Batayang Teoretikal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa pananaliksik na ito, ang isinaalang-alang ang mga teoryang pinaniniwalaan ng mga mananaliksik na

may kaugnayan sa pag-aaral at nakatutulong ng mas malalim sa pag-unawa sa pag-aaral.

Ang batayang teoretikal ng kasalukuyang pag-aaral ay ibinatay sa communication


accommodation Theory na nilinang ni Howard Giles, isang propesor ng sikolohiya at lingwistika sa
University of California, Santa Barbara sa Estados Unidos. Si Giles ay isa sa mga eksperto na naglalayong
ipaliwanag ang mga nagbibigay malay, mga dahilan sa paggamit ng code-switching, at iba pang
pagbabago sa istilo ng pananalita. Ipinapaliwanag sa teoryang ito na nagkakaroon ng inklinasyon na
gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap ang isang indibidwal para bigyang halaga ang pakikiisa,
pakikilahok pakikipagkalagayang loob, pakikisama o kayay pagmamalaki ng pagiging kabilang sa grupo.
Inaalam nito ang ibat-ibang kadahilanan kung bakit ang isang idibidwal ay pinalalaki o pinaliliit ang
kaibahang sosyal sa pagitan nya at ng kanyang interlokyutor o kausap sa pamamagitan ng sistemang
berbal at di-berbal na pakikipagkomuniskayon.

Mula sa isang artikulo na isinulat ni Rico, tinatalakay din sa communication accommodation


Theory ang mga terminong interference phenomenon, at interlanguage. Ang interference phenomenon
ay tumatalakay sa impluwensya ng nakagisnang wika o mother-tongue sa pangalawang wika. Dito
nabubuo ang Taglish at iba pang uri ng code-switching dahil sa di maiiwasang pagpasok ng mga
katutubong wika ng mga bansang naging kolonya ng mga bansa na ang katutubong wika ay Ingles. At
interlanguage naman ang tinatawag na mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng proseso ng
kanyang pagkatuto sa pangalawang wika. Halimbawa nito ang mga salitang madalas na ginagamit ng
mga Pilipino, na dahil sa sobrang dalas ay nadadagdagan ito ng gamit (nominalisasyon

You might also like