Kulturang Popular

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Gilliane Oida Del Rosario

11931183
Bb. Calindro

Kulturang Popular

Unti-unting nagbabago ang kultura. Mula noong dumating ang mga dayuhan sa
Pilipinas, hindi naiwasan ang pagkuha ng iilang mga impluwensya galing sa kanilang kultura.
Iilan sa mga ito ay naging kasama sa pang araw-araw na gawain ng mga Pilipino, hanggang sa
ito ay naisama at nahalo na rin sa kultura natin at naging ​normal na ito. Dahil sa pagdating ng
internet at ​media​, mas marami na rin tayong ideyang nakukuha na bago galing sa mga dayuhan
at ito'y ginagaya nating mga Pilipino dahil sa ideya na mas mataas ang antas nila kumpara sa
ating mga Pilipino. Samakatuwid, ito ay tuluyan nang nagiging isang ​trend​ sa ating lahat.
Nang ipinatupad ang kapitalismo sa Pilipinas, doon na nagkaroon ng ​heirarchy ​o ​class
ang mga Pilipino. Ito ay ang ​high class​, ​middle class​, at ang ​lower class​. Ang mga ​class na ito
ay nakadepende sa sweldo ng mga mamamayang Pilipino. Dahil dito, nagkaroon na ng iba't
ibang kultura ang mga tao sa bawat ​class​. Ang mga nasa ​higher class ay nakatira sa mga
magagandang bahay, kumakain sa mga ​high class na kainan, bumibili ng mga ​imported na
damit, atbp. Ang ​lower class ay ang mga tao na hindi gaanong kataas ang kanila sweldo, at ito
nakaresulta sa kanilang pagtira sa mga hindi kanais-nais na tirahan, at wala masyadong kaya
sa buhay. Ang ​middle class naman ay may katamtaman na pangkabuhayan. Hindi sila
nabibilang sa mga 'sosyal' o mga 'mahihirap'. Ayon kay Tolentino (2010), dahil dito,
nagkakaroon ng mga diskriminasyon lalo na sa mga taong nabibilang sa mga ​lower class​.
Ngunit dahil sa ​internet​, ​media​, at impluwensya galing sa mga dayuhan, lalo na sa mga
Amerikano, may umusbong na kaisipan at ito ang sinasabi niyang 'kulturang popular'.
Ang kulturang popular ay ang "kultura ng gitnang uri" (Tolentino, 2010). Ang ibig sabihin
nito ay ito ang kultura na kayang iangkop ng mga mayayaman at mahihirap. Ito ang kulturang
pwedeng babaan ng mga mayayaman upang "magkaroon ng malawakang kolektibong
karanasan kumpara sa pwesto sa tuktok ng tatsulok" (Tolentino, 2010). Binanggit din ni
Tolentino na ito ang "normalisasyon ng mga di-pangkaraniwang bagay sa pang araw-araw na
realidad ng paghihikahos" o ito ay ang pag-angkop ng mga mahihirap doon sa pangkabuhayan
o gawain na hindi ​normal sa kanilang pang araw-araw na gawain. Halimbawa lamang dito ay
ang pagkain sa mga ​fastfood restaurants tulad ng McDonald's at Jolliibee. Ang kulturang
popular ay may koneksyon din sa politikal at ekonomikong perspektibo. Maaaring may
koneksyon ito sa politikal na espekto sa paraan ng eleksyon. Binahagi ni Tolentino (2010) na sa
pagboto, "binibigyan pagpapahalaga ng naghaharing uri ang masa dahil sa kanila nanggagaling
ang bulto ng botong magpapahalal hindi sa representatibong opisyal ng nakararaming uri, kundi
sa representatibong opisyal ng mismong naghaharing uri". Ito rin ay dahil sa pagiging
demokratikong gobyerno ng Pilipinas kung saan kinakailangan makuha ang boto ng mga
mamamayang Pilipino. Ang kulturang popular ay maaaring magkaroon ng koneksyon din sa
ekonomikal na perspektibo dahil sa mga komersyal ng mga produkto na makikita sa telebisyon
at ​social media​. Binanggit ni Tolentino (2010) na hindi maiiwasan ang pagiging konsumerismo
ng mga mamamayan dahil ito ay naging parte na ng globalisasyon noong unang panahon pa.
Dito, ginagawang abot-kaya sa masa ang mga produkto ng mga kompanya, kaya ito nabibilang
sa kulturang popular.
Base ​sa pagkakaintindi ko sa diskusyon ni Tolentino tungkol sa kulturang popular, isang
halimbawa na mabibigay ko ay ang pagiging isang “​influencer​” sa social media. Ito ay ang
pag-upload ng mga bidyeo tungkol sa kanilang mga paglalakgbay, mga ginagawa sa isang
araw, ​makeup routine​, pag-review sa isang tatak o ​brand​, atbp. Sinasabi na naging uso ito dahil
ayon kay Westenberg (2016), nagiging mas ​relatable ang mga ito sa henerasyon ng mga
​ a makikita natin sa telebisyon at pelikula.
kabataan ngayon kumpara sa mga ​celebrities n
Tinuturing ​relatable ang mga ​influencers ​dahil “ang pansin ay nakuha galing sa kanilang mga
personalidad, natatanging talento at pagiging malikhain nila.” (​Attention is gained for their
personalities, unique talents and creativity.​ ) Sila ang mga taong nais masikap at makamit ng
mga kabataan ngayon. Sila rin ay tinuturing ​relaltable dahil sa kanilang mga matalik na kwento
tungkol sa kanilang mga ​personal na buhay, na tila silang tinuturing “malapit at
mapagkakatiwalaan” ng mga kabataan ngayon. (​The intimate stories about personal lives make
them seem approachable and trustworthy​.) Ang pagiging ​influencer s​ a ​social media ay
maaaring maging halimbawa ng kulturang popular dahil ito ay pasok sa pagiging “kultura ng
gitnang uri”. Ito rin ay isang malawak na espasyo kung saan maaari itong gawin ng lahat,
mayaman man o mahirap. Ito rin ay dahil mayroon nang ​access sa internet ang mga tao sa
Pilipinas at ito ay kadalasan nang ginagawa ngayon.
Sanggunian:
Tolentino, R. (2010). ​Gitnang uring fantasya at materyal na kahirapan sa neoliberalismo:
politikal na kritisismo ng kulturang popular​. Manila, Philippines: University of Santo
Tomas Publishing House.
Westenberg, W. (2016). The influence of Youtubers on teenagers. ​The Netherlands: University
of Twente​, 8-9. Retrieved from:
https://essay.utwente.nl/71094/1/Westenberg_MA_BMS.pdf

You might also like