Mula Sa Patrol.ph (2018) “Ibinabaling ng ilang tumitigil sa pagyoyosi ang kanilang
bisyong paghithit sa e-cigarette o vaping dahil sa pag-aakalang mas ligtas ito sa kalusugan.Pero paalala ng isang doktor, mayroon pa ring nicotine ang e-cigarette na nakasasama sa kalusugan”.Base Sa Ulat na ito Na Hindi Parin Sagot Ang Vaping para sa mga gustong tumigil sa pag yoyosi.Ligtas man ito sa pag aakala ng iba base sa isang doktor na nag tataglay parin ito ng kemikal na nicotine na nakakaapekto sa Kalusugan ng mga gagamit nito. Mula sa Balita Online (2016) “Laganap na ang paggamit ng electronic cigarettes o e-cigs simula nang lumabas ito sa merkado sa U.S. noong 2008.Lumilitaw ngayon ang ebidensiya ng positibo at negatibong dulot nito sa kalusugan ng tao. Isang battery- powered device ang e-cigarette na nag-iinit ng likido — karaniwang may sangkap na nicotine, propylene glycol at glycerin at flavorings katulad ng bubble gum at watermelon — na nagiging vapor na maaaring langhapin”.Base Sa Literatura na ito Lumaganap ang Vaping Simula nung Nilabas ito sa merkado ng U.S. Noong 2008 At may mga Negatibo at positibo itong dulot sa kalusugan ng tao.Ito ay mabisang kapalit ng sigarilyo Ngunit tulad ng sigarilyo ng dudulot din ito ng nicotine na isa sa mga sangkap ng pagawa ng sigarilyo na isa sa mga mag dudulot ng masamang epekto sa gagamit nito. Ayon sa de Dios (2017) “Nagbabala ang Department of Health o DOH sa masamang epekto na dulot ng usok ng vape o mga electronic cigarette na ginagamit ng mga kabataan ngayon sa halip na sigarilyo”.Ayon sa Literatura Na pati ang Usok na maaring makalanghap nito ay mag dudulot ng masama sa kalusugan.Mabisa man itong pamalit sa sigarilyo hindi parin makakalgtas sa sakit na maaring makuha rito. Mabango man ang amoy na nilalabas na usok ng vape ito naman at maaring maka apekto sa kalusugan ng makakalanghap nito. Mula sa Balitambayan (2019) “Maglalabas ng Administrative Order (AO) ang Department of Health sa susunod na buwan para higpitan ang pagbebenta at paggamit ng e-cigarette at vape. Irerekomenda rin daw nito sa Kongreso na isama e-cigarette at vape sa Tobacco Regulation Act at Sin Tax law”.Base sa Balitambayan na Mas mag hihigpit ang mga Vape Shop Sa mga pag bebentahan nito.At Irerekomenda ang Vaping Na isa ma sa Tabacco Regualation Act Na Maaring maka apekto sa mga May ari ng Vape shop pati sa mga gumagamit nito. Ayon kay Gianan (2016) “Nagsasagawa ng masusing pag-aaral ang Department of Health (DOH) hinggil sa negatibong epekto ng e-cig o electronic-cigarette sa katawan ng tao”.Nagsagawa ng Pag aaral ang DOH Hingil sa Masamang Epekto ng Vaping sa Katawan ng mga gumagamit nito.Bumababa man amg bilang ng mga taong gumagamit ng sigarilyo subalit ang ilan naman at lumalapit sa pagamit ng vape.Tulad ng Sigarilyo nag tataglay din ito ng nicotine na makaka apekto sa kalusugan ng gumagamit nito. Local Literature Patrol.ph “ALAMIN: Epekto ng vaping sa kalusugan” Retrived From: https://news.abs-cbn.com/life/04/16/18/alamin-epekto-ng-vaping-sa-kalusugan Aug 17 2019 10:00 Am
Balita Online “Ano nga ba ang epekto ng electronic cigarettes?”
Retrived From:http://balita.net.ph/2016/05/20/ano-nga-ba-ang-epekto-ng-electronic- cigarettes/ Aug 17 2019 10:20 Am
Krista de Dios “MASAMANG EPEKTO NG VAPE O E-CIGARETTES IBINABALA”
Retrived From: https://www.dwiz882am.com/index.php/masamang-epekto-ng-vape-o-e- cigarettes-ibinabala/ Aug 17 2019 10:30 Am
Balitambayan “Bentahan at paggamit ng e-cigarette at vape, nais higpitan ng DOH”
Retrived From: https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/695223/bentahan-at-paggamit- ng-e-cigarette-at-vape-nais-higpitan-ng-doh/story/ Aug 17 2019 10:50 Am
Fernan Gianan “Alamin: Negatibong epekto ng E-Cigarettes sa Katawan ng Tao”
Retrived From: https://news.definitelyfilipino.net/posts/2016/10/negatibong-epekto-ng-e-cigarettes-sa- katawan-ng-tao/ Aug 17 2019 11:00 Am