Simbang Gabi - Pasko Salmo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Salmo 24:4bk-5, 6-7, 8-9

Unang Simbang Gabi, A

Music Sheet: https://www.facebook.com/iampsalmist/

RCRamos (2019)

Tugon: Poon, ang iyong landasi’y iyong ituro sa akin.

Ang kalooban mo’y ituro, O Diyos,

ituro mo sana sa aba mong lingkod;

ayon sa matuwid, ako ay turuan,

ituro mo, Poon, ang katotohanan;

tagapagligtas ko na inaasahan. (T)

Poon, gunitain, pag-ibig mong wagas,

at ang kabutihang noon pa’y nahayag.

Pagkat pag-ibig mo’y hindi nagmamaliw,

ako sana, Poon, ay alalahanin! (T)

Mabuti ang Poon at makatarungan,

sa mga sarili’y guro at patnubay;

sa mababang-loob siya yaong gabay,

at nagtuturo ng kanyang kalooban. (T)


Salmo 71:2, 3-4ab, 7-8, 17

Ika-2 Simbang Gabi, A

Music Sheet: https://www.facebook.com/iampsalmist/

RCRamos (2018)

Tugon: Mabubuhay s’yang marangal at sasagana kailanman.

Turuan mo yaong haring humatol ng katuwiran:

sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya’y bahaginan;

upang siya’y maging tapat mamahala sa ‘yong bayan,

at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay. (T)

Ang lupain nawa niya’y umunlad at managana;

maghari ang katarungan sa lupain nitong bansa.

Maging tapat itong hari sa paghatol sa mahirap

at ang mga taong wala’y pag-ukulan ng paglingap. (T)

Yaong buhay na mat’wid sa kanyang kapanahunan,

madama ng bansa niya at umunlad habang buhay.

Yaong kanyang kaharian ay palawak nang palawak,

mula sa ilog Eufrates, sa daigdig ay kakalat. (T)

Nawa yaong kanyang ngalan ay h’wag nang malimutan,

manatiling laging bantog na katulad nitong araw;

nawa siya ay purihin ng lahat ng mga bansa,

at sa Diyos, silang lahat dumalanging:

“Harinawa pagpalain kaming lahat, tulad niyang pinagpala.” (T)


Salmo 71:2, 3-4ab, 7-8, 17

Ika-2 Simbang Gabi, A

Music Sheet: https://www.facebook.com/iampsalmist/

RCRamos (2018)

Tugon: Mabubuhay s’yang marangal at sasagana kailanman.

Turuan mo yaong haring humatol ng katuwiran:

sa taglay mong katarungan, O Diyos, siya’y bahaginan;

upang siya’y maging tapat mamahala sa ‘yong bayan,

at pati sa mahihirap maging tapat siyang tunay. (T)

Ang lupain nawa niya’y umunlad at managana;

maghari ang katarungan sa lupain nitong bansa.

Maging tapat itong hari sa paghatol sa mahirap

at ang mga taong wala’y pag-ukulan ng paglingap. (T)

Yaong buhay na mat’wid sa kanyang kapanahunan,

madama ng bansa niya at umunlad habang buhay.

Yaong kanyang kaharian ay palawak nang palawak,

mula sa ilog Eufrates, sa daigdig ay kakalat. (T)

Nawa yaong kanyang ngalan ay h’wag nang malimutan,

manatiling laging bantog na katulad nitong araw;

nawa siya ay purihin ng lahat ng mga bansa,

at sa Diyos, silang lahat dumalanging:

“Harinawa pagpalain kaming lahat, tulad niyang pinagpala.” (T)


Salmo 70:3-4a, 5-6ab, 16-17

Ika-4 na Simbang Gabi, A

Music Sheet: https://www.facebook.com/iampsalmist/

RCRamos (2018)

Tugon: Lagi kong papupurihan ang iyong kapangyarihan.

Ikaw nawa ang muog ko at ligtas na kakanlungan,

matatag na kublihan ko at matibay na sanggalang.

Sa lahat ng masasama, O Diyos, ako’y ipaglaban. (T)

Panginoon, sa iyo ko inilagak ang pag-asa,

maliit pang bata ako, sa iyo’y may tiwala na;

sa simula at mula pa wala akong inasahang

mag-iingat sa sarili, kundi tanging ikaw lamang. (T)

Pagkat ikaw, Panginoon, ay malakas at dakila,

ang taglay mong katangia’y ihahayag ko sa madla.

Sapul pa sa pagkabata ako’y iyong tinuruan,

hanggang ngayo’y sinasambit ang gawa mong hinangaan. (T)


Salmo 23:1-2, 3-4ab, 5-6

Ika-5 Simbang Gabi, A

Music Sheet: https://www.facebook.com/iampsalmist/

V2 Hymnal

Tugon: Ang Panginoo’y darating, s’ya’y dakilang Hari natin.

Ang buong daigdig, lahat ng naroon,

may-ari’y ang Diyos, ating Panginoon;

ang mundo’y natayo at yaong sandiga’y

ilalim ng lupa, tubig kalaliman. (T)

Sino ang marapat umahon sa burol,

sa burol ng Poon, sino ngang aahon?

Sino’ng papayagang pumasok sa templo?

Sino’ng tutulutang pumasok na tao?

Siya, na malinis ang isip at buhay,

na hindi sumamba sa diyus-diyusan;

tapat sa pangako na binibitiwan. (T)

Ang D’yos na Panginoon, pagpapalain siya,

ililigtas siya’t pawawalang-sala.

Gayun ang sinumang lumalapit sa Diyos

silang lumalapit sa Diyos ni Jacob. (T)


Salmo 32:2-3, 11-12, 20-21

Ika-6 Simbang Gabi, A

Music Sheet: https://www.facebook.com/iampsalmist/

RCRamos (2018)

Tugon: Panginoo’y papurihan ng tapat n’yang sambayanan.

Ang Panginoong Diyos ay pasalamatan,

tugtugin ang alpa’t awit ay saliwan.

Isang bagong awit, awiting malakas,

kasaliw ang tutog ng alpang marilag! (T)

Ngunit ang mga panukala ng Diyos,

ay mamamalagi’t walang pagkatapos.

Mapalad ang bansang Panginoo’y Diyos,

mapalad ang bayang kanyang ibinukod. (T)

Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon;

siya ang sanggalang natin at katulong.

Dahilan sa kanya, kami’y natutuwa,

sa kanyang ngalan ay nagtitiwala. (T)


Salmo 23:1-2, 3-4ab, 5-6

Ika-4 na Linggo ng Adbiyento at Ika-7 Simbang Gabi, A

Music Sheet: https://www.facebook.com/iampsalmist/

V2 Hymnal

Tugon: Ang Panginoo’y darating, s’ya’y dakilang Hari natin.

Ang buong daigdig, lahat ng naroon,

may-ari’y ang Diyos, ating Panginoon;

ang mundo’y natayo at yaong sandiga’y

ilalim ng lupa, tubig kalaliman. (T)

Sino ang marapat umahon sa burol,

sa burol ng Poon, sino ngang aahon?

Sino’ng papayagang pumasok sa templo?

Sino’ng tutulutang pumasok na tao?

Siya, na malinis ang isip at buhay,

na hindi sumamba sa diyus-diyusan;

tapat sa pangako na binibitiwan. (T)

Ang D’yos na Panginoon, pagpapalain siya,

ililigtas siya’t pawawalang-sala.

Gayun ang sinumang lumalapit sa Diyos

silang lumalapit sa Diyos ni Jacob. (T)


Salmo 24:4bk-5ab, 8-9, 10 at 14

Ika-8 Simbang Gabi, A

Music Sheet: https://www.facebook.com/iampsalmist/

RCRamos (2019)

Tugon: Itaas n’yo ang paningin, kaligtasa’y dumarating.

Ang kalooban mo’y ituro, O Diyos,

ituro mo sana sa aba mong lingkod;

ayon sa matuwid, ako ay turuan,

ituro mo, Poon, ang katotohanan;

tagapagligtas ko na inaasahan. (T)

Mabuti ang Poon at makatarungan,

sa mga sarili’y guro at patnubay;

sa mababang-loob siya yaong gabay,

at nagtuturo ng kanyang kalooban. (T)

Tapat ang pag-ibig, siyang umaakay

sa tumatalima sa utos at tipan;

sa tumatalima siya'y kaibigan

at tagapagturo ng banal na tipan. (T)


Salmo 88:2-3, 4-5, 27 at 29

Ika-9 na Simbang Gabi, A

Music Sheet: https://www.facebook.com/iampsalmist/

RCRamos (2018)

Tugon: Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin.

Pag-ibig mo, Poon, na di magmamaliw

ang sa tuwi-t’wina’y aking aawitin;

ang katapatan mo’y laging sasambitin,

yaong pag-ibig mo’y walang katapusan,

sintatag ng langit ang ‘yong katapatan. (T)

Sabi mo, Poon, ikaw ay may tipan

na iyong ginawa kay David mong hirang

at ito ang iyong pangakong iniwan:

“Isa sa lahi mo’y laging maghahari,

ang kaharian mo ay mamamalagi.” (T)

Gagawin ko siyang anak na panganay,

mataas na hari nitong daigdigan!

Laging maghahari ang isa n’yang angkan,

sintatag ng langit yaong kaharian. (T)


Salmo 88:2-3, 4-5, 27 at 29

PASKO NG PAGSILANG – PAGMIMISA SA BISPERAS, A

Tugon: Pag-ibig mong walang maliw ay lagi kong sasambitin.

Sabi mo, Poon, ikaw ay may tipan

na iyong ginawa kay David mong hirang

at ito ang iyong pangakong iniwan:

“Isa sa lahi mo’y laging maghahari,

ang kaharian mo ay mamamalagi.” (T)

Gagawin ko siyang anak na panganay,

mataas na hari nitong daigdigan!

Laging maghahari ang isa n’yang angkan,

sintatag ng langit yaong kaharian. (T)

Ako’y tatawaging ama niya’t Diyos,

tagapagsanggalang niya’t Manunubos

Ang aking pangako sa kanya’y iiral

at mananatili sa kanya ang tipan. (T)


PASKO NG PAGSILANG – PAGMIMISA SA HATINGGABI, A

SALMONG TUGUNAN

Salmo 95, 1-2a. 2b-3. 11-12, 13

Tugon: Sa ati’y sumilang ngayon, Manunubos, Kristong Poon.

Purihin ang Panginoon, awitan ng bagong awit;

ang Poon ay papurihan nitong lahat sa daigdig! (T)

Awitan ang Panginoon, ngalan niya ay purihin;

araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin.

Kahit saa’y ipahayag na ang Poon ay dakila,

sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa. (T)

Lupa’t langit ay magsaya, umugong ang kalaliman,

lahat kayo na nilikhang nasa tubig ay magdiwang.

Ang bukirin at ang lahat ng naroon ay sumigaw,

pati mga punongkahoy sa galak ay mag-awitan. (T)

Ang Poon ay pupurihin, pagkat siya ay daratal,

paririto sa daigdig, upang lahat ay hatulan.

Tapat siya kung humatol at lahat ay pantay-pantay. (T)


PASKO NG PAGSILANG – PAGMIMISA SA BUKANG-LIWAYWAY, A

SALMONG TUGUNAN

Salmo 96, 1 at 6. 11-12

Tugon: Sumilang ang Panginoon, liwanag sa atin ngayon.

Ang Poon ay maghahari, magalak ang kalupaan!

Lahat kayong mga pulo ay magsaya at magdiwang!

Sa langit ay nahahayag yaong kanyang katuwiran,

sa lupa ay makikita ang kanyang kadakilaan. (T)

Sa tapat ang pamumuhay ay sisinag ang liwayway,

sa dalisay namang puso maghahari’y kagalakan.

Ang matuwid ang gawain ay galak ang masusumpong,

sa maraming kabutihang ginawa ng Panginoon;

ang ginawa niyang ito’y dapat nating gunitain,

at sa Poon ay iukol ang papuring walang maliw! (T)


PASKO NG PAGSILANG – PAGMIMISA SA ARAW, A

SALMONG TUGUNAN

Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6

Tugon: Kahit saa’y namamalas, tagumpay ng Nagliligtas.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,

pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!

Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,

walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay. (T)

Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,

sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.

Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad. (T)

Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas.

Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!

Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;

ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit! (T)

Sa saliw ng mga lira iparinig yaong tugtog,

at ang Poon ay purihin ng tugtuging maalindog.

Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambulo,

magkaingay sa harapan ng Poon na ating hari. (T)

You might also like