Tula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kalayaan isang hamak na salita

Pero napakaraming nilalaman

Ang salitang kalayaan

Dito lahat nakatala

Ang mga ala ala

Ala ala ng mga taong nagbuwis ng buhay

Upang makamit lamang

Makamit lang ang tunay na kalayaan

Marahil maraming nagtatanong

Lalo na ang mga kabataan ngayon

Na kung bakit si Dr Jose Rizal

Si Dr Jose Rizal ang nagging ating bayaning pambansa

Samantalang hindi naman!!

Hindi naman siya humawak

Humawak ng armas at sandata

Dumarami na ang mga kabataan

Kabataan na hindi nakakapagaral

Kaya marami pa silang dapat matutunan

Matutunan tungkol sa kasaysayan

Hindi man gumamit si Dr Jose Rizal ng dahas

Dahil isa lang ang kanyang layunin


Layunin na gisingin ang natutulog

Natutulog na damdamin ng mga pilipino

Mga Pilipino na natutong lumaban

Lumaban at ipaglaban ang ipinaglalaban

Walang iba kung hindi ang kalayaan

Kalayaan na magdesisyon sa sarili

Kalayaan na gawin ang ninanais

Kalayaan na gawin ang gusto mong gawin

Kalayaang Isaad ang damdamin

Kalayaang isaad ang mga hinanakit

Kalayaang gumalaw na hindi na nagtatago pa

Kalayaan na maging Malaya ka

Ngayon sa panahong ito

Na kung saan na buhay ako

Ngayon ay aking masasabi

Nanakamit nanatin

Nakamit ang tunay na kalayaan

Kalayaan na ating minimithi at inaasam

Mula noon hanggang ngayon

Hindi parin nawawala


Ang mga salita at kataga

Nainiwan ni Luna

Na ang tunay na kalaban

Kalaban ng mga Pilipino ay ang sarili nila

Pilipino laban sa Pilipino

Pilipino pumapatay ng kapwa Pilipino

Dito na magtatapos ang aking tula

Tula na walang pamagat

Dahil hanggat marami

Marami ang nakakalimot sa kasaysayan

Ito ay mananatiling walang pamagat

You might also like