Mga Batas Hinggil Sa Pagsulong NG Wikang Pambansa

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

MGA BATAS

HINGGIL SA
PAGSULONG NG
ATING WIKANG
PAMBANSA
Nobyembre 1936 -
Pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184
na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang
gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng
isa na magiging batayan ng wikang pambansa.
Disyembre 30, 1937 -
Sa pamamagitan ng KautusangTagapagpaganap Blg.134 ng
Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa
Tagalog.
Abril 1, 1940-
I p i n a l a b a s a n g K a u t u s a n g Ta g a p a g p a g a n a p n a
nagtatadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang
diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituro
ang Wikang Pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas
na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
Hunyo 7, 1940-
Pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtatadhana
na simula sa Hulyo 4, 1946, ang Wikang Pambansa ay isa
sa opisyal na wika ng bansa.Marso 26, 1954-Nagpalabas ng
isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa
taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula
sa Marso 29-Abril 4. Subalit ang petsa ay inilipat sa Agosto
13-19.

Agosto 13, 1959 -

Pinalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng


Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg.7, na
nagsasaad na kailan ma'y tutukuyin ang Wikang
Pambansa, ang salitang PILIPINO ay siyang gagamitin.
Hunyo 19, 1974-
Nilagdaan ni Kalihim Juan Miguel ng Kagawaran ng
Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.
25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat
ng kolehiyo at pamantasan

Pebrero 2, 1987-
Pinagtibay ang bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa
Artikulo XIV, Seksyon 6-9, nasasaad ang mga sumusunod:

Sek.6
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa sa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at
sa iba pang mga wika.
Sek. 7
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang
mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggat
walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Sek. 8
Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at
Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang
panrehiyon, Arabik at Kastila
Sek. 9
Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng
Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't
ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-
uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at
iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili.
Oktubre 24, 1967-
Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg.96 na nagtatadhanang ang lahat ng
gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay
papangalanan na sa Pilipino.
Marso 27, 1968-
Pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang
Memorandum Sirkular Blg.172 na nagbibigay diin sa
pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.96 na ang
lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan
at mga sangay nito ay isusulat sa Pilipino.
Agosto 7, 1973-
Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong
nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas
elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang
pambayan o pribado at pasisimulan sa taong panuruan
1974-1975
Marso 12, 1987-
Ipinalabas ni Kalihim Lourdes Quisumbing ang Order
Pangkagawaran Blg. 22, s. 1987 na tumutukoy sa paggamit
ng katagang FILIPINO sa pagtukoy sa wikang pambansa ng
Pilipinas.
Agosto 6, 1987-
Ipinalabas ni Kalihim Lourdes Quisumbing ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987 ang atas ukol sa "Ang
Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino."
Agosto 25, 1988-
Ipinalabas ni Pangulong Aquino ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335 na nagtatadhana ng paglikha ng
Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-
aaral ng Filipino. Pinagtibay rin ang paggamit ng Filipino
bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling
asignatura.
Nob.22, 1995-
Nilagdaan ng Tagapangulo Ponciano B.P. Pineda et. al.
ang Kapasyahan Blg. 1-95, angkapasyahang humihiling
sa Technical Panel on Humanities, Social Sciences and
Communication Education ng CHED, na muling
isaalang-
alang, at rebisahin ang itinakdang academic units para sa
Wikang Filipino sa General Education Curriculum.
Hulyo 15, 1997-

Nilagdaan nina Pangulong Fidel Ramos at Kalihim


Tagapagpaganap Ruben Torres ang Proklamasyon Blg.
1041 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing
Agosto 1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa.
TAGALOG PILIPINO FILIPINO

KAUTUSANG
PINAGBATAYAN ARTIKULO
PANGKAGA- XIV - SEK. 6
WARAN BLG.
KAUTUSANG
7 NA
TAGAPAGPA- IPINALABAS
GANAP BLG. NI KALIHIM
134 JOSE
ROMERO

DISYEM- AGOSTO Pebrero 2,


BRE 30, 12, 1959 1987

You might also like