Professional Documents
Culture Documents
KOMFIL
KOMFIL
I. Pamagat
Pinay OFW sa Saudi ginawang Baby maker ng sariling amo
A. May-akda/Katha
B. Buod ng Dokumentaryo
Si Rosa ay isang mapagmahal na ina at kayang gawin ang lahat para sa kanyang mga
anak. Siya ay mag-isang nagtataguyod para sa pangangailangan ng kanyang mga anak
nang iwan siya ng kanyang asawang OFW para sa ibang babae. Hindi niya inaasahan
na ganito pala ang mangyayari sa kanyang pamilya kaya siya ay sapilitang nangibang
bansa at naging isang ganap na OFW.
Si Rosa ay namasukan bilang isang dishwasher sa Rhiyad, Saudi Arabia ngunit hindi
lang pala ganap na dishwasher ang kaniyang naging trabaho kundi siya rin ay itinuring
kasambahay ng kaniyang amo na kung saan siya rin ang tagalaba, tagalinis, atbp.
Walang magawa si Rosa sa kaniyang naging trabaho kahit isang ganap na dishwasher
naman ang nakasulat sa kaniyang kontrata. Tinanggap niya ang paghihirap at
pagmamaltrato ng kaniyang amo dahil nangangailangan ito ng pera upang matustusan
ang pangangailangan ng kaniyang mga anak. Siya ay naging isang marangal na
manggagawa sa kaniyang mga tungkulin at paninilbihan sa kaniyang mga amo. Ngunit
sa kasamaang palad, hindi lang pala pagiging ganap na kasambahay ang ipinagawa
kay Rosa. Kundi ginawa rin siyang baby maker ng kaniyang amo sa kadahilanang hindi
niya mabigyan ng sariling anak ang kaniyang asawa. Si Rosa ay sapilitang sinunod ang
kagustuhan ng kaniyang amo dahil sa kagipitan at pangangailangan ng kaniyang anak
na may sakit.
Lumipas ang ilang araw, tumakas si Rosa sa kaniyang amo at naghanap ng ibang
trabaho upang makapag-ipon ng pamasahe pauwi. Nalaman nalang niya na ang
ahensiya na tumulong sa kaniya ay isa palang ganap na scammer. Pagkaraan ng ilang
buwan, umuwi si Rosa upang mabigyan katarungan ang nangyari sa kaniya at
mabayaran ang lahat ng kaniyang paghihirap.
● Pagdagdag ng mga trabaho para sa mga Pilipino- ang pagdagdag ng trabaho dito sa
Pilipinas ay lubos na makakatulong sa mga Pilipino upang magkaroon ng
pagkakakitaan para sa kanilang pangangailangan
● Pagtigil ng korupsiyon sa bansa- kung hindi lang sana corrupt ang mga taong nasa
posisyon, mabibigyan sana ng sapat na sahod ang mga manggagawang Pilipino
A. Bisa sa Isip
Matapos naming panoorin ang dokumentaryo, iba't ibang mga realisasyon ang tumatak
sa aming isipan, isa na rito ang walang permanente sa mundo, walang perpektong
pamilya. Kailangan magsikap upang mabuhay at matustusan ang pangangailangan ng
isang pamilya. Wag rin magtitiwala basta basta, pero sa panahon ngayon dahil nga sa
pangangailangan sa pang araw araw, hindi rin maiwasan ang tumanggap agad ng
biyaya galing sa ibang tao, na hindi iniisip ang kapalit o mga posibleng mangyayari.
B. Bisa sa Damdamin
"Pagkadismaya, awa at pagkamuhi" Pagkadismaya dahil nga sa kapwa Pinoy lang din
ang kadalasang nangloloko sa kapwa Pinoy. Imbes na tulungan, nagagawa pa rin
nilang mangloko para makakuha ng pera. Awa para sa inang nagpapakahirap sa ibang
bansa para sa kanyang pamilya, sa kanyang anak na nasa ospital. Inang mas pinili ang
mangibang bansa upang matustusan ang kanilang pamilya na iniwan lang sila ng
kaniyang asawa. At pagkamuhi sa kaniyang naging amo at pati na rin sa recruiter.
C. Bisa sa Kaasalan
Ang mga naging hinuha namin bago mapanood ang bidyu ay tungkol sa pagmamalupit
at pag-aabuso sa mga mangagagawang pinoy sa ibang bansa. Matapos mapanood ito,
nagkaroon kami ng realisasyon na totoo nga ang aming naging hinuha.
D. Bisa sa Lipunan
Maaring maging implikasyon sa Lipunan ay ang pagtitiwala sa kapwa. Mas mahihirapan
na rin magtiwala ang isang tao sa kanyang kapwa, dahil nga sa panahon ngayon ang
taong iyong pinagkakatiwalaan ay siyang nagdadala pa sa iyong kapahamakan.
VI. Sanggunian
https://m.youtube.com/watch?v=oT5bEBs_j14