayag?

Dahil sa mga sinabi ni Aling Sidora ay


nagbago ang isip ni Don Arkimedes.
Nais na niyang magpakasal si Rita at
Manuel dahil di nya matitiim na
magkaroon ng isang anak na
binatang ama at isang apong walang
nuno. Patuloy parin sa
pagpapanggap sina Rita at Aling
Sidora na di na sila sang-ayon sa
pagpapakasal.

IKA-VIII TAGPO

At sa gitna ng kanilang pag tatalo ay


dumating si Don Cristobal na syang
nagplano ng lahat. Nag kunwari
syang walang alam sa mga
nangyayari. Doon ay ipinaliwanag ni
Don Arkimedes ang pag ayaw ni
Aling Sidora na pakasal ang dalawa.

IKA-IX TAGPO

Binuhat ni Don Arkimedes ang


kanyang apo at sinabing “Sasabihin
ni Cristobal na hindi ko raw
kamukha ito… pwes, walang
iniwan… ang mata, ang ilong, ang
bibig.. ang tainga hindi
maipagkakaila… “Hayan ang apo ni
Arkimedes …” Itoy pihong may
malaking taling sa batok… gaya ng
lahat ng Lakambayang lalaki.”
Ano ang ipinakitang emosyon ni Don
Arkimedes sa kanyang pahayag?

Tama! Siya ay nagpakita ng


pagkagiliw sa bata. Makikita kung
gaano siya natuwa sa bata at siya
ang naging dahilan ng pagtanggap
nito kay Rita at Manuel.

Masasabi nyo bang nagtagumpay na


sina Don Cristobal, Manuel, Rita at
Aling Sidora sa kanilang plano?

Mahusay! Sila nga’y nagtagumpay


sa plano na paamuin si Don
Arkimedes upang ang dalawa ay
makasal sa madaling panahon.

IKA-X TAGPO

Habang hawak ni Don Arkimedes


ang kanyang apo ay dumating
naman si Manuel upang kausapin
ang knyang ama. Sinabi nito na buo
na ang kanyang isip na kagaya ng
kagustuhan ng kanyang maama
nung una nilang pag uusap ay di na
sya magpapakasal kay Rita

“Para sa akin ay mas mahalaga ang


isang ama kaysa ilan mang asawa…
ang ilan mang asawa at anak ay
maaring Makita, ngunit ang isang
ama ay hindi.”- Manuel
Sa pahayag ni Manuel, Ano ang nais
niyang ipamulat sa kanyang ama?

Magaling. Nais ni Manuel na


ipamulat sa kanyang ama ang halaga
ng isang pagiging ama.

At para mas lalong maging buo ang


pasya ng kanyang ama na
ipagpakasal sila ni Rita ay sinabi
nyang sya ay magpapari na lamang.

“Magpapari ka lalagutin mo ang


tanikalang magmamana sa
pangalang lakambayan? Naloloko
ka na ba?”-Don Arkimedes

Ano sa tingin nyo inaalala ni Don


Arkimedes?

At sa puntong ito ay masasabing


totoong nagtagumpay na nga sila sa
kanilang plano na mapapayag si Don
na magpakasal si Rita at Manuel.
hingil sa kaalaman ng Don ay
pumayag lamang si Rita magpakasal
kay Manuel dahil sa anak. Doon ay
nagpasya si Don naipakasal si Rita at
Manuel sa madaling panahon at nais
nya din na sa kanyang poder sila
manirahan. Sa huli ay nalaman din
ng Don na lahat ng nagyari ay
palabas lamang.

Naintindihan nyo ba ang kwento?


Patungkol saan ang kwento?

Anong aral ang mapupulot sa


pangyayari ?

E. Paglinang sa Kabihasnan

Upang lubos kong malaman kung


naintindihan nyo ang kwento at
kung anong nais ipabatid ng may
akda, kayo muli ay magkakaroon ng
pangkatang gawain.

Papangkatin ko kayo sa apat.


Matutukoy ninyo ang inyong
pangkat batay sa numerong
nakasulat sa papel sa ilalim ng
inyong mga upuan. Bubunot ang
bawat tagapanguna ng kanilang
magiging gawain. Bibigyan lamang
kayo ng limang minuto upang
makapaghanda at limang minute
muli para sa gagawing
presentasyon.

4- Pangkat Una

3- Pangkat Dalawa

2-Pangkat Tatlo

1-Pangkat Apat

UNANG PANGKAT

Bubuo ng isang kanta na may


kaugnayan sa dulang napakinggan.

IKALAWANG PANGKAT

Gumawa ng isang tula na may


kaugnayan sa dulang na pakinggan.

IKATLONG PANGKAT

Gumuhit ng isang simbolo na may


kaugnayan sa dulang napakinggan.

IKAAPAT NA PANGKAT

Bumuo ng isang dula na may


kaugnayan sa akdang “Dahil sa
Anak.”

Ngayon ay atin namang


isaalang-alang ang ating
pamantayan sa pagmamarka upang
higit na maging maayos at
makabuluhan ang ating gagawin.

Pamantayan sa pagmamarka

Presentasyon - 5 puntos

Nilalaman - 8 puntos

Partisipasyon - 3 puntos

Pagkamalikhain - 4puntos

Kabuuan 20 puntos
(Ang guro ay magbibIgay ng kanyang
hatol)

Binabati ko kayo! Sapagkat


matagumpay ninyong naisagawa
ang inyong mga pangkatang gawain.

F. Paglalahat sa Aralin

Ngayong matagumpay nyong


naisagawa ang inyong mga gawain,
may iilang tanong akong nais kong
inyong sagutin.

Sa inyong palagay ano ang


mensaheng nais ipabatid satin ng
may akda ?

Anong teorya ang nakapaloob sa


akda? Magbigay ng ilang teorya.

G. Paglalapat ng Aralin sa pang


araw-araw na buhay
Batay sa aral na iyong napulot paano
mo ito maisasagawa sa tunay na
buhay?

Magbigay ng halimbawa.

#SabiNgaNila “

H. Pagtataya ng Aralin

Paghihinuha

Panuto: piliin sa hanay B ang posibleng maging bunga ng mga pahayag sa


hanay A. isulat sa sagutng papael ang atamang sagot.

A B

1. nagmatigas si Don a. Hindi kaagad lalambot ang


Arkimedes na huwag puso ni Don Arkimedes at
taggapin si Rita at ang anak di madaling mlulutas ang
nito. suliranin ng mag asawa.
2. Sinunod ni Manuel ang b. Hiindi makikinig at di
lahat ng sinasabi ng ama. malalaman ni Don
3. Mahiyain at kiming Arkimedes ang kanyang
magsalita si Aling Sidora. mga pgkakamali sa anak,
4. Nagmatigas si Rita na manugang, at apo.
huwag magpakasal kay c. Hindi makikilala ni Don
Manuel. Arkimedes ang kanyang
5. Itinago nina Manuel at Rita apo at manugang at
ang anak kay Don tuluyang mawawala ang
Arkimedes. kanyang anak.
6. Winalang bahala ni Don d. Kalilimutan niya si Rita at di
Cristobal ang problema ng na makikita ang sariling
pamangkin. anak.
e. Lalong magagalit si Don
Arkimedes at magiging
mahirap ang
pagpapatawad sa mag
asawa.
f. Mabubuhay nang
malungkot si Rita at mag
isang susuporta sa kanyang
anak.

I. Takdang Aralin:
Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa inyong magulang. Ito ay
dapat pasasalamat sa kanilang pag aaruga, pagmamalasakit at
pagmamahal sa inyo. Isulat ito sa coupon bond.

You might also like