Kabanata III

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kabanata III

Disenyong Pananaliksik at Pamamaraang Ginamit

Pamamaraang Ginamit

Sa kabanatang ito nakapaloob ang mga impormasyong nakalap ng mga

mananaliksik hingil sa paksa. Ilalahad din dito ang mga pamamaraang ginamit at kung

paano kumalap ng mga datos at impormasyon ang mga mananaliksik. Nakasaad rin

dito na nasa anyong pa-sarbey ang paraang ginamit sa pag aaral, ang mga

impormasyong nakalap ng mga mananaliksik at paraan ng pagpili ng respondante.

Ang paraang ginamit sa pag-aaral na ito ay “deskriptibo”, ito ay isang uri ng

pagbibigay ng impormasyon at detalye na nakatutulong upang mas malinaw ang

isinasagawang pananaliksik. Ito rin ay ginawa upang mas maintindihan ng mga

respondante ang katanungan sa sarbey. Tinangka nitong masuri ang dahilan ng

pagtugon at ang pagkahumaling ng mga respondante sa pagbabasa ng Wattpad, ang

kasalukuyang pananaw at damdamin nila patungkol rito at ang positibo at negatibong

epekto ng Wattpad sa pagtingin nila sa literatura.

Paraan ng Pagpili ng Kalahok/Respondante

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng “quantitative research” upang malaman

ang bilang ng nagbabasa ng Wattpad mula sa paaralang Politeknikong Unibersidad ng

Pilipinas o PUP, pumili ang mga mananaliksik ng isa sa mga strand ng Senior High

School upang ito ay hind maging komplikado. Mula sa strand ng GAS o General
Academic Strand ay kinuha ng mga mananaliksik ang bilang ng mga estudyante na

kumuha ng strand na ito. Ang mga mananaliksik ay kumuhang 30% ng bilang ng

nagbabasa ng Wattpad mula sa napiling strand.

Ang mga mananaliksik ay naniniwalang ang mga napiling kalahok ay

maaasahang makapagbibigay ng impormasyon at makatutulong upang masagot ang

mga inihandang katanungan ng mga mananaliksik.

Ang paraang ginamit ng mga mananaliksik sa pagpili ng mga kalahok ay pantay-

pantay. Bawat pangkat ng GAS ay kinuhanan ng mga mananaliksik ng kalahok. Ang

bilang ng kalahok sa bawat pangkat ay pantay sa bilang din ng ibang pangkat.

Instrumentong Ginamit

Sa pag-aaral na ito ginamit ng mga mananaliksik ang pagsa-sarbey na kung

saan ito ay isang paraan na maipahayag ng kalahok ang kanilang opinyon tungkol sa

paksang nakasaad at higit sa lahat, makakuha at makakalap ng mga impormasyon ang

mga mananaliksik, kung bakit nga ba nakaka-epekto ang pagbabasa ng Wattpad sa

mga kabataan ngayon. Ang mga mananaliksik ay hindi lamang nag-pokus sa paggamit

o pagsagot ng survey kundi, nais din bigyan pansin ang paggamit ng interview sa isang

respondante upang mas lalo niya maipaliwanag o mapaihayag ang pagsagot sa mga

iba pang tanong batay sa kanyang mga naging karanasan sa pagbabasa ng Wattpad.
Pangangalap ng Datos

Ang pangangalap ng datos ay isa sa mga parte at kinakailangan sa paggawa ng

isang pananaliksik sapagkat, makakatulong ito upang mas lalong madagdagan ang

kaalaman ng mga mananaliksik gaya nalaman ng mga pinagkunan ng aklat, sa

websayt, mga artikulo at iba pang pag-aaral o ang mga nakaraang pag-aaral na

maiuugnay sa paksang nasimulan. Isa na rin sa mga mananaliksik ay ang paggamit ng

sarbey upang mas lalong makuha ang espisipikong datos na nakatuon lamang sa pag-

aaral ng mga mananaliksik.

Kompyutasyong Estadistikal

Ang mga mananaliksik ay kumuha ng tatlumpu’t porsyento (30%) ng mga

estudyante sa General Academic Strand o GAS na mga nagbabasa o nahuhumaling sa

Wattpad.

Sa formula na ito, dito natutukoy kung ilan ang bilang ng kalahok ang talagang

nagbabasa ng Wattpad.

x – mean

∑x – kabuuang marka

N – kabuuang dami ng respondante

You might also like