Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Tayutay (Figures of Speech)

Simili o Pagtutulad – di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito


ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa.
Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
Halimbawa :

1. Si Menandro’y lobong nagugutom ang kahalintulad.


2. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
3. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.
4. Si maria na animo’y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.
5. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.

Metapora o Pagwawangis – tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng


pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o
katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
Halimbawa:
1. Siya’y langit na di kayang abutin nino man.
2. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
3. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
4. Ahas siya sa grupong iyan.

Personipikasyon o Pagsasatao – Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga


katangiang pantao – talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga
pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.
‘PERSONIFICATION’ sa Ingles.
Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.

Apostrope o Pagtawag – isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kami’y lubayan na.

Pag-uulit o Aliterasyon – Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.


Halimbawa:
1. Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marubdob niyang pagtatangi sa mahal
niyang bayan
2. Palabiro na palaboy sa pamayanan kaya kilala siya ng kanyang pamlya.
3. Minabuti ng magulang na mapagmahali siya nang sagayon mahalin siya ng maraming mamayan.
4. Kasing bait ng kalabaw ang kanyang kapitbahay dahil sa siyay kinagigiliwan ng lahat.

Pagmamalabis o Hayperbole – Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng


isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
Halimbawa:
1. Gumuho ang mundo,uula ng apoy,maabot ang langit.
2.Luluha ng dugo,maglabas ng pako,hihiga sa pera
Paghihimig o Onomatopeya – ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang
kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.
Halimbawa:

1. Ang himig nitong ibon,agus nitong ilog ay nagpapakita ng kayamanan sakagubatan.


2. Ang mabungad na pagsalamuha, galang na pagbati ay nakagagaan ng loob.

Pag-uyam o Ironiya – Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas
itong nakakasakit ng damdamin.
Halimbawa:
1. Napakalinis sa ilog na yon walang isdang nabubuhay.
2. Napakataas monaman kaya hindi mo naabot ang nakalagay sa misa.

Senekdoke o Pagpapalit-saklaw – isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang
binabanggit.
Halimbawa:
1. Kahit sirain mo pa ang aking mga kamay. (Kamay-pangarap)
2. Hanaggat matigas pa ang aking mga paa.(paa-katawan)

Pagpapalit-tawag o Metonymy – Ito’y pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na


magkakaugnay, hindi sa kahambingan kundi sa mga kaugnayan. Ang kahulugan ng meto ay
“pagpapalit o paghalili.”
Halimbawa:
1. Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-pangulo.
2. Ang panulat ay mas makapangyahiran kaysa sa espada.

Paglilipat-wika o Transferred Epithet – tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang


mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
Halimbawa:
1 Ang ulilang silid ay naging masaya sa pagdating ni Lucy.
2 Ang mapaglingkod na payong ay maingat na tiniklop ni Eleanor.
3 Ang kahabag-habag na tuwalya ay dinala ng agos.
4 Ang matapat na bentilador ay nagbigay-ginhawa sa kanya nang kanyang buksan.

Pagtanggi o Litotes – gumagamit ng katagang “hindi” na nagbabadya ng pagsalungat o di-


pagsang-ayon. Ito’y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.
Halimbawa:

1 Siya ay hindi isang kriminal.


2 Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan.
3 Ang aking kapatid ay hindi isang taong walang dangal.

*silbing “reviewer” para sa Ikalawang Buwanang Pagsusulit sa Filipino 9

Inihanda ni:

G. Kevin Paul A. Tabirao

You might also like