Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Ang Pagunawa/ Komprehensyon

2.  Ang pag-unawa ay ang pagbuo ng kahulugan habang nagaganap ang interaksyon sa teksto Ang
pag-unawa/komprehensyon masalimuot na prosesong pangkaisipan ay isang  Kapag tayo’y nagbabasa,
ang mga istratehiya natin sa pag-unawa ang dagliang nagbubunsod sa atin upang maiugnay ang ating
kaalaman at mga karanasan sa mga impormasyon sa teksto upang makabuo tayo ng isang
pagpapakahulugan  Ang pag-unawa sa teksto ay nakakaapekto

3. TAKSONOMIYA NG PAGUNAWA SA PAGBASA (Barrett 1968) Apat na Barrett: antas  pag-unawang


literal  paghihinuha  ebalwasyon  pagpapahalaga ng Taksonomiya ni

4. Nila Banton Smith (1969) Apat na antas ng kategorya sa pagunawa ni Smith: 1) pag-unawang literal 2)
interpretasyon 3) kritikal o mapanuring pagbasa 4) malikhaing pagbasa

5. Pag-unawang Literal  nakapokus sa mga ideya at impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto  ang
mga kasagutan sa tanong na literal ay ang simpleng pag-alaala sa mga impormasyon at detalyeng
nakapaloob sa babasahin

6. Halimbawa na mga tanong sa Pag-unawang Literal 1. Kailan at saan naganap ang kwento? 2. Anong
uri ng paglalakbay ang kanilang isasagawa?

7. Interpretasyon  nangangailangan ng mas mataas na antas ng pag-iisip  ang mga sagot sa mga
tanong sa kategoryang ito ay hindi tuwirang nakalahad sa teksto ngunit nakapahiwatig lamang  upang
masagot ang mga katanungan kailangang taglay ng tagabasa ang kakayahan sa paglutas ng mga suliranin
at marunong siya sa paghalaw ng mga

8. Ilan sa mga kasanayan sa pagbasa sa kategoryang ito ay ang sumusunod:  Pagbibigay-kahulugan sa


tulong ng pahiwatig  Pagkuha ng pangunahing ideya  Paghihinuha  Pagbibigay ng kongklusyon 
Pagbibigay ng paglalahat  Pagkilala sa sanhi at bunga  Pagkilala ng pagkakatulad/pagkakaiba

9. Halimbawa na mga tanong sa Interpretasyon 1. Sa iyong palagay, anong oras sila nagdesisyon na
ihinto na ang paglalakbay? 2. Mag ilang tao ang kasangkot pagsisimula ng paglalakbay? 3. Humigit-
kumulang anong oras narating ang tuktok ng bundok? sa nila

10. Mapanuring Pagbasa Ilan sa mga kasanayan sa kategoryang ito ay ang mga sumusunod: 
Napapahalagahan ang kaangkupan, katiyakan at pagkamakatotohanan ng impormasyong nakalahad sa
teksto  Naibabahagi ang sariling paninindigan ayon sa kaangkupan, pagkamakatotohanan at pagiging
kasiyasiya ng akda  Naihahambing ang kaisipang ipinahahayag sa teksto sa tulong ng pamantayang
pansarili, pamantayang galing sa guro, sa ibang tao, at sa ibang babasahin

11. Halimbawa na mga tanong sa Mapanuring Pagbasa 1. Ano sa palagay mo ang naramdaman ng
pangunahing tauhan nang marating nila ang tuktok ng bundok? 2. Masasabi mo bang makatarungan ang
desisyon na ginagawa ng ibang tauhan? Ipaliwanag.
12. Malikhaing Pagbasa  gumagamit ang tagabasa ng kakaibang kasanayan sa pag-iisip na lagpas sa
antas ng pag-unawang literal, interpretasyon at mapanuring pagbasa  sinisikap ng tagabasa na
makabuo ng bago o pamalit na solusyon sa inihain ng awtor

13. Halimbawa na mga tanong sa Malikhaing Pagbasa 1. Ano sa palagay mo ang naramdaman at sinabi
ng mga tauhang nakarating sa tuktok ng bundok nang makita nila ang mga kasamahang nagpasiyang
umuwi na lamang?

14. Mga Prosesong Kasangkot sa Pag-unawa

15. Anderson at Pearson,1984; Spiro, 1980  ang pagbasa ay tinatanaw na ngayon bilang isang aktibong
proseso sa pagbuo ng kahulugan  iskemata – tawag sa dating kaalaman - mga teoryang o sariling
pananaw sa mga pangyayari, bagay at mga sitwasyon na nakalagak sa isipan at maayos na nakasalansan
ayon sa kategorya Rumelhart (1980)  ang bawat iskema ay nahahawan ng landas tungo sa pagunawa
ng bagong impormasyon  ang ating iskema ang tumitiyak kung paano

16.  Kaalaman sa paksa (topic knowledge)  Kaalaman sa interaksyong sosyal ( social interaction
knowledge  Kaalaman sa kayarian ng teksto (text structure)  Kasanayang metakognitib
pagmomonitor ng komprehensyon sa

17. Ang Paglinang ng Komprehensyon

18.  ang pangunahing tunguhin sa pagtuturo ng komprehensyon ay ang debelopment ng mga


kakayahan sa pag-unawa sa pagbasa  paglinang ng mataas na lebel ng proseso pag-iisip at hindi
lamang iyong simpleng paggunita ng mga impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto

19. Mga Tampok na Katangian ng Komprehensyon

20. Ang mga tampok na katangian na nagbibigay liwanag sa proseso ng komprehensyon sa konteksto ng
klasrum ay ang mga sumusunod: 1. Makabuluhang pagbasa na ginagabayan ng mga layuning malinaw na
inilahad; 2. Paggising ng mga dating kaalaman na kaugnayan sa nilalaman/paksa ng kwento; may 3.
Pagpapasigla ng mga istratehiya sa pagpoproseso ng mga dating kaalaman angkop sa layuning itinakda
sa pagbasa; 4. Pagpapakilos/pag-antig ng mga saloobin at ang mga pagpapahalaga na may kaugnayan sa

21. 5. Paggising ng istratehiyang sa pagmomonitor na siyang magkokontrol sa pagbuo ng


pagpapakahulugan; at 6. Interaktibong paggamit ng mga prosesong binabanggit upang makamit ang
layuning inilahad sa pagbasa.

22. Ang Tungkulin ng Guro sa Paglinang ng Komprehensyon

23. Ang tungkulin ng guro sa paglinang ng komprehensyon ay napakaloob sa sumusunod: 1.


Pagpapaunawa ng layunin sa pagbasa at ng inaasahang paggamit ng karanasang matatamo sa pagbasa;
2. Paggising ng mga dating kaalaman at pagtulong kung paano gagamitin at maiugnay ang mga
kaalamang ito sa nilalaman ng teksto; 3. Paglinang ng mga istratehiya sa pagpoproseso ng teksto at
pagpapaunawa kung kailan gagamitin ang mga istratehiyang ito batay sa layunin sa pagbasa at ang uri ng
tekstong babasahin;

24. 4. Pagtulong sa mga bata na maiugnay ang kanilang mga saloobin at pagpapahalaga sa nilalaman ng
teksto; 5. Paglinang ng kamalayan ng mga bata sa kahalagahan ng pagmomonitor ng mga nabuong
pagpapakahulugan sa pagitan ng dating kaalaman at impormasyon sa teksto; at 6. Pagtatanim sa isipan
ng mga bata na sapagtatamo ng epektibong komprehensyon, kailangang may magandang pag-uugnay
ang layunin, dating kaalaman mga istratehiya saloobin para sa nilalaman, at pagmomonitor ng
pagpapakahulugang bubuuin.

25. Uri ng mga Tanong ng Guro Ruddell at Williams,1972; Durkin, 1978-1979; Guszak, 1967 
nagpapatunay na humigit-kumulang 70% ng mga tanong ng guro ay nasa literal lebel lamang ng pag-
unawa  Open-ended

26. Ang mga Lebel ng Pag-iisip at mga Kasanayan sa Komprehensyon

27. Mga Kasanayan sa Komprehensyon Paktwa l Interpreta tib Aplikati b Transakti b 1 . Pagtukoy sa mga
detalye X X 2 . Pagkasunod-sunod ng mga pangyayari X X 3 . Sanhi at bunga X X X X 4 . Pangunahing diwa
X X X X 5 . Paghula sa maaaring maganap X X X X 6 . Pagpapahalaga X X X X 7 . Paglutas ng suliranin X X X
X Isang Balangkas na Pampagtuturo para sa Debelopment ng Komprehensyon

28. Ang Apat na Lebel/Antas ng Pag-iisip

29. Paktwal Lebel

30. Interpretatib lebel o Pagpapakahuluga n

31. Aplikatib Lebel o Paglalapat

32. Transaktib Lebel

Sa kasalukuyang panahon, ang pangunahing tungkulin ng mga guro sa wika ay mapaunlad ang
kasanayan ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa pagbasa o reading comprehension. Nakalulungkot isipin
na ang kakayahang taglay ng mga mag-aaral sa pagbasa ay iyong simpleng paggunita ng mga
impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto, kahit pa marami nang paraan sa ngayon ang nakatutulong
upang matutong bumasa ang mga mag-aaral at isa na rito ang kompyuter.

Samantala sinasabing taglay ng isang mag-aaral ang kakayahang ito kung ang lebel ng kanilang
pag-unawa ay nakabatay sa sumusunod; Una, Reading the lines o on the line, dito ipinakikita na ang
isang mambabasa ay nakauunawa ng mga kahulugan at mahahalagang detalye ng teksto. Pangalawa
ay pagbasa sa pagitan ng mga linya; kung saan ang mga mag-aaral ay inaasahang may mas malalim na
pag-unawa sa binasa. Dito ipinakikita ang paghihinuha sa layunin ng awtor, pagbigay ng interpretasyon,
pagbigay ng hatol at paghahambing ng ideya ng awtor sa ideya ng mambabasa. Pangatlo, Reading
beyond the lines. Dito sangkot ang teknik, kritikal at malikhaing pagbasa; kung saan nahuhulaan ng
mambabasa ang magaganap, natutukoy ang kongklusyon ng binasa, nakapagbibigay ng mga bagong
padron ng mga ideya, at nakapagpapalawak ng sariling kaisipan. Maliban dito, masusukat ang antas ng
pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral gamit ang taksonomi nina Bloom at Barret.

Ano ang pagbasang may komprehensyon?

Ang pagbasang may komprehensyon o pagbasang may pag-unawa ay pagbuo ng kahulugan


habang nagaganap ang interaksyon sa teksto. Sinasabing kung walang pag-unawa ay walang pagbasang
nagaganap. Ayon kay Goodman (1969) ang pagbasa ay nagiging makahulugan kung may interaksyon
ang mambabasa at ang teksto. Kapag tayo’y nagbabasa, ang mga istratehiya natin sa pag-unawa ang
dagliang nagbubunsod sa atin upang maiugnay ang ating kaalaman at mga karanasan sa mga
impormasyon sa teksto upang makabuo tayo ng isang pagpapakahulugan. Ang pag-
unawa/komprehensyon ay isang masalimuot na prosesong pangkaisipan. Hindi ito matututunan sa isang
upuan lamang. Nangangailangan ito ng tuloy-tuloy na pag-aaral at paggamit.

Paano mapauunlad ang kasanayan sa pagbasang may komprehensyon?

Maraming babasahin sa kasalukuyan na nagtataglay ng mga mapanghamong tema o paksa kaya’t


nararapat lamang na pagtuonan ito ng pansin. Mapauunlad ang kasanayang ito gamit ang iba’t ibang
estratehiya Ang estratehiya ay plinanong pamamaraan tungo sa isang layunin. Ang ilan sa mga ito ay
ang sumusunod:

Making Connection (Pag-uugnay)

Sa pamamaraang ito ang mga mambabasa ay nagkakaroon ng ugnayan sa binasang teksto sa


kanilang sariling karanasan (text to self), sa ibang teksto (text to text), at pag-uugnay sa mga pangyayari
sa mundo (text to world).

Prediction (Paghuhula)

Isang pamamaraan sa pag-unawa sa pagbasa kung saan ginagamit ng mambabasa ang mga
impormasyong nakalap mula sa akdang binasa o tekstong binasa (pamagat, mga larawan) tungo sa
pagkakaroon ng panimulang kaalaman tungkol sa kung saan ang kanyang babasahin. Ginagamit ang
Prediksyon bago magbasa, habang at pagkatapos bumasa. Nahihikayat nito ang mga mambabasa na
higit na maging aktibo sa pagbabasa at pinananatili nito ang kawilihan ng mga mambabasa, tama man o
mali ang kanilang prediksyon.

Questioning (Masining na Pagtatanong)


Sa pamamaraang ito nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral na magsuri sa kanilang binasa sa
pmamagitan ng pagbubuo ng sariling tanong batay sa kanilang binasa. Napalalalim nito ang pag-unawa
at paglilinaw sa kahulugan ng mga kaisipan at ideya sa binasa.

Summarizing (Paglalahat)

Ayon kay Rolando Bernales sa kanyang aklat na Pagbasa at Pagsulat, ito ay paglalagom ng mga
kaisipan at impormasyong natutunan o nakuha sa akdang binasa. Kailangang magkaroon ng maayos at
sunod-sunod na pagpapahayag ng mga pangyayari.

Sa pamamaraang ito natutukoy ng mga mambabasa ang pinakamahahalagang ideya/kaisipan mula sa


binasa at naisasalin ito sa sarili nilang pagpapahayag.

Visualizing (pagbuo ng biswal na imahe)

Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng imahe mula sa binasa/napanood/napakinggang teksto o


akda. Sa pamamaraang ito nagagamit ng mga mag-aaral ang kanilang malawak na imahinasyon sa pag-
unawa sa binasa. Madali nilang nauunawaan ang pangyayaring nagaganap,ang tagpuan, at ang mga
tauhan sa akda gamit ang kanilang imahinasyon.

Mahalaga ang pagbasa nang may pag-unawa sa buhay ng tao. Halos lahat ng kaalaman ay
nasusulat, sa pagbili ng pagkain, gamut, bahay na titirahan, pagpasok sa trabaho, at kahit sa paraan ng
transportasyon. Isa ito sa pinakamahalagang bagay na dapat taglayin ng tao. Ito ang nagsisilbing daan
ng kanyang tagumpay, kaligtasan at mabungang pamumuhay.

Pagbasang May Pag-unawa o Reading Comprehension

Written by Mrs. Marcela S. Sanchez | Master Teacher I | Bataan National High School | Balanga, Bataan
2017

http://www.udyong.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=8920:pagbasang-may-
pag-unawa-o-reading-comprehension&catid=90&Itemid=1267

eorya at Pananaw sa Pagtuturo ng PagbasaLydia B. LiwanagPamantasang Normal ng PilipinasAng


Proseso ng Pag-unawa sa Pagbasa

Layunin ng pagtuturo ng pagbasa ang malinang sa mag-aaral ang pagbasang may pang-unawa o
komprehensyon.

Ngunit batay sa mga pananaliksik, ang pagtuturo ng komprehensyon ay hindi gaanong napagtutuunan
ng pansin.Ano ba ang komprehensyon?
Ang pagbasang may komprehensyon ay pagbuo ng mga tulay na mag-uugnay sa dating kaalaman
tungo sa bagong kaalaman. (Pearson at Johnson , 1978)

Sa maikling salita, ugnayan ng teksto at ng kaalaman ng mambabasa.Modelo ni Rumelhart (1977) ng


Interaktibong PagbasaTalasalitaan Gramar o BalarilaPagkilalaDating kaalamanInput mula sa
tekstoKahuluganKasanayan sa paghinuhaKohesyonOrganisasyon / Kayarian ng TekstoMapapansing ang
dating kaalaman ng mambabasa at ang mga kasanayan sa paghinuha ang nasa sentro ng modelo,
pagpapatibay ng paniniwalang ang komprehensyon ay pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at
impormasyon na nasa isipan ng mambabasa. Ginagamit naman ng mambabasa ang mga impormasyon
tungkol sa:

pagkilala ng salita

talasalitaan

gramar

kohesyon at

kayarian ng tekstoupang maiugnay ang bagong imporma-syon sa dati niyang kaalaman.Mahalaga ang
dating kaalaman o iskima ng mambabasa tungkol sa teksto.

Kung kulang sa angkop na konseptong kaugnay ng teksto, magiging suliranin ang komprehensyon.

Mahalaga bago bumasa ang paglinang ng mga dating konseptong nalalaman ng mambabasa na
kaugnay ng tekstong babasahin.Sinasabing kung walang pag-unawa ay walang pagbasang nagaganap.
Ayon kay Goodman (1969) ang pagbasa ay nagiging makahulugan kung may interaksyon ang
mambabasa at ang teksto.

Nagagamit ng bumabasa ang mga dati na niyang kaalaman at karanasan upang iugnay sa binabasa at
sa ganitong paraan nauunawaan niya at nasusuri ang binabasa.Ang pagbasa ay higit pa sa interaksyon sa
pagitan ng nagbabasa at ng teksto (Johnson, 1983). Binigyan ito ni Johnson ng kahulugan bilang isang
kumplikadong gawi na binubuo ng may malay o walang malay na paggamit ng iba’t ibang istratehiya,
kasama ang mga istratehiya sa paglutas sa suliranin upang makabuo ng modelo ng kahulugan na
inaasahan ng awtor ng teksto na matatamo. Sina Goodman (1977) at Smith (1973) ay nagsabi na ang
mga konsepto na dala ng nagbabasa sa teksto ay mahalaga kaysa sa teksto mismo para sa pag-unawa o
pagbuo ng kahulugan. Ang mga konseptong ito ay nagagamit kapag ginagawa ng nagbabasa ang top-
down na pagpoproseso sa teksto. Ngunit may problema rin kung laging nakaangkla ang nagbabasa sa
top-down na paraan o sa paggamit ng sariling iskima sa pag-unawa na maaaring batay sa kanyang
kultural na iskimata na hindi katumbas ng nais na ihatid ng ideya ng awtor.Basahin ang talata. Tungkol
saan kaya ito? Paano mo nalaman? Ang peryodiko ay mabuti kaysa magasin. Ang dalampasigan ay mas
mabuting lugar kaysa daan. Sa simula mabuti ang tumakbo kaysa maglakad. Kailangan mo itong subukan
nang ilang ulit. Kailangan ang kasanayan pero madali itong matutuhan. Kahit ang mga bata ay
nasisiyahang gawin ito. Kapag nagtagumpay, ang mga kumplikasyon ay kakaunti na lamang. Ang mga
ibon ay iniiwasan ito. Pero kapag maraming tao ang gumagawa nito ay magkakaroon ng problema.
Kailangan ang maluwang na lugar. Ngunit kapag ito’y nakawala, wala nang pangalawang tsansa.Ano ang
hula ninyo? Tulad ng sinabi ni Goodman (1970) ang pagbasa ay isang saykolinggwistikong laro ng
panghuhula (psycholinguistic guessing game). Paano ninyo nahulaan ang sagot?Mga Teorya sa Pagbasa

Ang Teoryang IskimaAng komprehensyon o pang-unawa ay proseso ng pag-uugnay ng mga kaalaman


sa paksa at kaalaman sa pagkakabuo ng mahahalagang salik sa pag-unawa. (Pearson, 1978)Ang lahat ng
dating nararanasan at natutuhan ay nakalagak sa isipan at maayos na nakalahad ayon sa kategorya. Ang
mga iskimang ito ay nadaragdagan, nalilinang, nababago at napauunlad (Pearson at Spiro, 1982). Sa
kasalukuyang pananaw, ang mambabasa bago pa man niya basahin ang teksto ay may ideya na siya sa
nilalaman nito batay sa dati niyang iskima sa paksa.

Binabasa niya ang teksto upang patunayan kung ang mga hinuha / ekspektasyon niya ay wasto, may
kulang o dapat baguhin.Ang teksto ay lunsaran lamang o resors sa pagbuo ng kahulugan. Hindi ang
teksto ang sentrong iniikutan ng pang-unawa kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa. Ang
kahulugang nabuo sa isipan ng nagbabasa ang batayan kung nauunawaan niya ang binasa.Implikasyon
sa Pagtuturo ng Pagbasa (Pearson 1979)

Iniuugnay ang dating kaalaman sa bagong impormasyong nabasa.

Nakasubaybay (monitor) sa kanilang pang-unawa habang bumabasa.

Gumagawa ng kaukulang aksyong panlunas sa mga bahaging hindi pa niya maunawaan.Nakapipili ng


mahalagang ideya sa tekstong binasa.

Nakapagbubuod ng mga impormasyong binasa.

Patuloy na nakapagbibigay-hinuha bago bumasa.

Bumubuo ng tanong mula sa kanilang binabasa tungkol sa paksa.Interaktibong Teorya sa Pagbasa Ang
isang magaling na mambabasa ay gumagamit ng dalawang uri ng paraan sa pagproseso ng kaalaman
mula sa teksto.(Carell at Eisterhold,1983)1. Paraang bottom-up o pag-unawa sa teksto batay sa mga
nakikita rito tulad ng mga: - salita - pangungusap - larawan - dayagram - iba pang simbolo Tinawag ito ni
Smith (1983) na text-based,outside-in o data-driven sa dahilang ang impormasyon ay hindi nagmula sa
mambabasa kung hindi sa teksto.2. Ang paraang top-down o pag-unawa batay sa kabuuang kahulugan
ng tekstoTinatawag din itong reader-based, inside-out o conceptually-driven sa dahilang ang kahulugan
o impormasyon ay nagmula sa mambabasa patungo sa teksto.Nangyayari ito kung ang mambabasa
agumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga konsepto o kaalaman (schema) na
nabuo na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid.Nakabubuo siya ng
mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na inilahad ng awtor sa teksto.

Nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng mambabasa at teksto

Nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng isang mambabasa ang kaalaman
niya sa istruktura ng wika at sa talasalitaan kasabay ang paggamit ng dating kaalaman at mga
pananaw.Narito ang mga kasanayan sa pagbasa na ginagawa sa klase. Tingnan at uriin kung paano ang
pagpoproseso rito ng mga mag-aaral ayon sa dalawang paraan: Bottom-up o Top-down. 1. Pagsagot sa
mga tanong tungkol sa binasa 2. Pagsusunud-sunod ng mga pangyayari 3. Pagbibigay ng hinuha o
palagay 4. Pagtukoy sa sanhi at bunga 5. Pagbibigay ng wakas sa kuwento 6. Paglalarawan ng tauhan 7.
Pagbibigay ng buod ng kuwento 8. Pagbibigay ng sanhi at bunga 9. Pagbibigay ng reaksyon sa binasa 10.
Paggawa ng direksyon o mapa batay sa binasaImplikasyon sa PagtuturoAng mga gawain sa pagbasa na
naaayon sa interaktibong pananaw ay nagbibigay ng pangunahing diin sa paggamit ng mga dating
kaalaman at konsepto ng mga mag-aaral sa kanilang paligid. Ang bawat bahagi ng gawaing pagbasa ay
kakikitaan ng aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral. A. Bago BumasaAng mga mag-aaral ay
binibigyan na ng mga gawain bilang paghahanda sa pagbasa ng teksto. 1. Pagbibigay ng guro ng bago o
panimulang impormasyon tungkol sa paksang babasahin (kung wala o kakaunti ang kaalaman ng
paksa).2. Pagtalakay sa mahihirap na salita (kung mayroon) na matatagpuan sa teksto at pag-uugnay
nito sa dating kaalaman ng mga bata.3. Paggamit ng dating kaalaman (prior knowledge) ng mag-aaral sa
pag-unawa ng bagong ideya o paksa.4.Paggamit ng mga larawan, pamagat, mga bahagi ng teksto upang
magkaroon ng pangunahing ideya ang mga mag-aaral sa babasahing teksto. 5. Pagbibigay ng
pangunahing pagsasanay na kailangan sa pagtuturo ng bagong kasanayan (prerequisite skills).6.
Pagbibigay sa mga bata ng layunin sa pagbasa. Ano ang pag-uukulan nila ng pansin sa pagbabasa? Mga
tauhan ba, pangyayari o pag-alam sa sanhi at bunga?B. Habang BumabasaAng mga bata ay
magsasagawa ng mga gawain na ipinakikita ang interaksyon nila sa teksto. 1. Pagsagot sa mga tanong na
nakasulat sa blakbord o teksto habang nagbabasa.2. Pagbuo ng mapa o direksyon ayon sa binabasa.3.
Pagpupuno ng balangkas, table o grap.4. Pagsusuri sa organisasyon ng teksto at pagbuo ng dayagram ng
mga kaisipan (semantic map, outline, graphic organizer).5. Paglalagay ng guhit (underlining) sa
mahahalagang kaisipan o impormasyon na nakikita habang nagbabasa.6. Pagtatala ng mahahalagang
impormasyon at pansuportang detalye.C. Pagkatapos Bumasa1. Pagbubuo ng mga tsart na ipinakikita
ang pagkaunawa sa binasa tulad ng:- pag-uugnayan ng mga pangyayari (plot relationship chart)- sanhi at
bunga (cause and effect chart)- pagkakatulad at pagkakaiba (comparison/contrast chart)2. Paggawa ng
semantic web (pangtauhan, mga pangyayari, saloobin)3. Paggawa ng balangkas ng mga bahagi ng
kwento (story grammar)4. Pagpupuno ng frame tungkol sa mga bahagi ng kwento (story frame)5.
Pagpupuno ng tsart (What I Know, What I Want to Know, What I Learned)6. Pagbubuod ng binasa 7.
Pagbibigay ng reaksyon, paghusga o saloobin tungkol sa binasaPagsagot sa mga tanong tungkol sa
binasa- produkto.

Nakadepende sa teksto ang bumabasa

Walang alam ang mambabasa sa teksto

Walang pag- hahanda bago bumasa

Pag-unawa sa binasa - proseso

May interaksyon sa pagitan ng bumabasa at teksto

Paggamit ng dating kaalaman at iskima ng mag-aaral


May mga gawain na bago pa bumasaPananaw sa Pagtuturo ng PagbasaNoon NgayonWalang
konteksto ang pagtuturo ng talasalitaan

Hindi nakikita ang pag-ugnayan ng pagbasa at pagsulatPananaw sa Pagtuturo ng PagbasaNoon


Ngayon

Iniuugnay ang talasalitaan sa karanasan at konteksto

Ginagamit ang pagsulat at pag-unawa ng binasa

1. PAGTUTURO: PANLUNAS NA PAGBASA MARIE JOY F. GAN TEACHER-I Apolonio Samson Elementary
School

2. INTRODUKSIYON Hindi nagiging pare-pareho ang progreso ng pagkalinang ng kasanayan at kakayahan


sa pagbasa. Kahit na kung minsan may mataas na I.Q ay nagkakaroon din ng problema na nagiging sagwil
at balakid sa pagkalinang ng kasanayan sa pagbasa. Maraming sanhi at salik na nakakaimpluwensiya sa
pagtamo ng kakayahan sa pagbasa.

3. SANHI AT SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSIYA SA PAGTAMO NG KAKAYAHAN SA PAGBASA

4. 1. Pagkakaiba-iba ng indibidwal Nagkakaiba-iba ang mag-aaral sa larangang: a. Pisikal- may malinaw,


may malabong paningin, may normal, may kapansana o depekto sa panding, sa pagsasalita.

5. b. Mental- iba-iba ang I.Q ng mga mag-aaral: may matalino, may kahinaan ng ulo, may mahinang
memorya, mahinang pang-unawa. c. Sosyal- may lista o bibo, may mahiyain, may palabati, may walang
kibo.

6. d. Emosyonal- may sensitibo o maramdamin, may matatakutin, may malakas at buong loob. e.
Sanligang Kultural- may laki sa urban centers, may taga-lalawigan, may magkakaibang kaugalian ang
pook na nilakihan.

7. IBA PANG SALIK AT SANHI NG KAHINAAN NG MAG-AARAL SA PAGBASA

8. a. Hindi epektibong paraan ng pagtuturo na ginamit ng guro, walang gaanong kasanayan, at kabatiran
sa pagtuturo. b. Kakulangan sa magagaling na babasahing instruksyunal, mga aklat at iba pang
kagamitan.

9. c. Hindi maayos na kapaligiran na pinag-aaralan o hindi maayos na silid-aralan, mga silid-aralang hindi
makagaganyak sa pagkatuto. d. Kakulangan sa eksposyur sa mga babasahin at kagamitan gaya ng aklat,
dyaryo, magasin at iba pa.

10. e. Kawalan ng koordinasyon sa pagsisikap ng paaralan, ng tahanan at ng pamayanan.


11. DAYAGNOSIS O PAGSUSURI SA DEPEKTO

12. Upang malapatan ng karampatang lunas ang depekto sa pagbabasa, kailangang alamin ang mga
sanhi, kakulangan, depekto at mga palatandaan ng kahinaan. Nararapat isagawa ang pagsusuri o
dayagnosis. Ang dayagnosis, ayon kay Webster, ay ang sining ng pagkilala ng karamdaman batay sa mga
palatandaan at mga sintomas.

13. DEPEKTO/KAHINAAN PANLUNAS 1.Problema sa Pananalita a. Stuttering b. Stammering c. Lisping d.


Maling bigkas e. Maling diin, tono o ritmo 1. Bigyan ng maraming ehersisyo para sa diskriminasyong
biswal at awditori. 2. Ipasuri at panlunasan sa speech clinic ang kahinaan sa pananalita. 3. Tulungang
magkaroon ng tiwala sa sarili.

14. DEPEKTO/KAHINAAN PANLUNAS 2. Reversals a. Reversal o pagpapalit-palit ng mga titik gaya ng d sa


b, ng n sa u, ng m sa w. 4. Bigyang lunas ang depekto sa paningin. Bigyan ng ehersisyo sa diskriminasyon
sa mga titk, hugis, anyo, configuration. Patnubayan ang pagbasang mula kaliwa-pakanan.

15. DEPEKTO/KAHINAAN PANLUNAS b. Kinetik rebersal-nagpapalit- palit ang ayos ng titik sa loob ng
salita gaya ng: Malakas-makalas Alamat- amalat Amihan- ahiman Bahala- balaha 5. Patnubayan ang
pagbasang mula kaliwa-pakanan. 6. Pabigyang pansin ang simula ng salita. 7. Bigyan ng sapat na
pagsasanay sa simulang katinig.

16. DEPEKTO/KAHINAAN PANLUNAS 8. Ipakilala ang mga patinig. 9. Ipatunton ng daliri ang salita habang
bumabasang marahan.

17. DEPEKTO/KAHINAAN PANLUNAS c. Transposisyon rehersal gaya ng “masiglang naglalaro” ay


“naglalarong masigla” o “ako si Juan dela Cruz” ay “Juan dela Cruz ako.” 10. Pagamitin ng marker na
gagabay sa pagbasa. 11. Bigyan ng sapat na oras ang pagbasa. 12.Patnubay sa maingat na pagbasa.

18. DEPEKTO/KAHINAAN PANLUNAS d. Pagdaragdag/ Pag-aawas  Nagdaragdag o binabawasan ang


mga salita/ pangungusap. 13. Bawasan ang tension sa klase upang hindi nerbyusin ang mag-aaral. 14.
Gumamit ng higit na madali ngunit kawili-wiling babasahin.

19. DEPEKTO/KAHINAAN PANLUNAS Hal. Ang “masaya sila” nagiging “masasaya sila”. Ang
“malapalasyong tahanan” ay nagiging “mapalasyong tahanan.” 15. Pabutihin ang pakilala sa mga salita.
16. Bigyan ng sapat na pagsasanay sa pagbasang by thought units at hindi paisa-isang salita.

20. DEPEKTO/KAHINAAN PANLUNAS Nawawala o hindi nababasa ang ilang salita. 16. Bigyan ng sapat
na pagsasanay sa pagbasang by thought units at hindi paisa-isang salita. 17. Gumamit ng higit na madali
ngunit kawili-wiling babasahin.

21. DEPEKTO/KAHINAAN PANLUNAS e. Pag-uulit o Regression Ulit-ulit na binabasa ang pantig, slaita o
parirala. Pabali-balik sa pagbasa. 18. Bigyang-pagkilala at papuri ang mag-aaral kailanman at
nakapagpapakita ng pag-unlad o pagbabago sa kakayahan. 19. Palahukin sa mga choral reading.
22. DEPEKTO/KAHINAAN PANLUNAS Pauntol-untol, o paudlut-udlot na pagbasa. Matagal na pagtigil
sa gitna ng pangungusap. Hindi binibigyang-pansin ang mga bantas. 20. Bigyan ng mga pagsasany sa
pag-unawa ng maikli at madadaling babasahin upang malinang ang kasanayn sa komprehensyon. 21.
Bigyan ng sapat na pagkakataong makabasang pabigkas o oral reading.

https://www.slideshare.net/ganjoy1/pagtuturo-sa-panlunas-na-pagbasa-38476801

Mga dulog at istratehiya sa paglinang ng komprehensyon

1. Ugnayang Tanong-Sagot 1.

2. Ugnayang Tanong-Sagot • Raphael (1982, 1986) bumuo ng “Ugnayang Tanong-Sagot” (UTS/QAR sa


Ingles) Ito’y nabuo dahil sa obserbasyon ni Raphael na palaging may pinapasagutang tanong ang mga
guro pagkatapos bumasa subalit hindi lamang nabibigyan ng kaunting patnubay ang mga bata kung
paano sasagutin ang mga tanong.

3. • Nasa Teksto Mismo • Isipin at Hanapin • Ikaw at Ang Awtor • Sa Aking Sarili Iba’t ibang uri ng
tanong

4. Nasa teksto mismo Ang sagot ay nasa teksto at madaling hanapin. Ang salitang ginagamit sa tanong at
ang mga salitang gagamitin sa pagsasagot ay nariyan na mismo.

5. Isipin at Hanapin Ang sagot ay nasa kwento ngunit kailangan mong pag- ugnay-ugnayin ang iba’t ibang
bahagi ng kwento para makita ang tamang sagot. Ang mga tanong at sagot ay di tuwirang makikita sa
isang pangungusap o talata. Galing ito sa iba’t ibang bahgi ng kwento.

6. Ikaw at Ang Awtor Wala sa kwento ang sagot. Kailangang gamitin mo ang dating kaalaman at kung
ano ang sinabi ng awtor sa teksto at pag- uugnayin ang dalawang ito.

7. Sa Aking Sarili Wala sa kwento ang sagot. Masasagutan mo ang tanong na hindi kailangan basahin ang
kwento. Gagamitin mo lamang ang iyong karanasan.

8. Ang mga simulaing isinasaalang-alang sa paggamit ng istratehiyang UTS (ugnayang tanong-salita) ay


ang sumusunod:

9. Pagbibigay ng kagyat na pidbak; Pagsisimula sa maikli patungo sa higit na mahabang teksto o


seleksyon; Paghikayat na maging independent ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng
angkop na gawain ; at Paghandaan ang transisyon mula sa madaling gawain na pagtukoy o pagkilala sa
sagot patungo sa higit na mahirap na kasanayan sa pagtuklas ng kasagutan batay sa iba’t ibang
impormasyon.

10. Dr-ta (Directing Reading – Thinking Activity) o pinatnubayang pagbasa – pag-iisip 2.


11. DR-TA (Directing Reading – Thinking Activity) o Pinatnubayang Pagbasa – Pag- iisip ¥ Stauffer 1969,
1976 Ang dulog DR-TA (Directing Reading – Thinking Activity) ay para sa paglinang ng komprehensyon ng
buong klase/pangkat.

12. DR-TA (Directing Reading – Thinking Activity) o Pinatnubayang Pagbasa – Pag- iisip Layunin
Matulungan ang mga bata sa pagtatakda ng sariling layunin sa pagbasa, pagbibigay ng sariling hula o
palagay na ginagamit ang dating kaalaman at kaalamang buhat sa teksto, pagbuo ng isang sintesis ng
mga impormasyon, patnubay at pagbabago ng mga prediksyon at pagbuo ng isang konklusyon.

13. Dalawang Bahagi ng DR-TA 1. Pagbibigay ng patnubay sa proseso ng pag-iisip sa kabuuan ng kwento.
2. Mga panubaybay sa gawain batay sa mga pangangailangan ng mga bata.

14. DR-TA: Unang bahagi. May tatlong (3) siklo ang bahaging ito ng DR-TA: Una Pagbibigay ng mga hula
na ginagamit ang mga impormasyong galing sa teksto at personal na dating kaalaman;

15. ikalawa Pagbasa upang tiyakin o di kaya’y baguhin ang mga hula batay sa mga bagong impormasyon
na galing sa teksto at sa dating kaalaman; at ikatlo Pagbibigay ng mga suporta at patnubay sa pagbibigay
ng mga hula batay sa tekstong binasa at personal na kaalaman.

16. DR-TA: ikalawang bahagi. Ang ikalawang bahagi ay may panubaybay ng mga gawain tulad ng
paglinang ng talasitaan, pagbibigay ng lagom at konklusyon sa tulong ng Group Mapping Activity (GMA).

17. Paano isasagawa ang DT-RA…

18. 1.Pumili ng isang kwento o tekstong ipapabasa sa klase. 2.Tukutyin ang bahaging hihintuan (stop-
points) – apat hanggang lima lamang kung maaari. Huminto bago ang pagtatapos ng kwento.

19. 3. Maghanda ng mga tanong sa bawat bahaging hihintuan. Iwasan ang pagbibigay ng mga paktwal o
literal na tanong. 4. Kung kinakailangan, paghandain ang mga batang pantakip sa tekstong susunod na
babasahin.

Panitikan Kayamanan ng Bayan


(by Estelita C. Apuntan 5/10/2013)

Ang pag-aaral ng ating sariling panitikan ay napakahalaga. Sa pamamagitan nito ay malalaman,


madarama at masusumpungan natin kung paano nag-ugat at namuhay ang ating mga ninuno.

Ang panitikan ay nagsisilbing tulay para makita at mabatid natin ang kaugnayan ng ka- salukuyan sa
nakaraan upang sa ganoon maharap natin ang darating na may lakas at talino.
Sa pag-aaral natin ng panitikan ay mababatid natin ang mga Pilipinong pumanday ng ating matatayog
at mararangal na simulain na naging puhunan sa pagbuo ng isang lipunan. Sa pamamagitan ng iba’t-
ibang uri ng panitikan mapapalawak at magagawang mahusay ng isang guro ang pagtuturo ng
asignaturang Filipino, maaring maiakma ang iba’t-ibang istratehiya upang mahikayat nang lubos ang
interes ng mga mag-aaral at gawing kawili-wili ang oras nila lalo na sa pagbabasa sa pa- mamagitan ng
paggamit ng tula, kuwento, sanaysay, talambuhay, awit,bugtong, salawikain, sawikain, balagtasan at
iba pa.

Mahalagang maituturing ang panitikan sa edukasyon sa maraming paraan tulad ng mga Teleseryeng
napapanood sa telebisyon na kadalasang pinanood ng mga kabataan na siyang kinapupu- Lutan ng
maraming aral at magandang halimbawa sa buhay ng tao. Isang paggunita sa mga kasaysayan na nag-
ugat sa bayan sa pamamagitan ng mga dula, sanaysay,kuwentong bayan at talambuhay. Ang Panitikan
ay laging nakasama sa kurikulum ng paaralan, bagamat ang emphasis nito ay naaayon sa karanasan ng
mga kabataan sa kapaligiran , lipunang kinagagalawan at paaralan na nagbabago sa bawat Panahon
na tulad ng isa sa pinakamalaking likha ng tao ang kompyuter. Ang kompyuter ang nagpa- Kita ng
katibayan at impluwensya sa lahat ng aspeto sa makabagong lipunan, hindi rin maikakaila na Ang
kompyuter ang nakapagpabago sa pag-iisip ng bawat tao. Ang kompyuter ay nakahalaga sa lara-ngan
ng edukasyon at kalakalan ito ay may pangunahing ginagampanan sa ating kasalukuyang lipunan,
ngunit di sa pagbabago sa panitikang nanatiling kayamanan ng ating bayan at patuloy na pangunahing
mahalagang sangkap na mananatili sa edukasyon.

May kaakibat na kahalagahan ang panitikan para sa mga Pilipino. Isa itong uri ng mahalagang
panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari sariling mga buhay upang
matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging
makatao. Maaring mawala o maubos ang mga kayamanan ng isang tao at maging ang kanyang
pagiging Makabayan, subalit hindi ang panitikan. Isang halimbawa nito ang pangdadayuhan ng ibang
mga Pilipino, bagaman nilisan nila ang kanilang bayang sinilangan ang panitikan ang kanilang tulay sa
naiwan nilang bayan. Sa panlipunan, pambansa at pandaigdigang kaukulan, isa ang panitikan, sa
pinagbabatayan ng pagkakaroon ng tagumpay ng kabiguan ng isang bansa at ng ugnayan ng mga
bansa.Salamin din ang panitikan sa kulturang gumagana sa isang komunidad. Sa Pilipinas, bawat
rehiyon ay mayaman sa tradisyon at kultura.

Sa pamamagitan ng panitikan, nakikilala ang imahen ng bawat rehiyon: Sa Kordilyera man, sa Hilagang
Luzon ,sa Pangasinan, sa Pampanga,sa Gitnang Luzon, sa rehiyong kapital at Bicol, sa Silangang
Visayas, sa Gitnang Visayas, sa Kanlurang Visayas o sa Mindanao. Hitik ito sa kani" kanilang
makasaysayang ugat na patuloy na dumadaloy at nanabuhay sa pamamagitan ng bunga.

Pasalindila ang tawag sa katutubong uri ng panitikan. Ito’ypunung-puno ng matatandang Kaaaralang


nagsisilbing gabay ng mga tao noong unang panahon at nasasalamin ang mga magagandang
Kaugalian, paniniwala o prinsipyo, at ang mga bagay-bagay na may kaugnayan din sa simple ay walang
pagkukunwari nilang pang" araw-araw sa pamumuhay at pagpapahalaga sa kanilang pagkalahi.
Ang mga pasalindilang panitikan ay napapangkat sa mga sumusunod na uri ayon sa anyo ng
pagkakalahad ng mga ito; kuwentong bayan. kasabihan, bugtong, salawikain, sawikain, sabi-sabi,
palaisipan at balagtasan na naglalarawan ng kanilang katutubong katalinuhan, kaalaman, at
karanasan, at nagsasalaysay ng kanilang mga pinagmulan, buhay at katutubong bayani,
pananampalataya at iba pa.

Patuloy ang pamumunga ng panitikang Filipino sa pamamagitan ng mga makabagong manunulat na


may paninindigan at pagpapahalaga sa ugat; sa kasaysayan, kultura at lipunan. Mayabong itong
nabubuhay sa patabang kaalaman at kamalayan, patubig ng limbangan at midya at paaraw sa
modernisasyon at globalisasyon.

Maaaring mawala ang mga yamang material at ang pagiging makabayan, subalit hindi ang panitikan.
Ito ang isa sa likas na tumutulong sa tagumpay ng isang bansa at bawat bansa sa buong mundo.
Kayamanang di mawawala sa bawat bansa

Sa kasalukuyan maraming eksperto ang naniniwala na nababawasan ang bilang ng mga mag-aaral na
nahihilig sa pagbabasa ng aklat, magasin o pahayagan man. Maaaring ito ay nakabatay sa kanilang
kakayahang magbasa at sumulat ng may kasanayan. Sa ganitong mga gawain ay naipapahayag nila ang
personal na layunin, kakayahan, pagkatuto at pagkaunawa.

Nakikitang malaki ang tulong ng mga Reading Centers para sa ibat-ibang asignatura, ngunit lalong higit
na kailangan ito sa English at sa Filipino. Ang mga asignaturang ito ay dapat lamang na may mga
nakahandang Reading Program ayon sa lebel, o antas ng pagbasa ng mga mag-aaral, sapagkat hindi
maitatangi ng mga guro na may mga mag-aaral pa sa mataas na paaralan, na may suliranin pa sa
pagbasa.

Alam natin lahat na isa sa mga salik upang umunlad ang isang bansa ay nararapat lamang na ang
mga mamamayaman nito ay mga nakapag-aral na gumagamit ng tamang pagbasa , pagsalita,pagsulat at
pakikinig na makatutulong upang umunlad ang kanilang mga kalagayan sa buhay.

Kung napapansin ng mga guro na ang mga tinuturaan nila ay tila nawawalan ng gana sa pagbasa at
hindi na napapansin ang mga estudyanteng nangagbabasa kung bakanteng oras o walang klase, sa halip
ang kanilang mga hawak ay ibat ibang gadgets, marahil ay panahon na upang pagtuuanan nang pansin
ang mga ginagawang mga gawain na kailangan ang pagbasa. Kung naapansin na tila ay hindi interesado
ang mga mag-aaral, marahil ay panahon na upang tanungin ang sarili, tungkol sa mga ginagamit na mga
kagamitang panturo, o mismong ang aralin at akmaan niya ng mga pagbabago.

Ang suliraning itoay dapat na pagtuunan ng pansin. Bigyan natin muli ng buhay ang inyong mga Filipino
Classrooms.
Sanggunian:

Orencia, M.A.R, Enhancing Pupil’s Reading Comprehension and Attitudes-RAP Journal Vol. XXVIII
(2007)

http://udyong.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=9635:kahalagahan-ng-
pagbabasa-ng-mga-mag-aaral&catid=90&Itemid=1267

Ang mas intensibong pagtingin sa materyal na babasahin kung saan hinahanap ang mga ispesifikong
detalye ay tinatawag na iskaning.

Pag-ebalweyt sa Ebidensya at Argumento

Ang mga pagtatayang nabubuo sa iyong isipan batay sa isang sitwasyong hindi mo natitiyak ang batayan
ay ang paghuhula. Ang mga hula o prediksyon ay nangangailangan ng pagpapatunay, matutunghayan ito
sa wakas ng akda.

Ang gawain kung saan ang katapusan ay nakasalalay sa antas ng pagkaunawa ng mambabasa ay
kasanayan sa pagbibigay wakas sa teksto.

1. Basahin ang pamagat g artikulo o seleksyon. Sa pamagat nasasalamin ang nilalaman ng seleksyon.

2. Alamin kung may pangalawang paksa o sub-heading sa pamamagitan ng madaliang pagsulyap sa


artikulo.

3. Masdan at basahin ang mga larawan, tsart, ilustrasyon, o dayagram.

4. Basahin ang unang talata upang mabatid ang paksa o pangunahing kaisipan.

3. Hanapin ang mga susing salita, parirala o pangungusap. Importanteng matukoy ito upang mailhawalay
ang pinapaksa sa mga detalye.

4. Ihanay ang mga tala

5. Suriin at bigyan ng pag-uuri ang mga tala

6. Muling iiskan ang teksto. Tiyakang walang nawaglit o nakalimutang tala.

Mga Antas ng Pag-iisip

Pagbubuod o Paglalagom

Scanning/Iskaning

Ang Pitong Kasanayan sa Pag-iisip

Ang Pagtukoy sa Pangunahin at mga Kaugnay na Kaisipan


Sa pagbasa ng akda, ang isipan ng bumabasa ay gumaganap ng prosesong integrasyon o pagnanamnam
ng mga detalye at mensahe ng teksto. Ang pagtukoy sa mga "maaari", "marahil" o "baka" ng isang
sitwasyong nakapaloob sa teksto ng paghihinuha.

Aralin 1: Mahalagang Konsepto sa Pagbasa

Mga Teorya sa Pagbabasa

4. Teoryang Interaktiv

-layunin ng teoryang ito na bumuo ng isang proseso kung saan ang dalawang teorya ay magkasama at
magkatugma. Para sa mga proponent ng teoryang interactive, ang pagbabasa ay prosesong bi-
direksyunal.

Pagtatala, Pag-oorganisa At Pagmamarka: Mga Ksanayan sa Madaling Pagkaunawa

Ang Pre-reading

ANG PAGBASA AT MGA KONSEPTO NG KASANAYAN SA KOMPREHENSYON

1. Literal na pag-unawa

2. Interpretasyon

3. Mapanuring Pagbasa

4. Aplikasyon o Paglalapat ng mga Kaisipan

5. Pagpapahalaga

PAGLINANG NG MGA KASANAYANG PAMPAG-ARAL

Ang layunin ng kasanayang ito:

1. ang pagtitipid sa oras,

2. ang pagkuha ng pangkalahatang impresyon

3. ang pagbuo ng pangkalahatang impresyon o kaisipan na nakalahad sa akda

Mga Kasanayan sa Pag-unawa sa Gawaing Pre-reading

3. Teoryang Iskema

-iskemata ang mga kalipunan ng kaban-kaban nang kaalaman (background knowledge), ito ang siyang
giya o tagapagbigay direksyon sa pagpapakahulugang ipapataw o ilalapat sa salita sa teksto.

Hal: Pagbili ng regalo


Iskema 1: uri ng regalo

Iskema 2: paraan ng pagbili

Iskema 3: lugar ng pagbibilhan

Upang matukoy ito, mahalagan isaalang-alang ang mga ss:

1. Basahin at suriin ang pamagat. Huwag itong laktawan na kadalasang ginagawa ng ilang mambabasa.

2. Itala ang mahahalagang kaisipan na nabasa. Makatutulong ito sa pagtukoy ng pangunahin at kaugnay
na mga kaisipan.

A. Pagmamarka (Highlighting)

Mahalaga para sa mambabasa na mabatid ang tatlong hudyat o cue.

a. Impormasyong Grapo-Fonik - ang mga relasyon sa pagitan ng letra (grapheme) at tunog (ponema)

Hal.: ugnayan ng mga panemang da-la-san kung saan; dasalan ay pag-usal ng panalangin

dalasan ay ang pagkamalimit

b. Impormasyong semantik - nakapaloob dito ang pagpapakahulugang nananapat sa isang salita.

Hal.: Aytem Leksikal:

bukas ang pinto bukas ang isip

bukas ang palad

Istruktura Leksikal:

kutsara, tinidor, kutsarita (hiponimi)

malamig, mainit (Antonimi)

c. Impormasyong Sintaktik - tinatalakay ng sintaktik ang posisyon ng mga salitang pangnilalaman at


salitang pangkayarian sa pangungusap

Limang dahilan ng awtyor sa pagsulat ng akda:

1. Makapaglahad

2. Makapagbigay-impormasyon

3. Mag-atas

4. Magturo ng mga pagpapahalaga/valyu


Pagkilatis ng Katotohanan at Opinyon

B. Pagtatala

Mga Uri ng Pagbabasa

Mahalaga ang pre-reading upang magkaroon ang mambabasa ng pahapyaw na kabatiran sa kabuuan at
nilalaaman ng akda o teksto.

Pagwawakas

Ipaliwanag ng hawig ang mga bahaging mahirap unawain sa tekto.

Sa pagbuo ng presi, kailangan ang maingat at pag-unawa sa binasa.

Panghuhula

Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Pre-reading

1. Teoryang Bottom-up

- ang salita o pagkilala sa salita ang susi sa pagkatuto sa pagbabasa. Ang salita ang pangunahing sangkap
panglingwistika, at ang proseso ng pagtutumbas ng isang katawagan sa tunog ang pangunahing puntos
nito.

Pagtukoy sa Layunin ng Teksto

1. Pagsariwa at paggunita (remembrance and recall)

2. Pagsasalin (translation)

3. Pagsusuri (analysis)

4. Pagpapakahulugan (interpretation)

5. Sintesis (evaluation)

6. Pagsasagawa (application)

Paghihinuha

Aralin 1: Mga Panimulang Kasanayang Pampag-aaral

Ang Hawig at Presi

Iba Pang Kasanayan sa Pag-unawa


Ang pangangatwiran ay pagsasalaysay na naglalayong makumbinsi sa paniniwala ng manunulat ang
bumabasa. Mahalagang salik dito ang mga patunay o ebidensya na nagsisilbing daan upang maging
kapani-paniwala o hindi ang akda.

2. Teoryang Top-down

- sumasailalim sa sintesis ang salita na siyang bubuo ng pagkaunawa.

Hal: Pasukan

mauunawaan ng nakabasa na ito ang daan patungo sa loob.

-kinikilala bilang Prior Knowledge.

Skimming/Iskiming

Sa pagbabasa ng mga akdang teknikal, siyentipiko at pandalubhasa, maraming salita o key words ang
dapat na tandaan. Isang mabisang paraan upang hindi mawaglit sa isipan at paningin ang mga ito ang
pagmamarka o highlighting.

Taxonomiya ng Pagbasa

1. Malakas na Pagbabasa

-ang pagbabasa ay isinasagawa sa harapan ng tagapagpakinig. Ang layunin ng mambabasa ay maaaring


umaliw, magbigay-aral o magturo ng kaalaman.

-suliranin sa ganitong uri ng antas ang pagkaunawa ng mga tagapagpakinig.

2. Pagbabasa ng Tahimik

-ang taong nagbabasa ng tahimik ay naglalayong makamit ang lubos na kabatiran sa isang paksa. Sa
ganitong gawain, ang mambabasa ay gumaganap bilang tagabasa at taga-unawa.

1. Antas Faktwal - payak na paggunita sa mga nakalahad sa impormasyon. Natutukoy ang mga detalye
batay sa mga naaalala, kung saan ang mga ito ay nasa anyong lantay na makasagot ng ano, sino, kailan,
saan.

2. Antas Interpretatib - ang isa pang katawagan dito ay pagpapakahulugan, hindi katuturan ang layunin
nito kundi ang nakakubling kaalaman o kaisipan sa Ingles. Ito ay "reading between the lines".

3. Antas Aplikatib - paglalapat ng mga taglay na iskemata ng mambabatas sa tekstong binabasa. Ito ang
tinatawag na "reading beyond the lines".

4. Antas Transaktib - maliban sa iskemataat paglalapat nito ay kaugnay na konsepto, mahalaga ring salik
ang pansariling pagpapahalaga o valyu sistem ng mambabasa. Ang "reading with the character" ang
kumpletong evolusyon o kaganapan ng prosesong pangkaisipan.
Aralin 2: Mga Kasanayan sa Pag-unawa

Pagkilala sa Estilo ng Awtor sa Pagsulat

Habang isinasagawa ang pagbasa, ang mga mata ay kumikilos upang i-feed sa utak ang talang
pumapasok dito.

Isa pang mahalagang kasanayang makakatulong sa pag-unawa at pagbasa sa mga akdang


pandalubhasang ay ang pagtatala. Maganda itong paraang sa paglilikom ng mga tala na magagamit sa
mga susunod na pag-aaral

Bawat awtor ay may natatanging paraan upang ihayag ang kaisipan niya kung gaano rin kadami ang mga
genreng magagamit niya sa pagpapahayag.

Katangian ng buod:

1. Pagka-maliksi at di maligoy

2. Malinaw at maayos ang paglalahad

3. Nakatatayo sa sarili, hindi kinakailangang sumangguni muli sa orihinal na teksto.

4. Hindi binabaliktad ang nilalaman ng orihinal na teksto.

Mahalaga sa komprehensyon ang kasanayan ng mambabasa na masuri at matukoy kung alin sa mga
pahayag ang katotohanan at kung alin ang nagsasaad ng opinyon.

https://prezi.com/tkeak6lib3qb/ang-pagbasa-at-mga-konsepto-ng-kasanayan-sa-komprehensyon/

You might also like