Tatsulok Na Daigdig

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Tatsulok na Daigdig

Paakyat ng bundok upang makatakas sa magulong mundo at naghahanap ng inspirasyon. Sa


paglalakbay ay hindi napansin ang matulis na bato at napaupo. Pasalamat na lamang at nakalog lang ang
kahon ng pintura at walang nasira. Sa pagtayo ay napansin niya sa kabilang landas ang isang namumukod
na tuktok na korteng baliktad na balde. Nakarinig siya ng awit ng pipit na hindi malaman kung saan
nanggagaling ang awit nito. Saglit na nakalimot sa tunay na kalagayan o problema sa mundo dahil sa ganda
ng kalikasan at tanawin ngunit hindi maikukubli na mahirap ang tinatahak na landas, terible , matarik at
mabato ang landas. Natanaw rin niya ang rapeblossom na tila nakalatag sa kapatagan. Sa landas na
kanyang tinatahak ay may masasalubong itong matandang lalaki na nakakimono at kabataang babae na
nakpaldang pula. Nagbabadya ang ulan, may makasalubong itong kutsero at tinanong kung saan may
malapit na masisilungan. Ang kaninang pinung-pino na patak ng ulan ay papalaki na at nakikita na niya
nang buo ang bawat patak. Basang-basa na kanyang Haori.

Sa tea house, kung saan nakatira ang isang obahsan, inakmang iguhit ang matandang babae.
Dumating ang isang lalaking nakakabayo si Gembei pababa ito ng bundok tinanong kung may kailangan
ang matanda at siya na ang magaakyat nito. Nagkwento ang matanda tungkol sa magandang babaeng
anak ni Shioda at sa babaeng taga Nagara na nagkaroon ng sabay na manliligaw at dahil sa araw-araw na
pag-iisip nito kung kanino ibibigay ang kanyang puso kay sasada ba o sasabe. At di nagtagal dahil sa
pagdadalamhati na hindi ito makapagpasya ay tumalon ito sa ilog. Ganoon din ang nangyari sa anak ni
Shioda na nagkaroon ng dalawang manililigaw na sabay. Ang isa ay nakilala niya noong nag-aaral pa siya
sa Kyoto at ang isa naman ay isa sa pinakamayaman sa kastilong bayan. Mas gusto nito ang taga Kyoto,
pero ipinakasal siya ng kanyang ama sa mayamang lalake. Ngunit hindi ito tumalon sa ilog. Hindi naging
maayos ang pagsasama dahil pinilit lamang siya. At di nagtagal dahil sa giyera ay nalugi ang pinapasukang
trabaho ng kanyang asawa. Umuwi siya sa kanila at maraming sinasabi ang mga tao tungkol sa kanya.
Tulad ng manhid siya at walang pakiramdam. Na ang dating mahiyain daw ay naging masigla at malandi.
Habang nagkukwento ang matanda ay iginuhit niya ang kabayo at ang magandang babaeng nakapangkasal
at ang mukha ni Ophelia na guhit ni Millais ang sumagi sa kanyang isipan na mukha ng babaeng
nakapangkasal kaya’t di na niya ito tinuloy. Makalipas ang ilang sandali Matapos magbayad nito ay umalis
na sa tea house.

Otel ni Shioda. Nakilala niya rito ang isang dalaga na siya lamang nag-aasikaso sakanya mula nang
dumating ito. Marami itong napansin sa bahay na tila naulit ang karanasan niya, nang naglakbay ito sa
Tateyama hindi ito nakatulog dahil sa kaluskos ng kawayan. Nakatulog ng panandalian at pagdilat ay
napansin niya sa itaas ng dingding ang nakasulat sa paraang tsino, at ang larawan ng tagak sa isang sulok.
Naaninag niya ang anino ng isang babaeng umaawit at nang lalapitan na niya ay naglaho. Tinangka niyang
sumulat ng isang tula. Nakilala rin niya ang magandang misteryosang babae ang anak ng may-ari ng bahay.
Nagkuwentuhan sila napansin niya ang disenyo ng mangkok at sinabing wala itong katulad. Kung kaya
sinabi ng babae kung gusto pa nitong makakita ng ganoon ay may koleksyon ang kanyang ama at para
maimbitahan na rin siyang magtsa. At naalala niya ang seremonya ng tsaa. Gumuhit siya sa sketchpad ng
babaeng nakakabayo at nakatanaw sa gilid ng bundok na natatakpan ng mga puno ng ligaw na cherry.
Sa barberya, nakakwentuhan nito ang barbero at tinanong kung taga Tokyo siya. Dahil sa paraan
ng pananalita nito. Tinanong din nito kung matagal na ito rito at kung saan nanunuluyan. Sinagot nito na
kina Shioda. Si ginoong Shioda rin daw ang nagpasok sa kanya ng trabaho at sinabing mag-ingat sa anak
ni Shioda. Nagpaahit ito ng balbas. Napagkwentuhan din nila ang babaeng taga-nagara na naikwento rin
sa kanya sa tea house.

Pagbalik nito sa otel ay naupo sa harap ng mesa sa liwanag ng palubog na araw. Nag-iisip ito
tungkol sa maaari nitong iguhit ngunit marami itong naiisip na ukol sa kalikasan at buhay ng tao. At
tinanong kung ano ang magiging itsura kung tatangkain nitong isalin sa kanbas ang kalagayang ito. Ngunit
alam nitong hindi angkop sa kumbensyunal na larawan. Ang tanging paraan upang makalikha ang pintor
ng isang larawang guhit na naiiba ay bigyang buhay ang kanyang paksa sa pamamagitan ng sarili niyang
interpretasyon. Nakita nito muli ang babae sa pintuan . Ipinasya niyang pagbalik ng babae ay tatawagin
nang talaga ngunit muli ay hindi niya ito nagawa.

Maginaw, hawak nito ang tuwalya bumaba upang maligo. Pagsandal sa gilid ng banyera, hinayaan
nitong lumutang ang kanyang katawan sa mainit na tubig. Naalala nito ang “Ophelia” ni Milais na matagal
nang bumabagabag sa kanya ay magiging napakaganda. Pinagtatakahan nito kung bakit pinili ng pintor
ang gayong kalungkot na paksa ng isang larawan. Habang nakalutang parin ito ay nakabuo ito ng taludtod
na parangal para sa pagkalunod. Nakarinig ito ng tugtog ng samisen. Nanumbalik ang alaala ng kanyang
pagkabata. Nang walang anu-anoy may anino na pababa ng walang ingay. Nakahiga parin siya sa banyera
ng naisip niyang ipamalay sa babae na nakita niya ito. Nang biglang naroroon na ito sa kanyang harapan
may balingkinitang katawan ito na mayroong koronang itim. Napuno ang kanyang buong pagkatao nang
pagtuklas at napakagandang ipinta ang kanyang nasa harapan. Ang mga klasikong kultura ng griyego ang
naisip nito.. Lutang na lutang ang maputing kutis ng babae at nangamba akong baka paglapit nito ay
maging karaniwang tao na lamang ang dilag mula sa buwan. At sa sumunod na sandali ay umakyat na ang
maputing anyo.

Naimbitahan na siyang magtsa ni G. Shioda. Bukod sakanya ay may iba pang panauhin si Daitetsu,
ang Abbot ng templong Kankaiji at isang karaniwang kabataan na nasa edad beinte-kwuatro o beinte-
singko. Si kyuichi. Kinausap siya ng Abbot kung hindi ba ito nalulungkot sa pag-iisa nito sa kanayunan. At
ang sagot nito ay bahagyang ungol lamang. Hindi sabat ni G. Shioda naparito ang ginoong ito para
magpinta kaya lagi siyang abala. Sinabi rin niya na estilong kanluranin ang pagpipinta niya. Uminom sila
ng tsaa at ipinakita nito ang kanyang mga koleksiyon. Tinanong ng Abbot kung sa palagay niya ay posibleng
maguhit ng Kanluraning larawan ang fusuma? Kung pwede ay nais nitong magpagawa. At hindi ito agarang
nakatanggi ngunit hindi siya nakatitiyak kung magugustuhan ng Abbot ang kanyang pagguhit. Kaya’t sinabi
nalang niya na “ palagay ko ay hindi ho yata maganda sa fusuma. Siguro nga, sagot ng Abbot, kung
pagbabatayan ang pinta ni kyuichi kamakalawa. At sumagot ang binata na hindi naman talaga maganda
ang pinta niya at subok lamang iyon. Halatang napahiya ito. Tinanong ng pintor kung saan ang lawang
iyon. Ito’y tagong lugar sa likuran ng templong Kankaiji kung saan nakatira ang Abbot. At tinanong nito
kung maaari bang magpunta siya rito. Oo ang sagot ng Abbot at nasabi rin ng Abbot na madalas ang anak
ni G. Shioda roon, si O-nami. Nabaling ang usapan kay kyuichi nang tinanong kung kailan ang alis nito. Sa
tsina ang punta ng binata.
Nag-aaral ka ba? Tanong ng tinig ng babae nang makabalik ang pintor sa kwarto at nagbabasa ito
ng libro. Nakipag-usap sa kanya ang babae. Patungkol sa nobelang kanyang binbasa. Sa haba ng kanilang
pag-uusap ay tinanong ng babae kung pwede siyang ipinta nito na nakalutang sa tubig. Walang makikitang
sakit ,basta lumulutang lang nang payapa sa kanyang walang hanggang pamamahinga. Ano ang tanging
naisagot nito. Nagulat ka ano, aminin mo ginulat kita sabi ng babae na marahang tumayo at nagtungo sa
pinto. Mahabang sandaling nakatanga siya sa kalawakan.

Pinasyalan ko ang lawa ng Kagami sa likod ng templo ng Kankaiji. Mas maliit pa ito kaysa sa
kanyang inaakala. Pinagmasdan nito ang lawa at ang nakapaligid dito. Ang mga isa-isang naghuhulugang
bulaklak sa tubig. Nag –iisip ito kung paano nito iguguhit ang isang magandang babae na nakalutang sa
isang lawa tulad nito. Ibig niyang iguhit ang mukha ni Onami ngunit hindi angkop ang ekspresyon ng mukha
nito. Kung mukha ng ibang babae ang kanyang gagamitin ay nabibilang lamang sa kanyang daliri ang kilala
nitong babae, ngunit ni isa man ay di kasiya-kasiyang maging modelo. Si Onami parin ang pinakaangkop
bagamat parang may kulang. Alam nitong may kulang pero hindi nito matukoy kung ano. Nakarinig siya
ng kaluskos ng isang naglalakad sa kawayanan ito ay ang kutserong kanyang nakasalubong. Nag-usap sila
tungkol sa lawa at sa buhay ng kutsero.

Sayang naman kung palilipasin nito ang takipsilim ng tagsibol sa loob ng bahay .Nagtungo ito sa
templo ng Kankaiji. Napansin nito ang kakaibang disenyo ng templo. Nandun si Ryonen at ang Abbot. Nag-
usap sila ng Abbot at nagtsaa. Patungkol sa kanya at sa Tokyo ang kanilang paksa. Nagtanong ang Abbot
kung mayroong doktorado sa pagpipinta, at sinagot din niya ito na kung mayroon din daw doktorado sa
mga pari. Sa tingin ko’y madalas kang naglilibot sa ibat ibang lugar. Siguro’y para may maipinta diba?
Tanong ng Abbot. Oho sagot nito, dala ang kanyang kahon ng pintura pero kung makapagpinta man daw
siya o hindi ay hindi niya inaalala. Nababanggit din nito ang mga tao na bawat utot niya binibilang na hindi
naintindihan ng Abbot. Sa Tokyo ang bawat paglabas ng utot ay binibilang. At kung iyon lang sana ay dipa
gaanong masama ngunit pati tumbong nila ay bibisitahin pa para lamang malaman kung trianggulo o
kwuadrado. Ang tinutukoy niya rito ay ang mga detektib o mga pulis. Kailangan ba talaga iyon tanong niya
dahil sa kanilang mga pintor daw ay hindi sila kailangan. Hayaan mo lang sila hangat wala ka namang
nilalabag na batas sagot ng Abbot. Mahirap yata habang may nagbibilang ng utot mo sa bawat sandali,
Napasok sa usapan si Naomi hindi niya nakayanan ang bigat ng problema ay umuwi sa kanyang ama
matapos makipagdiborsyo. Kayat napaparito ito sa templo upang magpaturo ng relihiyon. At Nilisan nito
ang miserikordiya hatid ni Ryenon at ng Abbot.naghiwalay sila sa trangkahan. Paglingon niya ay may
natanaw ito sa landas na dalawang mabilog na anino isang malaki at isang maliit. Nagpalit sila ng lugar at
nawala sa kanyang paningin.

Naisip niyang puwedeng maging napakahusay na artista ni Onami. Dahil ang karamihan ng mga
artista ay kumikilos nang iba sa kanilang nakagawian. Ngunit iba si Onami. Ang tahanan niya ay ang
tanghalan, at ang buhay niya ay walang katapusang pagtatanghal. Bukod ditto ay hindi niya
namamalayang gumaganap lamang siya ng papel sapagkat natural lamang ang pag-arte sakanya. Sa
palagay niya ang buhay nito ay masasabing estetiko. Salamat sa kanya at anging napakabilis ng kaniyang
pag-aaral ng sinig. Naisip nito na di masusukat ang pagdurusang daranasin nito kung nagkataong may
relasyon silang dalawa sapagkat siya ay nabubuhay sa katotohanan. Dahil ang pangunahing layunin ng
kanyang paglalakbay ay upang maihiwalay sa anumang kaugnayang pantao at gawin ang makakaya upang
maging mahusay na pintor mahalaga na lahat ng bagay ay itinuturing kong bahagi ng larawan. May ilang
panahon nang tiwalag siya sa emosyon at relasyon ng tao, at wala nang dahilan upang muli siyang
masangkot kahit sa paglalakbay niyang ito.
Sa lambak na kanyang kinaroroonan ay nakita nito ang isang lalaki na tila bayarang sundalo. At
ilang saglit pa sa di kalayuan ay nakita niya ang dalawang anino ang kasama ng lalake ay si Onami,
naguusap sila ngunit di niya ito marinig. Makaraan ay naghiwalay at tila tinawag ni Onami ang lalake at
may iniabot na pitaka. Napakagandang ipinta sa kanbas ngunit biglang naglaho nang maabot ng babae
ang pitaka. Ang isa’y kumaliwa at ang isa’y kumanan. At papunta ito sa kinaroroonan niya. Sensei sensei
ang tawag nito. Si Onami ito at nasabi ni Onami na ang asawa niya iyong lalaki ngunit sila’y diborsiyo na.
Dumaan sila sa bahay ng kanyang lalakeng kapatid. Nagusap sila at nang maubusan ng mapag-uusapan ay
kapwa tumahimik at pinagmasdan ang tanawin. Naroon din si Kyuichi at iniabot nito ang pabaon ng
kanyang ama para rito.

Bumaba sila sa yoshida sakay ng bangka para ihatid si Kyuichi, bukod kay Kyuichi ay kasama rin
ang matandang Shioda, si Onami, ang lalakeng kapatid ni Onami, si Gembei na tagabitbit ng mga maleta
at siya. Siya , mangyari pa ay sabit lamang. Bagamat sabit lang ay hindi siya napigilan sa pagsama kahit
alam niyang wala siyang dahilan para sumama. Sa paglalakbay nila ay tinanong ni Onami si Kyuichi kung
gusto nito ng giyera. Hindi raw nito malalaman hanggat di natitikman sagot nito. Pinagmamasdan niya ang
agos ng ilog. Kasiya-siya ang maayos na pgalalakbay ng bangka. Naguusap si Kyuichi at ang lalakeng
kapatid. Samantalang ang matanda ay kanina pa nakaidlip. Sensei sensei idrowing mo naman ako sabi ni
Onami sa kanya. Sige ang sagot nito at inilabas ang sketchpad. Sumulat ito ng ilang taludtod at ipinakita
kay Onami, tumawa ito ang gusto raw nito ay iguhit siya nito. Gusto ko sana, tugon niya pero sa ngayon
hindi magandang iguhit ang mukha mo sagot niya. Tinanong ni Onami kung ano ang dapat nitong gawin
upang maging karapatdapat na paksa ng drowing. Sagot nito’y pwede kitang idrowing kahit ngayon din
pero mayroong kulang, at sayang lang kung idrodrowing niya nang may gayong kulang. Nagtampo si
Onami at siya’y tinalikuran. Nakarating sila sa istasyon at pumasok sila sa isang tea shop at nagiisip siya
patungkol sa tren. At di nagtagal ay narinig na nila ang matinis na tunog ng tren. Sa plataporma ay
nagpaalam na si G. Sgioda kay Kyuichi at sige magpakamatay ka sabi ni Onami. Sa isang ikot ng mga gulong
at si Kyuichi ay mawawala na sa kanilang daigdig. Sumara na ang pinto ng tren. Isa isang nagdaan ang mga
bintana ng tren . Nang makalampas ang huling tersera klase, ay may lumitaw na panibagong mukha, ang
mahabang balbas at lumang sumbrerong kulay kape ng sundalong bayaran. Nagkatinginan sila ni Onami
ngunit nagpatuloy sa pagusad ang tren hanggang mawala na sa paningin ang kanyang mukha. Sinundan
ng tingin ni Onami ang tren, ngunit nakapagtataka na ang lumilipad na tingin ni Onami ay nalangkapan ng
pakikiisang damdamin na dati’y wala roon.

Iyan! Iyan ! ngayong naipapahayag mo na ang noo’y nawawalang damdamin, maganda ng ipinta
ka” bulong nito at tinapik nito sa balikat si Onami. Nang sandaling iyon, ang larawan sa kanyang isip ay
binigyan niya ng panghuling hagod.

You might also like