Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

PAMANTASANG ESTADO NG CAPIZ


Bailan, Pontevedra, Capiz

Detalyadong Banghay Aralin

I. Layunin
a. Naipaliliwanag ang mga patakaran na nangangalaga sa karapatan ng
mga bata at mag-aaral.
b. Nakakagawa ng poster slogan tungkol sa mga karapatan ng mga bata
at mag-aaral.
c. Napahahalagahan ang mga patakaran na nangangalaga sa karapatan ng
mga bata at mag-aaral.
II. Nilalaman
A. Paksa: Child and Student Protection Policy o Patakaran na nangangalaga sa
karapatan ng mga bata at mag-aaral.
B. Sanggunian: DepEd Order No. 40, s. 2012 at R.A. 7610 (Child Abuse Law)
C. Mga Kagamitan: Projector, Powerpoint, at Mga Larawan
D. Pokus ng Pagpapahalaga: Pagiging Makatao

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagwawasto ng attendance
3. Balik-aral

Kahapon ay ating tinalakay ang Ma’am ang climate change po ay isang


tungkol sa climate change o pagbabago matinding pagbabago sa klima ng isang
ng klima. Ano nga ulit ang ibig sabihin lugar o ng buong mundo.
ng climate change?

Anu-ano naman ang mga sanhi at Ang sanhi ng pabago-bagong kima ng


epekto ng climate change? dahil sa pagtaas ng mga greenhouse
gasses na nagpapainit sa mundo na
nagiging bunga ng mga sakuna gaya ng
heatwave, baha at matinding tagtuyot.

Magaling!
4. Lunsaran (Pangganyak)
Mayroon akong mga larawan
na ipapakita sa inyo. Suriin
itong mabuti.

a. Ano ang inyong napansin - Isang silid aralan na may guro po


sa mga larawan? at masayang nag-aaral.
- Mga batang may pasan-pasan at
mukhang nagta-trabaho po sila.
- Isang guro po na pinipingot o
sinasaktan ang bata.

b. Sa kasalukuyan , ito ba ay Opo. May mga batang nagta-trabaho at


inyong nakikita sa ating hindi na nag-aaral. May mga guro na
bansa? malupit sa mga mag-aaral. Pero may
mga paaralan na mayroong masayang
mga mag-aaral dahil Masaya at
exclusibo ang pag-aaral, walang
mahirap o mayaman, pantay-pantay ang
mga mag-aaral.

Ngayon, pamilyar ba kayo sa tagline


na “No Child Left Behind”? Opo.
Ano sa tingin ninyo ang pinahihiwatig o Sa tingin ko po, ito ay
kahulugan ng pahayag? nangangahulugan na ang mga bata ay
kailangang pangalagaan o protektahan
sa tulong ng isang patakaran.

Sa tingin ko po ito ay ipinahihiwatig sa


lahat na kailangan sa isang patakaran
para sa mga bata, lahat ay kasama, lahat
ng mga bata ay pantay-pantay.
Mahusay! Ang aking mga pinakitang
larawan at ang tagline ay may malaking
kinalaman sa ating aralin ngayong araw.
Halina’t tuklasin!

B. Panlinang na Gawain
Ang ating aralin ngayong araw ay
tungkol Child and Student
Protection Policy o Patakaran na
nangangalaga sa karapatan ng mga
bata at mag-aaral.

Ngayon, hahatiin natin ang


klasse sa dalawang pangkat. Para
maging patas ang pagpapangkat,
magbilang ng isa hanggang dalawa.

(matapos ang pagpapangkat)

Pangkat una sa kaliwang bahagi


kayo umupo at pangkat dalawa sa
kanang bahagi naman kayo.

Maykakaroon tayo ng pangkatang


pag-uulat. Mayroon akong
envelope na ibibigay sa bawat
pangkat. Sa loob ng envelope ay
mayroong teksto na naglalaman ng
inyong e-uulat, manila paper at
marker. Basahin at unawaing
mabuti ang teksto at pag-isipan ang
gagawing pag-uulat.

Bawat pangkat ay kailangang


pumili ng tatlong mag-uulat na
siyang mag-uulat ng Gawain sa
harapan ng klase.
Bibigyan ko lamang kayo ng
sampung minute upang gawin ang
inyong Gawain at limang minute
para sa pag-uulat.

(matapos ang sampung minuto)

Tapos na ba ang lahat? Opo.

Mabuti. Ngayon, bago natin


simulat ang pag-uulat narito ang
pamantayan sa pagbibigay ng
marka sa inyong Gawain.

Kaangkupan --- 40%


Kaalaman sa inuulat --- 25%
Pag-uulat ---- 25%
Kooperasyon ng myembro---- 10%
----------
100%

Pangkat Una, maari niyo ng


simulan ang inyong pag-uulat.

DepEd. Order No. 40, s. 2012 o


DepEd Child Protection Policy.
Isa ito sa patakaran na nangangalaga
sa isang mag-aaral mula sa mga pang-
aabuso, karahasan, pagsasamantala,
diskriminasyon, pambubulas/pananakot
at iba pang pang-aabuso.
Nakasaad sa patakaraan dito ang mga
patakaran na nakapaloob sa 1987
Konstitusyon ng Pilipinas o 1987
Philippine Constitution. Nakapaloob
dito ang mga Responsibilidad at
Tungkulin ng ahensya bilang
tagapangalaga ng mga karapatan ng
mga kabataan at mag-aaral.
Ang Central Office, Regional Offices,
Division Offices at mga Paaralan ay
may mga tungkulin na dapat gampanan
at mga responsibilidad.
Ang isang Paaralan / School ay
kailangang siguraduhin na napapagtibay
nito at pinatutupad ang mga patakaran
at batas na nangangalaga sa isang bata o
mag-aaral. Tungkulin din nito na
ipaalam sa lahat ng mga magulang o
stakeholders, at guro ang patakaran.
Ang isang paaralan ay kailangang
mayroong committee para sa patakaran.
Sila ay kailangang Gumawa ng mga
pamamaraan sa pagreresulba ng mga
paglabag gawa man ng guro o kapwa
nito mag-aaral. Kailangang gumawa din
ang mga paaralan ng mga kaakibat na
solusyon at parusa sa paglabag sa
patakaran. Solusyon at parusa na hindi
lalabag sa patakaran ng mga indigenous
people at dapat na may respeto sa
kanila.
Dito sa patakaran na ginawa ng
DepEd, nilalayon nito na mas
mapangalagaan ang mga karapatan ng
Magaling mga bata at mag-aaral mula sa lahat ng
uri ng pang-aabuso.
(Magbibigay ang guro ng mga
karagdagang impormasyon)

Ngayon naman, pangkat dalawa


kayo naman ang mag-ulat.

Ang Child Abuse Law ang R.A 7610


o ang Special Protection of Chiidren
against Abuse, Exploitation and
Discrimination Act. Ang batas na
nangangalaga at nagproprotekta sa mga
bata laban sa mga pang-aabuso,
karahasan, pagsasamantala at
diskriminasyon.
Dito nakapaloob ang iba’t ibang uri
ng ng mga pang-aabuso. Narito ang
iba’t ibang uri ng pang-aabuso na
nakapaloob sa batas.

 Child Prostitution and Other


Sexual Abuse – mga batang
mapa lalaki o babae. Ang mga
taong lalabag ditto ay may
kaukulang parusa kapag
napatunayan. Tulad ng
pagkakakulong ng habambuhay.
 Child trafficking – pagbebenta
ng mga bata.Kapag napatunayan
ay maari ring makulong ng pang
habangbuhay ang taong gumawa
nito.
 Obscene Publication and
Indecent Shows – pag vi-video
sa isang bata labag sa loob ng
bata at pagkuha ng litrato ng
bata na nakahubad. Kapag
napatunayan ang taong lumabag
ay maaring makulong ng ilang
taon.
Sa batas din na ito nakapaloob din
kung sino ang mga maaring
magsumbong o magreklamo tulad
na lamang ng mga magulang,
relatives, social worker, barangay
chairman o atleast tatlong
indibidwal na nababahala.
Nakapaloob din ang mga
kaukulang kaparusahan ng mga
lalabag sa batas na nangangalaga sa
kapakanan ng mga bata. Tulad ng
pagkakabilanggo ng habangbuhay o
Magaling! ilang taon.

(Magbibigay ng karagdagang
impormasyon)

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

Sa kabuuan, anu-ano ang ilan sa


mga batas na nangangalaga sa kapakanan
at karapatan ng mga mag-aaral at mga Ilan po dito ay ang DepEd Order No.
bata? 40, s. 2012 at R.A 7610 o Special
Protection of Chiidren against Abuse,
Exploitation and Discrimination Act.
Saan naman hango ang mga batas na
ito? Hango po ito o nagmula sa 1987
Philippine Constitution sa Article XV,
Section 3 [2]

Mahusay!

2. Paglalapat

Ngayon naman ay magkakroon ulit


tayo ng isa pang pangkatang Gawain.
Iibahin naman natin ang inyong mga
pangkat. Magkakaroon tayo ng limang
pangkat. Magbilang mula isa hanggang
lima.

(matapos ang pagbibilang ay pupunta na


ang bawat miyembro sa kani-kanilang
pangkat)

Ngayon, may ibibigay ako sa inyong mga


pangkulay, marker at cartolina. Ang
inyong gagawin ay gumawa kayo ng poster
slogan patungkol sa ating tinalakay.
Bibigyan ko lamang kayo ng limang
minuto para gawin ang Gawain. Matapos
ang inyong Gawain ay inyo itong
ipapaliwanag sa harap ng klase.
Maliwanag ba?
Opo ma’am.
Simulant na nninyo.

(matapos ang limang minute ay


ipapaliwanag nan g bawat pangkat ang
kanilang nagging gawa)

Mayroon pa rin po ma’am dahil hindi


Sa kasalukuyan, may mga bata pa rin naiiwasan na may mga taong masasama
bang naabuso? Patunayan. at mapagsamantala. Kahit na may mga
batas at patakaraan na nag-pro-protekta
sa mga mag-aaral ay di parin tuluyang
nawawala na may mga pagkakataon ang
iba na lumalabag at inaabuso ang mga
bata at mag-aaral.
3. Pagpapahalaga

Napakahalaga po na malaman namin


Bilang isang mag-aaral bakit ang mga ito upang maging aware po
mahalagang magkaroon ng kaalaman kami sa aming mga karapatan at
tungkol sa mga patakaran na nangangalaga maipaglaban po naming an gaming mga
sa mga bata at mag-aaral? sarili kapag naabuso po at alam namin
na maaari kaming magsumbong sa
kinauukulan at maaari kaming
maprotektahan.

IV. Ebalwasyon
A. Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali naman kapag
di-wasto.
1. Hango ang mga batas na R.A 7610 at DepEd Order No. 40, s. 2012 o
nagmula ito sa 1987 Philippine Constitution sa Article XV, Section 3
[2].
2. Ang R.A 7610 ay Special Protection of Chiidren against Abuse,
Exploitation and Discrimination Act.
3. Ang DepEd. Order No. 40, s. 2012 ay DepEd Child Protection Policy
na naglalayong mapangalagaan ang mga mag-aaral o bata mula sa
iba’t ibang pang-aabuso.
4. Child trafficking ay pagbebenta ng mga bata na siyang isa sa mga
paglabag sa R.A 7610.
5. Isa din sa itinuturing na pang-aabuso ay ang Child Labor.

V. Takdang Aralin.
Magsaliksik ng iba’t ibang impormasyon ukol sa illegal na droga o ipinagbabawal
na gamot. Saliksikin ang mg sumusunod:

1. Kahulugan ng illegal na droga o bawal na gamot.


2. Iba’t ibang uri ng bawal na gamot.
3. Ano ang mga epekto ng bawal na gamot sa tao.

You might also like