Marvin

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAHAYAG NG OFR LABAN SA PAGTANGGAL NG WIKANG FILIPINO AT PANITIKAN SA KURIKULUM NG MGA

PAMANTASAN

Nananawagan ang Opisina ng Faculty Regent sa lahat ng guro sa Unibersidad ng Pilipinas na magpahayag
ng mahigpit na pagtutol at maglunsad ng mga pagkilos laban sa walang pakundangang pagtanggal ng
mga asignatura sa wikang Filipino at Panitikan bilang itinakdang kurikulum sa edukasyong tersyarya sa
buong bansa.

Napakalaking hakbang paatras ito sa matagal na nating hangaring makamit ang edukasyong tunay na
makabayan at makamasa. Lalo nitong inilalayo ang mataas na edukasyon sa dapat pinagsisilbihan nitong
nakararaming mamamayan. Hindi lamang nito pinahihina ang tunguhin para sa pagpapalawak ng
paggamit ng wikang pambansa sa lahat ng kurso ng pag-aaral sa mga pamantasan, pinapatay din nito ang
mga departamento at kolehiyo na naglulunsad ng mga napakahalagang pananaliksik hinggil sa Araling
Pilipino (Philippine Studies), Wikang Filipino at hinggil sa mga panitikan sa iba’t bang wika sa
Pilipinas.Hindi lamang ito mali. Maling-mali at kasuklam-suklam ang ganitong panukala at desisyon ng
CHED at ng Korte Suprema. Mananagot sila sa sambayanang Pilipino, kung hindi man ngayon ay sa
hinaharap, para sa kanilang walang kahihiyang kataksilan sa sariling bayan.

Iginagalang, bagaman hindi inaayunan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pasiya ng Korte
Suprema hinggil sa Memorandum Order No. 20 ng Commission on Higher Education (CHED). Naniniwala
ang KWF na bahagi ng mandato nito sa pagpapaunlad ng Wikang Pambansa ang patuloy na manindigan
sa pagtuturo ng Filipino at paggamit nito bilang wikang panturo sa lahat ng antas, sa buong sistema ng
edukasyon.

Malinaw ang tindig ng KWF sa isyung ito mula pa nang ilabas ang CMO 20: panatilihin ang pagtuturo ng
siyam (9) na yunit ng Filipino, at Panitikan—bilang pinakamarikit na halimbawa ng paggamit ng wika—sa
kolehiyo, at gamitin ang Filipino bilang wikang panturo sa General Education (GE) courses na itinatakda
ng CHED. Ang problema, bukod sa pagtatanggal sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo, isinasaad ng CMO 20
na maaaring ituro ang GE courses sa Ingles o Filipino, at sa gayon, ipinauubaya sa mga paaralan kung ano
ang wikang panturo na gagamitin.

Sa isang ideal na sitwasyon, tama ito dahil sa pagpapahalaga sa kalayaang akademiko ng ating mga
kolehiyo at pamantasan. Ngunit dahil sa kolonyal na kasaysayan ng ating sistemang pang-edukasyon,
marami sa ating mga administrador ang higit na pipili sa Ingles kaysa Filipino. Ito ang hindi pahapyaw
man lamang na sinipat ng Korte sa legalista at teknikal nitong interpretasyon sa Saligang Batas. Ito ang
dahilan kung bakit sa halip na itaguyod ang paggamit ng Filipino, marami nang paaralan ang nagbuwag
sa kanilang mga Kagawaran ng Filipino at nagtanggal ng mga guro sa Filipino, bago pa man lumabas ang
pasiya ng Korte Suprema.
Sa gitna ng pagkawala at napipintong pagkawala ng trabaho ng mga guro, at sa pagpatay sa Filipino sa
kolehiyo, muling iginigiit ng KWF ang mahigpit na panawagan sa CHED na ibalik ang pagtuturo ng Filipino
at Panitikan sa kolehiyo at rebisahin, o tuluyang ipawalang-bisa ang CMO 20.

Inirerekomenda rin ng KWF sa mga kolehiyo at unibersidad, lalo na sa mga state colleges and universities
na magsilbing modelo at tagapanguna sa pagtuturo at paggamit ng Filipino bilang wikang panturo.

Naninindigan ang KWF na hindi dapat bawasan, kundi dapat dagdagan pa at pag-ibayuhin ang paggamit
ng Filipino bilang wikang panturo sa iba’t ibang larang: mula sa batas at agham panlipunan, hanggang sa
matematika at agham. Kaugnay nito, mahigpit na inirerekomenda ng KWF ang retooling ng mga guro
para magkaroon ng kakayahang magturo ng ibang larang at disipilina.

Naniniwala ang KWF na wika ang salalayan ng kaluluwa ng bayan. Ang bayan na walang wikang sarili ay
walang kaluluwa.

You might also like