Title: THE PHILIPPINE INDIGENOUS PEOPLES’ STRUGGLE FOR LAND AND LIFE
Author: Jose Mencio Molintas Place of Publication: Manila, Philippines
PANGUNAHING IDEYA PALIWANAG
1. Indigenous People Ano nga ba ang Indigenous People? Sino
nga ba sila? Sila ang mga katutubong pilipino na isa sa mga may pinaka mayayamang kultura sa ating bansa. Sila ang nagbibigay kulay sa kulturang pilipino. Sila yung mga katutubong Pilipino na matagal nang nanirahan sa ibat’ ibang parte ng rehiyon na nagkakaisa dahil sa kanilang mga tradisyon, kultura, paniniwala, at iba pa. Sa paglipas ng panahon, sila ay marami nang problemang kinakaharap dahil sa kanilang pagtanggol sa kanilang mga ancestral land. 2. Indigenous People in the Upang mas lubusan nating makilala ang Philippines mga katutubong Pilipino, dapat magkaroon tayo ng ideya kung saang parte ng rehiyon sila naninirahan. Maaring ito ay sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang mga halimbawa nito ay mga Igorot, Aeta, Lumad, at marami pang iba. Iba iba man sila ng rehiyon, sila ay mayroong iisang layunin: Ang protektahan ang kanilang katutubong lupa. 3. Ang Kanilang Konsepto ng Lupa Ang lupa para sa mga katutubong Pilipino ay isang napakalaking isyu at napakalaking bagay para sakanila dahil ang mga lupang kinukuha sa mga katutubong pilipino ay hindi lamang materyal na bagay para sa kanila, ito ay buhay. Ang lupa ang ginagamit nila para sa kanilang pamumuhay, tinataniman nila ito at ginagawang source of living para sa kanilang kabuhayan. 4. Conflicts and Struggles over Ang isyu ng mga conflict nito ay nakaka- Land and Life apekto sa buhay ng mga IPs. Nang dahil sa pagdidiskrimina sa kanila, maraming katutubong pilipino ang nawawalan ng oportunidad upang makapagtrabaho at marami ring mga bata ang naapektuhan ang pag-aaral. Sa paglipas ng panahon, tila kinakawawa ang ating mga katutubo. Pinapa-alis sila sa kanilang mga “ancestral domain” at pinagsasamantalahan at nilalabag ang kanilang mga karapatan. Bakit nga ba nangyayare ito saknila? Ito’y dahil walang sapat at konkretong suporta ang gobyerno sa kanila. Samu’t saring mga katutubo ang napapadpad sa maynila gawa ng pagpapa alis sakanila ng malalaking corporasyong walang inisip kung hindi pagkakakitaan ang kanilang lupain.
May mga insidenteng marami nang buhay
ang nasawi, maraming komunidad ang nasira, at malawak na ring lupain ng mga katutubo ang naagaw, at napinsalang likas na yaman sa panahon ng pakikibaka ng mga katutubo. Ang kanilang mga tinitirhan at mga lugar kung saan kumukuha sila ng kabuhayan ay sinisira ng mga minahan, tulad ng mga ilog kung saan sila nangingisda at mga kagubatan kung saan sila nangangahoy. 5. Indigenous Peoples' Rights Act Nang dahil sa hindi magandang pagtrato sa mga katutubong Pilipino, at sa dinaming raming isyu ang nagkaroon tungkol sa kanilang ancestral domain, naisulong ang batas republika bilang 8371 o mas kilala bilala bilang IPRA, upang kilalanin, ipagtanggol at itaguyod ang mga karapatan ng mga katutubong Pilipino. Sa IPRA, kinikilala ang apat na bigkis na karapatan o 4 bundles of rights – 1) ang karapa- tan sa lupaing ninuno (rights to ancestral domain); 2) karapatan sa sariling pamama- hala at pagbibigay- lakas (right to self-governance and empowerment); 3) katarungang panlipunan at karapatang pantao (social jus ce and human rights); 4) integridad pang- kultural (cultural integrity). Sila ay iniisyuhan ng Certificates of Ancestral Domain Titles.