Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABANATA 38 EL FILI

Naging bukambibig si Matanglawin bilang tagahasik ng kasamaan. Sinasalakay niya ang mga
lalawigang sunud-sunuran sa mga maykapangyarihan. Sinasamsam niya ang mga sandata ng
mga gwardia sibil na nang-aalipin sa mga walang muwang na mga mamamayan. Sinusunog
niya ang mga kabyawang pag-aari ng mga pamilyang mapang-api sa mga kahabag-habag na
mga mananim ng tubo sa Batangan. Sinusuklian niya ng kamatayan ang mga hukom na
pangkapayapaan na naghahatid ng kawalang katarungan sa komunidad ng Tianing tinitirhan
ng mga maralitang naghahangad ng gabinlid man lang sanang katarungan.

Sa sobrang galit ng mga pinunong pambayan ay pinaghuhuli nila ang sinumang masalubong na
magsasakang may baril o gulok na dala-dala.

Sa kawalang katarungang ipinadama nagising sa katotohanan ang mga ordinaryong


mamamayan: ang mapaniil na pamahalaan o mapangwasak na kamao ng isang bandido?

Carolino: Tama na! Maawa ka naman sa kaniya. Duguan na ang tuhod ay iika-ika pa

Bilanggo: Ang sakit! Ang sakit!

Mautang: Ha? Ano ika mo?

Carolino: Maawa ka naman sa kaniya. Katulad din natin sila

Bilanggo: Parehas naman tayong kayumanggi ang balat, parehas din naman tayo ng
pinagsimulan, ngunit bakit ganito na lamang ang aming kinagigihasnan sa kamay ninyong
malulupit!

Mautang: Manahimik ka! (sinaktan ulit ang bilanggo at tumingin ulit kay Carolino)

Mautang: Talagang bago ka pa nga sa trabahong ito ng pagiging berdugo na kailangang


lumatigo, pumatay at maglibing sa sinumang nag-aalsa sa pamahalaang ating sinumpaan

Carolino: Oo, tama ka, sa pamahalaang ating sinumpaan pero sinumpaan sa ngalan ng
katarungan!

Mautang: Pilipino ka nga pala at pilipino nga rin pala ako, pero kailangang maging marahas din
tayo. Kung lalambut-lambot ang mga sundalo tiyak na mag-aalsa ang lahat ng tao. Trabaho lang
natin ito, isantabi mo yang awa. May dapat magparusa at may dapat ding parusahan. Kanya-
kanyang papel lang ang ating ginagampanan.

Korporal: Dapa kayo, dapa!

Korporal: Humanda kayo sa labanan, naisahan tayo, nasa itaas pa ang mga kalaban, pagbarilin
niyo ang sinumang tatakbo
Korporal: Ikaw na pinakabatang sundalo ko. Ipakita mo ngayon ang iyong tapang. Sige, hanapin
mo ang kaaway. Asintahin mo ang sinumang makikita mo. Huwag kang babalik na walang
dalang bangkay.

Carolino: Si…Sino po. A…Ako po ba?

Korporal: Oo, ikaw nga. Sino pa?

Korporal: Paputukan mo’t pasabugin ngayon din ang utak ng demonyo!

Mautang: Huwag kang tumayu-tayo lang diyan! Bilisan mo! Bilisan mo!

Carolino: (shut eyes after pulling the trigger)

Ang pinakabatang sundalo na naging Carolino ay si Tano. Ang matanda naming bumagsak sa
tuktok ng kabundukan ay si Tandang Selo.

Carolino: Lolo, lolo! Patawarin niyo ako lolo, patawarin niyo po ako!

Sa kapaitang naranasan sa buhay at kamatayan ay dilat na pumanaw ang isang dakilang


mandirigmang nagtanggol sa sambayanan.

You might also like