Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MAIKLING KWENTO

Kahulugan: Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay isang akdang
pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay. Ito
ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o
damdaming may kaisahan.

Mga Salik / Sangkap ng Maikling Kuwento .

 Tagpuan – Tumutukoy ito sa pook at panahong pinangyarihan ng mga tagpo sa akda,


naglalarawan ito ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan. Inilalarawan ito nang buong
linaw, pati na ang kaugalian ng mga nasa kapaligiran ay masisinag sa mabisang pamamaraan.
 Tauhan – Kaunti lamang ang mga tauhan ng maikling katha bagama’t laging may pangunahing
tauhan. Ang iba pa sa kuwento ay tumutulong lamang sa lalong ikatitingkad ng pagganap ng
pangunahing tauhan sa akda. Sa kanyang ga- law at ugali nakasalalay nang malaki ang
kagandahan ng akda. Kailangang siya’y maging tunay at buhay. Siya at ang iba pang tauhan ay
inilalarawan nang di-tuwiran. Makikilala sila sa pamamagitan ng kanilang panlabas na kaanyuan
– pisikal at pananamit, kilos na magpapahiwatig ng kanilang ugali at pili ng mga salita.
 Banghay – Tumutukoy ito sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Dapat itong maging
maayos at magkakaugnay upang maging matatag at kapani-paniwala. Gaano man kapayak o
karaniwan ang mga pangyayari, ang pagiging kawili-wili nito ay nakasalalay sa makatwirang
pagkakasunud- sunod na “magpapadulas sa daloy ng salaysay.

Mga pitong salik ng maikling kwento:

1. Banghay – ang pagakakabatangkas ng mga pangyayaring dapat na maging maayos ang pagkakaugnay

2. Kakinatalan – ito ay tumutukoy sa paglalarawang tauhan ayon sa sariling mga salita at kilos

3. Kaganyakan – ito ang pumupukaw sa kawilihan ng mga mambahasa batay sa pangunahing suliranin sa
kwento

4. Kapanauhan – it ay tumutukoy sa pagalalarawang tauhan ayon sa sariling mga salita at kilos

5. Kakanyahan- ang nauukol sa salitang bigkas ng paraa ng pagsulat o akda

6. Paksang Diwa – ito ang pinakakaluluwa ng kwento

7. Himig – ito ang nangingibabaw na damdamin sa kwento

Mga bahagi ng Maikling Kwento:

1. Panimula – sa bahaging ito niya paaasahin ang mga mambabasa sa isang kawili-wili at kapanapanabik
na akda
2. Tunggalian – ito ang nabibigay daan sa mga madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili ang
mga pangyayari

3. Kasukdulan – ditto nagwawakas ang tungalian. Pinakamasidhi ang pananabik na madarama ng mga
mambabasa sa bahaging ito

4. Wakas- maaaring ipaloob ditto ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing tauhan
sa halip na ipaubaya na lamang sa mga mambabasa

NOBELA

Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi
sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng
hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila - isang makasining na pagsasalaysay ng
maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.

You might also like