Cyberbullying

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Cyberbullying: NAKAKAMATAY!

Alam mo ba na mahigit
800,000 taong namamatay kada taon
dahil sa Cyberbullying?
Ayon sa World Health
Organization (WHO) 2017, ang
pagpapatiwakal o suicide ay isa sa
dahilan kung bakit maraming tao ang
namamatay.
Ngunit ano nga ba ang Cyber
bullying? Bakit ito nakakamatay?
Ang Cyberbullying ay isa sa uri ng Bullying kung saan ito ay sinasadya at paulit- ulit
na pananakit sa kapwa tao sa pamamagitan ng paggamit ng internet at iba pang kaugnay na
teknolohiya. Ito ay maaring panunukso, panglalait, pang-aasar o anumang aksyon na hindi
angkop sa tamang pakikitungo sa isang tao gamit ang mga social networking sites tulad ng
Facebook, Twitter, Instagram at iba pa.
Binigyan din ito ng kahulugan ni Bill Besev bilang “paggamit ng teknolohiyang pang-
impormasyon at pang-komunikasyon para suportahan ang sinasadya at pauli- ulit na
mapanirang pamamaraan ng isang indibidwal o grupo upang makasakit ng tao.”
Sa cyberbullying ang mga kabataan ang kadalasang biktima ditto. Ang mga taong
gumagawa ng pambu-bully ay gumagawa ng mga fake accounts para maitago ang kanilang
pagkakakilanlan upang magawa nila ang kanilang pambu-bully
na walang nakakaalam kung sino sila. May iba ding gumagamit
ng social networking sites para hindi lang mambully kundi
gamitin din ito para sa pananakot o ang tinatawag nilang "black
mailing" para bigyan ang kanilang biktima ng takot at sobrang
stress na kinalaunan ay maghahantong sa masamang
mangyayari sa biktima. Ginagawa nila ito dahil alam nilang
hindi sila makikilala at maisumbong ang kanilang ginagawa.

Ano- ano ang mga sanhi ng Cyberbullying?


May iba’t ibang sanhi ng cyberbullying, isa na dito ang stado sa buhay, ang pisikal na
kaanyuan ng isang tao, at ang pagiging mahina ng biktima dahil dito nakikitaan ng mambu-
bully na mas malakas siya sa biktima.
Maaaring dulot din ito ng hindi pagkakaunawaan na kung saan ay nasasabi ng tao ang
mga salitang makakasira sa reputasyon at imahe ng kanyang kinagagalitan. Mayroon ding mga
taong nangingibabaw ang pagka-inggit sa kanilang kapwa kung kaya’t sila ay nagpapahayag
ng mga kwento ukol sa biktima at mga kwentong wala namang katotohanan. Ang iba naman
ay sadyang wala lang maggawa kaya sila ay nagpapakalat ng mga sekswal na mga video o
imahe.
Ayon kay Dannica Parra, ang sanhi rin ng cyberbullying ay ang kakulangan ng atensyon
na binibigay ng mga magulang sa kanilang anak. Kasama na din dito ang mga impluwensiya
ng kanilang mga kaibigan, at ang kakulangan sa kaalaman tungkol sa social media. Kung
kaya’t ang mga kabataan ay nagpapahayag o nilalabas lahat ng kanilang mga saloobin sa
Facebook, Twitter, Instagram, at iba pa.
Ayon naman sa isang pag-aaral na isinagawa ni Sabina Low sa Arizona State
University, may tatlong pangunahing kadahilanan sa panganib na maaaring maging sanhi ng
cyberbullying. Ilan dito ay ang:
 Pangangasiwa ng magulang:
Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Arizona State University, ang mga tinedyer
na may mababang halaga ng pangangasiwa ng magulang ay malamang na makisali sa
cyberbullying.
 Pag-abuso sa droga at alkohol:
Pinatataas nito ang agresibong pag-uugali at pag-
uugali ng pang-aapi.
 Pamamagitan ng pamilya:
Ang mga isyu sa pamilya ay maaaring maging sanhi
ng isang tinedyer na maging isang cyberbully.

Ano- ano ang epekto ng Cyberbullying?


Isa sa masamang epekto ng cyberbullying ay ang depresyon na kadalasang nauuwi sa
pagpapatiwakal o suicide na kung saan ito ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling
buhay at naaayon sa sariling kagustuhan. Dahil ito sa mga
panglalait, panunukso, pang- aasar o anumang aksiyon na
hindi maganda, mga aksiyon na nakakaapekto o nakakasakit
ng isang tao, hindi lamang sa pisikal kundi pati na rin sa
emosyonal na tumatatak sa isang tao nga hindi na nila
nakayanan.
Ayon sa pag-aaral na “Growing Up Online-Connected
Kids” ng Kasersky Lab at iconKids & Youth, nakaka-trauma umano ang cyberbullying para sa
mga bata.
Pinag-aralan nila ang halos apat-na-libong pamilya na may mga anak na walo (8)
hanggang labing-anim (16) na taong gulang mula sa United States, France, United Kingdom,
Spain, Italy, Germany at Russia. Ayon sa mga magulang ng mga biktima, bumaba ang self-
esteem ng kanilang mga anak. 30% rin na humina ang performance nila sa paaralan at 28% ang
nagkaroon ng depresyon.
Dahil sa cyberbullying nagkakaroon din ng mga sintomas ang biktima katulad ng hindi
makatulog ng mabuti sa gabi, nagkakaroon ng bangungot, wala nang ganang kumain,
kakulangan sa pakikisalamuha ng mga biktima, takot sa mga gadgets na maaring makita ang
mga litrato na ibinahagi sa iba’t- ibang website at ang pagkawala ng biktima sa interes ng mga
bagay- bagay na nakapalibot sa kanya.

Sino- sino ang mga biktima ng Cyberbullying?


Kahit sino ay maaaring maging biktima ng cyberbullying, kahit ano pang edad o estado
sa buhay, sabi nga sa aklat na CyberSafe, madaling
mam-bully sa Internet, “kahit ang mababait na bata ay
nagiging masama online dahil hindi sila nakikita.”
May mga taong madalas maging puntirya ay
ang mga taong mapagsarili, parang naiiba, o mababa
ang tingin sa sarili.
Nagiging biktima rin ang mga kabataan ng
cyberbullying, maging ang mga artista at pulitiko ay
nakakaranas din sila.
Isa na dito si Charice Pempengco, isang artista. Marami ang bumatikos kay Charice
online dahil sa kanyang pabago-bagong style sa pananamit, sa buhok o sa kanyang buong
kaanyuan. Hindi rin ito nagustuhan ng mga tao kaya ginawa siyang katatawanan. May mga
kumalat sa Internet ng pagdidikit ng larawan ni Charice at ni Chuckie doll dahil sila ay naging
magkahawig matapos ni Charice mag-experiment ng kanyang itsura.
Si Senator Nancy Binay, isang pulitiko. Noong nakaraang eleksiyon, ang pagtakbo ni
Nancy Binay ay hindi nagustuhan ng karamihan sa mga Pilipino. Sinasabi nila na wala siyang
karapatang tumakbo dahil wala pa siyang sapat na karanasan at nagtatago lang naman siya sa
anino ng kanyang ama. Pero hindi lang iyon ang dahilan ng mga ibang tao kung bakit ayaw
siyang patakbuhin sa eleksyon dahil pati ang kanyang kulay o ang kanyang pagiging maitim
ay hindi rin pinatawad.
Ang “Amalayer?!” ni Paula Jasmine Salvosa. Matatandaan na naging viral sa Internet
ang isang video ng isang pasehero ng LRT na nanggagalaiti sa galit sa security guard. Hindi
nagustuhan ni Paula Salvosa ang pagharang sa kanya ng security guard. Itinatanggi ito ng guard
kaya dali-daling ikinatuwiran ni Salvosa na “Amalayer?” o “I’m a liar?” Kasabay ng pagsikat
ng “amalayer?” ay ang pagsikat din ni Salvosa.
Maraming nagkalat ng edited photos sa Internet na
binabatikos siya. ‘Yung iba naman ginawa siyang
katatawanan.
Batay rin sa datos ng PNP anti-cybercrime
group, tumaas ng halos 80 porsyento ang kaso ng
cyberbullying nitong nakalipas na taon, umabot sa 782
cyberbullying cases ang kanilang naitala noong
nakalipas na taon, mas mataas ng 70.74 porsyento
kumpara sa 458 insidente noong 2015. Pinakamarami ang naitalang kaso ng online libel na
may 142 kaso, 41 online threats, 10 insidente ng unjust vexation o hindi makatarungang pang-
aasarat 4 na kaso ng child abuse.
Ano-ano nga ba ang dapat na gawin kung sakaling maranasan ang ganitong
kapangahasan?
Ang ganitong sitwasyon ay hindi dapat isinasawalang bahala lamang dapat ay matuto
din tayong umimik kung anong nangyayari sa atin para mapagsabihan ang mga nambubully at
maitama ito.
Para sa paaralan, ay marapat na magkaroon ng mga pagsasanay para sa mga Guro at
iba pang empleyado nito upang mapaunlad ang kaalaman at kahandaan hinggil sa pagpigil at
paghadlang na maganap ang pambu-bully.
Ilan sa mga kailangang maisagawa kapag nagkaroon ng kaso ang mga sumusunod:
 Ipagbigay alam sa tamang ahensiya ng pamahalaan kung ang pambu-bully na naganap
ay maaaring iakyat sa kasong kriminal batay sa Revised Penal Code.
 Magsagawa ng nararapat na aksyong pandisiplina.
 Ipaalam sa magulang ng mga kampong kasangkot sa usapin.
Para naman sa mga magulang, importanteng tanungin ang anak kung ano ang nangyari.
Tulungan silang mag-isip kung ano ang gagawin. Kung ano ang nararamdaman nila at kung
ano ang plano nilang gawin. Walang nakakaalam kung paano ang solusyon sa problema,
hanggang maintindihan muna maigi ang lahat. Importante na isama ang bata sa lahat ng proseso
at hindi bilang paghihigante ng magulang. Tulungan rin ang anak upang magkaroon muli ng
tiwala sa sarili at panatilihing ligtas.
At para rin magabayan ang naging biktima ng cyberbullying, dapat rin niyang:
 Magkaroon ng kumpiyansa sa sarili.
 Umalis sa gulo.
 Sumali sa mga aktibidad na sinasagawa sa paaralan; at
 Magsumbong
Para sa proteksiyon sa mga
biktima, noong Ika-6 ng Hunyo 2013
nang ipasa ng mataas na kapulungan o
Senado ng ika-15 Kongreso ang Senate
Bill 2667 o mas kilala bilang Anti-
Bullying Act of 2011. Hanggang Enero
2012 nang ipasa sa ikatlong pagbasa sa
mababang kapulungan ang House Bill
No. 5496, o Anti-Bullying Act of 2012.
Layon ng batas na maging
pangangailangan sa lahat ng
elementarya at hayskul sa buong bansa na pagkaroon ng mga polisiya upang mahadlangan at
magawan ng karampatang aksyon ang mga kaso ng pambu-bully sa kanya-kanyang institusyon.
Nandito rin ang Republic Act No. 10627 ang "Anti-Bullying Law of 2013" kung saan
ang ang "cyberbullying" ay isa sa mga pinagbabawal sa mga paaralan at learning institutions
ng mga menor de edad. Ang hindi pagkilos ng isang paaralan laban sa nareport na cyberbullying
ay may parusang pag suspende sa kanilang permit to operate ng Department of Education.
Ang Cyberbullying ay nagdudulot ng masamang epekto sa buhay ng tao lalo na sa
naging biktima nito. Maaaring makapagdudulot ito ng depresyon na nagiging sanhi upang
kitilin ang sariling buhay. Iba- iba man ang mga epekto nito, ngunit kung iiwasan natin ito
maiiwasan natin ang mga pangyayari nakapagdudulot ng kasawian sa buhay.
Dahil na rin sa makabagong teknolohiya, iba- iba na ang ating nagagawa lalo na sa
Social Media. Nakakatulong man ang makabagong teknolohiya ngunit tandaan natin na may
masamang dulot pa rin ito.
Kaya tandaan natin na dapat magkaroon rin tayo ng sapat na kaalaman sa paggamit ng
social media at tandaan ang katagang:
THINK BEFORE YOU CLICK!

Mga Talasanggunian
http://www.deped-ne.net/?p
http://www.jw.org/tl/turo-ng-bibliya/pamilya/tin-edyer/tanong/binu-bully/
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Anti-Bullying_Act
https://www.philstar.com/pang-masa/para-malibang/2017/10/30/1754005/biktima-ng-
cyberbullying
https://www.jw.org/tl/turo-ng-bibliya/tin-edyer/tanong/nakakaranas-ng-cyberbullying/
https://schmookblog.wordpress.com/2016/12/06/cyberbullying-ang-epekto-sa-mga-kabataan-
ngayon/
https://www.facebook.com/permalink.php?id=547319492369547&story_fbid=54869743223
1753
http://dokalternatibo.org/paano-nakaka-apekto-sa-mga-bata-ang-cyberbullying/
https://hannaquilloy.wordpress.com/2016/11/20/internet-nagiging-sanhi-ng-cyberbullying/
https://news.abs-cbn.com/news/06/09/18/alamin-proteksiyon-ng-batas-kontra-bullying
https://rmn.ph/kaso-ng-cyber-bullying-sa-bansa-nitong-2016-halos-doble-ang-itinaas/
https://patriciaperol.wordpress.com/2016/10/14/kaso-ng-bullying-sa-pilipinas-2/
https://www.radyoagila.com/kaso-ng-cyberbullying-tumaas-noong-nakaraang-taon/
https://sites.google.com/site/adbokasiyalabansacyberbullying/
https://patriciaperol.wordpress.com/2016/10/14/kaso-ng-bullying-sa-pilipinas-2/
https://sites.google.com/site/adbokasiyalabansacyberbullying/change-the-banner

You might also like