Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Paksa: Pagbasura sa same sex marriage

Shekhynah Henriette C. Villanueva ABM 11-E

Ang same sex marriage ay malaki at sensitibong usapin hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong
mundo at hindi na ito bagong isyu. Ang same sex marriage ay legal na sa maraming mga bansa.
Marami ang hindi sang ayon sa same sex marriage lalo na ang ibang mga taong relihiyoso o mga taong
malakas ang pananampalataya sa diyos sapagkat ang same sex marriage ay tiwalag daw sa bibliya.

Ayon sa bibliya “At nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kanyang sariling anyo, ayon sa anyo ng Diyos siya
nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.-Genesis 1:27. Malaki ang populasyon ng katoliko sa
bansa kaya’t malaking insulto sa simbahan kung ipapatupad ang same sex marriage. Ang papel ng
kasal ay ang pagbunga ng anak at magkaroon ng pamilya kung kaya’t ang magkasantihan na
magkapareho ang kasarian ay hindi makakamit nito.

Ang same sex marriage ay hindi dapat dahil ito ay pagsuway sa utos ng diyos.At bilang kristyano ang
same sex marriage ay hindi kaaya aya sapagkat ito ay labag sa nakasulat sa bibliya. At ang kasal na
itinatag ng diyos ay binubuo ng isang babae at isang lalaki.

Ang pagpapatupad ng same sex marriage ay hindi dapat ituloy sapagkat mawawalan ng kahulugan ang
tradisyonal na kasal.Ang tradisyonal na kasal na nakasanayan na ng napakatagal na panahon.
Sapagkat ang papel kasal ay bumuo ng pamilya at magbunga ng anak, na siyang hindi makakamit ng
magkaparehong kasarian na magkasintahan.

Ayaw kong ipatupad ang same sex marriage sapagkat bilang kristyano ang same sex marriage ay labag
sa aminng paniniwala.Nakasaad sa bibliya na ang babae ay nilikha para sa lalaki at ganun din ang lalaki
ay nilikha para sa babae. Ang same sex marriage ay labag sa batas ng diyos

Ang konklusyon ay dapat huwag ipatupad ang same sex marriage sapagkat di lamang sa simbahan
labag ito kundi pati na rin sa kultura nating mga pilipino.Dapat nating galangin ang utos ng diyos at
sundin ito. Dapat rin nating panatilihin ang ating paniniwala at kultura.

Sanggunian:
https://5sulatinparakayquilantang.wordpress.com/2017/09/30/legalisasyon-ng-same-sex-marriage-sa-
pilipinasposisyong-papel/
https://philnetizen.com/post/gb0rwmwq0q/
https://www.academia.edu/30348666/Same_Sex_Marriage
.

You might also like