Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 92

Diary Of A Psychopath [✔]

by XenontheReaper

"Paano ko nga ba sila pinatay?"

× Book 1 of Sinister Series


× Soon to be Published
× Salamat sa Book Cover na Madugo Ate Sora!

=================

Preface

SINISTER SERIES #1

DIARY OF A PSYCHOPATH

SINISTER SERIES #2

DIARY OF A PSYCHOPATH:

ASYLUM MADNESS

- - -

DIARY OF A PSYCHOPATH

COPYRIGHT © 2017 by XenontheReaper

Any reproduction, distribution or usage of this work in whole or excerpt in any


means including photocopying, recording, softcopy is forbidden without the
permission from the author and publisher.

All the characters in this book are all products of the writer's imagination and
have no relation to anyone lived or living. All incidents in this book of writings
are fiction and are in no way related to anyone who is known or unknown to the
author.

First Book Release: 2017


Printed by: Fairy Publishing House

Produced by: Keep on Writing Family

Book Cover Maker: Sora Sky V. Lee

Edited and Lay-out by: Uzziel G. Santos

=================

W A R N I N G

WHAT YOU ARE ABOUT TO READ WILL DISTURB YOU OR EVEN SHOCK YOU.

THERE IS A DARK SIDE OF

HUMANITY.

READ AT YOUR OWN RISK.

THIS STORY CONTAINS EXTREME LANGUAGE, VIOLENCE AND SCENES THAT SOME READERS MIND
FIND UPSETTING.

...

=================

Prologue

[ Tyrone's Point of View ]

- - -

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa babaeng kaharap na maputla ang balat. Tanging
isang mesa lang ang namamagitan sa 'ming dalawa at nandito ako ngayon para kausapin
siya tungkol sa malaking krimeng ginawa niya. Malaki talaga, dahil sa nadatnan ng
mga pulis ang karumal-dumal na ginawa niya sa mga bata.

"Ariela." Matagal-tagal pa bago ito sumagot, kung saan-saan gumagala ang mata nito
sa loob ng kwarto at biglang tumatawa.
"Apelyido?" Tanong ko ulit.

"Villa..." Napatigil siya't napatitig sa 'kin, blankong mukha lang ang sagot nito,
animo'y nakatuon sa ibang bagay ang pansin nito o lumilipad ang isipan nito kung
saan-saan.

"Apelyido mo, Ariela," tanong ko uli at tinitigan rin siya. Hindi siya kumurap at
nakipagsukatan lang sa 'kin ng tingin, ilang saglit pa'y tumulo na ang luha nito
pero parang hindi man lang niya ito nararamdaman. Nababaliw na nga 'to.

"Ariela!" Napasigaw na ako at marahas na hinampas ang mesa dahil sa inis na hindi
man lang niya magawang sumagot agad. Nagmamadali ako at ayokong sinasayang ang
aking oras, ayokong maubos lang ang oras ko sa pag-aantay ng sagot niya.

"Vil-Villamilla" Gulat at nauutal siyang sumagot, parang nagbalik ang isipan nito
dahil sa mabilis itong napakurap habang pinapahid ang luhang tumutulo sa kaniyang

mga mata dulot ng hindi pagkurap kanina lang.

"Sumagot ka agad, 'wag mong ubusin ang oras ko." Singhal ko sa kaniya, tango lang
ang sagot nito at napayuko.

Habang nakayuko siya ay kinuha ko sa paper bag ang isang sealable bag na may lamang
notebook. Nagsuot ako ng gloves tsaka binuksan ang bag at kinuha ang notebook nito
at inilapag sa mesa.

"Sa 'yo ba 'yan?" Turo ko sa notebook na halos masira na dahil sa gutay-gutay na


ito at parang luma. Sandaling tinitigan niya ito at napatingin sa kaliwang gawi,
animo'y may isang tao pa ro'n.

"Ano?" Tanong niya.

"Sa 'yo ba 't---"

"Sasabihin ko ba ang totoo?" Naputol ako nang magsalita siya, sa sitwasyong 'to ay
parang hindi ako ang kausap niya't may iba pa kaming kasama. "Ano?"
"Ariela." Tawag ko sa kaniya pero parang napako na talaga ang tingin niya sa
kaliwang gawi at nandoon na ang buong atensyon nito

"Sasabihin ko ba?" Aniya sa kausap nitong hangin.

"Ariela!" Napasigaw ulit ako dahil sa pagkainip, ubos na ubos na talaga ang
pasensya ko sa walang kwentang pakikipag-usap sa babaeng 'to. "Ako ang kausap mo!"
Nangangati ang kamay kong suntukin siya't gulpihin para tumino.

"So-sorry, kin-kinakausap niya kasi ako." Paghingi niya ng tawad sa 'kin at


napatingin sa notebook na nasa mesa. "Ba-bakit na sa 'yo ang Diary ko?"

Tanong niya sa 'kin. Akma na sana niya itong kukunin pero hindi niya ito magawa
dahil sa nakaposas siya't nakatali sa sahig ito.

"Diary mo 'to?" Tango lang sagot niya at sinundan ng tingin ang kamay kong umabot
sa Diary niya. "Tingnan natin kung may makukuha akong impormasyon dito."

At sinimulan ko na itong buklatin.

...

=================

Paunang Salita

Isinulat ko ang Diary na 'to para maipreserba ko ang mga karanasang kailanman hindi
makakalimutan, mga karanasang bumuo sa 'king pagkatao bilang isang mamamatay tao.

Laman ng diary na ito kung paano ko sila pinatay, kung paano ko sila kinain. Lahat
ng ginawa ko'y nandito.

P.S. Pagpasensiyahan na ang ilang bahid nang natuyong dugo sa mga pahina. Tinatamad
na akong pahirin 'yan.

Nagmamahal,

Ariela
=================

About the Author

Name: Ariela C. Villamilla

Age: 17

Birthday: February 11, 1996

Sex: Female

Address: 1124, Jedesvia City

Facebook Account: Ariela C. Villamilla

Motto:

× One Move Can Change Everything.

× Killing is not a sin, you're just helping the society alleviate overpopulation.

Hobbies:

× Playing with corpses.

× Murdering.

× Cooking

...
=================

November 26, 2012

Dear Diary,

Bandang alas d'yes y medya kagabi ay pasekreto kong pinasok ang bahay ng pamilyang
Madrigal sa tulong ng bintana, nagtago ako sa loob ng kwarto ni Mina, isa sa mga
kaklase ko, habang hinihintay silang makabalik mula sa lakad.

Hindi ko alam bakit dito ako dinala ng paa ko't isipan, may kung anong bumubulong
sa 'kin kasi na puntahan ko raw ang bahay nito't pasukin, naguguluhan man ay
nagtungo na lang talaga ako rito para malaman kung ano ang dahil ba't ko 'to
pinuntahan.

Habang wala pa sila ay nilibang ko ang aking sarili sa mga larawan ni Mina at
pamilya nito na nakadikit sa pader, isa-isa kong tinitigan ang mga larawan, may
larawan ni Mina no'ng bata pa siya, may mga larawan rin kasama ang pamilya nito at
kaibigan, at larawan niya kasama ang mga achievements at awards mula elementary
hanggang high school. Lahat ng larawa'y puno ng masasayang alaala, lahat ay
mahahalagang yugto ng buhay niya. Matalino talaga siya at ayaw na ayaw ko 'yon,
ayokong may mas lalamang sa 'kin, ayokong may mas matalino pa sa 'kin o matumbasan
man lang katalinuhan ko. Aaminin ko Diary, naiirita ako sa tuwing nakikita siya o
sinuman na nananalo o nakakakuha ng awards sa kahit na anong paligsahan.

Ito siguro ang gusto ko ng bumubulong sa 'kin, ang makita 'yong mga alaala ni Mina
na kay ganda, ang makita kung gaano katalino't kagaling si Mina. Gusto niyang
ibulong na may

mas mataas pa sa 'kin at kailangan ko itong pigilan.

Dala ng inggit at galit kong nakatingin sa masasayang mukha niya'y binasag ko ang
lahat ng frame ng larawan nitong nakadikit sa pader at ang mga pictures ay pinunit
ko nang pinunit hanggang sa magpira-piraso. Pero hindi pa rin ako kuntentong makita
lang ang larawan niyang punit-punit, gusto ko siyang mawala sa mundong ito.

Nagpantig ang tenga ko nang marinig ang kinakalawang nilang gate na bumukas,
palantandaang dumating na rin sila sa wakas, nang makapasok sa loob ay
umalingawngaw ang boses nila sa buong bahay na nakakairitang pakinggan, mga
hagikhik nilang hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin.

At sa puntong 'yon ay paulit-ulit kong naririnig ang boses ng babaeng bumubulong sa


'kin, sumisigaw na papatayin ko si Mina.

Nang maramdamang papasok na sa kwarto'y agad akong nag-abang sa harap ng pintuan.


Pagkabukas niya'y sinalubong ko ito ng isang hiwa sa leeg, mariin kong pinadaan ang
matalas na bubog mula sa nabasag na picture frame.

Gulat na gulat siya at hindi na ito nakagawa pang magsalita, tanging paghawak na
lang sa leeg nitong may hiwa para mapigilan ang dugong umaagos ang nagagawa niya.
Bago pa ito bumagsak sa sahig ay sinalubong ki ito ng saksak sa leeg at sinalo,
ramdam na ramdam ko pa ang pagbaon ng bubog sa leeg niya at pagtagos nito sa likod.

Dinala ko siya sa higaan nito at hiniga ang nanghihina nitong katawan sa kama,
patuloy pa rin sa pagdaloy ang dugo nito sa leeg na siyang naging mantsa sa
maputing bed sheet. Hindi pa rin siya nawawalan

ng buhay at tanging mabibigat na pag-hinga na lang ang nasasagot niya.

Tuwang-tuwa ang babaeng nasa isipan ko, ang babaeng bumubulong. Tuwang-tuwa raw
siyang makita ang paghihirap ni Mina at gaya niya rin ay tuwang-tuwa rin akong
makita ang babaeng katunggali ko sa akademiko na unti-unting namamatay.

Hindi pa rin ako nakuntento Diary at ibinaon ko pa ang ilang matatalas na bubog
mula sa sahig sa tiyan nito, bawat pagbaon ko ay siyang pagpulandit din ng dugo at
tumatalsik ang ilan nito sa 'king mukha kakaibang sarap ang hatid ng dugo sa 'king
sarili, at do'n na rin siya binawian ng buhay.

Iniwanan ko muna siya at tinungo ang kusina nila't kumuha ng kutsilyo, walang
kamalay-malay ang magulang ni Mina na pinatay ko na pala ang pinakamagaling niyang
anak sa mga oras na 'yon, at sa parehong oras ay sinisiguro kong mawawasak ang
pinagmulan ng talino niya---ang utak.

Pagkabalik ko'y pinagsasaksak ko ang ulo niya hanggang sa bumaon na talaga ng


tuluyan ang kutsilyo sa bungo nito at utak, patuloy pa rin ako sa pagsaksak
hanggang sa magkalasog-lasog ang ulo nito animo'y pinagpyestahan ng aso.
Nakakapagod saksakin siya ng walang tigil pero nasusuklian ito ng saya at
pagkakuntento sa huli.
Pero sa 'di inaasahang pagkakatao'y parang nagayuma ako sa kulay ng laman niyang
nagkalat s higaan, dinagdagan pa ng mumunting bulong ay hindi ko talaga napigilan
ang aking sarili't pumulot ng isang piraso ng karne at ipinasok sa 'king bibig.
Nginuya ko ito ng dahan-dahan para malasap ang totoong lasa nito, medyo malansa at
mapait-pait pero kalaunay nasanay rin ang aking bibig. Kakaibang lasa pero ang
sarap talaga, 'yong tipong mapapasubo ka ulit.

At ngayon, wala na si Mina. Wala nang mas lalamang pa sa 'kin, wala nang tutunggali
laban sa 'kin at lalong wala nang matalino rito sa 'min maliban na lang sa 'kin.

Kaya kung gusto mong umangat sa buhay ay tanggalin mo lahat ng sagabal.

Nagmamahal,

Ariela

=================

November 29, 2012

Dear Diary,

Pinatay ko si Mina no'ng nakaraang araw at gustong-gusto ko itong ulitin, gusto


kong pumaslang ng tao, gusto kong makakita ng dugo at makatikim nito ulit, gusto
kong sumaksak ng tao at lalong gusto kong tikman ang karne ng tao.

Hanggang sa makilala ko si Francis, nagkakilala kami kahapon sa Library. Mag-isa


sana akong nagbabasa sa isang sulok nang tumabi 'to sa 'kin, gusto ko sanang
magbasa na mag-isa para makalimutan ko ang nangyari kay Mina pero kinukulit niya
talaga ako't kinakausap. Nabubwisit na ako dahil sa panay na kaming sinusuway ng
librarian at ibang estudyanteng nagbabasa rin.

Hinayaan ko na lang siya na mangulit sa 'kin at hindi na lang pansinin, sa 'di


maipaliwanag na dahilan ay naaalala ko ang nagkalasog-lasog na ulo ni Mina sa
tuwing napapatingin ako sa kaniya, gano'n na rin ang pagkabuhay ng laman ko sa loob
na nangangating pumatay ulit. Kaya napagdes'yonan kong isusunod siya sa listahan ng
aking mga biktima, gusto kong makita siyang unti-unting namamatay.

Sumabay ako sa kaniya't nakipag-usap ng kung ano-ano, malayo naman ang narating ng
usapan naming dalawa, kahit na wala itong saysay basta't may masabi lang at
mapahaba lang ang usapan. Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay napag-alaman kong si
Francis pala 'yong usap-usapang "dakilang playboy" kaya mas lalo akong natatakam sa

kaniya.

Hanggang sa makuha ko na nga ang loob nito sa huli---halata naman kasing


natitipuhan niya ako kaya 'di maitatangging sobrang laki ng determinas'yon niyang
kausapin at makipagkaibigan sa 'kin at napakadali lang din para sa 'kin ang
paikutin 'yong isipan niya't ipasok sa bitag na ginawa ko.

Naghiwalay kami saglit nang magsipasukan na kami sa klase namin nitong hapon, may
plano na rin kaming magkikita mamayang gabi sa park para gumala't magde-date raw.

Kinagibhan ay nagkita nga kami sa park at sobrang aga pa niyang nakarating sa


tagpuan. Lingid sa kaalaman niya'y may masama na pala akong binabalak, hindi niya
alam na ngayon na ang huling sandali ng kaniyang buhay.

Gumala kami Diary kung saan-saan at kumakain rin sa magagandang restaurants,


mayaman pala si Francis at parang wala lang sa kaniya ang gumastos.

Unti-unting lumalalim ang gabi pero hindi pa rin daw siya nagsasawa't
nakukuntentong samahan ako, gusto pa rin niya akong makasama hanggang sa mag-umaga.
Hindi na ako tumutol pa't inayahan siyang umuwi sa bahay at do'n na magpalipas ng
gabi, wala naman ang mga magulang ko kaya't magagawa ko ang lang ng aking gusto.

Sa loob ng kwarto ko'y nakahiga lang kami sa kama ko, kumakain ng fries at popcorn
habang nanonood ng pelikula. Ayon sa kaniya'y manonood daw kami nito magdamag at
mag-enjoy, kung tutuusin ay para kaming magkasintahan.

Mahirap makisama sa taong gaya ni Francis na hindi mo gusto Diary, kailangan mong
makipagplastikan para lang makuha ang 'yong

kailangan sa kaniya at magagawa ang 'yong gusto. At sa sitwas'yong 'to ay kailangan


kong gawin ang lahat para mapaslang siya't matikman.

Maya't maya'y napapansin ko siyang napapasulyap sa 'kin at ang kamay nito'y dahan-
dahang naglalakba'y patungo sa hita ko, bago pa man mangyari ang 'di ko gusto ay
hinuli ko ang kamay nito at masuyong itinali sa headboard gamit ang panyo niya---
akala niya'y para itong romantic (gan'yan naman kasi ang kadalasang scenes ng
romantic), pero nagkakamali siya.

Matapos matali ang kamay niya'y sinakyan ko ito, tuwang-tuwa siyang nakatingin sa
'kin na pumapaibabaw sa kaniya. Dinakma ko ang bibig nito't binusalan at kasunod
nito'y piniringan ko siya.

At walang pag-dadalawang-isip kong ginilitan ang leeg nito, nagpumiglas siya nang
maramdaman ang mariing pagdaan ng kutsilyo at hapdi sa leeg. Huli na, dahil sa
hindi na siya makatakas pa dala ng higpit sa pagkakatali sa kamay niya at nakadagan
ako sa kaniya.

Dala ng pagkatakam ay sinipsip ko ang dugo mula sa hiwa ng leeg nitong pulang-pula
dala ng dugong umaagos, lahat nasisipsip ko'y iniimbak ko sa bibig at kapag
napupuno'y iluluwa ko sa bowl na may fries. Nang mapuno ang bowl ay tumigil na rin
ako sa pagsipsip. Ilang saglit pa'y tumigil na si Francis sa panginginig na isang
malaking palatandaang wala na siya---patay na siya.

Sa kabilang dako naman ay ang sarap tignan ng fries na lumulutang sa dugo,


naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa lumapot ang dugo at dito ko na ito
kinain. Para siyang sauce ng fries kung tutuosin 'yong lasa niya'y matamis na medyo
maalat, hindi ko alam pero parang ang lasa niya'y nabago dahil sa fries.

Matapos maubos ang isang bowl ng dugo at fries ay tinaga ko ang leeg ni Francis
para mahiwalay ang ulo. Nang mahiwalay ito ay itinabi ko ang ulo at ang katawa'y
ipinasok ko sa sako kasama ang ilang malalaking bato para lumubog sa sapa. Ang ulo
naman niya ay pinagsasaksak ko ng kutsilyo para masira ang maamong mukha, sa bawat
butas ay binaunan ko ng hiniwang cheese at ipinasok ito sa 'ming oven, ilang saglit
pa'y naluto rin ito.

Manghang-mangha akong napatingin sa ganda ng aking nagawa Diary, nakakatakam tignan


si Francis na butas-butas ang mukha at nilalabasan ng natutunaw na cheese. Dala ng
gutom ay agad ko itong kinain bilang hapunan at ang natira'y ibinigay ko kay Donny,
ang aming aso.

Matapos kumain ay nilinis ko ang aking kwarto at baka biglang suaulpot ang magulang
ko galing sa Japan at makita itong dugong nagkalat sa kwarto.

Isa lang naman ang natutunan ko sa araw na 'yon Diary, ito ay kung gusto mong
makuha ang isang bagay, paghirapan mo ito at gawin ang lahat ng makakaya para
magwagi.

Nagmamahal,

Ariela
=================

December 1, 2012

Dear Diary,

Isa si Maria sa mga babaeng nahulog sa malanding mukha ni Francis, nang malaman
niyang nawawala ito ay ako agad ang pinagbintangan nito dahil sa nilandi ko raw si
Francis sa library para itanan no'ng nakaraang araw. Kitang-kita niya raw kaming
magkasama matapos ang klase at kung saan-saan gumala, kaya ayon sa kaniya'y
halatang-halatang isinama ko raw siya't itinago. Nagtanong pa nga siya sa 'kin kung
paano ko raw ginayuma si Francis. Okay lang naman sa 'kin ang pagdudahan pero hindi
dahil sa itinanan ko 'yong lalake kung hindi ay dahil sa ako ang dahilan kung bakit
nawawala ito. Ako kaya ang pumatay sa kaniya't nagtapon sa sapa.

Isa pang hindi ko nagustuhan ay 'yong ipinahiya niya ako sa ibang estudyante,
tsinitsismis na ang landi ko raw at makati, kaya ang resulta'y gulo sa pagitan
namin at ng mga totoong malalandi, na nasa pangunguna ni Maria. Kita mo nga naman
ang kamandag sa dila ni Maria, nagawa pa niyang mag-summon.

sa totoo lang ay nakakasukang pakinggan at tignan sila kung paano nila ipaglaban si
Francis, tatayo talaga lahat ng balahibo mo. Akalain mong gagawin nila ang lahat-
lahat basta't 'wag lang maapi ang dakilang Francis nila.

Buong araw kong binalewala ang mga panlalait nila, mga bulong-bulongan at irap na
halos matanggal na 'yong mata. Ang sarap tuloy tuhugin at kainin ng mga umiikot
nilang mata para matigil na ito sa kakairap. Pero mas pinili kong manahimik na
lang, hayaan muna silang mangibabaw at ako'y lulubog. May tamang panahon naman kasi
ang paghihiganti ko.

Hanggang sa dumating na nga ang tamang tiyempo

o tinatawag nilang tamang panahon. Hapon, bandang alas singko ay napag-alaman kong
nasa C.R. si Maria at tatlong alipores nito. Abalang-abala silang lahat sa
paglalagay ng make-up sa mukha at nakatuon ang lahat ng pansin sa salamin.

Pasimple akong pumasok at ini-lock ang pintuan na parang walang kaalitan sa loob,
pagpasok ko'y matatalim na tingin ang sinalubong nila sa 'kin at matatas na kilay,
pero hindi ko sila pinansin bagkus ay binasa ko ng tubig ang aking panyo sabay
takip nito nang mahigpit sa 'king ilong.

Nagtungo ako sa pintuan at hinarang aking sarili rito, takang-taka naman sila dahil
sa 'di maipaliwanag kong pinaggagawa. Nang makahanda ng maayos ay ibinagsak ko sa
sahig ang isang lata ng sleeping gas na kumalat at kumapal kaagad sa buong C.R.,
buti na lang talaga at nakakita ako nito sa basement namin at nagamit ko ito para
mapadali ang aking plano. Salamat kay Lolo na nagmamay-ari nito.

Hindi na sila nakagalaw pa Diary at napaubo na lang, ilang saglit pa ay wala silang
kalaban-laban na bumagsak sa sahig---tulog. Walang mapaglalagyan ang tuwa ko sa mga
oras na 'yon Diary dahil sa wakas ay makakaganti na rin ako at magagawa ko na rin
ang aking gusto tungo sa kanila. Lulutang na ako't hihilain ko sila palubog!
Kating-kati ang mga kamay kong makadama ulit ng dugo.

Nang malusaw lahat ng usok ay agad akong nagsimula, gamit ang martilyo at pakong
nakatago sa bag ko ay ipinako ko silang apat sa bawat pintuan ng cubicle---hubo't
hubad at nakabaliktad. Ang bawat kamay at paa ay may tatlong pako at sinigurado
kong tumagos talaga ito. Bawat sikmura nila nama'y binutasan ko't hinila lahat ng
lamang-loob at ikinalat sa sahig ng C.R. at dinekoras'yon sa bintana.

Sa tulong ng dugo nila'y naisinulat ko sa salamin ang katagang "I love sexy girls!"
para malihis ang ideya tungkol sa salarin at masabing lalake ang gumawa ng karumal-
dumal na krimen. Parang bata ako kung titignan sa mga oras na 'yon Diary na tuwang-
tuwa habang isinusulat ang pagmumura at nagpipinta ng kung ano-anong mga bagay.

Naligo naman kaagad ako dahil sa rami ng dugong kumapit sa 'king damit at balat,
matapos ito ay agad na nilisan ko ang C.R. bago pa maabutan ng guwardyang
rumuronda.

Ganito ang buhay Diary, hangga't maaga pa ay itama mo ang pagkakamaling sinasabi ng
iba laban sa 'yo bago pa mahuli ang lahat, baka malason nila ang utak ng ibang tao
sabay tanim sa isipan nito ang kasinungalingan hindi mo gusto.

Pinatay ko sila bago pa man nila mapalala ang kasinungalingang itinanan ko si


Francis, kung pwede lang sanang sabihin sa kanila na ako ang pumatay kay Francis at
ibinabad ko ito sa ilog para lang talaga hindi ito mambintang ng kung ano-ano sa
'kin, pero hindi pwede. Sekreto ko kasi 'yon.

Nagmamahal,

Ariela

=================

December 4, 2012

Dear Diary,
Matapos kong patayin ang grupo nina Maria no'ng nakaraang araw ay umalis kaagad ako
Diary, habang naghihintay ng taxi sa labas ng campus ay narinig ko ulit 'yong
bulong ng babaeng gumagambala sa 'king isipan at ayon sa kaniya ay tawagan ko raw
si Jake at papuntahin ito sa C.R. kung saan ko iniwanan ang bangkay ng apat na
babaeng malalandi.

Sa simula'y tutol ako Diary, maaaring malaman kasi ni Jake na ako ang pumatay sa
kanila at maaaring i-report niya ito sa pulis na siyang magiging dahilan para
manganib ang buhay ko, malinis na 'yong ginawa ko bago 'to iniwan pero may tsansang
makilala ako ni Jake kahit sa boses lang.

Pero isa lang ang sabi ng bulong sa 'kin Diary at 'yon ay kailangan ko raw na
magtiwala sa kaniya.

Ginawa ko nga ito at kumapit sa payo ng bulong, hindi naman siguro ito tatraydor sa
'kin at ibabagsak ako. Isa pa ay nakakamanghang nakilala niya si Jake, hindi ko
alam kung bakit pero unti-unti na akong nabibighani sa galing ng boses na
bumubulong sa 'king isipan.

Kahit nahihirapan ay binago ko at ginaragal ang aking boses habang kinakausap si


Jake na nakakapagtatakang iba rin ang boses, para siyang lasing na wala sa tamang
pag-iisip, may patawa-tawa pa 'to at sigaw na nakakabingi. Kung hindi ako
nagkakamali ay nasa impluwensiya si Jake ng droga, at sa puntong 'yon ay
naintindihan ko rin kung bakit inutos sa 'kin ng bulong na si Jake ang tatawagan.

Nakakabanas man siyang kausap ay inutos ko na lang sa kaniya na pumunta sa C.R. ng


mga babae at sinabing may nakahubad do'n, ito ang plano ng bulong, ang ipasa kay
Jake ang buong resposibilidad ng

krimeng ginawa ko.

At nabalitaan ko na lang matagumpay itong ginawa ko Diary, nagkataong may dumaang


mga g'wardiya sa C.R. sa mga oras na 'yon kaya nahuli nila si Jake. Ini-report siya
sa mga pulis at sa ngayo'y nasa presinto na siya dala-dala ang kasong multiple
murder na pinatungan pa ng paglabag sa isang batas na pagbabawal sa paggamit ng
ipinagbabawal na gamot.

Kaya laking pasasalamat ko talaga sa bulong, malaki-laki na rin ang naitulong


nito't hindi ko na alam paano magpasalamat pa.

Kanina Diary, matapos ang huling klase ko sa hapon ay ipinatawag ako ni Sir Manuel
sa opisina nito, ayon sa kaniya'y may pag-uusapan daw kami, dahil sa wala akong
kaide-ideya kung ano ito ay nagtungo na lang ako sa opisina niya para alamin.

At laking gulat ko nang mapag-alamang bagsak ako sa asignatura niyang Physics,


hindi ko alam kung bakit pero paanong bumagsak ako? Palagi akong nasa klase niya,
matalino ako't kumpleto ang lahat ng pinapasa kong requirements, kaya isang
malaking palaisipan talaga para sa 'kin kung paano niya pinatakbo ang grades ko't
bumagsak ito.

'Yon na nga Diary, magalang kong tinanong si Sir kung bakit nga akong bumagsak,
sagot naman niya'y marami akong na-miss na lessons. Mahirap sabihin pero parang
loko-loko na siya't nawala na sa tamang pag-iisip, akalain mong sabihin niyang
marami akong nakaligtaang lessons, sa tingin mo masisiyahan pa ako sa
kasinungalingang yo'n? Nakakagigil siya't ang sarap saksakin sa leeg ng ballpoint
pen nang matauhan

ito't maalala niyang nasa klase ako palagi.

Nanahimik na lang ako't tinanggap ang napakasamang balita niya, tinanong ko ito
kung ano ang maaaring gawin ko para masulus'yonan itong problema ko at mapaayos ang
lagay ng aking grades sa kaniya. Imbes na sagutin ako ay inabutan niya lang ako ng
papel. Tinanggap ko naman ito't sinuri, at laking gulat ko nang malamang puro
worksheets ito na pinalamanan ng sandamakmak na problem solving ng asignatura
namin.

Ngumiti lang ako't buong pusong tinanggap ang mga worksheets niya, hindi na ako
nagtagal pa sa opisina niya at umalis kaagad diretso pauwi ng bahay. Pagdating sa
bahay ay do'n na ako nagwala't inilabas lahat ng galit kay Sir Manuel, dahil sa
hindi pa rin bumabalik sina Mama ay nagawa kong pumasok sa basement at
pagsasaksakin ang mga itinambak na manikin ni Mama ro'n. Pinagsasaksak ko ito
hanggang sa magutay-gutay at mawasak, humihingal man at pagod at hindi pa rin ako
nasisiyahan at nakuntento---gusto kong sumaksak ng totoong tao.

Bago ang lahat Diary ay sinagutan ko muna ang lahat ng worksheets ni Sir, ilang
oras lang naman ang naubos ko rito para sagutan kaya nagawa ko agad itong ipasa kay
Sir. Bago umalis ay hindi na ako nag-abala pang magluto, bagkus ay nagtungo ako sa
sapa kung saan inilublob ko si Francis at hinila paalis ng tubig ang sakong
naglalaman ng katawan niya.

Binuksan ko ito at sinubukang hilain siya, pero laking dismaya ko nang braso lang
ang nahila nito at naiwan sa loob ng sako ang katawan, nang suriin ko ang braso ay
napakalambot nito at nangangamoy

dahil sa ilang araw na itong nakalublob sa sapa, kapansin-pansin rin ang mga uod na
kumakapit dito. Kahit na gano'n ang hitsura nito'y kinain ko pa rin at inubos, at
ang natirang katawan ni Francis naman ay ibinalik ko sa ng sako't inilublob sapa.

Gabi na nang makarating ako bahay ni Sir Manuel dala-dala ang nasagutan kong
worksheets, pinindot ko ang doorbell nito at ilang saglit pa'y bumukas ang pintuan
at pinatuloy ako ni Sir.

Gulat na gulat siya sa mga oras na 'yon dahil sa hindi niya inasahan ang pagdating
ko, pinuri niya rin ako dahil sa napakaresponsable ko raw na estudyante.

Pinatuloy niya ako sa loob ng bahay at isinama papasok sa kwarto nito, nag-alay
siya ng makakain pero tumanggi ako dahil sa kakakain ko lang at busog na busog pa
ako sa inaagnas na braso ni Francis.

Ngumiti lang si Sir at iniwanan muna ako para ma-check 'yong papel ko at ma-record
kaagad. Naiwan akong nakaupo sa higaan niya samatalang siya nama'y nakatalikod sa
'kin at abalang-abala sa pagtsi-check.

Habang mayroon pang pagkakataon ay dahan-dahan akong lumapit sa kaniya dala-dala


ang isang mahabang ice pick. Walang kaide-ideya si Sir na nasa bingit na pala siya
ng kamatayan at hawak ko ang buhay niya, puro puri lang ang naririnig ko mula sa
kaniya na nagsasabing ang talino ko raw at wala pa akong maling sagot sa papel.
Napairap lang ako dahil sa pinagsasabi niya.

Nang makalapit ay hindi ko na pinatagal pa't inuntog ang ulo niya mesa, napaungol
sa sakit si Sir at hindi na nakagalaw pa dala siguro ng pagkahilo. Hindi ko na siya
hinintay pang manlaban at isinaksak sa ulo nito ang ice pick, tumagos ito at bumaon
pa sa mesa. Kung titignan mo ito'y parang ipinako si Sir sa mesa na dilat na dilat
ang mga mata na may ekspres'yong gulat na gulat at sobrang nakakatawa siyang
tignan.

Hindi na ako nagtagal pa sa loob ng bahay niya't nilisan agad matapos malinis ang
krimen, kinuha ko ang worksheets ko at dinala pauwi, ang ice pick nama'y iniwanan
ko na lang pero pinahiran ko ng panyo ang hawakan nito para hindi ma-trace ang
aking fingerprints. Buti na lang at walang CCTV cameras kaya hindi na ako naabala
pang bumura nito.

Nagmamahal,

Ariela

=================

December 6, 2012
Dear Diary,

Maaga akong pumasok kanina sa paaralan, isang himala pero naunahan ko si Delia na
palaging nauunang pumapasok. Nakakatuwa, kasi sa buong buhay ko'y ngayon lang ako
pumasok ng maaga kahit na hindi naman importante ang araw na 'to. No'ng una, hindi
ko alam kung ano ang dahilan ba't nangunguna palagi si Delia pero nang mauna ako
kanina ay nalaman ko rin ito.

May secret admirer pala si Delia at araw-araw siyang binibigyan ng kung ano-ano, sa
araw na ito'y may iniwang chocolate at kape mula sa Starbucks, may sticky note pa
sa cup na magsasabing "Good Morning". Kinilig ako Diary dahil sa simpleng ginagawa
ng admirer ay nai-inspire pumasok si Delia ng maaga at nagagawa nitong pasayahin
ang kaklase ko buong araw.

Pero isa akong dakilang kontrabida Diary, hindi dahil sa bitter ako kung hindi ay
dahil sa ayokong masaktan si Delia at sasagipin ko siya sa nag-aabang na sakit sa
dulo, sasaktan lang siya ng lalakeng admirer nito balang araw. Kaya gumawa ako ng
paraan para matigil ito hangga't maaga pa, dahil sa maaga akong pumasok ay malaya
akong nakakilos sa loob na walang iniisip na taong nakatingin.

Gamit ang upuan ay pumatong ako't inabot ang isang bumbilya sa kisame, dinurog ko
ito gamit ang makapal kong libro hanggang sa mapino ito't parang buhangin na kung
titignan ang bubog. Nang matapos ito ay binuhos ko lahat ng bubog na dinurog sa
kape ni Delia at ang hindi madurog na parte ng bumbilya ay itinapon ko sa
basurahan.

Sa pagkakaalam

ko ay nakakalason ito, hindi ko alam kung bakit pero narinig ko lang ito mula sa
matatanda na ito ang ginagamit nila para manglason.

Sa sitwas'yong ito ay gusto kong subukin kung totoo nga ba itong nakakalason at
kung mamamatay nga si Delia ay masasagip ko ito at isa pa'y maaari kong gamitin
ulit ito para manglason sa kahit na sinong gusto ko.

Matapos malinis ang kalat ko sa loob ay agad kong nilisan ang room dala-dala ang
aking bag at tumambay muna sa canteen habang inaabangan si Delia na dumating.

Halos isang oras naman akong naghintay sa kaniya, nang makita siyang nagmamadaling
naglakad patungo sa classroom ay sumunod kaagad ako sa kaniya, umaasang
masasaksihan siyang uminom ng kapeng puno ng bubog at makita ang susunod na
mangyayari.
Pagpasok namin sa room ay sinalubong si Delia ng sari-saring panunukso dahil sa
chocolate at kapeng nasa mesa niya, tinutukso nila ito dahil sa may tinatago raw
itong secret admirer. Kinulit pa nga nila si Delia kung sino itong admirer niya
pero nanatiling nakangiti lang ito at pilit iniiwasan ang tanong dahil sa hindi rin
naman siguro niya ito kilala kung sino.

alas nga lang talaga at natagalan si Delia sa pagpasok kaya nahuli itong tinatago
niyang admirer ng mga kaklase namin.

Ilang saglit pa'y natahimik na ang lahat at tumigil na lang sa kakatukso, lahat ay
natuon sa kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan kaya medyo nakahinga na ng maluwag si
Delia, pero hindi niya matatakasan ang hinanda ko. Tahimik lang

ako sa tabi habang taimtim na nagmamasid kay Delia.

Kalaunan, nang mawala lahat ng atens'yon mula kay Delia ay kinain niya ang
tsokolate, damang-dama ko ang pagkagutom niya dahil sa laki ng bawat kagat nito,
hindi rin nagtagal ay ininom niya 'yong kape. Titig na titig ako sa kaniya habang
unti-unting nilalagok ang kape, nakakatawa man dahil sa inubos niya talaga ito ay
pinilit kong 'wag sumabog sa tawa at baka mapaghinalaan at masabing may ginawa pa
akong masama.

Biglang natulala si Delia at napahawak sa tiyan niya, ibinaba naman nito ang hawak-
hawak na cup at may iniluwa sa kamay. Gulat na gulat siyang nakatingin sa nailuwang
bagay at kung hindi ako nagkakamali'y isang bubog itong iniluwa niya. ilang saglit
pa'y hindi na niya napigilan pa't sumuka, kasama ng isinuka niya'y dugo at ilang
maliliit na bubog. Nang makita ng mga kaklase ko si Delia na sumusuka ay agad nila
itong dinaluhan at tinulungang ihatid sa clinic.

Kung pagpalain naman sana'y malagutan ng hininga si Delia, gaya nga ng sabi ng
bulong ay para rin ito sa kabutihan naman niya, kaya nawa'y maintindihan niya ako.

Gaya ng inaasahan ay takang-taka ang lahat ba't nangyari 'yon, imbes na matuon ang
atens'yon ng lahat sa klase ay gulong-gulo ang lahat sa nangyari kay Delia. May
nagsasabing nilason siya ng secret admirer nito, mayroong nagsabi na baka kinulam
ito, pero may nagkakaideya talaga na baka may naglagay ng lason sa kape nito lalo
na't hindi naunang dumating si Delia sa classroom. Hindi naman ako kaduda-duda pero
nanatili lang akong tahimik at minsa'y nagbibigay rin ng opinyon tungkol sa
insidente.
Hapon, nagtungo kaming lahat sa clinic at inalam kung anong lagay ni Delia, wala
naman kaming nakuhang sagot mula sa kanila dahil sa hinatid nila ang pasyente namin
sa ospital, hindi na raw nila kayang gamutin ito at nangangailangan ng assistance
ng doktor kaya nagtungo kami sa ospital at binisita si Delia.

Sa kasamaang-palad ay buhay pa ito at stable na ang lagay niya, tuwang-tuwa ang


lahat pero ako'y nanghihinayang na hindi namatay ito. Nagplano pa sana akong
patayin na talaga ito pero masyadong mahigpit ang segurdidad ng ospital, kaya wala
na akong magagawa pa kung hindi ang hayaan na lang itong gumaling at mabuhay.

Sa likod ng palpak kong trabaho'y hindi ko maiwasang makontento, hindi ko man siya
napatay ay nagawa ko naman siyang takutin sa pagtanggap ng regalo mula sa admirer,
kaya siguradong-sigurado akong hindi na ito magpapakatanga sa isang secret admirer.

Isa nga akong tunay na kaibigan.

Nagmamahal,

Ariela

=================

December 9, 2012

Dear Diary,

Habang naglalakad pauwi kagabi ay napadaan ako sa simbahan, natigil naman ako nang
marinig ang isang iyak---iyak ng sanggol, nakakatakot mang pakinggan ay sinubukan
pa rin itong hanapin. Kung saan-saang sulok ng simbahan ako napadpad at laking tuwa
nang makita itong maliit na basket sa harap ng kumbento. Tinignan ko ito at isang
supling nga, nakakaawa lang kung titignan kasi pulang-pula na ang mukha nito sa
kakaiyak at ang boses nito'y namamaos na.

Sa tingin ko lang ay ilang oras nang naiwan ang bata sa labas at wala man lang
sumubok para dungawin itong bata mula sa taong nakatira sa kumbento. Sinubukan kong
katukin ang kumbento't tinawag ang katauhang nasa loob, pero walang sumagot.
Napakamalas at iniwan itong bata sa kumbentong walang tao, sana nama'y siniguro
muna ito ng magulang bago iniwan, kawawa naman kasi ang batang kanina pa iyak nang
iyak.

Muli ay may nagsalita sa 'king isipan, sinasabing dalhin ko raw ang sanggol at iuwi
ito. Hindi ko alam kung anong balak ng bulong pero mukhang mag-aalaga ako ng bata,
sa 'kin talaga mahuhulog itong bata at magiging responsable ko na ito.

Dahil sa wala namang masamang ginawa ang bulong sa 'kin at palaging tama at tulong
ang ginagawa nito ay kinuha ko ang bata at inuwi sa bahay. Sa oras na 'yon ay
nakatatak na sa 'king isipan na magiging ina na ako at sigurado akong magiging
proud sina Mama at Papa sa 'kin dahil sa napakabuti kong tao at sumagip ako ng
bata. Nakikita

ko na ang aking sarili na isang magiting na ina na nagpalaki ng bata.

Mula sa simbahan hanggang sa bahay ay walang humpay ang iyak ng sanggol,


nakakabinging pakinggan subalit nakakaawa talaga at damang-dama ko pangangailangan
niya ng ina, ng aruga. Hindi ko kilala ang magulang nito kaya mas mabuting alagaan
ko muna ang sanggol bago ibigay ito sa totoong magulang na maghahanap, maaari kasi
itong hanapin balang araw. Ngunit malaki ang pagkakataong hindi na nila ito
babalikan, iniwan na nga nila diba? Babalikan pa kaya.

Wala pa ring humpay sa pag-iyak ang sanggol kaya nahinuha kong baka gutom,
naiinitan o kaya'y puno ang Diaper nito kung sakali. Tinignan ko ang Diaper niya at
basa nga ito, hinubad ko ito at itinapon. Dinala ko naman ang bata sa harap ng
refrigirator at bunuksan pintuan nito, umihip ang malakas na hanging malamig at
dumampi ito sa 'ming balat, sa paraang ganito ay matatanggal agad ang init sa
katawan ng bata pero hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak. Malamang, gutom na
gutom ang bata.

Wala naman akong gatas na pwedeng timplahin para ipainom sa kaniya kaya sinubukan
kong ipadede ang sarili kong suso kahit na wala naman akong gatas, umaasang sana'y
mapatahan ito, at laking dismaya ko nang mapahiyaw sa sakit dahil sa kinagat niya
ito. Bumaon talaga ang ngipin nito, muntik ko tuloy mabitawan ang bata.

Dala ng desperas'yong mapatahimik ang bata ay iniwanan ko muna ito sa kwarto at


pinahiga sa kama, wala na akong pakialam pa kung kung gagapang ito't mahulog sa
kama basta't

gagawa muna ako ng paraan para may mainom ito't tumahimik na. Napagtanto kong
napakahirap pa lang maging ina Diary, isang malaking pagsubok ang gawan ng paraan
para mapakain ang anak at palakihing maayos. Kahit mayaman ka ay mahirap ang
ganitong uri ng tungkulin, paano na lang kung mahirap? Hindi ko na alam pa.

Mula sa kwarto'y dinig na dinig ko ang iyak ng bata rito sa kusina, hindi ko na ito
pinansin pa't nagpatuloy na lang sa paghahanap ng makakain sa refrigerator. Sa
ilang minutong pangangalkal sa loob ng ref ay isang boteng sofdrinks at isang lata
ng condensed milk, may kape sana pero ang sama naman kung ipapainom ito.

Dala-dala ang dalawang inumin para sa bata ay bumalik ako sa kwarto, pagpasok ko ay
hindi na ako nagulat nang makitang nakadapa na sa sahig ang bata na umiiyak pa
rin---nahulog nga ito. Pinulot ko ito mula sa sahig at kinarga, sinubukan kong
ipainom sa kaniya ang softdrinks pero naubo lang ito at nangasim ang mukha dala
siguro ng acid ng inumin, itinabi ko na lang ito at sinubukan ang condense milk na
napakalapot pero umayaw rin ito matapos maubo, mistulang hindi ito makahinga dala
ng lapot ng inumin.

Hindi ko na alam pa kung ano ang gagawin, sinubukan kong ihalo ang dalawang inumin
pero pilit pa rin nitong iniiwas ang bibig.

Hindi na ako nakapagtimpi pa't itinapon ko ang boteng may lamang inumin ng bata,
mas lalong sumiklab ang galit ko nang umiyak ito ng husto animo'y tinutusok nito
ang aking tenga at pinapalala ang sakit ng ulo. Hinawakan ko ang ulo ng bata at
buong pwersang hinampas ang katawan nito sa maliit kong mesa sa kwarto, kasabay
nito ay nakarinig ako ng mahinang tunog ng pagkabali ng leeg.

Hindi na nakaiyak pa ang sanggol at natahimik ito, 'yon lang pala ang sulus'yon
para patahanin ito.

Nagmamahal,

Ariela

=================

December 10, 2012

Dear Diary,

Hanggang ngayo'y nalalasahan ko pa rin ang napakasarap na lasa ng sanggol na niluto


ko kagabi, nakakapanghinayang naman kasi kung itatapon ko lang ito, kaya
pinakinabangan ko na lang at ngayo'y natatakam pa ako't gustong tumikim ulit. Gutom
na gutom kasi ako kagabi dulot ng pagkakaproblema sa paghahanap ng makakain ng
sanggol at projects pa na kailangang ipasa sa bawat asignatura.

Hiniwa ko ang tiyan ng bata't binuksan ang sikmura nito, kitang-kita ko Diary ang
mumunting laman ng bata sa loob nito na kinuha ko naman at ipinakain sa aso namin
dahil sa hindi ko naman ito gagamitin.

Ang ulo nito'y tinaga ko't itinabi dahil sa gagamitin ko ito, ang karne naman
niya'y hiniwalay ko mula sa mumunting buto nito at ipinrito sa kumukulong mantika.
Nang maluto ito ay napakabango kung aamuyin at nakakagutom talaga, dinagdagan pa ng
mapupulang kulay at namamasamasang mukha ng ulam ay mas lalong humilab ang tiyan ko
sa gutom.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa't nagsaing agad ng bigas.

Habang nagsasaing ay pinakuluan ko ang ulo ng bata hanggang sa lumambot ito, inabot
lang ito ng ilang minuto sa kakababad sa kumukulong tubig at lumambot agad. Kinuha
ko ang ulo sa kumukulong tubig at tinuklap lahat ng balat at lamang nakadikit sa
bungo nitong maliit. Ang mga mata, dila at utak naman niya'y kinuha ko rin at
tinapon na lang. Nang malinis ang maliit nitong bungo

ay itinago ko ito sa kwarto ko dahil sa gusto kong gumawa ng koleks'yon ng mga


iba't-ibang uri ng bungo ng taong pinatay ko.

Nang maluto naman ang sinaing ko'y agad akong kumain, hindi ko alam pero ang sarap
ng kain ko kagabi, para kasing tocino 'yon ulam ko pero mas malinamnam lang ito't
malasa kumpara sa binibentang tocino sa palengke. Naubos ko kagabi Diary ang kanin
at ulam pero nakukulangan talaga ako dahil sa konti lang 'yong laman ng sanggol.

- - -

Kasama ang lasa ng sanggol ay hindi ko rin makakalimutan ang karanasan ko nitong
hapon sa paaralan.

May mga mahihilig kasing tumambay sa hagdanan at kadalasa'y mga lalake.


Nakakabwisit talaga sila Diary dahil sa tuwing dadaan ako sa hagdanan ay
pagtatawanan nila ako't sisigawan ng kung ano-ano hanggang sa mairita ako't
mabwisit sa kanila, idagdag mo pa ang amoy ng sigarilyo at laway na tumatalsik
siguradong ayaw na ayaw mo na talagang dumaan pa ro'n. Nakasanayan na ng lahat na
ganito ang ginagawa nila sa dumadaan kaya ang iba'y mas pinili 'yong hagdanan sa
kabila kahit na napakalayo nito basta't tahimik lang at walang manggugulo, pero
dahil sa tinatamad ako palagi ay do'n na lang ako dumadaan kung saan may tumatambay
na lalake.

At hindi ko na talaga matiis pa't isinumpang gagantihan ko sila. Ayokong manatiling


ganito sila kaya nararapat lang na makatanggap sila ng parusa para matuto ito.

Hindi

ako pumasok sa huling klase bagkus ay do'n ako tumambay sa hagdanan nila at
naglagay ng bitag. Tinalian ko ng manipis nylon bilang pangharang sa daan na sa
tuwing hihilain ko 'yong dulo ay aangat ito at kung may magkakataong dadaan ay
siguradong mahahagip ng binti nila ang nylon at mahuhulog talaga't gugulong sa
bakal na hagdan, at kung papalarin naman sana'y mabibiyak ang ulo pagdating sa
dulo.

Sa totoo lang ay gusto kong lagariin ang hagdanan para kapag dadaan sila'y
mahuhulog ito't babagsak talaga, pero napakaingay kapag lalagariin ko ito kasi
purong gawa sa metal.

Tumambay muna ako malapit sa hagdanan habang hinihintay sila at hawak-hawak ang
dulo nylon na sa totoo lang hindi mo talaga mapapansin dahil sa sobrang liit, sa
kabilang kamay naman ay ang camera kong nakahanda para kunan ang darating na
nakakatawang pangyayari.

Hanggang sa tumunog na nga ang bell na sumisimbulong tapos na ang klase. Mula sa
dulo'y lumitaw ang grupo ng kalalakihang tumatakbo patungo sa gawi ko, nakakaawa
ang mga nadadaanan nilang estudyante na harang sa daan ay tinutulak nila kahit na
masubsob ito. Laking tuwa ko naman nang makitang nauna sa takbuhan nila ang lider
nito. Pinalampas ko lang muna sa huling pagkakataon ang sinigawan at kutyain ulit
ako nang makadaan ito sa 'king kinatatayuan.

Nang marating nila ang hagdanan ay nagsiksikan sila't pilit pinagkakasiya ang
katawan sa masikip na hagdanan kahit na magtulakan pa ito. Hindi ko na pinalagpas
pa ang pagkakataon at buong lakas na hinila ang nylon, bigla itong umangat at sa
sobrang bilis ng pangyayari'y nakita ko na lang na sabay-sabay silang gumulong
pababa ng hagdan. Wala akong ibang naririnig habang kinukunan ito ng video kung
hindi ang mga daing nila sa sakit dala ng pagkakauntog at pagkakabagsak.

Ilang saglit pa'y sabay silang bumangga sa railings ng ikatatlong palapag, dahil sa
kinakalawang na ito at inaayos pa lang ay nasira nila ito't dumiretso sila. Sa
kabutihang-palad ay sabay silang lima na nahulog mula sa ikatatlong palapag patungo
sa sementadong ground.

Gaya ng inaasahan ay nabasag ang bungo nila na nagresulta sa agarang kamatayan, may
isang nakaligtas pero ayon sa guro namin ay na-comatose ito.

Nagmamahal,

Ariela

=================

December 13, 2012


Dear Diary,

Maaga akong nagising kanina dahil sa narinig kong kaluskos mula sa baba, hindi pa
naman umuuwi sina Mama at Papa kaya takang-taka ako kung sino ito. Para masagot ang
tanong sa isipan ay bumaba ako't nagtungo sa kusina at laking gulat ko naman nang
makita si Aleng Bebang (ang mataba at tsismosang kapitbahay namin) na may kung
anong hinahanap dahil sa bawat pintong nadadaraanan ay binubuksan ito at sinisilip.

Pinilit kong kumalma Diary at pinigilan ang sarili na patayin siya, tinanong ko
muna ito kung bakit siya nasa loob at kung paano siya nakapasok. Imbes na makakuha
ng sagot mula sa kaniya ay isang matalim na tingin ma ipinukol siya sa 'kin at
kasama nito ang tanong kung nasaan 'yong batang kinuha ko sa kumbento, nakita niya
kasi raw akong may dala-dalang bata pauwi at nawawala rin daw 'yong bata sa
kumbento. Nagtataka man kung paano niya nalaman ay napagtanto kong maaaring ang ina
ng bata ay ang anak nitong ilang buwan ko nang hindi nakikita matapos tumigil sa
pag-aaral, si Marissa. Usap-usapan kasing nabuntis ito, kaya malamang ikinakahiya
ito ni Aleng Bebang na siyang nagtulak para iwanan ang bata sa harap ng kumbento.

Mistulang kumulo ang dugo ko't uminit ang aking ulo nang hindi man lang niya ako
sagutin Diary, ang simple ng tanong ko pero hindi niya nagawang sagutin ito.
Sinagot ko na lang siya at hindi na nakipagtalo, dahan-dahan kong ipinaliwanag kung
paano ko pinaslang at niluto 'yong sanggol para panghapunan at kung gaano ako
nasarapan nito, kitang-kita ko kung paano magbago ang reaks'yon

niya mula sa galit na naging takot na siyang ikinatuwa ko talaga.

Akma na sana itong tatakas pero dahil sa mabilis ako kumpara sa kaniya'y naabutan
ko ito bago pa makalabas ng pintuan, hinila ko ang buhok niya Diary at pwersahang
ikinaladkad siya sa sahig. Puro sigaw lang ang nagagawa nito dahil sa parang
mapupunit at mahihiwalay na ang anit niya sa ulo na sobrang hapdi at lakas ng
paghila ko.

Nanlaban naman ito at sinubukang paghahampasin ang kamay ko para mabitawan siya
pero sa kasamaang-palad ay sinasalubong ko ng kutsilyo ang kamay niyang nag-aambang
hahampas sa 'kin, kaya sugatan din ang kamay nito.

Kinabahan ako Diary nang biglang sumigaw ito ng saklolo, bago pa may makarinig sa
kaniya'y sinaksak ko na lang ang bibig nito, sumirit ang dugo nito kaya hindi na
niya nagawa pang makasigaw ng maayos dahil sa bawat pagsigaw niya'y puro dugo ang
lumalabas sa bibig nito na nagpapahirap sa kaniya.

Galit na galit talaga ako sa kaniya Diary dahil sa nagawa niyang pasukin ang bahay
namin na lingid sa kaalaman ko, hindi ko naman kasi nila-lock ang pinto kaya
nakapasok 'tong babae, hindi ibig sabihin na kapag hindi naka-lock ang pintuan ay
pwede ka nang pumasok. Isa pa'y sana man lang ay kumatok ito at tinawag ako, hindi
'yong padalos-dalos na pumasok sa bahay namin at maghanap ng sanggol. Trespassing
kasi 'yon.

Mahigpit ko siyang itinali at binusalan sa upuan Diary, puro iyak lang ang nagagawa
niya sabay pagmamakaawa sa 'kin na patakasin siya, kung papakawalan ko naman kasi
siya ay

siguradong magsusumbong ito sa mga pulis na sinaksak ko siya at kinain ko 'yong


sanggol na iniwan sa kumbento, at imbes na siya 'yong kriminal dahil sa pinasok
niya bahay namin, mababaliktad ito at ako na ang maaakusahang kriminal. Kaya mas
mabuting dito na lang siya.

Nag-isip nalang ako ng parusang pwedeng ipataw sa kaniya sa salang pagpasok ng


bahay namin at gusto ko 'yong mabigat na parusa na mapapasabi talaga siyang ayoko
na. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay narinig ko ang bulong Diary at ayon sa kaniya ay
papaslangin ko raw si Aleng Bebang at gawing kapakipakinabang.

Isang ideya lang naman ang pumasok sa 'king isipan at sigurado akong marami ang
matutulungan at makikinabang nito.

Nagtungo ako sandali sa mini-library ni Mama at hinanap 'yong "cook book" niya,
nang matagpuan ito ay hinanap ko ang proseso kung paano magluto ng dinuguan at
bumalik sa kusina para masubukan ito kay Aleng Bebang. Gusto kong magluto ng
dinuguan at kumain nito.

Pinahiga ko ang matanda sa mesa at ginilitan ang leeg nito, umaagos ang sariwa
niyang dugo kaya agad ko itong ibinuhos sa balde, kasabay ng pagkaubos ng dugo ay
siya ring pagkaubos ng hininga niya. Itinabi ko muna ang dugo at binuksan ang tiyan
nito, wala akong iniwang laman at kinuha ang lahat, ang katawan naman niyang walang
pakinabang sa 'kin maliban sa ulo ay isinilid ko sa sako at inilagak sa sapa,
kasama sa loob ng sako ay malalaking bato para manatiling nakalubog lang ito gaya
ni Francis.

Pinakuluan ko rin ang ulo niya gaya no'ng sa sanggol para isali sa koleks'yon ko
ang bungo nito, habang ginagawa ito ay nilinis ko ang bituka niyang punong-puno ng
pagkaing hindi pa tuluyang natutunaw, matapos malinis lahat ng laman ay pinaghihiwa
ko ito papira-piraso. Hindi ko na pinatagal pa at nagsimula nang magluto ng
dinuguan sa tulong ng "cook book" ni Mama.

Nakakalungkot lang talaga Diary kasi palpak 'yong nagawa ko, hindi gaanong luto
siguro kasi ang amoy nito'y medyo malansa, pero ang mukha naman nito'y mapula-pula
at tamang-tama lang kagaya ng nakikita ko sa karenderya na binibenta. Sinubukan ko
itong tikman, buti na lang at hindi gaanong masama ang lasa pero sa dulo ng
pagtikim mo'y maabutan mo 'yong lansa ng dugo at laman ni Aleng Bebang. Konti lang
din ang sabaw kaya medyo malapot ito. At sa kabuoan, ay totoong napakasarap nga
nitong dinuguan ko.

Isang bowl lang ang kinain ko Diary at ang natira'y ibinigay ko sa pamilyang
nakatira sa lansangan na namamalimos para lang mabuhay, 'yong pamilyang naghihirap
para lang may makain kahit na isang beses lang sa isang araw.

Tuwang-tuwa sila Diary at mapasalamatin dahil sa malaki na raw 'yong naitulong ko,
hindi raw nila lubos maisip na may mabuting tao pa na gaya ko----'yong
nagmamalasakit sa kapwa. Kakaibang saya naman ang nadarama ko Diary, tuwang-tuwa
akong nakatingin sa kanilang sarap na sarap sa pagkaing inalay ko. Ang malalaki
nilang subo ay isang palatandaang gutom na gutom talaga ito, kaya napasumpa ako sa
oras na 'yon sa kanila na babalik ako para bigyan ulit sila.

Nagmamahal,

Ariela

=================

December 14, 2012

Dear Diary,

Hanggang ngayon ay inaantok pa rin ako sa kadahilanang hindi ako nakatulog kagabi,
hindi rin maitatangging ang hapdi ng aking braso Diary. May nanloob kasi ulit sa
bahay namin at muntik nang manakaw ang alahas ng mga magulang ko at muntik na rin
akong magahasa.

Akala ko kung ano 'yong nag-iingay mula sa kabilang kwarto (kwarto nina Mama at
Papa), isang magnanakaw palang uhaw na uhaw sa pera. Sinilip ko ito dahil sa iniwan
niyang nakabukas 'yong pinto at nakita ko itong lalakeng baliw na baliw sa alahas
namin sa drawer, mistulang naglaway ito at may patawa-tawa pa habang sinusubukang
suotin 'yong singsing ni Mama at relos naman ni Papa.

Hindi ako nag-ingay Diary at dahan-dahan akong naglakad papasok, papalapit sa


kinatatayuan niya. Wala siyang kaalam-alam na nasa likod niya ako at naghihintay
lang ng tiyempo para sugurin siya. Ito 'yong dahilan ba't ayaw kong paalisin sina
Mama dahil sa mainit ang bahay namin sa mga kawatan kahit na pwede ko namang
patayin ito at protektahan ang mga alahas at pera.

Tahimik lang naman akong nakasunod sa kaniya na nagtungo sa malaking salamin para
tignan ang sariling nakasuot ng mamahaling kwintas, pero imbes na matuwa dahil sa
bagay na bagay sa kaniya ang kwintas ay nagulat ito nang makita akong seryosong
nakasilip lang sa likod niya. Bago pa makakilos ay inuntog ko ang ulo nito sa
salamin na naging dahilan para mabasag ito, napaungol

lang siya't sinubukang manlaban pero huli na nang untugin ko ulit siya at bumaon
ang ilang bubog sa mukha niya.

Akala ko mapapatay ko na siya, pero napasigaw na lang ako nang tadyakan niya ako sa
sikmura. Tumilapon ako't bumagsak sa sahig na namimilipit sa sakit, damang-dama ko
pa ang sakit nito hanggang ngayon na parang pinupunit ang laman ko sa loob. Totoong
natakot ako sa sitwas'yong 'yon Diary, parang nabaliktad 'yong gulong at ako na
'yong nasa baba dahil sa hindi ko na magawa pang gumalaw dala ng panghihina't sakit
sa katawan, marahas niyang hinawakan ang magkabila kong kamay at hinila't itinapon
sa kama nina Mama. Buong pwersa niya akong dinaganan at sinimulang taniman ng
nakakadiring halik sa mukha. Kung saan-saan naglakbay ang labi nito at dilang
malikot, hindi maitatangging nakakakiliti pero mas nadarama ko ang pandidiri sa
ginawa niya.

Pero nang mapadaan ang leeg nito sa 'king labi ay hindi ko na pinalagpas pa at
buong pwersa ko itong kinagat at binaon talaga ang aking ngipin sa abot ng aking
makakaya, napahiyaw siya nang malasahan ko ang dugo nitong umaagos mula sa leeg
niya.

Mas lalong sumigaw ang lalake at nabitawan na niya ako nang hilain ko ang nakagat
kong karne mula sa kaniya, nakakabaliw isipin pero nasisiyahan ako nang mahiwalay
ang karne nito mula sa kaniyang leeg.

Takot na takot siyang napagapang papalayo habang sapo-sapo ang leeg na walang
humpay sa pagdurugo. Kitang-kita niya rin kung paano ko nguyain at lunukin ang
nakagat kong karne,

sumiklab ang galit niya Diary at sinugod ako bigla pero huli na nang maglabas ako
ng kutsilyo't sinalubong sa sikmura niya, hindi ko binunot ang kutsilyo bagkus ay
mas diniin pa ito at inikot-ikot sa loob. Napayakap lang ang magnanakaw sa 'kin at
mahigpit na napakapit sa 'king balikat, ilang saglit pa'y unti-unti na siyang
nanginginig hanggang sa bawian ng buhay.

Galit na galit ako sa kaniya Diary dahil sa tinangka niya akong gahasain at
tinangka niya ring nakawin ang alahas namin. Buti na lang at nakagawa pa talaga ako
ng paraan para matalo siya't mapatay ko agad. Hindi niya talaga alam kung ano ang
ginagawa ko sa mga taong nanloloob sa bahay namin. Ginawa kong dinuguan si Aleng
Bebang nong nakaraang araw, ano naman kaya ang bagay sa kawatang gaya niya?

Itinali ko ang binti niya't ibinitin ito sa kisame ng basement kahit na napakabigat
nito, hinubad ko ang lahat ng suot nitong damit sa kadahilanang gagawin siyang
laruan. Pinagsusuntok at pinagsisipa ko ang hubad niyang katawan Diary, sa paraang
ganito ay mapapahirapan ko ang katawan niya kahit na wala na itong buhay pa at para
rin mahasa ang aking lakas at matutong makipaglaban sa kahit na sinumang susubok na
gahasain ako at tangkain ang aking buhay.

Nang mapagod ay nag-ensayo rin akong gumamit ng kutsilyo, mas pinagaling ko ang
sarili sa paghihiwa at mas diniinan pa ito. Bawat paghiwa'y ang gandang tignan
dahil sa umaagos agad ang dugo, ilang saglit pa'y pum'westo ako sa malayo at
tinuring na dart board ang katawan ng kawatan at isang dart naman ang aking
kutsilyo. Sa bawat paghagis ko'y dapat babaon talaga ang kutsilyo at kapag sasablay
ito ay hihiwain ko ang aking sariling braso.

Buong magdamag ko itong ginawa hanggang umaga, buti na lang talaga at pwedeng hindi
mag-suot ng uniform kanina dahil sa makikita nila talaga ang tadtad na hiwa sa
'king braso dulot ng pag-eensayo. Nagsuot na lang ako ng long sleeves. Tungkol
naman sa bangkay ay isinilid ko rin ito sa sako kasama ang malalaking bato at
inilagak sa sapa kaninang madaling araw, sa ngayo'y tatlo na silang mapayapang
namamahinga.

Puno man ng hiwa ang aking braso may mabuting naidulot naman ito sa 'kin, 'yon ay
gumaling na ako sa paghawak ng kutsilyo at paghagis nito.

Nagmamahal,

Ariela

=================

December 16, 2012

Dear Diary,

Nagulantang ako sa isang napakasamang balitang natanggap kanina Diary, naproblema


ako dahil sa hindi ko inaasahang papauwi na sina Mama at Papa mula sa lakad nito.
Ayon pa sa kanila'y ilang oras na lang at mararating na nila ang airport kaya
napaisip ako tungkol sa bahay naming magulo. Galit man dahil sa umuwi na sila ay
naglinis na lang ako ng bahay bago pa nila maabutan ang lahat ng kalat nito.

Ang dalawang bungo na nasa bedside table ko na ginawa kong pandekoras'yon ay


itinago ko muna sa 'king closet. Ang mga bahid ng dugo naman sa 'king bed sheet ay
sinubukan kong lab'han at paliguan ng chlorine, pero sa kasamaang-palad ay hindi na
ito matatangal pa na parang nakatatak na talaga ito sa higaan ko. Matagal-tagal
naman kasi itong mantsa ng dugo sa 'king higaan kaya malamang dumikit na talaga
ito.

Bumili na lang ako ng bagong bed sheet at pinalitan 'yong sa 'kin. Ang may bahid
naman ng dugo'y itinambak ko muna sa bakuran dahil sa hindi ko na naman ito
mapapakinabangan pa.

Bumili rin ako ng bagong salamin para sa kwarto ng mga magulang ko, sinigurado kong
kagaya ito sa dati nilang salamin para hindi na sila magtaka pa kung bakit nabago
'yong salamin. Napakahirap naman kasing magsinungaling kung bakit ito nabasag, okay
lang sana kung lumindol at natumba ito, pero ako kasi 'yong dahilan. Inuntog ko
kasi 'yong magnanakaw do'n.

Ang mga mannequin naman ni Mama na pinagsasaksak ko ay itinambak ko rin sa bakuran


kasama ang bed sheet, kung magtatanong man si Mama ba't nawala 'yong tinatago
niyang mga manikin ay sasabihin ko na

lang na ginamit namin ito sa isang drama at nasira ito.

Ang mga nabasag na mga plato, baso at ilang nasira ko pang kagamitan sa bahay ay
tinapon ko na rin at pinalitan, buti na lang talaga at may pera pa ako dahil kung
hindi ay lagot talaga ako sa kanila kapag maaabutan itong sirang gamit o may
mapapansing nawawala. Hinugasan ko na rin 'yong mga plato, baso at ilang kutsarang
hindi nahuhugasan, 'yong mga kutsilyo namang may naninigas na dugo sa gilid ay
nilinis ko rin.

At natagalan naman ako sa paglilinis ng ilang bahid na dugong natuyo sa sahig at


ding-ding, kinakailangan pa kasing idiin ang pagpahid ng basang basahan para lang
matanggal ito, hindi rin naman ako p'wedeng gumamit ng steel wool at baka
matutuklap lang 'yong pintura.

Para naman matanggal lahat ng lansa at masamang amoy sa loob ay nag-spray ako ng
Disinfectant at Air Freshener.

Ang mga walang silbi na gamit gaya ng bed sheet ko, mannequin ni Mama ay sinunog ko
sa bakuran, pinagkasya ko ang lahat sa drum bago paliguan ng gasolina at silaban
ito. Ayokong makita ito ng mga magulang ko kasi napakahirap talagang magpaliwanag
sa kanila, ang mga kasinungalingan mo'y mababaliktad talaga at mapapasabi ka na
lang ng totoo kahit labag pa sa kalooban mo. At ayokong sabihin sa kanila na may
pinatay ako.

Inabot naman ako ng limang oras sa paglilinis (4:30 PM-9:30 PM) bago naibalik na sa
normal ang lahat---malinis at mabango.
Saktong-sakto naman at nakalapag na sila mula sa mahabang biyahe.

Hindi na ako nag-abala pang salubungin sila sa airport, bagkus ay nag-bake ako ng
cookies at nagtimpla ng juice bilang pang-welcome.

Gaya ng inaasahan ay sinalubong naman ako nina Mama ng halik at yakap. Naiinis man
dahil sa naaalala ko 'yong ginawa ng magnanakaw ay pinilit ko na lang pakalmahin
ang sarili at iwaksi ang masamang karanasan bago pa matulak ko sila't mauntog ang
ulo sa sahig.

Hinatid ko sila sa kusina at pinakain muna ng hinanda cookies, s'yempre malinis ito
at walang halong karneng tao. Iniwanan ko muna sila saglit at nagpaalam na
matutulog dahil sa pagod na pagod ako sa kakalinis, pero imbes na sa kwarto
magtungo, lumiko ako't dumiretso sa pintuan para lumabas muna't magliwaliw.

Naglakad-lakad lang ako sa kalsada't dinama muna ang lamig ng gabi, sa kalagitnaan
ng paglalakad ko'y nakuha ang aking pansin ng isang mumunting ilaw sa loob ng
abandonadong bahay sa dulo.

May narinig pa naman akong sabi-sabi na puno raw ng kababalaghan ang bahay na 'yon.
Dahil sa hindi pa ako inaantok ay sinubukan kong pasukin ang bahay para alamin kung
totoo ngang may namamahay na multo rito.

Tahimik lang naman akong pumasok, tanging langitngit ng mga lumang kahoy na
ginagalaw ang umaalingawngaw sa loob. Umakyat ako sa ikalawang palapag dahil sa
nandoon nagmumula 'yong ilaw, pagpasok ko'y nagtaka ako nang makita ang isang
matandang lalakeng nakahiga sa sahig at sa tabi'y nakatayo ang munting kandila at
isang lata na may lamang barya. Napagtanto ko naman na baka ito 'yong sinasabi
nilang multo na sa totoo'y hindi naman. Tanging isang pulubing matanda ang nakatira
rito't mag-isang lumalaban sa buhay.

Dahil sa naaawa ako ay dahan-dahan kong inabot 'yong tubo malapit sa kinatatayuan
ko at walang pagdadalawang-isip na hinampas ang matanda sa ulo, unang hampas ay
nabiyak agad ang ulo nito't umagos ang dugo. Nakakatawa lang talaga dahil sa
paghampas ko'y tumalbog ang ulo nito, pero hindi pa rin ito nalagutan ng hininga.
Kaya paulit-ulit ko siyang pinaghahampas ng tubo hanggang sa madurog ang ulo nito
at malagutan ng hininga.

Tuwang-tuwa ako't nagpatuloy lang sa paghampas padaan sa leeg nito, hanggang sa


dibdib, at patungo sa mga binti. Hindi ako tumigil hangga't hindi nadudurog ang
lahat at lalabas ang laman.

Wala namang masama sa ginawa ko Diary, sa totoo lang talaga'y tama ang patayin siya
para hindi na ito maghirap pa.
Nagmamahal,

Ariela

=================

December 18, 2012

Dear Diary,

Maagang natapos kanina ang quartery exam namin Diary kaya maaga rin kaming nakauwi
para makapagpahinga sandali at makapaghanda para sa gaganaping Christmas Party sa
hapon.

Sa sobrang hirap ng exam ay maaga akong umuwi para matulog muna saglit para naman
mapahinga ko ang aking isipan mula sa nakakabaliw na exam. Siguro'y ako lang ang
natutulog ngayon at ang iba nama'y abalang-abala na sa paghahanda ng kanilang
magagarang damit para isuot sa darating na selebras'yon. Hindi naman gaanong
importante ang Christmas Party pero ewan ko lang talaga kung bakit parang mababaliw
sila kakahanda animo'y ikakasal na ito.

Hindi ko rin naman sila masisisi Diary, minsan lang naman kasi itong magkaroon kami
ng bonding mga magkaklase, minsan lang kaming nagkakasama na walang iniisip na
problema mula sa pag-aaral. Pero may naiiba talaga at ginagamit lang nila itong
party para maipagmayabang ang magagara nilang bagong bili na damit. Ang sarap tuloy
gilitan ng leeg.

Nang magising ay hindi na ako nag-abala pang magtanghalian at maligo, nagbihis agad
ako dahil sa ilang minuto na lang ay mag-sisimula na ang selebras'yon at ayokong
mahuli dahil sa kukuha lang ito ng atens'yon. Simpleng t-shirt lang at ripped jeans
ang sinuot ko dahil sa mas kumportable ako nito at babagay naman sa 'kin.

Bago makaalis ay binilinan ako ni Mama na bumili ng dalawang Muriatic acid o


Hydrochloric acid dahil sa maglilinis siya ng C.R. at lason para sa mga daga.
Naiinis man dahil

sa maaantala ang lakad ko'y tinanggap na lang at sinabihang mamayang hapon ko pa


ito maibibigay sa kaniya pagkatapos ng party. Buti na lang at pumayag ito. Bago
magtungo sa eskwelahan ay dumaan muna ako ng Muriatic acid at lason para sa daga't
itinago ito sa 'king sling bag kasama ang aking regalo na mamahaling relo na
pinabili ko kila Mama no'ng umalis ito.

Pagpasok ko sa classroom ay saktong hindi pa sila nagsisimula dahil sa hinihintay


pa ang aming adviser. Nakakatawa lang talaga dahil sa sinalubong nila ako ng
tinging nangungutya dahil sa suot ko. Wala namang mali sa suot ko't hindi ako
nakahubad kaya isang malaking palaisipan para sa 'kin kung bakit nila ako
sinusundan ng tingin at bigla-biglang nagbubulong-bulungan.

Kung tutuosin ay dapat sila ang pagtatawan ko dahil sa amoy na amoy ko pa ang bango
ng damit na kakabili lang mula sa mall at kitang-kita ko rin ang sari-saring linya
ng gusot na halatang hindi pa nalabhan at naplantsa man lang, idagdag mo pa ang mga
mukha nilang parang nasobrahan sa make-up. Sila ang mas katawa-tawa, pero dahil sa
maganda ang mood ko ay hindi ko na sila pinansin pa't naghanap na lang ng mauupuan.

Ilang saglit pa'y dumating na ang adviser namin at sinimulan ang party.

Maayos naman ang takbo ng selebras'yon, sa simula'y nag-exchange gifts kaagad kami.
Tuwang-tuwa naman si Jacob dahil sa natanggap nitong relo mula sa 'kin, gaya ni
Jacob ay tuwang-tuwa rin ako dahil sa nakatanggap ako ng kutsilyo. Tinanong ko siya
kung bakit gano'n ang ibinigay

niya sa 'kin pero ang sagot niya'y gusto niya lang daw na maiba. Napaisip tuloy ako
kung may alam ba ang babaeng 'yon sa 'king sikreto.

Hindi ko na lang ito pinansin at nanood na lang sa mga kaklase kong nagsasaya sa
parlor games na hinanda nila. At dahil sa wala nga akong ginawa ay napag-utusan
naman ako ni Betty na lagyan ng yelo 'yong buko juice sa water jug na nasa malapit
ko lang, hindi na ako rumeklamo't sumunod na lang.

Habang binubuhos ko ang maliliit na bloke ng yelo sa makipot na bibig ng jug ay may
naisip akong magandang ideya. Sinamantala ko kaagad ang pagkakataong abala pa
silang lahat at pasikreto kong hinugot ang Muriatic acid mula sa bag at binuhos ito
sa loob ng jug, inubos ko talaga ang lahat para mas masarap ang lasa. Idinagdag ko
rin ang lason para sa daga para fatal talaga ang epekto at wala nang makakaligtas
pa.

Habang hindi pa sila tapos sa paglalaro'y nilapitan ko agad si Ma'am Ria (adviser)
at umakting aligaga, sabay iyak at paalam sa kaniya na kailangan kong umuwi dahil
sa emergency. Tumagos naman sa puso ni Ma'am ang ginawa kong drama kaya pumayag
itong umuwi ako ng maaga.

Sumabog ang matagal ko nang pinipigilang tawa paglabas ko ng gate, iniisip ko pa


lang 'yong ginawa ko'y nakakatawa na talaga Diary. Gusto ko mang makita ang mga
reaks'yon at mukha nila matapos uminom ay hindi pwede dahil sa baka mapagdudahan
ako. Sigurado naman akong lahat sila'y maaapektuhan dahil sa wala na kaming iba
pang inumin do'n at lahat sila'y masusunugan ng bituka.
Kinagibhan ay ibinalita ang aksidenteng nangyari, tawang-tawa naman ako sa mga
mukha ng magulang ng kaklase kong namatay na umiiyak habang ini-interview. Ayon sa
balita'y tatlummpu't walong kaklase ko lang ang namatay at may pitong nakaligtas at
nasa ospital ngayon para magpagaling. Nakuha naman ng mga otoridad ang dahilan sa
pagkasunog ng laman ng kaklase ko at pagkalason---ang Muriatic acid na nasa inumin
at lason ng daga. At ang mga magulang ni Betty ang napagbintangan at inaakusahang
naglagay ng asido at lason sa inumin.

Nagmamahal,

Ariela

=================

December 20, 2012

Dear Diary,

Walang pasok kanina pero maaga naman akong nagising, ito'y dahil siguro sa may
gusto akong gawin sa umaga--- ang bisitahin ang bangkay ng tatlo kong biktima sa
sapa.

Bantay sarado man ako mula sa 'king mga magulang ay nagawa ko pa ring tumakas
kanina at nagtungo sa nasabing sapa. Hindi naman gaanong malayo ito kaya matapos
ang ilang metrong lakaran ay nakarating kaagad ako.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at hinila ang mga sako paalis ng tubig,
kailangan ko kasing magmadali at baka katukin na ni Mama ang kwarto ko, baka
magalit ito kapag nalamang wala ako sa loob. Una kong binuksan 'yong kulay berdeng
sako at pinakamatagal nang nakalagak dito--- ang sako ni Francis. Pagkabukas ko sa
sako nito'y sumalubong sa 'kin ang 'di maipaliwanag na amoy, sa simula'y masangsang
ito at masakit sa ilong pero nang masanay ako ay nagugustuhan ko na ang amoy nito.

Dahil nga pinakamatagal na si Francis dito, ang karne at balat nito'y parang papel
na napunit at nahiwalay sa buto't kung saan-saan na lang kumakapit. Mistulang
hinubaran ang kalansay ni Francis ng sariling laman. Para malinis ito ay kinuha ko
ang mga karne nitong gutay-gutay na't itinapon sa sapa para matangay ng agos
hanggang sa ang matira na lang ay ang kalansay nito. Gusto ko kasing isama siya sa
kwarto ko't gawing dekoras'yon, ang problema nga lang ay wala na itong ulo at
braso. Sinubukan ko namang tikman ang laman nito at ikinumpara ro'n sa brasong
kinain ko nitong nakaraang linggo. Sa totoo

lang ay may lasa pa 'yong braso dahil sa mapait ito pero itong laman niyang
tinikman ko'y parang lumot na lang dahil sa malambot at walang kalasa-lasa.
Sunod ko namang binuksan ang kulay puting sako, ang sako ni Aleng Bebang, kahit
walang ulo ito ay nahalata ko pa rin na siya ito dahil sa tiyan nitong malaki. Gaya
ng nauna'y malambot rin ang karne nito't pinagpipiyestahan ng uod na siyang dahilan
ba't naging manipis 'yong karne nito. Tinikman ko rin ito Diary, ang lasa nito'y
medyo mapait gaya no'ng braso ni Francis. Matapos matikman ay sinubukan kong
punitin 'yong karne nito't pinilit pinaghihiwalay kahit na parang mawawasak ang
balikat ko sa kakahila sa sobrang hirap, hindi ko na lang ito tinuloy at hinayaan
na lang. Ang lakas naman kasi ng kapit ng karne ni Aleng Bebang sa buto nito.

Huli ko namang binuksan ang kulay asul na sako, ang sa magnanakaw. Kumpleto pa rin
ang katawan nito at medyo matigas pa, may ilang maliliit na butas naman akong
napansin sa kaniya at ang mga butas na ito'y pinapalibutan ng maliliit na uod.
Nagsisimula pa lang itong agnasin. Hindi na ako nag-abala pang tumikim dahil sa
medyo makapal pa ang karne nito at ang tigas, baka mapudpod lang sa kakangatngat
ang ngipin ko. Wala pa naman akong kutsilyong dala. Kung nahirapan ako kay Aleng
Bebang, mas lalong nahirapan ako sa pagtuklap ng karne nito at paghila pahiwalay.
Ibinalik ko na lang sa sako ang bangkay nito't pinalubog uli kasama si Aleng Bebang
para lumambot.

At sa 'di inaasahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng malakas na pwersang tumama


mula sa likod, bigla na lang

akong itinulak dahilan para tumilapon ako sa malamig na tubig. Sinubukan kong
umahon para lumanghap ng hangin pero imbes na hangin ay sinalubong ako ng isang
bulto ng lalake. Nang bumagsak ang katawan nito sa tubig ay kumapit ito sa 'kin at
hinila ako palubog kasama niya na siyang naging dahilan para mahirapan ako sa
paghinga at mapagod. Nang idilat ko ang aking mata sa ilalim para malaman itong
lapastangang nagtangka ulit sa buhay ko ay galit na mukha ni Mang Raul, ang asawa
ni Aleng Bebang ang bumulaga sa 'kin.

Bago pa man niya ako mahablot sa ilalim ay agad akong lumangoy papalayo sa kaniya't
kumapit sa isang ugat ng kahoy sabay hila sa sarili paalis ng tubig. Kinakapos man
sa paghinga ay nagawa ko pa ring makagapang papalayo.

Hindi ko talaga inakalang nasundan pala ako nito't nabuking tuloy ang tinatago kong
sikreto rito.

Muli, ay naramdaman kong hinila ang aking buhok pakaladkad pabalik sa tubig, do'n
ko na nalaman na balak niya pala akong lunurin. Habang nagpupumiglas at nanlalaban
para makalaya mula sa kaniya ay may nakapa akong bato, hindi na ako nagpatumpik-
tumpik pa't pinulot ito at agad na hinampas ito sa tuhod niya. Sa sobrang lakas ng
pagkakahampas ko ay narinig ko ang mahinang tunog ng butong nabasag at biglang
pagbulwak ng dugo sa tuhod nito

Nabitawan naman ako nito. Habang dumadaing siya sa sakit ng pagkakahampas ko ay


sinamantala ko agad ang pagkakataong magapi ito. Sinipa ko ang binti nito na naging
dahilan para matumba ito't bumagsak ng walang kalaban-laban. Mistulang nabaliktad
naman ang sitwas'yon at ako na ang humihila sa kaniya patungo sa tubig, nang
marating ito'y dinaganan ko ang likod niya't buong pwersa na inilublob ang mukha
nito sa tubig.

Magpumiglas man siya'y wala na itong magagawa pa. Patuloy lang ako sa paglublob
nito hanggang sa mawalan na ito ng buhay.

May dahilan ang biglang pagsulpot ni Mang Ruel Diary, siguro ito'y isang hudyat na
kailangan na niyang mamaalam at sumunod sa asawa nito dahil sa lumapit ito sa 'kin,
ang Kamatayan. Kaya para matupad ang hiling nitong makasama ang asawa niya ay
pinatay ko ito at isiniksik ang katawan nito sa sako ni Aleng Bebang para magsama
na ito habambuhay.

Nagmamahal,

Ariela

=================

December 25, 2012 [1]

Dear Diary,

Hindi maitatangging ang saya-saya namin buong araw kahapon. Lahat ng kamag-anak
namin ay dumalaw sa 'min para rito na magdiwang ng pasko at maghintay para sa
bagong taon.

Alas sais pa lang ng umaga ay nagtungo na kami sa pinakamalapit ng beach resort at


buong araw na bumabad do'n at nagsaya, walang pakialam ang lahat na umitim dahil sa
init. Sandamakmak naman pagkain ang hinanda namin Diary na saktong-sakto lang para
sa lahat at makakaya pa ang namin kainan sa buong araw. Lahat ng pagkain ay
masarap, nakakatakam at nakakabusog na kahit titignan mo lang. Ngunit mas masarap
ito kapag tao ang nakahain, pero 'wag na at baka mabulyawan pa ako ni Mama.

Medyo marami-rami kami Diary, apat na pamilya ang nagsama-sama na may tig-lilima o
tig-aapat na m'yembro at hindi pa kasama ro'n sina Lolo at Lola. Lahat kami'y
magkasama pero mayroong nabubuong pagbubukod-bukod ang lahat; ang lahat ng ina o
babae ay nasa mesa at nag-uusap, ang mga kalalakihan naman o ang mga ama ay nasa
isang tabi nakaupo lang pabilog sa maliit na mesang may beer at pulutan at nag-
iinuman. Panghuli, kami namang mga kabataan o mga anak nila'y nasa tubig at
nagsasaya't nagtatampisaw sa tubig maliban sa 'kin na nasa malalim na parte,
palutang-lutang para hindi nila maabutan at magulo.

Taimtim lang akong nakatingin sa kanila na lumalangoy at naghahabulan. Gusto kong


sumali dahil sa minsan lang akong nakakapaglaro. Nag-iisang anak naman kasi ako at
lumaking

mag-isa. Gusto kong makihalubilo sa 'king mga pinsan, 'yong huling pagkikita kasi
namin ay no'ng mga maliliit na bata pa lang kami kaya nakakapanibagong makita
silang malalaki na ngayon. Pero mas pinili kong manatili sa malalim at malayo sa
kanila habang malayang nagpalutang-lutang, dahil kung ihahalo ko ang aking sarili
sa kanilang naglalaro ay baka mapaslang ko pa ito kapag hindi ko nakayanan ang
kakulitan nila. Ang sarap nilang lunurin at ibaon sa buhangin.

Gabi na kami umuwi, gustuhin man naming manatili sa beach ay hindi p'wede dahil sa
napagdesisyonan ng lahat na sa bahay na lang magdiwang at sumalubong ng pasko, isa
pa ay nasa bahay kasi namin ang ilang pagkaing hinanda para sa pasko.

May guest rooms naman kami kaya makakatulog talaga ang lahat ng mahimbing.

Sa higaan agad ang bagsak naming lahat nang makauwi kami, maliban kila Mama na
naghahanda para sa darating na pasko. Hindi kasi sila napagod dahil sa buong araw
lang silang nakaupo, samatalang kami ay pagod na pagod dahil sa buong araw kaming
nakababad sa tubig at sina Papa nama'y nakatulog dahil sa kalasingan.

Nagising ako bandang alas onse y medya ng gabi at ilang minuto na lang ay papatak
na ang pasko. Ang ilang pinsan ko'y tulog pa kaya binisita ko sila sa kanilang
kwarto at ginising para bumaba. Sabik na sabik naman silang bumaba para salubungin
ang pasko at para makapagpaputok.

Ilang saglit pa'y sabay naming sinalubong ang pasko at nagdiwang. Muli, napuno ang
bahay ng saya dahil sa sari-saring musika ng paskong ipinatugtog, umaalingawngaw
din

ang hagikhikan at tawang parang walang katapusan. Lahat ay perpekto, lahat ay


masaya at lahat ay nagmamahalan.

Sari-saring paputok naman ang ipinasabog ni Papa kasama sina Tito; Fireworks, Bakus
ni Hudas, Piccholo, Triangle, Kwitis at marami pang iba. Gumastos talaga sila ng
malaki para rito.
Nakisali naman ako Diary, kumuha rin ako ng ilang paputok at pinapaputok ito sa
malayo pero hindi ako nakaligtas sa mata ni Mama, nasigawan ako kaagad na itigil
ito dahil sa takot niyang baka maputukan ako. Wala akong magawa kung hindi ang
tumigil na lang at pumasok sa loob, dahil kung magmamatigas ako ay hindi siya
titigil sa kakabulyaw. Ayaw ko pa naman siyang masaktan, baka matali ko sa leeg
niya ang Bakus ni Hudas at mataniman ang bibig nito ng paputok. Ewan ko lang kung
anong magiging mukha niya kung sakaling gagawin ko 'yon at sinindihan ito sabay---
malamang basag at wasak na mukha.

Kalaunan ay sabay naming pinagsaluhan ang pagkain na parang wala ng bukas pa, kung
ano-ano sinusubo basta't maibigay lang ang gusto ng sikmura. Pero konti lang ang
kinain ko, gusto ko mang tikman lahat ng nakalapag ay parang ayaw ng bibig ko't
parang mapapasuka. Siguro'y epekto na ito ng sobrang pagbababad sa tubig.

Mabilis na lumipas ang oras Diary hindi ko namalayan ang pagdaan nito, madaling-
araw na pala. Tulog na ang lahat dahil sa sa pagod na pagod ito at tanging ako na
lang ang gising. May kung anong nagpapagising sa 'king diwa na pumipigil sa 'king
talukap para pumikit.

Hanggang sa malaman ko kung ano ang dahilan, ang dahilan ba't ako'y gising na
gising pa. 'Yon ay nangangati ang kamay ko---gusto kong pumatay sa pasko, gusto
kong makatikim ng dugo, gusto kong pumaslang sa pinakabrutal na paraan at gusto
kong tumikim ng karneng-tao.

Dali-dali naman akong bumangon at nagtungo agad sa stockroom para kumuha ng palakol
na gagamitin ko sa 'king party.

Nagmamahal,

Ariela

=================

December 25, 2012 [2]

Dear Diary,

Dala-dala ang palakol ay mabibigat ang hakbang kong pumasok sa bawat kwartong may
taong mahimbing na natutulog, umaalingawngaw sa 'king isipan ang bulong na nag-
uutos sa 'kin na pagpira-pirasuhin sila.

Alam kong mahimbing na silang natutulog pero mas pinili kong manahimik at dahan-
dahan lang sa paggalaw sa takot na baka magising pa ito't malagot pa ako.

Unang pinasok ko ang pinakamalapit na guest room kung saan natutulog sina Lolo't
Lola kasama ang pamilya ni Tita Marie. Walang kahirap-hirap akong nakapasok dahil
sa hindi naka-lock ang pintuan. Pagpasok ko'y agad kong pinatay ang ilaw at
hinayaan ang sinag mula sa buwan na tumatagos sa bintana ang magsilbing tanglaw sa
'kin.

Dahan-dahan akong lumapit sa kamang kinahihigaan ni Lolo at Lola. Tulog na tulog


talaga ang dalawa at naririnig ko ang mumunting paghilik nito, sa huling
pagkakataon ay tinitigan ko lang sila bago ibinagsak ang palakol sa leeg ni Lola.
Sa pagbaon ng palakol ay siya ring pagtalsik ng makapal at malapot na dugo sa 'king
mukha, hindi rin nakaligtas si Lolo at natalsikan ito sa mukha.

Biglang nagising si Lolo dahil siguro sa malapot at mainit na dugong kumapit sa


mukha nito, dali-dali niya itong tinanggal sa mukha at gulat na gulat na
nagpalipat-lipat ang tingin kay Lola at sa 'kin. Akma na sana itong sisigaw pero
hindi na natuloy nang bagsakan ko ng palakol ang mukha, nabiyak ito at dumanak rin
ang dugo't nagsitalsikan sa pader at sa damit kong suot.

Sunod kong tinungo ang ikalawang kama, nakahimlay dito ang tiyahin kong si Marie
kasama ang asawa nito at tatlong anak. Habang pinapasadahan sila ng tingin ay nag-
isip muna ako kung sino ang uunahin sa kanila para hindi mahirapan, sa huli'y
napagdesis'yonan kong unahin ang asawa ni Tita para kapag may isusunod ako ay
walang istorbong maaaring lumaban. Medyo malaki-laki pa naman itong katawan ni
Tito.

Umikot ako't tumabi kay Tito at paulit-ulit na pinagtataga ang dibdib nito ng
palakol. Lingid sa kaalaman ko'y nagdulot pala ito ng pagyanig ng hinihigaan nila
kaya nagising si Tita. Sa 'di inaasahang pagkakataon ay biglang nagising si Tita
Marie at nagsisigaw sa takot sabay hila sa anak nitong natutulog. Bago pa ito
makatakbo ay tinaga ko ang braso nito na nagpabitaw sa kaniyang pagkakahawak sa
anak, sunod ay tinaga ko na siya sa ulo na siyang dahilan sa agarang kamatayan.

Umiyak ang pinsan kong nasa anim na taon pa lang. Takot na takot siyang nakatingin
sa ina at amang duguan at walang buhay.

Hindi ko na pinatagal pa ang paghihirap ng bata at tinaga ko ang leeg nito,


gumulong ang ulo nito matapos mataga.

Mula sa labas ng kwarto ay narinig ko sina Mama at Papa na tinatawag si Tita kung
ano raw ang problema, kung hindi ako nagkakamali ay silang dalawa lang ang nagising
dahil sa magkatabi lang ang kwarto nila at kwarto nina Tita. Para masagot ang
tanong nila ay kinuha ang cellphone ni Tita sa bulsa't nag-text sa kanilang
binangungot lang ito, hindi na nag-reply si Mama at bumalik
na lang sa kwarto para ituloy ang naantalang tulog.

Damang-dama ko ang saya nang makita silang nagkapira-piraso't duguan, ang puso ko'y
walang humpay sa malakas nitong pagtibok na parang hinahabol ng kabayo. Sa totoo
lang, ito 'yong hinahanap ko sa pasko. Ito 'yong gusto kong mangyari dahil sa
paraang ganito ko lang nadarama ang totoong tuwa. Buong puso kong nadarama ang tuwa
sa tuwing naliligo ako ng dugo.

Nang maramdamang tulog na ang mga magulang ko at mapayapa na uli ang paligid ay
nagtungo ako sa pangalawang guestroom para paslangin ang sinumang nandoon.

Pagpasok ko'y gano'n pa rin, tulog na tulog silang lahat at walang kamalay-malay.
Pinatay ko ang ilaw at ni-lock ang pintuan. Habang tagaktak ang dugo sa 'king mukha
ay isa-isa kong nilapitan ang pamilyang nakahimlay sa loob. Dalawang pamilya ang
nandito at ang kabuoang bilang nila'y labing-isa (11). Siguradong-sigurado naman
mahihirapan akong tapusin silang lahat na walang kahirap-hirap, kinakailangan ko
talaga itong pag-isipan ng mabuti para hindi sumabit.

Pumasok sa isipan ko ang sleeping gas na nasa basement na totoong makakatulong sa


'kin. Dali-dali ko namang nilisan ang lugar at kinuha ang isang lata ng sleeping
gas sa baba. Nang makabalik sa kwarto'y agad ko itong binuksan at ipinakalat sa
buong kwarto ang makapal nitong usok. Gaya no'ng una kong gamit nito'y nagtakip rin
ako ng basang panyo sa sa ilong.

Nang malusaw ang usok ay nagsimula na ako. Una kong nilapitan ang pamilya ni Tito
Rey, lahat sila'y nakahiga sa comforter na nakalatag sa sahig dahil sa isang kama
lang ang nasa kwarto at ito'y ukupado na. Sila ang inuna ko, tinaga ko ang mga
braso nila at binti papira-piraso na animo'y nagsisibak ako ng panggatong. kasunod
nito'y ang mga dibdib nito't sikmura, ang lalambot nito at walang kahirap-hirap
kung tagain. Nagsilabasan naman ang ilang laman nito at pawang punit-punit na rin.

Ang natirang pamilya, ang pamilya ni Tita Vea ay pinagtataga ko rin pero iniba ko
ito, pinagtataga ko lang 'yong ilang parte nila at ginamit ito para makabuo ng
bagong tao--- taong hango sa kaniya-kaniyang parte ng katawan. Ang ulo nito ay mula
kay Tita Vea, ang leeg pababa sa bewang ay mula sa asawa niya, ang magkabilang
braso naman na ang liliit ay mula sa anak nito, ang hita ay mula kay Tita at ang
binti't paa'y kinuha ko sa mga anak nito.

Ang ganda nitong tignan na nakalatag sa sahig Diary na buong-buo kaso ang problema
nga lang ay hindi magkapareha ang sukat nito't laki. Ipinagtagpi-tagpi ko na lang
ito sa tulong ng duct tape at binigyan ito ng pangalang Amy. Ang aking bagong
kaibigan, kaibigang nagrerelresenta sa isang pamilya.
Iniwan ko muna ang aking kalat dahil sa isusunod ko pa sina Mama at Papa.

Nagmamahal,

Ariela

=================

December 25, 2306 [3]

Dear Diary,

Lahat ng nagkapira-pirasong katawan ng nga kamag anak ko'y isinilid ko sa sako


maliban sa mga ulo nilang pinapakuluan na isasali ko sa 'king koleks'yon. Lahat ng
laman ay nagkasiya sa tatlong sako kaya tatlong beses 'din akong pabalik-balik sa
public market para ilagay ang lahat ng ito sa loob ng refrigerator ni Mang Karlos
na nagbibenta ng karneng baboy at manok.

Gusto ko lang namang tumulong kaya libreng ibinigay ko sa kaniya ang karneng taong
kakakitil ko lang, preskong-presko pa at tiyak na papatok dahil sa pasko ngayon.
Hindi naman siguro lalayo ang lasa ng tao sa baboy at manok, mas masarap pa nga ito
kumpara sa dalawang karneng palaging natitikman ng lahat.

Ang mga kamay at paa naman nina Mama at Papa ay itinali ko at binitay silang
pabaliktad sa kisame sa loob ng kwarto nila, sa baba nila ay isang walang lamang
bakal na timba na paglalagyan ko ng dugo kapag gigilitan ko na ito. Panay ang
pagmamakaawa nila Diary na 'wag patayin, kahit na nagkabulol-bulol ito dahil sa
panyong isinaksak ko sa bibig ay walang humpay silang nagmakaawa at umiyak sa harap
ko, umaasang na sana'y magbago ang isip ko't hindi na ituloy ang masamang
binabalak.

Pero nagkakamali sila. Determinadong-determinado na talaga akong patayin sila.

Para takutin ito ay naglakad ako paikot sa kanila at ang palakol nama'y nakapatong
sa balikat, halos manginig naman sila sa takot at mabaliw sa kakasunod sa 'kin ng
tingin sa takot na baka tagain ko ito habang wala ako sa paningin nila.

Habang nagsasaya ako'y pinakuluan ko naman sa malaking drum ang lahat ng

ulo nila maliban kay Amy na kaibigan ko. Marami-rami talaga ang nakolekta kong ulo
kaya tiyak na mapupuno ang bed side table ko ng mga bungo, tiyak magiging patok
itong koleks'yon ko.

Patuloy naman sa pagpumiglas ang magulang ko, gustong-gusto nilang makaalis sa tali
at makatakas. Hinayaan ko muna sila't pinayagang magtagal pero nang marinig ko mula
sa kanila na hayop ako, demonyo at baliw ay nayanig ang aking buong sistema. Wala
pang nagsabi sa 'kin no'n at ang masakit pa'y nagmula pa sa 'king magulang. Ang
sakit lang talagang makatanggap ng maaanghang na salita mula sa kanila. Dahil sa
galit ay binaon ko sa kaniya-kaniyang dibdib ang palakol, siniguro kong hindi ito
gaanong tumagos para hindi matamaan ang puso't magtagal pa sila.

Umagos ang dugo nito't dumaloy sa leeg, pababa sa ulo at tumulo patungo sa timba.
Panay ang sigaw nila't mas lumakas pa ang ungol nito, gayo'n na rin sa pagpumiglas.

Wala na akong ginawa kung hindi ang pagmasdan silang naghihirap habang nakikinig sa
mga bulong na pumupuri sa galing ko, may sinasabi siyang kung ano sa 'kin na
malapit na raw. Hindi ko naman alam kung anong pinapahiwatig niya kaya
ipinagsawalang-bahala ko na lang ito.

Muli, sa pangalawang pagkakataon ay tinaga ko ang tagiliran nila na nagdulot ng


sobrang pagdurugo. Impit naman silang napasigaw at mariing napakagat sa panyong
nakabusal para tiisin ang sakit na nadarama.

Mistulang kumirot naman ang puso ko dahil sa nakita, daig pa nila ang nag-aagaw ng
buhay sa sitwasyong 'yon, dahil sa hindi naman talaga ako masama ay buong pwersa
kong tinaga ang leeg nito, naputol ko naman ang ulo nito't tumilapon kung saan at
parang tubig mula sa gripo kung umagos ang dugo nito sa leeg diretso sa timba.

Medyo nahirapan naman ako sa pagpigil sa kanilang panginginig kahit na wala na


itong ulo. Yinakap ko na lang ito at itinutok ang leeg sa bukana ng timba para
hindi masayang ang dugo nito. Ilang saglit pa'y unti-unti nang humina ang
panginginig nilang dalawa hanggang sa tumigil na ito, palatandaang patay na.
Nakahinga na ako ng maluwag dahil sa wala na sila't hindi na maghihirap pa.

Umabot naman sa kalahati ang dugong naimbak sa timba, dinala ko naman ito sa kusina
at isinalang sa apoy. Ilang saglit pa'y tumigas na ang dugo at naging dark violet
ang kulay nito. Nakakatakam kaya kumuha agad ako ng kutsara at sumubo nito, ro'n ko
lang napagtantong ito pala 'yong hinanap-hanap ng katawan ko, ito 'yong
ikinatatakam ko kaya hindi ko magawang kumain sa noche buena. Sabik na sabik ko
namang kinain ang isang baldeng dugo hanggang sa mabusog ako't maubos ito.

Hindi ko ibinigay ang bangkay nina Mama kay Mang Karlos, bagkus ay isinilid ko ito
sa ibang sako at pinalubog do'n sa sapa kasama sina Francis dahil sa importante
sila sa 'kin.

Ito 'yong hinahanap ko sa pasko Diary, ganitong pakiramdam ang gusto kong madarama
at ang duguang bahay ang gusto kong makita. Ito 'yong paskong gusto kong mangyari
ulit, ang paskong hindi ko makakalimutan.

Nagmamahal,

Ariela

=================

January 1, 2013

Dear Diary,

Hindi ko alam Diary pero wala talaga akong maalalang pangyayari nitong nakaraang
araw.

Matapos kong mapaslang ang buong angkan no'ng nakaraang pasko ay nakatulog ako,
mistulang tumalon ang oras at nang magising ay nakakapagtatakang unang araw na ng
taon. Wala talaga akong maalalang nagdiwang ako ng bagong taon o napagdaanan man
lang ang mga araw matapos ang pasko. Basta't nagising na lang ako sa loob ng aking
kwarto kanina na tahimik ang buong bahay at walang katao-tao.

Sinuyod ko ang buong bahay, gano'n pa rin naman. Puno ng dugo ang pader at sahig,
marami ring langaw na nagliliparan. Pero napuno ang bahay namin ng yellow tapes ng
mga pulis na bago lang sa 'king paningin. At nakalagay ito sa eksaktong lugar kung
saan ko pinatay ang aking mga kamag-anak. Kaya napagtanto kong napasok ng pulis ang
bahay namin at nadiskubrehan ang karumal-dumal na krimeng ginawa ko. Maraming
nawala sa loob, ang mga bungo kong koleks'yon ay nawala na, pati na rin ang mga
kagamitan namin lahat.

Siguro, habang tulog ako ay may kumuha sa 'kin at inilayo ako sa mga pulis habang
nag-iimbestiga ito sa bahay. Pero bakit naman gano'n? Bakit ako sinagip? Ba't
nagising lang ako ngayong araw? Kung sino man ang pumrotekta sa 'kin ay malamang
malapit sa 'kin at alam rin niya lahat ng pinaggagawa ko.

Baon man sa tanong ay nasagot naman ito nang biglang may bumulong. Nagsasabing siya
raw ang nagligtas sa 'kin at itinago ako mula sa mga pulis. Magtatanong pa sana ako
dahil
sa baon ako sa katanungan, pero isang salita lang ang iniwan nito at ito'y magtungo
sa basement.

At nagulat na lang ako nang mabuksan ang pintuan ng basement. Malinis na malinis na
ito at wala nang ni isang basura o gamit man lang sa loob, imbes ay nilagyan ito ng
isang sofa, TV, kusina, higaan, banyo at malaking salamin. Nakakapagtatakang paano
nalagay at napasok itong lahat dito. Parang hinanda talaga ang basement para sa
paggising ko, hinanda ito bilang hideout o pagtaguan ko.

Napadako ako sa malaking salamin na nakadikit sa pader, sa gitna nito'y may isang
punit na papel---isang dyaryo. Nilalaman nito'y isang balita tungkol sa nangyaring
massacre, ang massacre na ginawa ko sa sariling pamilya. Laking tuwa ko naman nang
malamang walang natira sa buong angkan na minasaker, kaya lahat ay nag-aakalang
patay na rin ako at isa ako sa larnent nakumpiska sa refrigerator ni Mang Romel.
Hanggang ngayo'y iniimbestagahan pa itong krimen para malaman na kung sinong
salarin.

Maliban sa isang punit na dyaryo ay tadtad rin ang salamin ng mga larawan ng iba't-
ibang tao at bawat larawan ay may numerong nakalagay. Nakakatuwang ang lahat ng
katauhang nasa pictures ay ang mga taong kinamumuhian ko. At kung hindi ako
nagkakamali ay parang listahan ito ng dapat kong patayin.

Maglilibot pa sana ako sa malawak naming basement nang biglang may kumalabog sa
C.R., nakakatawa lang dahil sa nagulat ako't napasigaw talaga. Napakatahimik naman
kasi ng loob

kaya parang ginulat ang buo kong sistema sa simpleng tunog nito.

Muli ay kumalabog ito, kalabog na nasundan pa ng ilang pag-ungol. Sa kagustuhang


malaman kung ano ito ay dahan-dahan akong lumapit dito habang hawak-hawak ang isang
kutsilyong napulot ko sa mesa. Hindi pa rin tumigil ang kalabog, animo'y gusto
nitong sirain ang pintuan at gusto talagang makalabas ng kung anong hayop o taong
nasa loob ng C.R.

Hindi na ako nag-abala pang buksan ang pintuan, bagkus ay ginulat ko rin ang
nilalang na nasa loob ng kutsilyo ko. Sinaksak ko ang gawa sa plywood na pintuan
kaya tumagos ito sa kabila at naramdaman ko namang tumama ito sa kung sino mang
nasa loob. Sunod na nasaksihan ko ay ang pagdaloy ng dugo mula sa nasaksak hanggang
sa hawakan ng kutsilyo, Napakalapot ng dugo't mapulang-mapula ang kulay nito. Ilang
saglit pa'y tumulo na ang dugo na siya ring pagtigil sa kalabog.

Nang buksan ko ang pintuan ay laking gulat ko nang makita ang isang babaeng
nakatali ang kamay at paa na may busal sa bibig, mayroon namang sugat ito sa leeg.
Kahit gano'n ang hitsura't sitwasyon niya'y nagawa ko pa rin siyang mamukhaan. Siya
si Carla, ang matalik kong kaibigan noon sa elementarya na iniwan akong mag-isa sa
ere, dahil sa hindi man lang niya magawang magpaalam sa 'kin bago umalis na siyang
ikinagalit ko talaga sobra.

Nakakatuwang muli kaming nagkita sa loob ng anim na taon na walang balitaan. Mas
lalong nakakatawa dahil sa ganito pang sitwasyon, ang makita siyang duguan na gawa
ko. Sinubukan

niyang humingi ng tulong sa 'kin kahit na naghihirap ito dahil sa busal at sa


sugat, pero nawala rin ang pag-asa niyang makatakas nang mapansin ang kutsilyong
hawak ko na sumaksak sa kaniyang leeg. Naiyak na lang ito at nanlumo.

Sa kakatitig ko sa kaniya ay siya ring pagpasok ng isang ideya sa 'king isipan.


Ngayon ko lang napagtanto na isa pala siya sa larawang nakadikit sa salamin at
isang himala na siya ang may numero unong nakatatak, ibig sabihin ay siya ang
uunahin ko. Mistulang planado na ang lahat dahil sa hinanda na itong babae para sa
unang papaslangin ko sa taong ngayon.

Hinila ko agad siya palabas ng C.R. at ipinatong sa mesa. Tinanggal ko naman ang
tali niya sa kamay at binti at itinali siya uli sa mesa na nakadipa. Mabibigat
naman ang paghinga nito dala ng takot. Isang himalang hindi ito napuruhan nang
masaksak ko ito sa leeg. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapatay kaya takam na
takam ako ngayong pumaslang.

Marami-rami na ang dugong nasayang niya kaya bago pa ito maubos ay kumilos kaagad
ako. Kumuha ako ng itak at tinaga ang siko niya sa kanan ng paulit-ulit hanggang sa
maputol ito at nagkahiwalay ang dalawang parte. Sinunod ko naman ang isa pa niyang
siko sa kaliwa, hindi na alintana ang mga mumunti nitong sigaw at dugong tumatalsik
sa 'kin. 'Di nagtagal ay ang dalawang tuhod naman nito ang pinagtataga ko hanggang
sa maputol.

Hindi mawala sa labi ko ang ngiti nang makita ang mga naputol nitong parte na
parang gripo kung makapagpalabas ng dugo. Puri wasiwas lang sa putol niyang braso
at hita ang nagagawa nito na siya ring dahilan sa pagtatalsikan ng mga dugo kung
saan-saan. Mula sa tumalsik na dugo sa labi ko ay nalasahan ko ito, dahil dito'y
mistulang nabuhay lahat ng laman ko't natakam at nauhaw makainom ng dugo.

Bago pa mahuli ang lahat at maubos ang dugo niya ay agad ko siyang sinugod at
sinipsip ang dugong lumalabas mula sa braso nito. Kahit marami-rami na ang nawalang
dugo sa kaniya ay nagawa pa rin nitong busugin ako't pawiin lahat ng uhaw.

Matapos siyang pagsawaan ay isinilid ko ang katawan niya sa isang cabinet sa kusina
para kung kakailanganin ko pa ito ay nandiyan lang siya't makakain ko agad.
Nagmamahal,

Ariela

=================

January 3, 2013

Dear Diary,

Si John, ang pinsan ko na nagtatrabaho sa ibang bansa na nakaligtas sa isinagawa


kong massacre no'ng nakaraang pasko. Siya lang talaga ang hindi ko napatay kaya
hindi pa ako nag-iisa. Isa pa ay, isa siya sa mga taong kailangan kong patayin,
siya ang pangalawa kong papaslangin ayon sa listahan. Buti na lang talaga at umuwi
ito para magluksa't dumalaw sa puntod ng mga magulang at kapatid nito, kaya
napakalaking tsansa ito para sa 'kin ang patayin siya.

Hindi ko na sinayang pa ang pagkakataon at pinuntahan ko siya habang dumadalaw sa


puntod ng mahal sa buhay. Gaya ng inaasahan ay nagulat ito nang makita akong buhay,
lahat kasi ay nag-aakalang patay na ako at nasali sa massacre na 'yon. Tinanong
niya ako kung bakit ako buhay o guni-guni lang ba 'yong nakikita niya, lihim naman
akong natawa dahil sa reaks'yon niya. Bilang pagsagot sa tanong niya ay niloko ko
siya at nagsinungaling na nakatakas ako't nakapagtago mula sa mga masasamang tao
kaya nagawa kong mabuhay.

Galit na galit siya dahil sa walang awa raw at demonyo itong gumawa sa 'ming
pamilya at isinusumpang bibigyan niya ito hustisya at ipaghihiganti sa kung sino
mang may gawa. Dahil sa sinabi niya'y nakahanap kaagad ako ng paraan para maloko
ito't maiuwi sa basement.

Ipinaliwanag ko sa kaniya na kilala ko ang mga kriminal na lumapastangan at


gumagawa no'n sa 'ming pamilya, sinabi ko rin na naghanda na ako para sa
paghihiganti at handa na rin akong magsakripis'yo

para makapaghiganti. Kaya inaya ko siya sa basement na pinagtataguan ko para maayos


kaming makaplano. At pumayag naman ito.

Walang kahirap-hirap kaming nakapasok sa bahay na walang nakakapansin. Gulat na


gulat naman siya dahil sa dugong nagkalat kung saan-saan, pero sinabihan ko siyang
magpakatatag para sa pamilya namin. Dinala ko siya sa basement, pagpasok namin ay
nagimbal siya nang makita ang dugong natuyo na nagkalat sa mesa ko, lalong-lalo na
ang brasong nakapatong sa pinggang puno ng kanin. Sa puntong 'yon ay sigurado na
akong alam na niya ang lahat, alam na niyang ako ang may gawa sa massacre. Bago pa
siya makakilos at magawang lumaban ay malakas kong hinataw ang likod nito. Bumagsak
naman ito at nawalan agad ng malay.
Habang kinakaladkad ko ang katawan nito patungo sa mesa ay naalala ko ang mga
pinaggagawa nito no'ng mga batang paslit pa lang kami. Palagi niya akong inaasar sa
tuwing dumadalaw kami sa kanila, isa pa ay palagi rin niya akong sinusumbong kila
Mama na may ginawa akong hindi maganda, kahit na hindi ito totoo. Kaya pagdating ng
bahay ay napapalo ako't nadedesiplina.

Matapos malapag siya sa mesa ay iniwanan ko muna ito at kumuha ng itak. Ginamit ko
ito para tagain ang leeg niya't gumulong naman itong ulo niya papalayo.

Itinabi ko naman ang katawan niya't ang ulo muna ang inilapag sa mesa. Tinaga ko
uli ito mula baba hanggang noo na parang buko, pero siniguro ko namang hindi ito
babaon at baka madadaplisan ko ang utak nito sa loob. Pahapyaw ko lang itong
ibinaon na sapat para mabiyak ang bungo nito. Sa gano'ng direks'yon ng pagtaga ay
sinunod ko naman ang likod ng bungo nito. Ilang saglit pa ay bumulaga sa 'kin ang
utak niyang buong-buo matapos paghiwalayin ang nahating ulo.

Manghang-mangha ako dahil sa perpektong-perpekto talaga at walang bahid na anong


gasgas ang utak nito. Medyo mapula pa ang ang kulay nito at may mumunting ugat na
makikitang nakalitaw sa makulubot niyang utak. Napakaganda talaga nitong tignan.
Ngayon lang ako nakakita ng perpektong utak dahil sa bawat pinapaslang ko'y
nawawasak ito o kaya ay nahihiwaan kaya isang malaking bagay para sa 'kin ang
makasaksi ng buong utak.

Sa tulong ng kutsilyo ay nagawa kong makahiwa ng munting piraso mula sa utak.


Tinuhog ko ito gamit ang kutsilyo't isinawsaw sa suka. Sabik na sabik ko namang
isinubo ito't nginuya para matikman. Pero sa kasamaang palad, imbes na utak ang
malasahan ko ay ang sobrang asim na suka ang nangibabaw sa 'king panlasa kaya
napasuka ako't nailabas lahat ng kinain ko mula sa umaga.

Napagdesisyonan kong h'wag na lang ito isawsaw at diretsahang tikman na lang ito.
Sa pangalawalang pagkakataon ay humiwa ako uli at agad itong sinubo't nginuya. Ro'n
ko na nalasahan ang totoong sarap ng utak. Hindi siya matamis sa totoo lang, medyo
mapakla na mapait ang lasa nito na kumakapit talaga sa lalamunan at ang amoy nito'y
malansa gaya ng dugo. Malambot naman ito at napakadaling nguyain, para lang akong
kumakain ng manggang hinog kung tutuosin pero ang lasa lang at amoy nito'y naiba.

Sumubo ako uli at parang mababaliw talaga ako sa lasa nito, animo'y dinadala ako sa
paraiso bawat nguya ko sa utak niyang preskong-presko. Sumubo nang sumubo lang ako
hanggang sa maubos ito.

Nagmamahal,

Ariela
=================

January 5, 2013 [1]

Dear Diary,

Sa tulong ng kagamitang nakatago sa basement ay nagawa kong baguhin ang aking


sarili. Kinakailangan kasi talaga ito para makalabas na ako ng basement na walang
nakakakilala kahit na anong oras.

Pinaikli ko na ang aking buhok para madali lang para sa 'kin ang maglagay ng klase-
klaseng wig sa ulo. Nagsimula na rin akong magpraktis na maglagay ng make-up sa
mukha kahit na hindi naman talaga ako mahilig maglagay nito. Isa pa'y napilitan rin
akong magsuot ng klase-klaseng damit kahit na wala ito sa panlasa ko. Basta't ang
mahalaga ay mabago ko ang aking sarili.

Mahirap, sa totoo lang. Mahirap harapin ang biglaan at kinakailangang pagbabago ng


sarili, pero mas mahirap gawin 'yong mga bagay na hindi mo nakasanayan pero
kinakailangan talaga dahil para rin naman ito sa ikakabuti ko.

Kanina, nagsuot ako ng skinny jeans at simpleng blouse. Ang buhok (wig) ko'y medyo
mapula na tumitingkad talaga kapag naaarawan. Magaan na make-up sa mukha ang
inilagay ko kasama ang malaking nunal sa ilalim ng kaliwang parte ng aking labi.

Napagpasiyahan kong magtungo sa park, ang paborito kong lugar rito sa 'min para
magpalamig at lumanghap ng sariwang hangin. Puro amoy ng nabulok na karne at lansa
na lang kasi ang palagi kong nasisinghot at nakakasawa talaga ito. Kaya mas
mabuting magpahinga muna ako ro'n saglit bago ko hanapin 'yong mga taong nasa
salamin.

Habang nakasakay ako sa taxi ay natigil kami sa gitna ng daan dulot ng biglaang
trapik dahil sa isang aksidente raw sa unahan. Simpleng aksidente lang naman ito
dahil sa nagsalpukan lang 'yong dalawang

sasakyan pero sadyang usisero't usisera ang mga taong napapadaan kaya imbes na
magpatuloy ay napapatigil ito para manood sa nangyari. Ang sarap tuloy nilang
pagbabarilin sa ulo para mamatay sila agad at makadaan na kami.

Dahil sa mahina talaga ang daloy ng mga sasakyan ay nilibang ko na lang muna aking
sarili sa panonood ng mga gusali sa paligid habang nakaupo sa backseat. Walang
saysay sa 'kin ang ilang gusali pero kusang napako na lang ang tingin ko sa isang
gusali sa 'king kaliwa. Ang Ivaneem Gerneral Hospital, ang ospital kung saan ako
ipinanganak. Kasabay ng pagtitig ko sa gusaling ito ay ang isang bulong mula sa
babaeng palaging pumapasok sa 'king utak at inutos niya sa 'kin na pasukin ang
ospital dahil naroon sa Delivery Room ang isa sa kinakailangan kong papaslangin.

Dahil sa wala naman akong pambayad pamasahe ay hinugot ko mula sa 'king bulsa ang
isang kutsilyo at inatake ang driver mula sa likod. Hindi na siya nakapalag pa nang
marahas kong hinila ang ulo nito't pinatingala. Nagtangka naman siyang manlaban at
tinangkang abutin ako pero hindi na niya nagawa ito nang padaanin ko ang talim ng
kutsilyo sa leeg niya. Imbes na abutin ako ay ginawa na lang niyang pantakip sa
hiwa ng leeg ang magkabilang kamay, pero kahit anong diin nito sa kaniyang leeg ay
hindi na niya magagawa pang pigilan ang dugong bumubukwak. Abala ang lahat sa
trapiko kaya walang nakakapansin sa krimeng isinagawa ko.

Iniwanan ko na lang ang kutsilyo at ibinaon ito sa kaniyang leeg, mabilis naman
akong nakalabas ng kotse dahil sa hindi ito naka-locked at malinis naman ako't
hindi natalsikan ng dugo.

Nang makapasok

sa ospital ay naglibot muna ako't nagtanong-tanong sa mga nadaraanang nurse kung


nasaan ang Delivery Room. Itinuro naman ito sa 'kin kaya agad akong nagtungo sa
sinabi niyang direks'yon sabay hinanap ang pintuang may karatulang Delivery Room.
Nang mahanap ito ay agad na naghanap ulit ako ng nurse na pwedeng gamitin para
makapasok ako ng walang kahirap-hirap sa Delivery Room. Laking-tuwa ko naman nang
makakita ng isa sa dulo ng hallway na naglalakad patungo sa gawi ko, abalang-abala
naman ito sa pagbabasa ng kung anong hospital records.

Dali-dali ko siyang sinalubong at binago ang aking ekspres'yon. Umiiyak ako at


balisang humarap sa kaniya't napakapit ng mahigpit. Nagtataka naman ito sa 'king
inakto at napatanong kung anong problema. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa't
sinabing nagsusuka ng dugo ang pasyente ko sa C.R.. Hindi na siya nakapagsalita pa
nang hilain ko ito tumakbo patungo sa gawi ng pinakamalapit na C.R., buti na lang
talaga at may nadaanan ako kanina at nagamit ko ito para gamiting istrumento para
magtagumpay.

Nang makapasok kami sa C.R. ay nainis naman siya dahil sa wala naman daw doon ang
pasyente ko. Hinila ko siya't pinasok sa cubicle, muli ay nag-akala rin niyang nasa
loob ito ng cubicle pero wala pa rin. Magagalit na sana ito at akmang bubulyawan
ako pero hindi na niya nagawa pa nang iuntog ko ang ulo nito sa matigas na pader.
Bumagsak ang babaeng nurse sa pagkahilo't nawalan agad ng malay.

Buti na lang at tuyo ang sahig sa loob ng cubicle at nagawa ko siyang hubaran. Ini-
lock ko naman ang pintuan ng C.R. para wala talagang makakasira sa gagawin ko. Nang
mahubad ko na ang uniporme niya ay agad ko naman itong sinuot, makapal naman ang
uniporme niya kaya hindi mapapansin ang orihinal kong suot na hindi ko na pinag-
abalahang hubarin.
Madali lang ang pagbihis pero natagalan talaga ako sa pagsusuot ng sapatos niyang
may takong. Masakit kasi itong iapak at panay akong natatapilok. Natagalan tuloy
ako sa paglabas dahil sa nagpa-practice pa akong maglakad habang suot ang heels.
Ang sama naman kung lalabas lang ako na paika-ika't natatapilok bigla dahil sa suot
ko.

Nakakainis lang dahil sa halatang sanay na sanay ang babae sa pagsuot nito, hindi
alintana sa kaniya ang pagtakbo kanina habang nakatakong.

Habang naglalakad sa loob ay may biglang pumasok na ideya sa 'king isipan at


siguradong-sigurado akong magsasaya ako't mapapawi lahat ng inis sa 'king sistema.
Tutal kaming dalawa lang naman ang nasa loob ng C.R. ay magagawa ko talaga ito ng
walang problema.

Binalikan ko ang babae sa loob ng cubicle at sabik na sabik na ipinatong ang


dalawang takong ng sinusuot ko sa magkabilang mata niya. Nang makatayo at
makabalanse ng maayos ay pwersahan kong binaon ang aking takong. Unang tulak ko ay
hindi pa ito bumaon talaga, pero nang subukan ko ulit ito sa pangalawang
pagkakataon at mas lalong nilakasan ang pwersa ay tuluyan nang bumaon ang takong
ko't nadurog talaga ang mata nito. Napakapit naman ako agad sa inidoro nang
maramdamang muntik na akong mawalan ng balanse.

Tuwang-tuwa ako nang maramdaman ang malambot nitong laman sa loob na natutusok at
napupunit ng takong ko. Pinaikot-iko pa ito para mas lalong dumugo't mapunit ang
laman sa loob. Ilang saglit pa ay tumigil na ako't hinugot ito dahil sa baka umalis
na 'yong papaslangin ko sa Delivery Room. Hindi ko na lang tinuloy ang pagsusuot ng
may takong at napagpasiyahang gamitin na lang 'yong flat shoes ko.

Nagmamahal,

Ariela

=================

January 5, 2013 [2]

Dear Diary,

Suot ang uniporme ng nurse na pinatay ko ay hindi na ako nag-abala pang kumatok sa
pintuan ng Delivery Room at pumasok na lang. Pagpasok ko'y katahimikan lang ang
sumalubong sa 'kin kasama ang mumunting boses ng taong nag-uusap. Malawak ang
Delivery room, maraming upuan na nakahilera, sa tingin ko ito'y para sa mga
kapamilyang mag-aabang sa babaeng manganganak.
Hinanap ko ang pinagmulan ng boses at natagpuan ko na nasa likod ito ng nag-iisang
pintuan sa loob. Para kumpirmahin ay pinihit ko ang seradora at pumasok. Pagpasok
ko'y bumungad uli sa 'kin ang malawak na espasyo kasama ang ilang kagamitan ng
doctor. Sa isang sulok, nakahimlay ang isang babaeng buntis kasama ang mister
nitong matiyagang binabantayan siya. Napansin naman nila ang presensiya ko kaya
napatayo bigla ang lalake't tinanong ako kung nasaan ang doktor. Sinabi ko na lang
na may ginagawa pa ito kahit na hindi ko naman talaga alam kung nasaan ito.

Lumapit naman ako sa mag-asawa at tinignan ito. Hindi nagkamali ang boses na
bumubulong sa 'kin, tama nga siya na nandirito lang ang isa ko pang bibiktimahin.
Si Jessica, ang kaklase kong malandi na umagaw sa dati kong boyfriend. Nakakatawang
makita siyang buntis ngayon na naging resulta ng pagiging malandi nito, sana man
lang ay sampung bata ang laman ng tiyan niya para matuto na ito't iwasan na ang
pagiging malandi.

Masaya naman akong nakipag-usap sa kanila, nagpakilala ako bilang isang De Guzman
na naaayon sa nameplate na nakadikit sa unipormeng ninakaw ko. Sinabi kong
sasamahan ko muna sila habang wala pa ang

doktor at sumang-ayon naman sila nito. Sa pag-uusap namin ay napag-alaman kong


hindi pala 'yong lalakeng kasama niya ngayon ang nakabuntis sa kaniya, tinanggap at
inako lang ng lalake ang responsibilidad dahil sa naaawa itong makita ang anak ni
Jessica na lumaking walang ama. Tumakas na raw ang totoong ama ng bata matapos
malamang buntis si Jessica.

Nang mawala ang atens'yon ng lalake sa 'kin at naituon na ito kay Jessica ay kinapa
ko ang isang ballpoint pen sa 'king bulsa at walang kagatol-gatol na sinaksak ang
lalake sa leeg. Sumirit naman ang dugo na sinundan ng pagkabagsak ng lalake.
Nabigla naman si Jessica at nagulat sa nasaksihan niya kaya bigla itong nagsisigaw
sa takot at sinubukang umalis sa kinahihigaan. Malabong maririnig kami sa labas
kaya hinayaan ko na lang itong sumigaw. Bago pa siya makatakas ay nasuntok ko siya
sa sikmura na siyang nagdulot ng matinding kirot. Habang dumadaing ito sa sakit ay
itinali ko agad ang magkabilang binti at kamay niya sa hinihigaan nito. Binusalan
ko na rin ang kaniyang bibig para hindi na ito makasigaw pa at may makakagat siyang
matigas sa tuwing magtitiis ito sa sakit.

Napansin ko namang akmang gagapang ang lalake papalayo, pero hindi na ito natuloy
nang gilitan ko ang leeg nito gamit ang scalpel na nakuha ko sa isang maliit na
mesa

Sa tulong ng scalpel ay ginamit ko ito para hiwain ang tiyan ni Jessica,


napagpasiyahan ko kasing i-caesarian na lang siya para hindi ito maghirap sa sakit
ng panganganak. Simula sa gitna ng dibdib nito ay pahapyaw kong binaon

ang talim ng scalpel at dahan-dahang hinila ito pababa.


Sa sobrang talas ng scalpel ay parang papel na hiniwa ang tiyan nito. Kasunod ng
talim ng scalpel ko ay siya ring pagsunod ng dugo na naglalabasan mula sa napunit
na karne. Panay naman sa pag-ungol ang babae at mariing napayukom ang kamao.
Mariing napakagat rin ito sa busal na halos maputol na't mapunit dahil sa
pagkakagat. Nag-uunahan na rin sa pagtulo ang mumunting butil ng luha mula sa mga
mata nitong namamaga.

Ilang saglit pa ay tuluyan ko nang mabuksan ang tiyan nito't bumulaga sa 'kin ang
sari-saring laman. Kasama sa loob ang isang sanggol na nababalutan ng manipis bagay
na parang cellophane at panay ang paggalaw nito na halatang-halata ang pagkasabik
na makalabas mula sa tiyan ng ina.

Dali-dali ko namang isinilid ang kamay ko't hinila palabas ang bata. Kusang napunit
naman ang bumabalot nito kaya nasilayan ko ang totoong kulay nito. Ang ina naman ng
bata ay mistulang nakahinga na ng maayos nang makita ang supling nito sa 'king
kamay. Hindi na nagtagal pa ay binawian rin ito ng buhay dahil sa rami dugong
nasayang. Sayang dahil sa hindi man lang magawang kargahin ng ina ang anak nito
bago namatay.

Hawak ang kaliwang binti ng bata ay binitin ko ito pabaliktad, pintutol ko na rin
ang umbilical cord para walang sagabal. Hinampas ko naman agad ang p'wet nito dahil
sa hindi pa siya umiiyak at parang natutulog lang. Ikalawang hampas ay mas
nilakasan ko pa kaya nakaiyak na ito at mitsulang nabuhay.

Hiniga ko ito sa isang dissecting pan at naghugas muna ng kamay saglit. Matapos ito
ay binalikan at binalatan ko na ang bata gamit ang scalpel at diretsong sinubo't
kinain ang karne nitong preskong-presko. Ang sarap nga ng batang kakalabas pa lang,
mas masarap ito kumpara no'ng huling bata kong kinain. Hindi na ako nakapagpigil
pa't pinulot ko ang bata at isinantabi muna ang scalpel. Inamoy ko muna ito bago
kinagat at kinain hanggang sa maubos ito at buto na lang ang natira. Sadyang
nakakatakam nga talaga ang bata dahil sa hindi ko mapigilan ang sariling kagat-
kagatin ito hanggang sa maubos.

Nang matapos kumain ay pinalitan ko ang suot kong uniporme ng isang hospital gown
kasama ang facemask. Paglabas ko ng Delivery Room ay walang tao pa rin kaya walang
nakapansin sa paglabas ko. Dumiretso ako ng C.R. para ro'n na magbihis pero sa
kasamaang-palad ay napuno ito ng ilang tao at pulis. Do'n ko lang naalala na may
iniwanan pala akong bangkay ng nurse. Kaya naghanap ako ibang C.R. at do'n hinubad
lahat ng damit at lumabas ng ospital na parang walang nangyari't inosente lang.

P.S. Ang entry kong isinulat ay dedicated kay nurse Fibbyen De Guzman na isa sa mga
nabiktima ko sa araw na 'to na ninakawan ko ng identity.

Nagmamahal,
Ariela

=================

January 7, 2013

Dear Diary,

Kagabi, napagdesisiyonan kong itapon ang katawan ni John dahil sa nakakasulasok na


ang amoy nito. Hindi ko na talaga nakayanan pa ang amoy nitong nanunuot talaga sa
ilong at medyo nakakasakit na rin. Ewan ko lang kung bakit nagkagano'n ang katawan
niya, itinambak ko lang naman ito sa cabinet at itinago ro'n ng ilang araw. Basta
nagulat na lang ako kanina nang tignan ko ito sa cabinet ay napakabaho na nito at
pinagpip'yestahan ng mga langaw, daga at uod. Nang hilain ko pa nga ito ay napunit
ang braso nito't naputol. Siguro nga ito'y dahil sa ilang araw nang nakaimbak sa
cabinet. Isinilid ko na lang ang katawan nitong nagkalasog-lasog sa sako't inilabas
ng bahay pagsapit ng hating gabi, wala na kasing makakapansin sa 'kin sa mga oras
na 'yon kaya mas mainam na lumabas sa gabi. Gaya ng ginagawa ko no'n ay dinala ko
itong katawan niya papasok ng gubat para magtungo sa sapa't ideposito itong bangkay
niya. Gusto ko rin kasi siyang isali sa grupo ng pinalubog kong bangkay ro'n para
gawing isang malaking koleks'yon.

Pero sa kasamaang-palad, hindi pala ako nag-iisa sa sapa nang makarating ako ro'n.
May nakita akong bulto ng babae at lalake na naglalandian sa ilalim ng puno at may
hagikhikan pa itong nakakainis pakinggan. Kung makapagharutan ang mga ito ay parang
wala ng bukas, walang tigil kasi silang dalawa sa paghahalikan. At kung sinuswerte
nga naman ay naaaninagan ko ang katauhan ng dalawa sa tulong ng sinag ng buwan

na tumatagos sa mga dahon ng mga puno. Hinding-hindi ako magkakamaling sina Jonas
at si May itong naglalandian. Kung hindi ako nagkakamali ay matagal-tagal na rin
silang magkasama. Isang bagay na napansin ko rin ay ang unipormeng suot ni Jonas na
pang security guard. Nakakatuwang iniwanan talaga nito ang trabaho para lang sa
tawag ng laman, nakakadismaya ang ganitong uri ng tao at ang sarap ibaon ng buhay.

Habang pinapanood ko silang naghaharutan ay biglang kinausap ako ng bulong na isa


si Jonas sa papatayin ko. Napaisip naman ako bigla at naalala na tama nga ito, isa
nga si Jonas sa mga taong may kasalanan sa 'kin. Siya ang taong mahilig manukso sa
'kin noon. Tutal hindi pa naman ako inaantok sa mga oras na 'yon ay napagpasiyahan
kong magsaya muna't sulitin ang pagkakataong nakahain. Binaba ko muna ang
pinapasang sako't bumalik sa bahay at kumuha ng isang rolyo ng barbed wire sa
stockroom. Gagamitin sana ito ni Papa para sa pagtatayo ng bakod palibot ng bahay
pero hindi na ito natuloy pa dahil sa pinatay ko nga ito. Nang makabalik ako sa
sapa'y gano'n pa rin. Hindi pa sila natatapos, ang pagbabagong napansin ko nga lang
ay wala na silang saplot at kapwa hubad na magkayakap. Napailing na lang ako sa
pandidiri't itinigil ang panonood, itinuon ko na lang ang aking pansin sa planong
gagawin.
Gamit ang barbed wire ay itinali ko ito sa dalawang puno para gawing bakod,
siniguro ko namang mahigpit itong nakatali para matibay at hindi agad mababanat.
Kung titignan ay

parang isang sampayan ito. Dahil sa mahaba-haba naman itong barbed wire ay nakagawa
ako ng limang linya na para pambakod. Siniguro ko namang sa medyo madilim na parte
ko naitali ang bakod para hindi nila mapansin. Nang balikan ko sila'y patapos na
ito.

Habang nagbibihis ito ay lumabas na ako sa dilim sabay takip sa 'king ulo ng hood
ng sinusuot kong jacket. Bitbit ang kutsilyo ay tinakot ko ang dalawang
naglalandian. Nakakatawa lang dahil sa simula'y nagkatitigan lang kami pero nang
mapansin nila ang kumikislap kong kutsilyo ay parang niyanig ang mundo nila't
nagimbal. Hinayaan ko na lang silang magsigaw sa takot at tumakbo sa inaasahan kong
gawi. Nakakatuwa lang dahil sa umaayon lahat sa 'king plano.

Sinundan ko lang sila't inabangan ang susunod na mangyayari, panay naman ang
paglingon nila sa 'kin para matignan kung gaano kalayo ang distansya naming tatlo
kaya hindi nila namalayan ang hinanda kong bitag na gawa sa barbed wire. Isang
lingon pa'y nahuli't dumikit sila sa 'king bitag na parang sapot ng gagamba. Hindi
na sila nakagalaw pa't nanigas itong nakadikit sa barbed wire na bakod. Nang
lapitan ko ito ay puro ungol na lang ang naririnig ko mula sa kanila. Napansin ko
namang hindi gaanong nabaon ang tinik ng barbed wire sa kanilang katawan kaya
itinulak ko silang dalawa para naman madama nila kung gaano kasarap ang mga tinik
nito na pumupunit sa balat at karne.

Unti-unti namang dumadaloy sa kanilang katawan ang mga dugong bumubulwak mula sa
mumunting sugat nito, mistulang nagkaroon naman sila ng damit dahil sa dugong
bumabalot sa sariling katawan. Itinulak ko pa sila ng pwersahan para mas maraming
dugo ang dadaloy at bubulwak, kaya ilang tulakan pa'y nangisay na ito at nalagutan
ng hininga.

Gusto ko sana silang iwanan na parang lamok na nakadikit sa sapot pero hindi pwede
dahil sa malapit lang ito sa pinagtataguan ko. Baka mahanap ito ng pulis at
magsagawa ng malawakang imbestigasyon sa paligid, madadali lahat ng koleksyon ko sa
sapa at mahuhuli ang hideout ko kung magkakataon man. Binunot ko na lang ang barbed
wire na nakabaon sa magkabilang kahoy at pinulupot ito sa dalawang bangkay. Halos
hindi ko na sila makilala dahil sa baon na baon talaga ang bawat tinik nito at ang
ilang balat ay natuklap na't napunit.

Magkasamang isinilid ko rin sila sa sako't inilubog din sa sapa kasama si John.

Nagmamahal,
Ariela

=================

January 9, 2013

Dear Diary,

Kanina, muli kong tinignan ang mga larawang nakadikit sa salamin para suriin kung
may tao ba akong madaling lapitan at madaling hanapin. Madali lang naman silang
hanapin lahat, ngunit may naiiba talaga't hindi na ako maghihirap pa para malapitan
siya't magilitan ang leeg. 'Yon ay si Felly, ang principal namin no'ng elementarya
na ubod ng taray at mukhang pera. At dahil may pasok naman kanina ay napagpasiyahan
kong isagawa sa araw na 'to ang malagim kong plano.

Nagbihis estuyante ako. Sinuot ko 'yong dating uniporme ko para palabasing


transferee ako't lilipat sa Kryptavian High School. Pinakulot ko na lang itong
buhok ko at nagsuot ng eyeglasses para nerd ako kung titignan.

Bandang alas nuwebe ng umaga naman ako nakarating sa paaralan, gaya ng inaasahan ko
ay napakadaling pasukin ng kanilang institusyon. Kahit na sino pwedeng pumasok
basta't magpanggap ka lang na magulang o kaya'y estudyante.

Habang naglalakad ako sa malawak na school ground ay may nakasalubong akong


estudyante, dahil sa wala naman akong kaalam-alam sa skwelahan ay napagtanong ko
kung nasaan ba ang office ng principal. Hindi ako sinagot nito, bagkus ay hinatid
ako sa harap ng opisina.

Pagpasok ko sa opisina'y binalot ako ng madilim na awra, ang awra na manunuot


talaga sa balat mo't tutusok sa buto. Kaya gano'n na rin ang pagkagimbal ko nang
makita siyang

nakaupo lang at abalang-abala sa pagpipirma ng kung ano-anong papeles. Hindi pa nga


ako nakatanong no'n pero sinalubong niya ako ng tanong kung bakit ako naroon at
ba't ako pumasok na hindi naman ako pinatawag.

Bago pa ito magalit sa kakatanong ay sinagot ko ito agad, sinabing magpapa-enroll


ako at papasok ako sa paaralan niya. Napataas naman ang kilay nito't suminghal na
kung bakit ngayon pa raw na January na, masyadong late na raw. Hinintay ko na lang
siya at hinayaang mag-ingay muna. Pinatagos ko lang sa kabilang tainga ang
pinagsasabi nito at umupo muna sa upuang nakalaan sa harap nito para magpaliwanag
kung sakaling makikinig naman ito.

Akma na sana akong magsasalita pero nababara naman ako nito at napapatihimik dahil
sa bigla-biglang tumataas ang tono nito kapag magsasalita ako sabay taas sa kamay
niya't sumisenyas na "tumigil".

Dahil sa naririndi na talaga ako sa boses nito ay padabog kong inilapag ang sobre
sa mesa nito. Kusa naman siyang natigil at napatitig sa sobre na halos pumutok na
sa laman, nakakatawa ang mukha nitong tulalang-tulala sa sobre. Alam kong alam
niyang pera 'yon kaya parang aso siya kung makapag-laway habang tinitignan ito.

Sa kasong 'to ay kinakailangan ko talagang isakripisyo ang pera ko para lang makuha
ang loob niya, alam ko namang kahinaan niya itong mga pera kaya sumugal talaga ako
para lang mahulog siya sa 'king bitag at mapatay ko na agad.

Inutusan ko naman siyang buksan 'yong sobre para matignan ang laman, ramdam ko
kasing nag-aalangan itong tignan ang laman.

Napailing na lang ako nang dali-dali niya itong inabot at binuksan sabay latag sa
mesa ang mga pera ko na nakuha sa pagsasangla ng alahas namin. Isa-isa niya itong
binilang, mistulang kuminang naman ang mga mata nito nang mag-total ito ng isang
daang libo. Matapos mabilang ito'y agad niyang inamoy at ninamnam ang amoy ng
tumataginting na pera. Matapos masulit ang mabangong amoy nito ay inilapag niya sa
mesa ang pera at dali-dali akong tinanggap sa paaralan, may kasama pa itong
"Congratulations!". Pero hindi na siya nakapagpatuloy pa dahil sa napatulala na
lang ito bigla, taimtim lang siyang napatitig sa 'kin habang ang mga mata nito'y
nangungusap kung ano ang ginawa ko.

Do'n na ako napahalakhak sa harap niya, halakhak ng taong nakaganti. Hindi nagtagal
ay bumagsak ang ulo nito't nakatulog sa ibabaw ng mesa. Ang hindi niya alam ay
nilagyan ko ng chloroform ang pera kaya gano'n na lang ang naging resulta nito nang
malanghap niya ang kemikal. Nagamit ko talaga ang pera para magtagumpay, pero hindi
ito naging matagumpay kung hindi dahil sa pagiging sakim niya sa pera.

Mabuti na lang ay kaming dalawa lang ang nasa loob ng opisina niya at magagawa ko
ang aking gusto. Hindi sapat ang patulugin lang siya sa katiting na chloroform,
kailangan ko ng mas matinding parusa para naman hindi masayang ang panahong inilaan
ko rito. Minsan lang naman ito, kaya mas magandang sulitin na lang. Nagpalinga-
linga muna ako sa paligid para tignan kung may paparating ba kung sakali. Nang
makitang wala ay do'n na ako umatake.

Kumuha ako ng ballpoint pen at pum'westo sa likod niya't pinagsaksak ang sikmura
nito. Sa paraang gano'n ay napoprotektahan ko ang aking sarili mula sa dugong
tatalsik, hindi naman gaanong malalim ang sugat nito pero sapat na ito para patayin
siya sa pagkaubos ng dugo. Itinulak ko na rin ito at hinayaang mahulog ang katawan
nito sa sahig. Habang tinitignan siya ay nakadama naman ako ng pagka-uhaw ng dugo,
para mabigyan ito ng solusyon ay tinanggal ko lahat ng laman ng ballpoint pen at
ginamit itong "straw" para sipsipin ang dugo nito. Tumigil naman ako nang mabusog
sa dugo niya na lasang bakal.
Sayang naman ang pagkakataong nakapasok ako kaya nilimas ko na lang lahat ng perang
nakatago sa drawer nito. Nakakamangha dahil sa limpak-limpak pala ang perang
tinatago nito kasama ang mga gintong alahas. Dali-dali ko itong isinilid sa bag
lahat para naman may pang-tustos ako sa pang-araw araw na buhay.

Bilang pamamaalam ko naman sa kaniya ay sumulat ako sa malinis na papel ng "Mukha


akong pera. H'wag tularan!" at idinikit ito sa noo niya at agad na nilisan ang
lugar.

Nagmamahal,

Ariela

=================

January 10, 2013

Dear Diary,

Kaninang umaga, habang gumagala ako at naglalakad ay may nadaanan akong nagbibenta
ng mga diyaryo. Hindi naman ako mahilig sa mga dyaryo pero biglang may bumulong na
naman sa 'kin na basahin ko raw ang nangungunang artikulo nito. Wala namang masama
kung babasahin ko ito at libre rin naman kaya lumapit ako sa isang mesang tadtad ng
diyaryo at kumuha ng isa.

Hindi na ako umalis pa't binasa agad ang sinasabing nangungunang balita. Napanganga
naman ako nang mabasa ang pangalan ni Drew sa artikulo, sinasabing pinatay ito
kahapon lang ng dalawang 'di pa kilalang gunmen na nakasakay sa motor at hanggang
ngayon naman ay tinutugis na ito ng pulisya dahil sa may lead na ito kung sino ang
pangunahing salarin. Isa sa tinitignan nilang motibo ay patong-patong na atraso sa
iba't-ibang tao. Kilala kasing basagulero itong si Drew kaya hindi na
nakakapagtataka kung may nagbabantang papatayin ito. Nakakapanghinayang lang dahil
sa napatay na ito ng ibang tao at hindi ako. Nakakabwisit dahil sa ang gusto ko ay
ako 'yong magpapahirap sa kaniya hanggang sa mamatay ito. Napaisip naman ako sa
puntong 'yon. Dahil sa hindi nga ako ang pumatay nito, pwede ko rin namang
pagsawaan at paglaruan ito.
Bago magtanghalian ay nagtungo ako sa Ivaneem 701 General Hospital para i-claim ang
bangkay ni Drew, napag-alaman ko kasi na wala pang kumuha sa katawan nito sa
morgue. Siguro kung hindi ako nagkakamali ay nasa probinsya ang magulang nito at
walang kaalam-alam sa sinapit ng kawawang anak. Gano'n pa rin ang hospital; malinis
ang pasilidad, abala ang lahat, maraming taong nagluluksa dahil sa

namatayan siguro ng mahal sa buhay at marami ring masaya na dahil rin siguro sa
tuluyang paggaling ng mahal nito. Maliban do'n ay may nadagdag na mga larawan sa
pader, ito ay ang mukha ko na may nakasulat na "Wanted!" At may patong na malaking
halaga ang ulo ko. Halatang nakua nila ang mukha ko Sa CCTV, medyo blurry kasi.
Nakakatawa lang dahil sa hindi na nila makikita ang babaeng 'yan, iba kasi ang ayos
ko ng mga araw na 'yon at hindi ko na ito ibabalik pa. Buti na lang din ay
nakapaglagay ako ng make-up kanina at nabago ko ang aking sarili. Medyo naging
kayumanggi amg kulay ko't ginawang pang magsasaka 'yong outfit ko---isang manipis
na pulang saya at puting blouse.

Agad naman akong nagtungo sa morgue. Pagpasok ko'y binulaga ako ng sandamakmak na
bangkay na tintakpan ng puting tela. Sinalubong naman ako ng isang lalake na sa
tantiya ko'y naka-assign sa morgue. Tinanong niya kung may kukunin ba akong
bangkay, kaya sinabi ko na lang na kapatid ako ni Drew at naroon ako para kunin ang
bangkay nito.

Nag-aalangan man ay napatango na lang ang lalake at dinala ako sa bangkay ni Drew
na natatakluban ng puting tela. Binuksan naman ito ng lalake at do'n ko na nakita
ang mahimbing na natutulog na bangkay ni Drew, kasama nito ay isang papel na
nakapatong sa dibdib niya. Kinuha naman ito ng lalake at inabot sa 'kin, nang
masuri ko ang laman ng papel ay nagimbal ako nang malaman na hospital bills pala
ito. Ayon sa lalake ay na-embalsamo na ang bangkay ni Drew kaya mayroong gano'ng
babayaran. Medyo mabigat nga ito sa bulsa, pero ito nama'y para sa 'king sarili
kaya nagbayad na lang ako. Isa pa ay ninakaw

ko lang naman ang pera kaya okay lang na gastahin ko ito. Wala ng ibang problema
pa't agad na ni-release ito nang makapagbayad ako.

Nang makarating sa basement ay inilapag ko kaagad ang bangkay ni Drew sa mesa at


inilabas mula sa body bag. Hubo't-hubad ko itong iniwan at kumuha muna ng lagari,
martilyo at pako. Gamit ang lagari ay nilagari ko ang kaliwang balikat nito sa
pababa at patagilid na direksyon. Plano ko kasing lagariin ng pa-"X" katawan nito.

Mahirap dahil sa matitibay ang buto nito at natatagalan ako bago maputol ng tuluyan
ang mga ribs nito. Pero kahit na gano'n ang hirap ay nag-enjoy naman ako sa tuwing
nakikita ko 'yong laman niyang lumalabas o nararamdaman na napupunit ang laman nito
sa loob. Nakakapanibago nga lang ay wala itong dugo, walang dugo na tatalsik sa
'king katawan bawat paglagari at walang dugo na aagos mula sa katawan nito. Kinuha
na lahat ng dugo nito mula pa sa hospital.

Pero sa kalagitnaan ng paglalagari ko ay natigil ako nang matamaan ko ang spinal


cord nito. Napakatibay dahil sa nahirapan talaga akong lagariin ito at panay ang
biglaang pagtigil ng lagari na animo'y hinahawakan ito ng spinal cord para hindi
malagari ang buto. Nakakapanghinayang dahil sa hindi ko mamamarkahan ang katawan
nito ng "X", kaya napagdesisyonan kong ihiga ito sa 'king kama at pinako ito. Hindi
naman gaanong makapal 'yong kutson ko kaya tumagos talaga 'yong pako't bumaon ito
sa kahoy. Nang mapako na ang magkabilang kamay at paa nito'y do'n ko na pinaglaruan
ang hubad nitong katawan.

Pinaghahampas ko ang hubad nitong katawan mula sa binti patungo sa leeg gamit ang
isang maso, mahina lang kasi ang epekto ng martilyo kaya mas mabuting maso na lang
para isang hampas lang ay durog talaga agad. Bawat paghampas ko'y may kaakibat na
masamang alaala noong nakaraang taon. Buhay ba buhay pa sa 'king isipan ang
kalokohan niyang kunan ako ng stolen shots at sinisiguro naman niya na katawa-tawa
ang mukha ko. Kapag may nakukuhang nakakatawa ay pinapatingin niya ito sa 'ming
kaklase para pagtawanan ng lahat. Kaya kanina, ang masamang alaala niyang itinanim
ay ang nagtulak sa 'kin na gumawa ng katawa-tawa niyang hitsura para pagtawanan.

Patuloy lang ako sa paghampas hanggang sa madurog na talaga ang lahat nitong buto
at laman sa loob. Maliban sa ulo niya'y para siyang papel kung titignan, flat na
flat na talaga ito at ang ilang buto ay lumilitaw na sa balat nito. Kumuha naman
ako ng pliers at binunot lahat ng butong nakalitaw para mas lalong kaaya-aya itong
tignan.

Nang malinis ang lahat ay tuwang-tuwa akong nakatingin sa katawan ni Drew, halos
mawalan na ako ng hininga sa sobrang tawa habang pinapanood ito. Nang kumalma ang
sarili at natigil na sa pagtawa ay humiga't pumatong ako sa katawan niyang durog at
ipinatong ang ulo ko sa ulo rin niya. Nagsilbing unan ang ulo niya at ang katawan
naman ay bedsheet. Nakakamanghang napakasarap nito sa pakiramdam at
napakakumportable, mas masarap pa itong higaan kesa sa kutson ko.

Kaya napagpasiyahan kong gawin na lang itong sariling higaan matapos itong matuyo.

Nagmamahal,

Ariela

=================

January 13, 2013

Dear Diary,

Maayos naman ang nagdaang araw para sa 'kin. Gano'n pa rin ang takbo ng buhay;
naghahanap ng taong kailangang patayin at taong kailangang pagbayarin ng utang.
Kanina maaga akong bumangon mula sa paborito kong higaan--- ang natuyong katawan ni
Drew na pinaghahampas ko. Nakakatuwang napakasarap ng tulog ko dahil sa katawan
niya't ulo, napakakomportable nito na mapapaayaw ka talagang bumangon. Maaga akong
nagising dahil sa ito'y payo ng bulong sa 'kin na kailangan kong agahan para
madadakip ko raw ang tatlong babaeng nasa listahan ko. Sayang naman kasi ang
pagkakataong nagsama ang tatlo kaya hindi ko na ito pinalagpas pa't nagplano
kaagad.

Nalaman ko rin kanina sa bulong na ang mga babaeng papatayin ko ay sina Maggy,
April, at Christine pala. Kaya gano'n na lang ang pagkasabik ko dahil sa matagal na
akong naiirita sa kanila. Laking pasasalamat ko rin na lang dahil sa hindi na ako
magre-research pa patungkol sa tatlo at nabigyan na agad ako ng impormasyon. Ayon
sa bulong ay magkakaroon ang tatlo ng meeting sa isang sikat na coffee shop dito sa
'min at 'yon na lang ang natitirang malaking pagkakataon para mahuli sila.

Bago mag-alas otso ay nag-abang na ako sa labas ng Coffee shop. Suot ang daster,
wig na kulot at kulay puti at make-up na pangmatanda ay nagmumukha akong ale na
namamalimos sa tabi-tabi lang. Kahit nagmumukha akong katawa-tawa ay tiniis ko na
lang, alang-alang sa misyon kong makuha silang tatlo.

Saktong alas otso ay sunod-sunod silang nagsidatingan

sa Coffee shop at pumili ng pwesto. Ako nama'y pumasok rin at kumuha ng pwestong
medyo malayo mula sa kanila na saktong-sakto naman para manmanan sila, tamang-tama
para marinig ko sila. Hindi ko inaakalang ang dating inaayawan kong mga babae ay
magiging ganito kaswerte sa buhay, halata sa damit na suot nila ang pagkakaroon ng
mataas na antas sa lipunan--- napakayaman nila.

Habang nag-uusap usap sila patungkol sa business nila ay tahimik lang akong
nagkape't nag-isip ng plano. Ang sarap sana nilang lasunin habang nagkakape kaso
ang dali naman ng ikakamatay nila, hindi man lang magawang maghirap. Ang sarap rin
nilang sugurin para gilitan ng leeg o kaya'y barilin na lang, pero gaya ng nauna'y
hindi pa rin pwede, masyadong marami ang taong nakapalibot sa 'min.

Ilang saglit pa'y napansin kong nag-impake na sila sa mga kagamitang nakalatag sa
mesa, ako nama'y dali-daling lumabas para maunahan sila. Hindi na ako lumingon pa
at pum'westo sa tabi ng kalsada na medyo malayo sa Coffee shop. Do'n sa 'king
pwesto ay taimtim ko silang minanmanan habang naglalakad palabas at nagtungo sa
kaniya-kaniyang kotse. Gaya ng naobserbahan ko kanina ay do'n sa kabilang direksyon
dadaan sina April at Christine. Dito naman sa kabila, sa pwesto ko ay dadaan si
Maggy.

Dahil nga sa hindi ako makalapit sa kanila ay ito na lang ang nakikita kong paraan
para makuha sila.
Naghintay lang talaga ako ng pagkakataon.

Seryoso kong sinundan ng tingin ang kotse ni Maggy na tumatakbo na paparating sa


gawi ko. Napakaliit ng tsansang kinakapitan ko pero wala na akong pwedeng asahan pa
at sasayangin.

Nang ilang metro na lang ang pagitan ko at ng sasakyan ni Maggy ay dali-dali akong
tumawid at tumigil sa gitna. Sa sobrang lakas na ng takbo niya ay malabong
makakapag-break ito. Kaya isang kurap pa lang ay naramdaman ko ang malakas na
pagdampi ng bakal sa 'king braso na nagdulot ng agarang pwersa ng pagtulak sa 'kin
palipad.

Tumilapon ako't nagpagulong-gulong sa magaspang na kalsada kaya hindi nakaligtas


ang balat ko sa pagkakagasgas. Halos hindi ako makahinga ng maayos dala ng
pagtitiis mula sa 'di mawaring hapdi sa 'king balat at sakit sa 'king buto. Kahit
nanlalabo ang aking paningin ay nagawa ko pang maaninagan ang mga dugong dumadaloy
sa 'king mga sugat. Natatakam mang tikman ito ay pinigilan ko muna ang sarili dahil
sa pinapalibutan na ako. Halos hindi ko na magalaw ang aking katawan, gustuhin ko
mang igalaw ito ay sakit lang ang naidudulot. Ang ulo ko rin ay parang mabibiyak sa
sakit. Gano'n pala ang pakiramdam kapag nasagasaan ka---mahirap. Do'n na ako
nakapagdesisyon na ipaubaya na lang ang lahat sa kapalaran ko't plano.

Mapalad nga lang dahil sa hindi ako tinakbuhan ni Maggy. Napagtanto ko rin na
gano'n pa rin si Maggy, ang babaeng may malasakit at awa sa kapwa. Kaya ang
kwestyonable kong plano'y

naging matuwid dahil sa kaniya, kumbaga siya ang dahilan o ang susi bakit ako
magtatagumpay nito. Kung tutuosin nga ay dapat iiwanan ako ni Maggy matapos
masagasaan ako dahil sa ako ang may kasalanan, ako 'yong tumawid kusa kahit na may
rumaragasang sasakyang paparating. Pero hindi, hindi niya ako tinakbuhan.

Kahit nakapikit ang mata ko'y naramdaman kong binuhat niya ako at isinakay sa kotse
niya. Hindi man lang ito nandiri sa dugong kumakapit sa damit niyang puti. Puro
daing lang naman ang sagot ko sa bawat tanong niyang okay lang ba raw ako, kung ano
ba ang masakit, kung kaya ko pa ba. Hinayaan ko lang siyang parang mabaliw
magpanic, napansin ko rin na halos hindi na siya makapag-isip ng maayos dahil sa
gulong-gulo na ang isipan niya sa mga pangyayari.

Buti na lang at backseat niya ako inilagay at magagawa ko ang aking gusto na hindi
niya napapansin. Pinaalahanan naman niya ako na dadalhin niya raw ako sa hospital,
pero pinilit kong magsalita at tumanggi ako't sinabing sa bahay na lang kahit na
namamaos ang boses ko dala ng pag-inda sa sakit na nadarama. Nagdadalawang-isip
naman siya kung ano ang gagawin; ang ihatid ako sa ospital o ang iuwi ako sa 'min.

Habang gulong-gulo pa siya kung ano ang gagawin ay hinugot ko mula sa 'king bulsa
ang panyong may Chloroform at inatake siya sabay takip nito sa ilong niya. Hindi na
ito nakapalag pa at nawalan agad ng malay. Kahit nananakit na talaga ang katawan
ko't halos ikabaliw ko na ang hapdi ay inabot ko pa rin ang manibela at ako na ang
nag-drive, itinabi ko naman ang katawan ni Maggy at

ako na ang pumalit sa pwesto niya. At nag-drive ako pauwi na parang mamatay na
talaga sa sakit.

Nang makarating kami sa abandonadong bahay ('yong may natutulog na matandang pulubi
no'ng nakaraan taon na pinatay ko para sagipin siya mula sa paghihirap) na malapit
lang din sa pinagtataguan ko ay tinext ko ang dalawa niyang kaibigan, sina April at
Christine na i-track at i-locate ang Cellphone ni Maggy dahil sa kinakailangan niya
ng tulong sa nasagasaan nitong matanda. Wala na kasi akong ibang paraan para makuha
sila kung hindi ang palapitin sila sa 'min kesa sa ako ang lumapit sa kanila.
Gustuhin ko mang ako 'yong lalapit at huhuli sa kanila ay hindi ko magawa dahil sa
hinang-hina na talaga ako.

Hindi nga nagtagal ay na-locate nila kami sa abandonadong bahay, dahil sa naunang
dumating si April ay nauna itong lumapit sa kotse ni Maggy para alamin ang
nangyayari. Pinagbuksan ko naman ito at gulat na gulat naman siya nang makitang
walang malay si Maggy at ako nama'y duguan. Akma na sana siyang tatakbo pero nahila
ko agad siya papasok at napalaghap ng Chlorofom. Kaya walang kahirap-hirap ko
siyang nahuli.

Gano'n na rin ang ginawa ko kay Christine na dumating ilang minuto ang makalipas,
pinagbuksan at sinalubong ng Chloroform sa ilong.

Gabi na nang malabas ko ang tulog pa rin nilang katawan. Kinaladkad ko ito mula sa
abandonadong bahay papasok ng gubat at sinundan ang sapa patungo sa bakuran namin.
Tatlong beses akong pabalik-balik kaya parang pinarusahan talaga ako dahil sa sakit
ng aking katawan. Idagdag mo pa ang bigat nila at ilang sugat ko ay nakakamatay na
talaga. Isang napakalaking sakripisyo ang ginawa ko.

Pero lahat ng 'yon ay tiniis ko, tiniis ko alang-alang sa 'king kagustuhan at para
makapaghiganti na rin ako. Sinisiguro ko ring hindi masasayang ang pinaghirapan ko,
sisiguraduhin kong magsasaya ako habang unti-unti silang pinapatay.

Nagmamahal,

Ariela

=================

January 14, 2013


Dear Diary,

Kahapon ay hinayaan ko muna ang tatlo na mabuhay. Itinali ko sila sa upuan palibot
ng mesa't binusalan at hinayaan do'n magdamag. Alam kong mahirap manatiling nakaupo
buong magdamag na hindi nagagalaw ang katawan kaya pinalanghap ko ulit sila ng
Chloroform para makatulog. Gusto ko sana silang patayin kagabi, kaso ang sakit
talaga ng katawan ko na halos hindi ko na magalaw at ang masama pa ay namamaga na
ito. Hinayaan ko muna sila at binigyan ng tamang oras para makapagdasal naman para
sa nalalabi nilang oras habang ako nama'y binigyan ang sarili ng pahinga matapos
mabigyan ng paunang lunas ang lahat ng sugat.

Simple lang naman ang dahilan ko kung bakit sila kinuha at ginawang bihag, 'yon ay
para mabura sa loob ko ang galit na itinanim nila noon pang nasa elementarya kami.
Naalala ko pa, no'ng Grade 3 ako at Grade 6 silang tatlo ay ako palagi ang nagiging
tuta nila. Palagi kasing masarap no'n ang ulam ko't baon na snacks, kaya tuwing
recess time at lunch break ay pinupuntahan nila ang room ko at kinukuha ang mga
baon kong dala. Lahat inuubos nila at walang tinitira para sa 'kin. No'ng una ay
okay lang sa 'kin dahil sa ang kapalit nito ay magiging magkaibigan kami habang-
buhay daw, kaya naman kahit gano'n sila ay hinayaan ko na lang na kainin nila lahat
ng baon ko dahil sa nakaka-proud magkaroon ng kaibigang mula sa mataas na baitang.
Pero isang araw ay nagising na lang ako na inaabuso

lang pala nila ako't pinapakinabangan. Hindi pala nila ako kaibigan. Na hindi pala
nila ako tunay na kaibigan.

Balak ko sana silang gantihan at pero 'di pwede dahil sa napakaliit ko pa noon at
'di hamak na matatangkad rin sila. Binalak ko ring isumbong sila kila Mama at Papa,
pero napuna ko namang sa huli ay ako pa rin ang papagalitan nila at hindi 'yong
matatakaw na mga babae at isa pa ay ga-graduate rin naman sila kaya kahit papano'y
sapat na 'yong isang taon na paghihirap ko mula sa kanila.

Pero hindi ko magagawang kalimutan 'yong ginawa nila.

- - -

Kanina nang magising ako ay halos hindi ako makapagsalita dahil sa mangha at gulat.
Nakakagulat na nakakamanghang malamang hindi na ako nakakaramdam ng ni kahit na
anong sakit mula sa sugat o sa katawan ko. Kagabi nga ay parang mamamatay na ako sa
kakainda ng sakit pero sa ilang oras na tulugan lang ay bigla na lang napawi lahat
ng sakit kahit na hindi naghihilom 'yong mga sugat. Malabong mangyayari 'yong
gano'n. Wala naman akong tinurok na anesthesia kaya nakakapagtataka talaga kung
bakit ako masigla't malakas ngayon.

Pero nasagot naman lahat ng tanong ko nang may magsalita sa 'king isipan na
nagsasabing siya raw ang tumulong sa 'kin para hindi ako matagalan sa pinaplano
kong paghihiganti. Naisip ko na naman na hindi malabong hindi siya ang tumulong sa
'kin dahil sa nagawa niya nga akong sagipin no'ng pasko mula sa mga pulisna mas
mahirap pa 'yon. Kaya nagpasalamat na lang ako sa kaniya

sa isipan.

Habang tulog ang tatlo ay nag-ayos ako't naghanda para sa lalaruin namin. Nang
matapos lahat ay pwersahan kong ibinagsak ang tatlong sako sa mesa na siyang
ikinagulat ng tatlo at naging dahilan kung bakit sila biglang nagising ng wala sa
oras. No'ng una'y parang natulala lang sila habang iginagala ang paningin sa
paligid pero nang magbalik sila sa katotohanan at napagtanto nilang nasa basement
ko sila ay do'n na sila nag-unahan sa pag-iyak at pagsigaw na humihingi ng saklolo
kahit na may busal ang kaniya-kaniyang bibig.

Ilang saglit pa, nang tumahan sila ay tinanggal ko ang busal ni Maggy at inutusan
siya na pumili ng isa sa tatlong sako. Imbes na sagutin ako nito ng napili niyang
sako ay sinigawan ako nito at dinuraan sa mukha. Diring-diri ako dahil sa kumapit
talaga sa pisngi ko ang laway nitong malapot. Pinahid ko naman agad ito at mahigpit
na nagtimpi sa kaniya, natatakot kasi ako na baka hindi ako mapigilan ang sarili at
magilitan ko agad ang leeg nito. Masasayang na tuloy ang pinaghirapan ko kung
mauuwi lang ang lahat sa agarang pagkamatay nila.

Para makaganti sa kaniya ay marahas kong hinila ang buhok nito pinaharap sa mukha
ko. Nang magtama ang paningin namin ay mariin kong sinabi sa kaniya na magagawa
kong paslangin ang magulang nito't buong angkan kung hindi ito susunod sa 'kin.
Nakita ko naman agad ang pagbago sa ekspresyon nito nang mabanggit ko ang katagang
magulang, bigla na lang siyang naging maamo

at takot. Tinanong ko ulit siya kung susunod ba ito sa 'kin at natawa na lang ako
nang nanginginig na tumango ito.

Nakakatawang malaki talaga ang epekto ng pamilya sa isang indibid'wal. Kapag


pamilya na ang pinag-uusapan ay makakaya mong gawin ang lahat para lang sa
kaligtasan nila, kaya mong isakripisyo ang lahat para sa kanila. 'Yon din ang
dahilan kaya ko nga pinayay ang mga magulang at angkan ko para kapag darating ako
sa ganitong uri ng sitwasyon ay hindi ako mahihirapan at maiipit kapag may
pamilyang madadawit.

Pumili na nga siya ng sako. Medyo natagalan pa nga ito dahil sa masinsinan talaga
niya itong pinag-isipan. Naghintay naman ako ng ilang saglit hanggang sa mapili
niya ang sakong may markang "1".

Hindi ko naman mapigilang hindi matawa. Nakakatuwa kasi napakaraming bagay ang
naglalaro na sa 'king isipan; ang magiging reaksyon niya at ang mangyayari niya sa
pagkakatong kukunin ko ang bagay na nakatago sa loob ng sako.
Hindi ko na pinatagal pa't hinila siya paatras at papalayo ng mesa. Ang dalawa kong
bihag nama'y umiiyak lang habang walang kamalay-malay sa susunod na mangyayari.
Pero nang sabihin kong ang bagay na nasa loob ay magiging dahilan bakit sila
mamatay ay gano'n na lang ang pagkagulat nila't pag-iyak sa takot lalong-lalo na si
Maggy dahil sa mauuna nga siya.

Habang tangan-tangan ang sakong naglalaman ng kapalaran niya ay nagpumiglas ng todo


si Maggy, umaasang makatakas mula sa mahigpit na pagkakatali sa upuan. Unang
nahugot ko ay

ang bumbilya, kahit wala pa akong ginagawa ay parang takot na takot na siya at
sobrang bilis ng pagsinghap nito ng hangin habang titig na titig sa hawak ko. Batid
ko na maraming bagay-bagay ang gumugulo sa kaniyang isipan maaaring gawin ko sa
bumbilya para ikamatay niya, pero 'di nga lang siya sigurado kung ano nga ba ang
gagawin ko. Itinabi ko muna ang bumbilya at kinuha ang isa pang bagay sa loob---ang
bote.

Dala-dala ang dalawang bagay na nahugot ko mula sa sako ay pum'westo ako sa likod
ni Maggy na kung saan kaharap ko ang dalawang bihag pa na makakasaksi rin sa
gagawin ko. Sabik na sabik ko namang hinampas sa ulo ni Maggy ang bote na siyang
ikinagulat ng lahat. Nabasag ang bote na nagdulot rin ng pagdurugo sa ulo ni Maggy
dahil sa lakas ng paghampas ko. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumigaw ng ubod
ng lakas sa sobrang sakit, pero wala akong pakialam dahil sa nasa basement kami at
hindi maririnig ang boses nito mula sa labas. Kaya okay lang na sumigaw siya nang
sumigaw hanggang sa mapaos at mawala ang boses nito.

Ang hawak-hawak ko naman na naiwang parte ng bote ay isinaksak ko sa sikmura niya,


dahil sa matalas ang ilang dulo nito ay hindi mahirap sa 'kin ang ibaon talaga ito
sa kaloob-looban niya. Muli ay napasigaw si Maggy, at ang mga kaibigan naman niya'y
halos magwala na sa kinauupuan na parang hayop na mabangis. Pero kahit gano'n ay
damang-dama ko na gusto nilang makawala sa tali para tulungan ang kaibigan nitong
naghihirap.

Habang sumisigaw pa Maggy ay dali-dali kong isinubo ng pwersahan ang bumbilyang


hawak sa bibig nito, medyo may kalakihan naman ang bumbilya kaya hindi buo ang
napasok sa bibig nito.

Sobrang namangha naman ako nang biglang madurog ang bumbilya sa bibig niya sa
kadahilanang hugutin ko ang nakasaksak na boteng matalas sa sikmura nito. Dahil sa
pag-iinda sa sakit ay parang isinawalang-bahala niya ang bumbilya sa bibig kaya
nakagat niya ito't nadurog sa bibig.

Tuwang-tuwa naman akong makita siya na sumusuka ng dugo kasama ang bubog.
Muli, sa huling pagkakataon no'n ay pinagsaksak ko siya ng paulit-ulit sa sikmura't
dibdib at nang makita siyang nangingisay na ay dali-dali kong ginilitan ang leeg
nito para pumulandit ang dugo. Nang umagos ang masagana nitong dugo ay agad ko
naman itong sinipsip para mapawi ang aking pagkauhaw.

Nagmamahal,

Ariela

=================

January 16, 2013

Dear Diary,

Wala akong pinaslang kahapon dahil sa may makakain pa naman kami---si Maggy.
Sinigangan ko lang 'yong karne niya, lalong-lalo na 'yong ribs nito at binti,
sobrang maasim nga pero sapat na ito para buhayin ang natutulog na isipan ng dalawa
ko pang bihag. Nakakatuwa lang na naubos talaga namin ang buong katawan ni Maggy sa
ilang kainan lang, maliban lang sa ulo nito na gagamitin ko para sa pagsisimula ng
bagong koleks'yon ng mga bungo.

Ewan ko lang kung alam ba ng dalawa na si Maggy 'yong hinain ko para makain nila.
Takam na takam kasi sila kung kumain at halatang gutom na gutom. Halos wala namang
matira bawat bowl nila na siyang ikinatuwa ko. Halatang-halata kasi matatakaw nga
sila hanggang ngayon. Siguro nga alam nila na si Maggy 'yon pero wala na talaga
silang ibang magagawa pa kung hindi ang kumain para lumaban sa gutom at mabuhay.

Kanina, nang kumain kami pang-agahan ay eksaktong naubos na talaga ang karne ni
Maggy, kaya napagdesisyonan ko na kumatay ulit para may makain na naman kami. At
ang napili ko ay si Christine, medyo mataba naman kasi ito kaya sapat na talaga
para sa 'min ni April at ilang pulubing maaaring matulungan ko.

Gaya ng ginawa ko kay Maggy ay pinapili ko siya sa dalawang sakong natira na may
kaniya-kaniyang marka na "2" at "3". Ang akala ko ay sasagot ito at makakapili
kaagad dahil nga sa ilang oras nang nakalatag sa harap nila ang dalawang sako, kaya
batid kong nakapag-isip at nakapili na talaga sila, pero nagkakamali pala ako.
Hindi talaga niya ako sinagot.

style="text-align:left;">Binigyan ko siya ng ilang minuto para pumili pero wala


talaga itong imik at matalim na tingin ang ipinukol sa 'kin. Nainis naman ako dahil
sa hindi ko siya magawang kontrolin, kaya nagpasya akong takutin siya na kakatayin
ko ang pamilya nito kapag 'di siya susunod sa 'kin. Mas lalo tuloy akong nabwisit
nang hindi pa rin siya natitinag o natatakot man lang.

Sinubukan ko rin na sugatan si April at pahirapan sa harap niya, hiniwa-hiwa ko ang


braso nito at binti hanggang mapuno na ang katawan nito ng hiwa. Pero gaya ng
inaasahan ko ay naging bato pa rin ang damdamin nito at hindi man lang naawa sa
kaibigan niya. Napabilib niya talaga ako sa inakto niyang pagmamatigas, kaya bilang
kaparusahan dito ay ako ang nagrepresentang pipili ng sako para sa kaniya.

Dahil sa desisyon ko ay natibag ang mataas niyang pader at nagsimulang matakot.


Labis naman ang tuwa ko't humahalakhak na hinila siya paatras ng mesa. Habang
kinukuha ko ang napili kong sako para sa kaniya ay parang mababaliw na si Christine
sa kakapumiglas at nagwala talaga sa kinauupuan. Ang akala ko lang talaga ay
panghabang-buhay na 'yong pagiging matigas niya, 'yon pala ay pansamantala lang.
Ang akala niya siguro ay madadala niya ako sa pagmamatigas niya pero hindi. Ako pa
rin ang makapangyarihan dahil sa nakatali siya't malaya akong may dala-dalang
kutsilyo.

Habang hawak-hawak ko ang sako at ang bagay na nasa loob ay sumasayaw ako sa harap
niya para asarin ito at takutin na rin. Wala siyang magawa kung hindi ang maiyak na
lang at tanggapin 'yong madugong

katotohanan na mamatay talaga ito. Labis naan ang pagkagimbal nito nang mahugot ko
ang bagay na papatay sa kaniya---isang martilyo.

Nagmakaawa siya agad sa 'kin na h'wag siyang patayin at hayaan na lang siyang
mabuhay. Kahit na nahihirapan itong magsalita dahil sa busal na nasa bibig ay
naintindihan ko pa rin ang mga sinasabi nito. Pero hindi ko siya pinakinggan at
pum'westo na lang sa harap niya.

Ilang saglit pa'y namalayan ko na lang ang sarili ko na hinahampas ang mukha niya
ng martilyo, puro daing at iyak na lang ang nagagawa niya sa tuwing nahahampas ko
siya't dumadampi ang malamig na martilyo sa mukha nito. Dinig na dinig ko rin ang
tunog ng nababasag ng buto nito sa panga't pisngi.

Patuloy pa rin ako sa paghampas sa kaniyang magkabilang pisngi at hindi man lang
naisipang tumigil, basta't paulit-ulit lang alo sa paghampas hanggang sa mayupi na
ang mukha nito. Nayupi na nga ang mukha niya pero sa puntong 'yon ay buhay pa siya
kahit na sumusuka na ito ng dugo. Hindi sa minamadali kong mamatay siya pero
napagpasiyahan kong gamitin ang sungay ng martilyo para panghampas.

Wala siyang kamalay-malay na inikot ko pala ang hawak-hawak kong martilyo at agad
na hinampas siya sa noo. Bumaon naman ang sungay ng martilyo sa kaniyang noo na
nagdulot ng labis na pagdurugo at pagdaloy ng malapot niya dugo sa mukha nito. At
nahirapan naman akong bunutin ito dahil sa bumaon talaga ito sa loob ng noo niya.
Nang pwersahang mabunot ito ay sagad-sagaran ko na siyang pinaghahampas sa mukha.
Do'n na nagsiliparan ang sari-saring ngipin at ang nadurog nitong mga mata. Hindi
rin nakaligtas ang mukha ko sa mga dugong nagtatalsikan at parang maskara itong
dugo kung makatakip sa 'king mukha na siya rin namang ikinagusto ko. Ilang saglit
pa ay napagod rin ako at tumigil na rin sa kakahampas ng mukha niya.

Nang tignan ko ito para malaman kung ano ang kinahinatnan ng pinaggagawa ko ay
nagulat na lang ako nang makitang butas-butas na ang mukha nitong nayupi. Hindi rin
maitatangging nakalitaw na 'yong utak niyang nadurog mula sa mga butas sa noo. Ang
leeg niya rin ay nabali kaya nakatabingi na ang ulo nito na parang mapuputol na rin
ilang saglit pa.

Dahil sa wala kaming makakain ni April ay niluto ko agad si Christine. Naghiwa ako
ng karne nito sa bandang sikmura at inihaw para maiba naman. Habang nag-iihaw ay
naghanda na rin ako ng sawsawan. Nang magtanghalian ay nakakatuwang makita si April
na kinakain ang hinanda ko, akala ko kasi aayaw siya't mandiri dahil nga kaibigan
niya ang hinanda ko't niluto. Pero nagkakamali pala ako, sarap na sarap kasi siya
at ganadong-ganado ito sa pagkain. Ewan ko lang kung iwinawaksi niya lang ba na
kaibigan niya ito o parang kagaya ko rin siyang kumakain ng tao.

Nagmamahal,

Ariela

=================

January 19, 2013

Dear Diary,

Ilang araw rin ang lumipas bago ko paslangin si April, bale nagka-bonus pa itong
mabuhay at mahaba-haba ang panahon para makapagdasal ito. Marami-rami rin naman
kasi ang karneng natira mula kay Christine kaya hindi ko pa pwedeng galawin si
April, kahit papano ay nagawa naming tipirin ang karne nito hanggang sa maubos.
Pero sa tinagal niya bilang bihag ko ay may mali rin pala itong maidudulot sa
kaniya.

Naubos na nga ang nakaimbak naming pagkain kaya wala akong magawa kung hindi ang
paslangin si April dahil na rin sa gutom na gutom ako. Nang sabihin ko sa kaniya na
papatayin ko na ito nagulat na lang ako sa reaksyon niya. Ang akala ko kasi ay
magmamakaawa siya't iiyak para buhayin pero namangha na lang ako nang tumawa ito
nang tumawa. Napuna ko no'ng una na inaasar ako nito pero kalaunan ay napagtanto
kong nababaliw na pala ito.

Bigla-bigla na lang nagbabago 'yong emosyon at pag-iisip niya. No'ng una ay


tumatawa ito pero makaraan ang ilang pagtawa niya'y mamamalayan mo na lang na
sumisigaw ito sa pag-iyak. Plano ko sana siyang kainin pero nandiri ako at
napaurong bigla, maganda pa naman sana 'yong plano ko kung paano siya papaslangin
pero naglaho lahat ng inaasam-asam ko nang makita siyang nababaliw. Parang kagaya
lang din 'yan sa senaryong ayaw kumain ng mga tao ng asong baliw dahil sa punong-
puno ito ng rabies. Gaya nila ay ayokong kumain din ng baliw na kagaya ni April sa
kadahilanang ayokong mahawa sa kaniya.

Plano ko pa sana siyang paglaruan gaya no'ng dalawang nauna, gusto ko sana siyang
papiliin din at ipitin sa sitwasyon, kaya imbes na isang sako na lang ang natira

ay dinagdagan ko ito ng isa pa para patas sa lahat. Pero malabong makakapili pa


siya sa sitwasyon niya, nakatulala na rin kasi ito at minsa'y wala na sa sarili.
Wala akong magawa kung hindi ako na lang 'yong pumili ng sako para ikakamatay niya.
Siyempre, pinili ko ang sakong may lamang bagay na magpapahirap talaga sa kaniya---
ang sakong may lamang barbed wire. Tutal baliw naman siya alam kong matatanggap
niya rin ito ng walang kamalay-malay.

Tinanggal ko lahat ng tali niya kasama ang busal nito at marahas siyang hinila't
tinulak sa sahig. No'ng una ay napaaray lang ito pero ilang saglit pa ay nagsimula
na siyang magwala. Nagulat ako dahil sa hindi na nga siya nakatali at bigla na lang
itong lumakas, kaya gano'n na lang ang pagkagimbal ko dahil sa napakahirap para sa
'kin ang pigilan siya. At ang pagwawala niya ang nagtulak sa 'kin para hampasin
siya ng martilyo sa hita at binti nang sa gano'n ay malumpo ito at hindi na
makalakad pa kung sakaling

Matapos siyang paghahampasin ay para na siyang asong nasagasaan sa binti kung


umakto. Nagpagulong-gulong na lang kasi ito habang umiiyak, damang-dama ko sa iyak
niya ang pighati at paghihirap sa sakit na nadarama. At Habang may pagkakataon pa
ay agad na akong kumilos para pahirapan siya.

Gamit ang barbed wire ay ipinulupot ko ito sa ulo niya sa bandang mata nito. No'ng
una'y nahirapan akong ibaon ang tinik ng wire sa mata niya dahil sa nagpupumiglas
ito at pumipigil

rin ang kamay niya. Kahit papano ay may angking lakas rin siya na nagpapahirap sa
'kin. Pero nang mabaon ko talaga ito ng tuluyan sa mata niya ay kumawala ang
matinding palahaw nito at marahas niya akong sinabunutan nang magawa nitong kapain
ang buhok ko. Nailabas niya lahat ng sakit at galit na kinikimkim sa paghila ng
buhok ko na parang mahihiwalay na sa anit, kaya mas lalo ko pang ipinulupot at
binaon ang wire sa mata niya nang sa gayon ay bitawan niya ako at mapantayan ang
sakit niyang ibinigay sa 'kin.

Ang buong akala ko ay bibitawan niya ako pero nagkakamali ako dahil sa patuloy pa
rin siyang kumakapit at mas lalong humihigpit at lumalakas ang paghila niya. Kaya
wala akong magawa kung hindi hayaan ang barbed wire na nakabaon lang sa mata nito
at bumitaw saglit, tutal bulag naman siya at hindi niya mapapansin ang gagawin ko.
Hinugot ko ang kutsilyo sa 'king bulsa at sinaksak ang magkabilang braso niya para
bitawan ako. Puro hiyaw lang ang lumalabas sa bibig niya habang sapo-sapo ang
brasong duguan at pilit na tinatakpan ang sugat para hindi maubos 'yong dugo.

Habang malaya pa ako ay pinulupot ko uli ang ilang parte ng barbed wire sa bibig
niya. Muli ay umagos ang dugo at napunit ang pisngi nito dahil sa higpit ng
pagkakatali ko. Mistulang dumoble ang lakas niya sa pagpupumiglas at nagwala habang
pilit na inaabot ang buhok ko kaya todo iwas ako napilit ang sarili na saksakin
siya sa leeg para mamatay na talaga ito, tutal nakita ko naman siyang naghihirap
kanina habang binabalot ko ng barbed wire kaya sapat na 'yon para sa 'king
kagustuhan. Ilang saglit pa'y dahan-dahan siyang nanghina hanggang sa mangisay ito
at nawalan ng buhay.

Mas kumportable na ako at hindi na mahihirapan sa kaniya habang pinupulupot at


binabalot ko ang katawan nito ng sobrang barbed wire. Nang mabalot ang buong
katawan niya ay isinabit ko ito sa kisame na direktang kaharap ko sa tuwing hihiga
ako sa katawan ni Drew. Ang sarap lang sa pakiramdam dahil sa tumutulo sa katawan
ko ang malansang dugo ni April habang nagpapahinga ako kay Drew, pakiramdam ko
tuloy na umuulan ng dugo sa tuwing natutulog ako.

Nakakatuwa dahil sa nadagdagan na naman ang palamuti ko sa basement at 'yon ay ang


mala-chandelier na katawan ni April.

Nagmamahal,

Ariela

=================

January 23, 2013

Dear Diary,

No'ng matapos kong patayin si April ay natigil ako sa pagpatay at nagsimula uli
akong maghanap ng taong papatayin, sa tulong din ng bulong ay naging madali lang
ito para sa 'kin.

Unang nahanap ko si Peter no'ng nakaraang araw sa isang sikat na tambayan at


kinabukasan naman nito ay nadakip ko rin ang magkapatid na Bart at Daniel na
parehong naglalaro ng basketball no'ng gabi. Dalawang araw pa ang lumipas, o
sabihin na lang nating kahapon ay nahuli ko rin si Rannie na naglalakad pauwi mula
sa pinagtrabahuang construction site.

Kung noong grupo ng matatakaw na babae ay nilipon ko muna sila bago isa-isahin,
ngayon naman ay nilipon ko muna sila at napagplanuhang patayin ng sabay. Gusto ko
kasing masubukan ang lahat ng bagay na gusto ko hangga't may pagkakataon at tsansa
pa para hindi ako magsisisi sa huli dahil sa hindi ko nagawa ang gusto.

Kagabi ay hinayaan ko muna silang magsama lahat at kinabukasan na lang


napagpasiyahang patayin, tutal muling nagkasama-sama ang dati nilang sikat na grupo
kaya mas mainam na bigyan sila ng oras nang sa gayon ay maalala nila 'yong
pinaggagawa nila sa 'ming kabastusan noon pa.

Sila ay isang tanyag na grupo sa eskwelahan namin noon na walang ibang ginawa kung
hindi ang mang-asar, mambwisit at manggulo ng estudyante't guro at napakasamang isa
ako sa

mga estudyanteng nabibiktima nila. Ang hindi ko kasi alam ay sila pala 'yong
nagpapasok ng bulate at daga sa locker ko araw-araw na siyang ikakabaliw kong
makita. Sa tuwing naliligo at gumagamit naman ako ng C.R. ay nandoon pala sila sa
bintana at namomoso, minsan pa nga ay kinukunan ako ng pictures nila ng palihim.
Huli na nang malaman ko ang pinaggagawa nila sa 'kin.

Kaya kagabi, bilang kabayaran sa lahat ng ginawa nila ay pinutol ko ang kaniya-
kaniyang ari, sinaksak ko ito sa kanilang bibig at pwersahang tinutulak sa
lalamunan nilang makipot, nang sa gayon ay malunok nila ito. Pero dahil sa malalaki
nga 'yon ay hindi nila ito magawang lunukin o isuka man lang kaya nagmistula itong
busal para sa kanila na pumipigil sa kanila na makapagsalita ng maayos at huminga.
At lagpas labing-dalawang oras silang maghihirap.

Nang magising ako kanina ay agad akong kumilos, nilapitan ko silang apat at isa-
isang tinignan kung sinong pwedeng unahin. Nang titigan ko sila ay do'n ko lang
napansin na putlang-putla na pala sila dulot ng pagputol ko sa ari nito na ginamit
kong pambara sa kaniya-kaniyang lalamunan.

Una kong kinuha sina Peter at Daniel, dahil sa namumutla na ito at mas mahina
kumpara kila Bart at Rannie. Hindi ko na tinanggal pa ang tali nila sa kamay at paa
at sabay silang kinaladkad papuntang C.R. ko. Nang mapasok sa C.R. ay pinagtabi ko
silang dalawa at iniwanan muna dahil sa may kukunin ako sa stockroom. Mula sa
stockroom ay nangalkal ako ng ilang gamit na pwede kong

gamitin para sa kanila at laking tuwa ko naman nang makakuha ng ilang metrong goma,
malalaking cellophane, gasolina at lighter.

Dala-dala ang mga gamit ay magiliw kong ko itong pinakita sa kanila. Ewan ko lang
kung anong tumatakbo sa isipan nila pero wala akong nakikita sa mukha nila kung
hindi ang takot at pangangamba, siguro nahinuha nila ang balak kong gawin. Hindi ko
na sila pinansin pa at nagsimula na lang.

Binalot ko sila ng goma na nagsilbing tali para pagdikitin sila. Dahil sa mahaba
naman ang goma at medyo marami-rami rin ito ay mula bewang hanggang dibdib talaga
nila ang nabalot ko nito kaya kahit anong pagpumiglas nila ay hindi nila magagawang
makatakas pa. Sunod kong ginawa ay ang pagsuot ng malalaking cellophane sa katawan
nila, binutasan ko pa talaga ito para masuot ito sa katawan nila't magmistulang
damit.

Nang maayos na ang lahat ay binuhusan ko sila ng gasolina. At natawa na lang ako
nang nagsimula na silang maiyak, nakakatawa dahil sa walang boses na lumalabas sa
bibig nila, pero nababasa ko mula sa bibig nila ang paghingi ng tawad sa 'kin.
Sadyang huli na nga lang talaga ang lahat dahil sa nakapagsimula na ako at hindi na
nila maibabalik pa ang panahon.

Hanggang sa hindi na nga ako nakatiis pa at sinilaban ang cellophane na basang-basa


ng gasolina. Ilang saglit pa ay nakita ko na lang ang sarili na nakatitig sa
dalawang lalake na unti-unting kinakain ng apoy. Damang-dama ko sa mumunting iyak
nila ang sakit mula sa pagkakalapnos ng balat dahil sa natutunaw na goma. Hindi ko
mawari kung gaano 'yon kasakit pero batay sa reaksyon nila ay parang sinusunog sila
ng buhay sa impyerno. Nararapat din naman 'yon sa kanila, kahit papano'y
magkakaroon sila ng ideya gaano kainit ang impyerno at para masanay na rin sila.

Nang mapansing unti-unting humihina 'yong apoy ay tinatapunan ko ulit ito ng


gasolina para mas sumiklab pa ang apoy. Gano'n na lang ang pagkamangha ko nang
makitang unti-unting natutunaw 'yong goma na dumidikit sa balat nilang nalalapnos
at kalaunan ay ang laman naman nila ang dahan-dahang kinakain ng apoy. Tama nga
talaga ang desisyon kong palitan ng kadena 'yong taling nakagapos sa kanila dahil
kung hindi ay makakatakas sila agad.

Habang tumatagal ay mas lalo silang umiitim dahil sa pagkasunog, kapansin-pansin


rin ang biglaang pagpayat nila. Hindi rin nagtagal at nalagutan sila ng hininga,
kasabay nito ay ang pag-alingasaw ng amoy ng karneng nasusunog. At sa 'di
maipaliwanag na dahilan ay sabik na sabik kong binuksan ang tiyan nilang dalawa at
manghang-mangha ako nang makita ang laman nilang nangangamoy luto na. Mukha pa lang
ng laman nito ay nakadama kaagad ako ng pagkagutom, saktong-sakto lang kasi ang
pagkakaluto no'ng lamang-loob.
Wala akong magawa kung hindi ang kainin ang laman nito. Gutom na gutom kasi ako
dahil sa kagabi pa ako hindi kumakain.

Nagmamahal,

Ariela

=================

January 25, 2013

Dear Diary,

Isang araw muli ang nagdaan at mas lalong nanghina na 'yong dalawang natira kong
bihag. Hindi ko kasi sila napatay dahil sa abala ako kahapon sa paghahanap ng
batang pwedeng katayin, kung sinuswerte nga naman ay nakadakip ako ng tatlong
paslit na kasalukuyang kinululong ko sa banyo kasama 'yong sunog na katawan nina
Peter at Daniel.

Nakakaawang tignan talaga sina Bart at Rannie na putlang-putla at halos hindi na


makagalaw sa panghihina, sinubukan ko silang pakainin ng laman nina Peter at Daniel
pero ayaw nila kaya hinayaan ko na lang. Pansin ko na parang nagaya rin sila kay
April, pero ang pinagkaiba nga lang ay hindi pa sila nababaliw.

Hindi rin ako makatiis na makita silang nagkagano'n, may kung anong kirot sa dibdib
ko na nararamdaman sa tuwing nakikita silang tulala't putlang-putla. Kaya para sa
'kin ay sapat na ang ilang araw na pagiging bihag nila at pagdurusa. Kumbaga,
napagdesisyonan kong paslangin sila para matapos na ang paghihirap nila.

Unang hinila ko si Bart, hindi naman ako naghirap dahil sa parang tanim na nalanta
ito kung kumilos, pasuray-sura ito at sumasabay na lang sa agos kung saan siya
dalhin. Ipinatong ko siya sa mesa't itinali ang kamay at paa, nakakatakot kasing
isipin na baka drama lang nilang ipakita sa 'kin na nanghihina sila at nang makita
akong kampante lang ay do'n na sila lalaban at susugod.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang malamang hindi pala ito umaakting at totoo
ngang nanghihina na, hindi na kasi siya pumalag nang buksan ko ang sikmura nito.
Konting ungol lang ang narinig ko mula kay Bart at mariin siyang napapikit dala ng
pagtiis sa hapdi. Nababasa ko sa mukha niya no'ng puntong 'yon ang pag-uubaya na
lang at hayaang mangyari ang kagustuhan ko.

Nang mabuksan ko ang tiyan nito ay napatitig ako sa napakagandang laman niya, kahit
sino ay hindi makakatiis makita ang gano'n ka perpektong laman. Hindi na ako
nagpatumpik-tumpik pa at kinuha 'yong laman nito't hiniwa papira-piraso. Hindi ko
rin pinalagpas ang puso nito pati na ang baga sa pinaghihiwa, ang ari naman niyang
nakabara sa lalamunan ay isinali ko na rin at pinaghihiwa. Kahit papano'y natutuwa
ako ako sa tuwing hinihiwa ang malambot nitong laman. Nang sulyapan ko si Bart ay
hindi na ako nagtaka pa na makita siyang wala ng buhay, kitang-kita ko sa kaniyang
mukha ang kapayapaan at saya sa pamamahinga nito.

Nang mapiraso lahat ay ibinalik ko ito sa sikmura niya at hinaluan ng ilang


pampalasa, nagmistulang bowl naman ang tiyan ni Bart na humahawak sa laman niyang
pinagpira-piraso. Sa loob ng sikmura niya ay hinalo ko ang lahat ng sangkap gamit
ang sandok at binuhusan ng toyo at suka, ang dugo na mula sa sugat niya ay humalo
rin. Kung tititigan mo ito ay napakalapot at ang kulay ay medyo tsokolate.

Sumubo ako ng laman ni Bart at nilasap ang lasa nito. Medyo kulang nga 'yong asim
at mas maalat kaya binuhusan ko ito ng suka pa, isa pa ay kapag may halong suka
kasi ay parang

niluluto na rin 'yong laman niya. At sa ikalawang subo ko ay tuwang-tuwa ako dahil
sa tamang-tama na 'yong lasa at pwedeng ibenta sa karinderya o kaya ay sa
restaurant. Siguradong-sigurado ako na papatok talaga at babalik-balikan ng
customer.

Habang kumakain ako ay napansin ko ang pagtitig ni Rannie sa 'kin, kahit anong basa
ko sa emosyon niya ay hindi ko talaga mawari kung nasisiyahan ba siya o natatakot,
natatakam pa ito o nasusuka, gutom na ba o busog pa rin. Dahil sa wala talaga akong
kaide-ideya sa pag-iisip niya ay kinaladkad ko siya papalapit sa kabarkada nitong
walang buhay na nakalapag sa mesa.

Gaya ni Bart ay hinang-hina rin si Rannie at pasuray-suray na ito kung maglakad.


Nang makalapit kami ay dali-dali ko siyang sinubuan ng laman, pero laking dismaya
ko nang hindi niya ito magawang lunukin. Do'n ko lang napagtantong may bumabara
pala sa lalamunan niya kaya hindi niya ito magawang lunukin man lang.

Isang ideya naman ang pumasok sa isipan ko para matulungan siya. Kumuha ako ng tubo
at ipinasok ito sa bibig niya at tinulak 'yong nakabarang ari sa lalamunan,
gustuhin man niyang pigilan ako dahil sa sakit na nadarama ay hindi niya magagawa
dahil sa nakatali nga ang magkabilang kamay nito. Ilang tulakan pa ay naramdaman
kong bumaon na talaga 'yong tubo at natulak 'yong nakabara.

Plano ko sanang hugutin 'yong tubo para makahinga na siya ng maayos pero naisipan
ko namang gamitin na lang ito para makakain si Rannie. Kumuha ako ng laman ni Bart
at ipinasok ito sa butas ng tubo na siyang didirekta patungo sa bituka niya, kaya
parang nagkaroon na rin ng artipisyal na lalamunan si Rannie. Ilang buhos ko ng
laman sa loob ay biglang umagos 'yong dugo nito sa ilong niya at bibig, nagtataka
naman ako kung anong nangyari sa kaniya, kung senyales ba ito na busog siya o gusto
pa ba niya.
Hinugot ko na lang 'yong tubo para masilip kung anong namgyayari sa loob niya, pero
nagulat na lang ako nang bumagsak siya sa sahig habang umuubo ng dugo. Napansin ko
rin na may bahid ng dugo 'yong tubong tinusok ko kaya sa tingin ko ay parang
napunit 'yong lalamunan niya at natusok ng tubo ang ilang laman niya.

Wala akong magawa kung hindi ang ituloy ang nasimulan ko, tinusok ko muli ang bibig
niya at mas pwersahan pang itinulak 'yong tubo hanggang sa ilang saglit pa ay
tumagos ito sa pwet niya. Kaya napagpasiyahan kong gawing lechon si Rannie at
ikumpara ito sa lechong baboy na natikman ko noon.

Nagmamahal,

Ariela

=================

January 28, 2013

Dear Diary,

Nang maubos lahat ng karne nina Bart at Rannie ay naging isang hudyat ito para
ipagpatuloy ko muli ang aking naantalang pagpatay. Nakakatuwa lang dahil sa
kailangan ko pang umuwi ng probinsya para hanapin ang hampas-lupang babae na
nakakaawa noon pa na si Joana, isa kasi siya sa listahan ko at ayon pa sa bulong ay
nasa probinsiya nila ito.

No'ng magkaklase pa kasi kami ay walang araw hindi siya umiiyak, siya kasi ang
sentro ng pangungutya at pangangasar ng lahat. Kaya ako na katabi niya ang palaging
naiirita at naaapektuhan sa kaniya sa tuwing umiiyak ito. Imbes na mag-aaral ay
hindi na lang ako makapag-concentrate dahil sa wala akong ibang marinig kung hindi
ang paghikbi nito na may kapares pa na uhog, idagdag mo pa ang mabaho niyang amoy
kaya sirang-sira talaga ang buong araw ko. Gustuhin ko mang lumipat ng upuan ay
hindi na pwede dahil sa wala ng bakante pa.

Kahapon, dali-dali akong bumyahe pauwi sa probinsiya nila, medyo mahaba-haba naman
ang biyahe at sa tantiya ko ay aabot ito ng limang oras. Mula sa nagsisiksikang
pasahero ay unti-unting kumukonti at nababakante ang upuan, kahit papano ay
nakahinga na ako ng maluwag at magagawa ko na ring magpahinga. Mula kasi no'ng
nagsisiksikan pa ay hindi ko talaga magawang makaidlip man lang dahil sa naiipit
ako sa dalawang lalakeng malalaki at ang masagwa pa ay amoy panis ang kili-kili
nito, isa pa ay wala akong tiwala sa lahat ng pasahero at baka nakawan lang ako
kapag tulog na

tulog ako.
Nang dalawa na lang kaming natira sa pinakalikod na parte ng bus ay kampante na
akong matulog, tulog na kasi ang katabi ko na nakasandal sa bintana at hindi ako
nangamngamba sa kaniya dahil sa base sa pagkakabasa ko sa kaniyang pagkatao ay
malinis ito. Nang subukan ko na ngang ipikit ang aking mga mata ay gano'n na lang
ang pagkabwisit ko nang marinig siyang humihilik, daig pa ang baboy na kinakatay sa
paghilik niya. Malas nga talaga dahil sa ako ang katabi nito kaya solong-solo ko
ang nakakarindi niyang hilik.

Sinubukan kong magsuot ng headset at nilakasan ang volume ng pinapakinggan kong


music pero tumatagos pa rin ang hilik niya at mas lalo pa itong lumakas, ewan ko
lang ba kung sinasadya niya ito para bwisitin ako o ganito na talaga siya kung
humilik. Sinubukan ko ring lumipat sa dulo at sinandal ang ulo sa bintana, pero
gano'n pa rin, mas nangingibabaw ang boses niya kesa sa musika ko.

Wala akong magawa kung hindi ang hayaan siya at manatili na lang gising. Pero
biglang pumasok ang isang bulong sa 'king isipan na nagsasabing patayin ko raw
'yong lalakeng humihilik para makakapagpahinga na ako. No'ng una ay tutol ako dahil
sa wala ito sa listahan ko pero nang titigan ko ang lalake ay parang binalot ako ng
masamang espirito at natakam na patayin siya. Tama nga rin naman ang bulong, kung
tutuusin ay siya talaga ang dahilan bakit hindi ako makatulog at hindi
makapagpahinga ng maayos kaya nararapat lang patayin siya. Ayokong may iba pang
pasahero na mabwisit rin sa

kaniya kapag sasakay ito ng bus kaya habang maaga pa ay ititigil ko ito.

Para maging matagumpay ang plano ko ay mabusisi ko munang minatyagan ang lahat ng
pasahero, lahat sila ay may kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan; may natutulog, may
nagte-text, tumatawag, at nakikipag-usap sa katabi. Base sa kalkulas'yon ko ay
hindi nila mapapansin ang gagawin ko lalo na't nasa pinakalikurang parte kami
nakaupo. Basta hindi lang madugo 'yong gagawin ko, walang makakapansin sa 'kin.

Dali-dali kong tinanggal ang sintas ng aking kanang sapatos at isinablay muna ito
sa 'king balikat, ang kanang kamay ko naman ay dahan-dahang inabot 'yong kanang
balikat niya. Nakahinga naman ako ng maluwag nang maka-akbay na ako sa kaniya na
hindi siya nagigising at hindi halatang may binabalak akong masama. Nagbilang ako
ng tatlo at agad siyang itinulak ko payuko, kasabay nito ay ang pagpulupot ng
sintas ko sa leeg niya at pag-apak ng kanang paa ko sa likod niya. Siniguro kong
medyas lang ang nakaapak sa likod niya dahil kung isasali ko ang aking sapatos ay
mag-iiwan ito ng bakas na magtuturo sa 'kin na gumawa ng krimen.

Nagising siya bigla dahil sa ginawa ko, pero hindi niya magawang makapagsalita
dahil sa malakas ang paghila ko sa sintas na sumasakal sa kaniya at mabigat rin ang
pwersa ko sa pag-apak sa likod nito. Pilit naman niyang hinihila 'yong sintas na
nakapulupot sa leeg niya, umaasang baka matanggal niya ito at makakahinga na siya,
pulang-pula na kasi ang mukha niya sa kakapusan ng hangin. Nang mapagtanto niyang
hindi niya pala kaya ay sinubukan niya rin akong abutin pero hindi niya ako maabot-
abot dahil sa panay ang pag-iwas ko.

Ilang sandali pa ay unti-unti siyang nanghina at nanginig kaya mas hinigpitan ko pa


ang pagsasakal sa kaniya, hindi nagtagal pa ay nawalan na ito ng hininga. Dahan-
dahan ko naman siyang hiniga sa upuan at lumipat ako ng pwesto.

Nang mapaslang ko siya ay nakatulog talaga ako, nagising rin ako nang makarating sa
probinsya nina Joana, at laking tuwa ko naman na wala pa ring pumapansin sa bangkay
no'ng lalakeng malakas humilik.

Nagmamahal,

Ariela

=================

January 30, 2013

Dear Diary,

Muli, sa ikalawang beses ay namangha ako sa baryo nina Joana. Naalala ko pa 'yong
araw na hinatid namin si Joana sa bahay nila dahil sa nawalan ito ng malay dala ng
gutom. Gano'n pa rin ang bayan nila; may mayayabong na puno, malawak na asul na
karagatan, malamig na simoy ng hangin, at mapayapang paligid. Para sa 'kin ay isang
napakaperpektong lugar nito para tir'han.

Hindi naman ako nahirapang tuntunin ang bahay nila Joana, sariwang-sariwa pa kasi
'yong ala-ala ko no'ng huli kong apak sa bayan nila. At naabutan ko pa nga si Joana
sa labas ng bahay nila na nagwawalis, gulat na gulat naman ito nang makita ako.
Gaya nga ng inaasahan ko ay wala itong kaalam-alam sa nangyari sa 'min; mula sa
pagkamatay ng magulang ko hanggang sa nangyaring lasunan sa party namin. Wala
talaga siyang alam, kaya hindi na ako nahirapan pang lapitan siya, 'yong hindi ko
na kailangan pang umakting at mag-make up para makuha ang loob nito. Ang bayan kasi
nila ay sinalanta ng bagyo nitong kamakailan lang at grabe ang pinsalang dala nito,
dahil na rin sa medyo malayo sa siyudad ang bayan nila at wala ring pondo ang
gobyerno ay mahirap isaayos muli ang linya ng kuryente sa kanila. Kaya wala talaga
silang balita tungkol sa nangyayari sa labas ng bayan nila.

Tinanong niya ako kung ano raw ang sadya ko sa kaniya, sagot ko naman na gusto ko
lang bisitahin siya at kumustahin. Ayon pa sa kaniya ay sobrang natuwa raw siya
dahil sa ako

lang daw ang may malasakit sa kaniya, mula nang tumigil kasi siya sa pag-aaral ay
ako pa lang ang bumisita sa kaniya at ako lang din ang may ideyang bumisita sa
kaniya. Lihim naman akong napairap at mas nakipagplastikan pa sa kaniya.

Inayahan naman niya akong maglakad-lakad at gumala sa kanila, dahil sa


kinakailangan ko siyang ma-solo ay hindi ako umangal pa at pumayag na lang.
Nagpaalam muna siya sa ina niya sa loob ng bahay bago ako hinila papunta raw sa
paborito niyang lugar sa kanila.

Dinala niya ako sa mga malalaking bato na medyo naabot ng tubig-dagat. Ang ganda
nitong tignan dahil sa hindi ito magagaspang at puro makinis kaya gano'n na lang
ang pagkasabik ko na makasampa ro'n. At hindi nga niya ako binigo, sinamahan niya
akong sumampa sa isa sa nga malalaking bato at do'n kami nagkwentuhan. Magandang
pwesto ang napili namin; malayo sa mga tao, walang gulo at may malawak pa na dagat
na ang sarap tignan. Isa pa ay hindi rin gaanong mainit at tamang-tama lang 'yong
sikat ng araw sa 'min dahil sa may malaking puno na humaharang sa sinag ng araw.

Maraming sinabi si Joana sa 'kin. Isinalaysay niya sa 'kin ang paghihirap nila mula
pa no'ng bata pa siya. Sinabi niya rin sa 'kin ang dahilan kung bakit siya tumigil
sa pag-aaral, ang akala ko ay dahil sa pangungutya at pambubuska sa kaniya sa
paaralan, pero ang totoo palang dahilan ay wala na silang pera at wala nang
pantustos pa ang ama nito na ang tanging hanap-buhay ay mangingisda

lamang. Hindi ko alam kung anong gustong ihatid ni Joana sa 'kin, pero ramdam ko
kasi na nagmamakaawa siya sa 'kin para matulungan ko ito. Hindi ko na lang ito
pinansin pa at nagpatuloy sa pakikinig.

Naikwento rin niya ang tungkol sa unang naging nobyo nito na si Stephen, at
hanggang sa kasalukuyan pa raw ay tinatago nila ito dahil sa ayaw ng magulang ni
Joana ang pumasok siya sa mga gano'ng klaseng relasyon. Lihim naman akong natuwa
dahil sa may ideyang pumasok na naman sa isipan ko and sigurado akong magagamit
'yong nobyo niya.

Nang matapos siyang magkwento ay pinagbigyan rin niya akong maglahad ng sariling
karanasan mula no'ng tumigil siya. Kung tutuosin ay napakaswerte niya dahil sa wala
talaga akong nilihim at sinabi ko lahat; mula sa pagpatay ko kay Mina, pag-masaker
ng buong angkan, hanggang sa listahan kong sinusunod. No'ng una ay akala niya na
nagbibiro lang ako at tumawa pa ito dahil sa ang galing ko raw magpatawa at gumawa
ng ilang istorya pero nang makita niyang seryoso nga ako ay bigla na lang siyang
namutla lalo pa't sinabi kong isa siya sa listahan ko.

Akma na sana siyang tatakbo pero hindi niya magawang tumakas nang mahablot ko ang
buhok nito at agad na nahampas ang ulo niya sa batong pinagsasampahan naming
dalawa. Unang untog ko pa lang sa kaniya ay parang yumanig ang buong sistema niya
at biglang nanghina, kapansin-pansin rin ang pag-agos ng sariwang dugo sa noo
nitong may sugat.
Habang wala siyang malay ay patuloy pa rin ako sa pag-untog sa kaniya hanggang sa
lumaki ang sugat sa noo nito at magsilabasan ang maraming dugo. Gamit ang kutsilyo
ko ay tinusok-tusok ko 'yong sugat niya sa noo hanggang sa mabasag ang bungo nito
at lumitaw 'yong nagtatago niyag utak. Pinag-uuntog ko uli siya hanggang magkalat
lahat ng laman nito sa bato. Nang makitang marami-rami ang utak na nagkalat sa bato
ay itinabi ko si Joana at tinikman 'yong utak niya. Ilang subuan lang ay naubos ko
ito at medyo nakulangan pa, ang sarap sarap kasi at medyo matagal-tagal na rin
'yong huling pagkakataon na kumain ako ng utak. Kaya ibinalik ko ang atensyon ko
kay Joana at isinilid sa butas ng noo niya ang aking daliri at kumuha ng ilang
piraso ng utak nito sabay subo sa 'king bibig.

Nang magsawa ay dali-dali kong hinila pababa ng bato si Joana at isiniksik sa gitna
ng dalawang magtabing bato. Tinakpan ko rin siya ng buhangin at ilang bato na
nagsilbing puntod niya. Kahit papano'y naging matiwasay ang pagkakamatay nito at
may libre pang libingan kaya nararapat lang din na magpasalamat siya.

Hindi rin naman ako nagtagal sa probinsya nila at umuwi kaagad, pero bago ako
umalis ay nagpaalam ako sa ina ni Joana at sinabing magkasama anak niya at ang
nobyo nitong si Stephen nang iwan ko ito.

Nagmamahal,

Ariela

=================

February 2, 2013

Dear Diary,

Kanina ko lang napansin na konti na lang pala ang kulang para matapos ko na ang
aking tungkulin para patayin 'yong mga taong nasa listahan. Halos lahat ay may
marka ng "X" maliban sa ilang katauhan na lang. Hindi ko napansin na sa loob ng
isang buwan ay gano'n ko kadali sila maubos. 'Yong iba naman kasi ay binabaril ko
lang o nilalason, hindi kasi mabigat 'yong kasalanan nila kumpara sa iba na
kailangan talagang pahirapan.

Kanina bandang alas siyete ng gabi ay nagbihis pangmayaman ako at dumalo sa debut
ni Alice. Pinaghirapan ng mga magulang niya na magkaroon ng engrandeng handa at
selebrasyon kahit na mabaon sila sa utang basta't hindi lang mapahiya ang tanging
anak. Mayaman naman talaga sila noon pa kaso nang malulong sa bisyo ang ama ni
Alice ay do'n na sila nagsimulang bumagsak. Kaya ako pumunta ro'n dahil sa gusto
kong gawing mas makabuluhan ang 18th birthday niya.
Gaya nga ng inaasahan ko ay walang bantay, madali ko lang naipasok ang sarili sa
bahay nila at nahalo ang sarili sa madlang nagsasaya. Buti na lang talaga hindi pa
nagsisimula 'yong selebrasyon at ayon pa sa napagtanungan ko ay nagbibihis pa si
Alice. Kaya napagdesisiyonan kong pasukin siya sa kwarto niya sa ikalawang palapag
ng bahay, dahil sa alam kong 'yon lang ang tamang pagkakataon para patayin siya.

Hindi na ako kumatok pa at diretsahang pumasok. Gulat na gulat naman siyang


nakatingin sa 'kin na para bang nakakita ng multo, multo nga dahil sa ang
pagkakaalam ng lahat ay nasali ako sa isang masaker.

Akma na sana siyang sisigaw pero napigilan ko naman ito nang ihagis ko sa kaniya
ang dala-dala kong ice pick na bumaon talaga sa leeg nito. Tulala itong napasapo sa
leeg na nabutas. Ang bibig at leeg rin niya ay walang humpay sa pagbulwak ng dugo
na parang sumasabay sa ritmo ng paghinga niya.

Binalikan ko naman ang pintuan at ni-lock ito. Nang matuon ang pansin ko sa kaniya
ay dali-dali ko siyang hinubaran at walang tinirang saplot. Dahan-dahan ko ring
pinaghihiwa 'yong hita, sikmura, mukha at braso. Hindi talaga ako tumigil hangga't
hindi siya nababalot ng dugo.

Gamit ang bago kong bili na itak ay pinagtataga ko si Alice hanggang sa magpira-
piraso ito, rito na ako natalsikan ng dugo pero hindi ko na pinansin pa. Inuna ko
ang ulo niya na hinati ko sa apat na piraso, sinundan naman ng magkabilang braso,
kamay at daliri. Hindi rin nakaligtas ang binti, hita at paa niya mula sa matalas
na itak at nagkapira-piraso nga ito. Ang tiyan naman niya't dibdib ay paulit-ulit
kong pinagtataga dahil sa medyo malaki ito hanggang sa parang karne ng baboy na
tinitinda ito sa palengke.

Tuwang-tuwa naman ako habang tinataga ito dahil sa bumabalik uli 'yong alaala ko
noon kasama siya, sariwang-sariwa pa kagaya ng dugo niya ang masalimuot na karaang
binuo niya. Naalala ko pa 'yong mga kasinungalingang sinabi niya sa nobyo ko,
nagmula talaga sa bibig niya ang karumal-dumal na mga salitang sumira sa relasyon
namin. Isinumbat niya sa nobyo ko na ako raw ay isang

malanding babae at nakita ako ni Alice na may kasamang ibang lalake na pumasok sa
motel. At dahil sa magpinsan sila ng nobyo ko ay mas matimbang si Alice kesa sa
'kin, pinaniwalaan niya nga ito. Sa puntong 'yon naman ay nagkahiwalay kaagad kami
at hindi na ako binalikan pa ng nobyo ko.

Kaya nararapat lang talagang pahirapan si Alice sa pinaggagawa niya. Nararapat lang
sa kaniya ang pagtataga-tagain hanggang sa hindi na siya makilala pa.

Natigil naman ako sa pagtataga nang magkalat na talaga ang dugo sa kwarto niya at
maliliit na lang na pirasong karne si Alice. Ilang saglit pa, habang binabalot ko
ng kumot ang lahat ng piraso ni Alice ay narinig kong tinawag siya ng Mama niya at
pinapasabing magmadali. Sasagot pa sana ako pero napansin ko sa anino nito mula sa
labas na umalis kaya tumahimik na lang ako.
Nagpatuloy lang ako sa pagbalot sa kaniya. Nang matapos ay dahan-dahan akong
lumabas at tinignan kung mayroon bang tao sa paligid, buti na lang talaga at wala
kaya dali-dali akong lumabas at dumungaw sa baba kung saan nandoon lahat ng bisita.
Lahat sila'y abala sa pagkain kaya saktong-sakto lang para gawin ang susunod kong
plano.

Mula sa bag ko ay kinuha ko ang dalawang smoke bomb na nakuha ko rin sa basement,
agad ko naman itong binuksan at hinagis sa kumpol ng tao. Nagkagulo sila nang
biglang kumalat ang makapal usok, hindi nga ito nakakawala ng malay pero grabe
naman itong magdulot ng ubo kaya gano'n na lang ang pagkagulo ng lahat palabas ng
bahay.

Habang nagkagulo sila ay hinagis ko sa baba ang kumot na naglalaman sa nagkapira-


pirasong katawan ni Alice, hindi ko naman gaanong hinigpitan ang tali ng balot nito
kaya sigurado akong kakalat talaga ang laman ni Alice sa sahig.

Habang hindi pa nalulusaw ang usok ay agad rin naman akong tumakas sa bandang likod
ng bahay. Nakasalubong ko pa nga ang Mama ni Alice at tinanong ako kung anong
nangyari. Ewan ko lang pero hindi siya nagdududa sa duguan kong katawan. Sumagot
naman ako at sinabing may sumabog. nanginig naman siya sa takot sa balitang may
sumabog at hindi na ako pinansin pa at iniwan ako agad.

Inirapan ko lang siya at tuluyan nang tumakas.

Nagmamahal,

Ariela

=================

February 3, 2013

Dear Diary,

Nakakatuwang magkaroon ng bata sa basement, hindi sa nakikita ko silang nangungulit


sa 'kin o nagkululitan, kung hindi dahil sa ang sarap nilang tignan na umiiyak at
nahihirapan.
Nitong mga nagdaang araw, nakasanayan ko nang magdala ng bata pauwi tuwing gabi
kahit na delikado, mapapulubi o mayaman wala akong pinipili basta malusog lang
tignan. Simpleng Chloroform lang at pangloloko ay babagsak agad at mapapasa'kin na.
Kahit papano'y nakaipon ako ng pitong bata at lahat sila ay nasa banyo ko na may
busal at tali sa kamay at paa. Gagamitin ko kasi sila sa darating na birthday ko.

Isinantabi ko muna ang mga bata at tinuon ang pansin sa kakahanap kay Merriam.
Kailangan ko kasi siyang patayin dahil sa siya ang babaeng tumalo sa 'kin noon sa
isang beauty pageant. At kanina ko lang talaga nalaman na nandaya pala ito, ayon pa
sa bulong sa 'king isipan ay binayaran niya pala ang mga judges noon kaya siya
'yong nanalo. Kung hindi 'yon sinabi ng bulong, malamang wala pa akong kaalam-alam
ngayon.

Masakit para sa 'kin na 'yong pinaghandaan mo talagang patimpalak ay mauuwi lang sa


wala dahil lang sa pandaraya ng isa, kaya bilang representative ng iba pang
contestants na sumali noon ay papatayin ko si Merriam para mabigyan ng hustisya ang
aming pagkatalo. Hindi pwedeng hahayaan ko na lang 'yon.

Sa ilang oras na paghahanap at pananaliksik tungkol sa kay Merriam ay napag-alaman


kong isa na pala siyang part-time model sa isang sikat na fashion industry. Nang
malamang

nasa isang studio siya para sa pictorial nito ay agad ko namang pinuntahan ito. Sa
labas ng studio nila ako tumambay at pasimpleng hinintay siya, ilang oras din akong
naghintay bago ito lumabas. At nang makita siyang lumabas ay dali-dali ko siyang
sinundan hanggang sa dalhin niya ako sa bahay nito.

Napagpasiyahan kong patayin siya sa sariling bahay niya imbes na dalhin ito sa
basement, pagod na kasi akong magbuhat ng katawan papunta ro'n at isa pa ay baka
mahuli lang ako. Ilang minuto rin akong naghintay sa labas magmula nang makapasok
siya. Ang pag-off ng ilang ilaw niya sa baba ng bahay ang naging hudyat ko para
pasukin siya. Kahit papano'y hindi ako naghirap pasukin siya dahil sa may
nakalimutan siyang i-lock na bintana. Ewan ko lang pero parang sumusuporta siya sa
plano long paslangin ito.

Isang nakakatuwang bagay rin na wala pala ang mga magulang niya sa bahay nila kaya
hindi na ako mag-aabala pang pumatay ng sagabal, o wala ring magiging sabagal sa
gagawin ko. Tahimik ko namang binaybay ang madilim niyang bahay habang hinahanap
ang kwarto nito. Natagpuan ko naman ito agad nang makitang may hindi gaanong sarado
na pintuan at maliwanag ang kwarto sa loob.

Nang silipin ko ang loob ng kwarto mula sa siwang ng pinto ay nakita ko siyang
nakahubad sa harap ng salamin, animo'y sinusuri niya ang kaniyang sarili kung gaano
ba ito kaganda. Hindi muna ako pumasok at naghintay na umalis siya ng salamin,
kapag susugod kasi ako agad ay makikita niya ako sa salamin. Kaya taimtim lang
akong nag-abang sa labas na para bang lobong naghihintay kailan
atakehin ang kawawang tupa. Hanggang sa pumasok na nga siya sa banyo niya.

Dali-dali naman akong pumasok at sinarado ang pintuan. Habang naghihintay sa kaniya
na naliligo pa ay mahigpit kong hinawakan ang aking kutsilyo at ang mga kamay ko
nama'y nanginginig dala ng sabik. Nang marinig ko ang pagsara ng gripo sa loob ay
naghanda na ako at pum'westo sa harap ng pintuan. Pagbukas niya ng pintuan ay agad
ko siyang sinugod at sinaksak ng kutsilyo sa ilong na tumagos sa likod ng ulo niya.
Paghugot ko ng kutsilyo ay agad na sumirit 'yong makapal at malapot na dugo na siya
ring dahilan ba't bigla siyang nawalan ng buhay at bumagsak sa basang sahig ng
banyo.

Mula sa banyo ay hinila ko ang katawan niya sa loob ng cubicle. Ayokong magkalat sa
loob ng kwarto niya at mas mainam rin banyo dahil sa madali lang linisin ang dugo
nito sa tulong ng shower. Hinubaran ko siya at inalis ang tuwalya. Binuksan ko rin
ang shower at hinayaan ang rumaragasang tubig na tangayin ang dugo niya.

Habang naliligo ay pinugutan ko siya ng ulo at itinabi muna ito. Sinaksak ko ang
dibdib niya and hinila ang nakabaong kutsilyo pababa na nagresulta ng pagbukas ng
katawan niya. Bumulaga sa 'kin ang laman niya sa loob, gaya ng karne niya ay
napunit at nahati rin ito loob at napuno ito ng tubig ng may halong dugo. Dali-dali
ko naman siyang tinaob para matapon lahat ng naimbak na dugo't tubig. Dahil na rin
sa nagsa-shower kami ay agad na nalilinis 'yong dugong nagsisilabasan kaya malinis
tignan 'yong katawan ni Merriam na nakabukas.

Lahat ng laman

niya; bituka, puso, atay, kidney, baga ay kinuha ko at isinilid sa isang balde.
Nang malinis ang loob niya ay hiniwa ko rin ang kanang braso niya mula sa hiwa ng
dibdib patungo sa kamay nito. Gano'n rin ang ginawa ko sa kaliwang kamay nito. Mula
rin sa hiwa ng sikmura ay gumawa rin ako ng hiwa paliko sa magkabilang hita niya
hanggang sa bumaba sa mga binti nito. Ang dalawang kamay at paa rin niya ay tinaga
ko at isinilid sa balde.

Medyo natagalan naman ako sa paghihiwalay ng buto nito sa karne. 'Yon kasi ang
gusto kong mangyari, ang makita siyang walang buto. May kung anong bagay na
nagdidikit kasi sa karne niya't buto kaya kailangan ko pang padaanin ang kutsilyo
para lang mahiwalay. Maingat naman ako sa 'king kilos dahil nga baka mapunit ang
karne nito at pumalpak ang pinaplanuhang proseso ko. Patuloy rin naman sa pag-agos
ang tubig kaya hindi naging sagabal ang dugo sa paghihiwalay ko, kahit papano'y
malinis tignan ang trabaho ko.

Ang paghihiwalay ko ay umabot ng ilang oras, medyo nangangawit na rin ang likod ko
sa kakayuko at giniginaw dahil sa walang tigil ang tubig sa pag-agos mula sa
shower. At matagumpay ko namang nahiwalay ang buto nito sa karne kahit nagkawasak-
wasak 'yong buto niya. Kailangan pa kasing basagin ito o baliin 'yong ibang
malalaki na buto para lang mahiwalay talaga.
Nang matapos ako ay nilinis ko ang karne nito sa rumaragasang tubig at nang maayos
lahat ay lumabas ako ng banyo dala-dala ang karne niyang wala ng buto. Sa harap ng
salamin ay naghubad rin ako at dahan-dahang isinuot ang karne ni Merriam sa
sariling katawan. May sinulid at karayom naman siya kaya nagawa kong tahiin 'yong
nakabukas na braso, hita at binti niya. Ang dibdib niyang nakabukas pababa sa puson
ay tinahi ko rin.

Ang sarap sa pakiramdam na suot-suot ko 'yong karne ni Merriam, medyo malamig na


madulas ito sa loob kaya kumportableng-kumportable talaga ito kung susuotin. Habang
suot-suot ko ito ay pakiramdam ko na parang naagaw ko lahat sa kaniya, na parang
ako na rin 'yong model, ako 'yon nanalo sa pageant, maganda ako, seksi at wala ng
makakatalo pa.

Hindi naman ako nagtagal sa loob ng bahay niya at agad na umalis, dala-dala ang
damit na gawa sa tao ay malaki ang ngiti kong kahit kailan hindi mabubura ni sino
man.

Nagmamahal,

Ariela

=================

February 6, 2013

Dear Diary,

Nagising ako kagabi dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng bahay. 'Di


maitatangging malakas nga ito dahil sa nagawang pasukin ng ingay ang basement.

Para masagot lahat ng tanong sa 'king isipan ay dali-dali akong bumangon sa


inaagnas na higaan kong tao at lumabas ng basement. Pagsilip ko sa bintana ay
gano'n na lang ang pagkagulat ko nang makitang may walong pulis sa harap ng bahay
at ilang patrol car na maingay dahil sa sirena nito.

Kung hindi ako nagkakamali ay kakarating pa lang nila at nagsasaliksik pa lang sila
sa mga kapitbahay ko tungkol sa balak nilang imbestigahan. Hindi ko alam kung anong
sadya nila, kung ako ba o may ibang kaso pa. Pero kahit hindi pa malinaw sa 'kin
ang lahat ay nakadama na ako ng kaba.
Tinuon ko ang aking pansin sa pakikinig ng usap-usapan nila at narinig ko ang
nakakabwisit na boses ng tsimosang kapitbahay namin---Si Rosa. Sobrang laki ng
bunganga nito kaya rinig na rinig ko ang malaki niyang boses. Ayon pa sa kaniya ay
may nakikita siyang babae na pumapasok ng pabalik-balik sa bahay namin, ang akala
pa nga niya'y magnanakaw ito o multo lang pero nang magdaan ang mga araw ay
napagtanto niyang kriminal ito at ginawang base ang abandonadong bahay namin.

Natanong rin ng mga pulis ang tungkol sa tatlong sasakyan na naiwan do'n sa isang
abandonadong bahay, natanong nila kung may napadaan bang tatlong babae sa 'ming
lugar. Naalala

ko naman ang tatlong babaeng pinaslang ko kamakailan lang, 'yong mga matatakaw na
sina April, Christine at Maggy. Do'n ko lang napagtanto ko na nakalimutan kong
idispatsa ang mga kotse, maaari nga pala itong gamiting lead ng mga pulis sa
paghahanap sa kanila. At 'yon ang sadya ng mga pulis, ang hanapin ang nawawalang
babae at alamin kung bakit.

Matapos ang ilang usapan nila ay gano'n na lang ang pagkagimbal ko nang marinig na
papasukin nila ang bahay namin para suyurin. Malaki kasi ang tsansang mahahanap
nila ang basement na pinagtataguan ko.

Nang makita silang kumikilos papalapit sa bahay ko ay dali-dali kong tinungo ang
kusina't naghanap ng pwedeng ipanglaban sa baril nila kung sakaling may gulong
mangyayari. Nakita ko naman ang ilang LPG tank na hindi na namin magagamit kaya
inilabas ko ito lahat at binuksan. Habang nag-aayos ay narinig ko ang pagkasira ng
pintuan namin na gawa ng mga pulis, kaya mas lalo ko pang binilisan ang aking
kilos.

Nagtago agad ako sa stockroom nang maramdamang nasa malapit na sila. Kung tatakbo
pa kasi ako sa banyo ay siguradong mahuhuli nila ako. Habang nakasilip sa siwang ng
pinto ay nakita kong takang-taka sila sa tatlong LPG tank na nakabukas, mula sa
pinagtataguan ko ay naaamoy ko ang gas nito. Binilang ko ang pulis na nasa loob at
laking tuwa ko namang nasa loob silang lahat kaya siguradong-sigurado akong
matutustado talaga sila.

Naalarma ako nang makitang sinasara nila ang LPG tanks, takot na takot naman
ako dahil sa baka masira ang aking plano kaya habang wala pa silang dipensa ay agad
kong hinagis ang umaapoy na lighter sa gawi nila at gumulong paartras sabay yuko.
At biglang umalingawngaw ang nakakabinging pagsabog.

Hindi nakaligtas ang stockroom at natuklap ang pintuan nito, marami ring bubog ang
nagsiliparan at isang dambuhalang apoy ang lumamon sa buong bahay. Hindi rin
nagpapahuli ang mga katawan ng pulis na lumipad, sunog na sunog ito at may ilang
nakabaong bubog at bakal sa katawan. Ang sama nga lang dahil sa kalahati ng bahay
namin ay gawa sa kahoy kaya sigurado akong matutupok talaga ang kalahati nito. Bago
pa man mahuli ang lahat at bumagsak ang umaapoy na kahoy sa 'kin ay dali-dali kong
binaybay ang daan patungo sa banyo. Medyo nahirapan naman ako dahil sa ang kapal ng
usok ay ang init ng paligid, pero kahit gano'n ang sitwasyon ay nagawa kong mahanap
ang banyo.

Sa tabi ng banyo ay nandoon ang isang kwarto, pagpasok ko sa kwarto ay dali-dali


kong inalis ang nakatakip na carpet dahil sa nagsimula nang kainin ng apoy 'yong
kisame nito. Pagkaalis ng carpet ay bumungad sa 'kin ang isang trapdoor na
magtutungo diretso sa basement.

Matagal ko ng alam ang tungkol sa daang ito, pero hindi ko lang ito ginagamit dahil
para lang ito sa emergency, isa pa ay kasya lang ang isang katawan rito at walang
hagdanan, kaya mahirap gawing daan ito sa tuwing may inuuwi akong biktima. Kaya mas
gusto kong gamitin 'yong pintuan na nasa ilalim ng hagdanan kapag may dala-dala
akong biktima.

Hindi na ko lumabas dahil sa alam kong may bomberong susugod at susuyurin ang buong
bahay para hanapin ang nasawing pulis. Imposible ring mawawala ang pulis dahil nga
ang ilan sa kasamahan nila'y nasali sa pagsabog. Sigurado akong mag-iimbestiga rin
sila. At kung suswertihin man lang sana ay magiging matagumpay ang plano kong
ipalabas na aksidente lang ang lahat.

Matapos magdaan ang labing dalawang oras ay tuwang-tuwa ako dahil sa inapula lang
nila ang apoy at ni-rescue ang mga pulis. Buti na lang talaga at hindi pa nila
sinuyod ang buong bahay at baka malaman pa nila ang tungkol sa basement. Kahit
papano'y ligtas pa rin ako.

Nagmamahal,

Ariela

=================

February 8, 2013
Dear Diary,

Si Kent, ang kahuli-hulihang tao na kinakailangan kong patayin. Tuwang-tuwa ako


dahil sa siya na lang ang natitira at nagawa ko pa talaga ito paslangin bago
magdiwang ng kaarawan.

Kahapon, buong araw ko siyang kinausap online. Buong araw rin akong gumamit ng
dummy account ng sariling mukha na medyo iniba ko sa tulong ng make-up at ilang
prosthetics. Ayon pa nga sa kaniya, magkamukha raw kami no'ng dati niyang
girlfriend na namatay no'ng December lang. Hindi nga naman siya nagkakamali, ako
nga 'yong girlfriend niya dati na iniwan niya dahil sa sinabi ng pinsan niyang si
Alice.

Sa loob ng isang araw ay marami-rami ang napag-usapan namin at halos lahat ng


pinag-uusapan namin ay tungkol sa sarili ko kaya todo pagsisinungaling ako. Alam ko
na kasi na kapag inaalam niya 'yong tungkol sa babae ay may plano talaga siyang
ligawan ito, kaya todo sagot naman ako sa mga tanong na ibinato niya at siniguro ko
namang swak sa standards niya ang inaakto ko at sinasagot. Kahit papano'y nakaraos
naman ako at nakagawa ng bagong tao sa isipan lang.

Naging matagumpay naman ako sa unang plano ko na suyuin siya't kunin ang loob nito.
Sabi pa nga niya sa 'kin na gusto niya raw akong makilala at makita sa personal. At
sigurado naman akong liligawan na niya ako kapag magkakasama kami.

Kanina, nagkita nga kami sa isang sikat na restaurant ayon sa napagkasunduan, siya
na sumagot sa lahat ng pagkain o gastos sa date namin. Habang kumakain naman

kami ay lihim akong natawa sa kaniyang pinagsasabing kalokohan. Pinuri niya ako at
sinabing napakaganda ko raw sa personal at bagay na bagay ang makapal kong kilay sa
malapad kong mukha. Isa pa ay seksing-seksi raw ako at bagay na bagay sa 'kin 'yong
crop top. Ang sarap tuloy niyang saksakin ng kutsilyo dahil sa sinabi rin niya sa
'kin 'yon noon, binola niya rin ako para lang makuha ang loob ko agad.

Isang bagay na ikinapagtataka ko ay hindi man lang niya napansin na parehong-pareho


'yong suot ko sa sinuot ko rin no'ng unang date namin. Ibig sabihin, hindi mahalaga
sa kaniya 'yong relasyon namin noon pa at parang wala lang 'to sa kaniya. Kahit
papano'y nakadama rin ako ng kirot sa 'king dibdib.

Matapos kumain ay inayahan niya akong mag-road trip kahit sandali lang. Napaisip
naman ako sa alok niya, pwede kong gamitin 'yong pagkakataon para paslangin siya
dahil sa solong-solo ko na ito at walang sagabal. Kaya pumayag ako sa kaniya at
sumama ng walang pag-aalinlangan.
Bandang alas nuwebe ng gabi kaming nag-road trip at napagpasiyahang magtungo sa
isang sikat na resort na medyo malayo sa siyudad, o sabihin na lang natin na
malapit kila Joana ito. Kaya siguradong madaling araw na kami aabot at kinabukasan
na makakauwi.

Ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin na humahaplos sa 'ming balat dahil nga sa
motor ang gamit namin. Hindi naman ako umangal dahil sa na-miss ko itong gawin
kasama siya,

ang mag-road trip tuwing gabi kasi ang paborito naming gawin noong kami pa. Natigil
nga lang ito nang mahuli ako nina Mama na palaging wala sa kwarto kapag gabi.

Habang binabagtas namin ang madilim na daan na pinapalibutan ng mayayabong na kahoy


ay naghintay lang ako ng tamang pagkakataon para atakehin siya. Nang mapansing wala
nang dumadaan at nakakasalubong na sasakyan ay hindi ko na pinatagal pa at agad ko
siyang sinaksak sa leeg na nagdulot sa biglaang pagkawala ng balanse niya. Dali-
dali naman akong tumalon at nagpagulong-gulong sa mabatong lupa, pero kahit
nakatalon ako't gumulong ay masakit pa rin talaga sa katawan. Muli ay naramdaman ko
'yong kaparehong sakit no'ng magpasagasa ako.

Pero kahit gano'n kasakit 'yong katawan ko ay pinilit ko pa ring tumayo. Pagtingin
ko kay Kent ay sapo-sapo nito ang leeg niya na walang humpay sa nagdurugo. Balak
rin sana niyang tumayo pero pinigilan ko ito. Sinipa ko siya sa tagiliran at
bumagsak ito ulit at mas nahirapan pa.

Habang wala pa siyang kalaban-laban ay kinuha ko 'yong tinatago kong lubid sa bag
at itinali ang magkabilang binti nito, ang kabilang dulo ng lubid naman ay itinali
ko sa motor. Buti na lang at marunong akong gumamit ng motor at nagawa ko siyang
kaladkarin sa mabatong daan.

Puro sigaw, iyak at palahaw niya ang naririnig ko na umaalingawngaw sa malalim na


gabi. Sa tantiya ko'y kinalakadkad ko siya ng kalahating oras at sa loob ng oras na
'yon ay pabalik-balik at paikot-ikot lang kami sa makahoy na kalsada. Napansin ko
ring unti-unti na rin siyang nanghina dahil sa dahan-dahang pumaos ang boses nito
at nanghina.

Nang makitang napunit na 'yong damit niya at nagdurugo na rin 'yong likod nito
dahil sa pagkatuklap ng balat niya ay tumigil muna ako at binaba siya. Hindi na
niya magawa pang magsalita at daing lang ito ng daing, halatang iniinda lahat ng
sakit at hapdi sa katawan.

Tinignan ko rin 'yong dinaanan namin ay gano'n na lang ang pagkamangha ko nang
makita ang mga bakas ng dugo niya. Para matapos ang lahat ay sinaksak ko siya sa
sikmura at hinila ang bituka nito palabas. Muli ay sumakay ako sa motor at hinila
siya pauwi para magkalat ang laman nito sa kalsada. Nang makitang punong-puno na
siya ng dumi at nagkalasog-lasog na ang katawan nito'y pinutol ko ang lubid at
iniwan siya sa gitna ng daan.

Dala-dala ang motor ay sobra ang galak ko dahil sa natapos ko rin ang aking
tungkulin. Ubos na talaga silang lahat.

Nagmamahal,

Ariela

=================

Epilogue

[ Ariela's Point of View ]

- - -

Walang humpay ako sa pagtawa nang makitang bigla-biglang nag-iiba 'yong reaksyon ng
lalakeng kaharap ko. Binasa lang naman niya 'yon Diary ko na siyang ayaw na ayaw ko
talaga, pero para magtagumpay sa plano namin ay hinayaan ko na lang siyang magbasa.
Basta't umakto lang ako na parang baliw ay magiging maayos ang daloy ng binabalak
namin.

Hindi maitatangging sa bawat may nababasa siyang nakakasuka o brutal ay napapansin


kong tinatapunan niya ako ng masamang tingin na para bang titirisin ako. Pero
hinayaan ko na lang siya at inasar sa pagtawa ko, hindi ko rin naman kasalanan kung
bakit binasa niya ito.

Base sa I.D. niya ay siya si Tyrone Santos. Pero wala naman akong pake sa pangalan
niya, lalong-lalo na sa kaniya. Ang gusto ko lang naman ay makaalis sa lugae na
'to, habang tumatagal kasi ay mas lalo akong nahihirapang huminga rito.

Sa totoo lang kating-kati na talaga ang kamay ko na saksakin siya sa leeg gamit ang
nakasuksok na ballpoint pen sa bulsa ng polo niya, malas nga lang talaga ay
nakaposas ako at may tali pang kadena ang mga paa ko. Daig ko pa 'yong mga batang
pinaslang ko kamakailan lang, mahigpit rin ang pagbabantay at siguridad.
Nakakairita kasi siya, ramdam ko kasi na parang inaakto niya na mas malakas siya sa
sitwasyon namin ngayon, 'yong parang wala akong kalaban-laban.

Isa pa ay siya rin ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Siya kasi ang
nakadiskubre

sa pagkatao ko at pinagtataguan ko. Ang hindi ko pala alam ay may nagmamanman na


pala sa 'kin magmula pa noon, hindi ko lang napapansin dahil sa magaling rin pala
siyang magkubli ng pagkatao. Kaya ang sarap talaga niyang pakuluan ng buhay at
ipakain sa katrabaho niya 'yong laman at karne nito.

Nagdiriwang pa sana ako ng kaarawan ko kung hindi lang sila sumugod at hinuli ako.
Ang sarap ng pakiramdam ko kanina na nakahiga sa tub na puno ng dugo, busog na
busog na rin ako dahil sa medyo nangalahati na 'yong dugo sa tub. Akma na sana
akong matutulog nang mabulabog ako sa isang malakas pagsabog. Pagtingin ko pa lang
ay gano'n na lang ang pagkagimbal ko nang makitang nawasak 'yong pader at may ilang
ilaw akong naaaninagan.

Hanggang sa namalayan ko na lang na akay-akay na ako ng dalawang pulis na nasundan


ng ila pang pulis. Balak ko pa sanang magwala't patayin sila para tumakas pero 'di
ko magawa dahil sa armado silang lahat, walang kalaban-laban ang kutsilyo ko sa
naglalakihang baril nila. Kaya wala akong magawa kung hindi ang sumama. Hindi ko
talaga lubos inakalang ang sinasabing bisita ng bulong ay ang mga pulis pala.

Hindi rin naman ako natatakot dahil sa nandyan naman 'yong bulong na panay sa
pagsabi ng plano namin. Kahit paano'y gumaan ang loob ko't naging panatag dahil sa
napaghandaan na pala niya ito.

At ito na nga ang plano namin, ang umakto akong baliw para hindi makulong at mauwi
sa isang mental hospital. Kahit paano'y magagawa kong tumakas do'n na may malaking
pag-asa

kesa sa makulong sa mabaho at nakakadiring kulungan. Walang iba pang umiikot sa


'king utak kung hindi ang umaktong baliw, dahil sa paulit-ulit ko itong naririnig
ay sumasakit na rin ang ulo ko.

"Bwisit!" Mura niya at napatakip bigla sa bibig.

Muli ay tumawa na naman ako ng ubod ng lakas dahil sa naduduwal na talaga siya't
parang gustong-gusto na niyang ilabas lahat ng namumuong asim sa sikmura. Matapos
ang ilang pagtawa ay tumulala ulit ako at napatitig sa 'king repleksyon sa isang
salamin.

Alam kong may nakatingin sa 'kin sa likod ng salamin na 'yon kaya mas lalo ko pang
ginalingan ang aking pag-acting. Dapat ako ang manalo sa labanang ito.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ni Tyrone at pagtawa ko ay biglamg pumasok ang isang


lalakeng pulis na may dala-dalang dokumento. Taimtim ko namang tinitigan 'yong
mukha ng lalake habang inaabot kay Tyrone ito. Sa kakatitig ko sa lalake ay napuna
ko na isa rin siya sa humuli sa 'kin, kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin at
binalaan. Siya naman ay wala lang, tinawanan lang ako at inismiran.

"Ano 'to?" Anong ni Tyrone sa lalake.

"Medical Records po." Agad na sagot no'ng lalake. "Ayon po kay Doctor Mikka Estrada
ay may medical records na po itong si Ariela noon pa sa

kanilang ospital at na-diagnosed as Psychopath. Gumaling na nga raw ito kaso parang
hindi na niya iniinom 'yong gamot niya kaya nagawa niyang pumaslang ulit."
Paliwanag nito na siyang ikinatango ni Tyrone.

Lihim naman akong natawa dahil sa sinabi no'ng lalake. Kung sino man 'yang Mikka
Estrada na 'yan ay magpapasalamat talaga ako dahil sa ang galing nitong gumawa ng
istorya at naglabas pa talaga siya ng pekeng dokumento. Nakakakilabot pero parang
siya 'yong sinabi ng bulong na tutulong sa 'kin.

"Umakto ka na parang baliw at tutulungan kita!"

Muli ay narinig ko ang nakakabinging sigaw ng bulong sa 'king isipan kaya hindi ko
talaga mapigilang hindi masigaw sa sakit na nadarama. Kunpara sa naririnig ko
kanina ay mas malakas ito kaya parang mabibiyak talaga ang ulo ko sa sakit.
Gustuhin ko mang hawakanang magkabilang sintido ko ay hindi ko magawa dahil sa
nakaposas ang kamay ko, kaya gano'n na lang pagwawala ko bigla.

"Hayop kayo! Papatayin ko kayong lahat! Maghintay kayo---"

Gulat na gulat silang dalawa nang tumayo ako't sinigawan sila. Hindi pa rin ako
nakuntento't gusto ko silang sugurin at patayin umaasang baka maalis sa sistema ko
ang sakit sa 'king ulo at panghihina. Pero kahit anong pagpupumiglas ko ay nahihila
pa rin ako ng kadenang nakatali sa 'king paa, kaya hindi ko talaga sila malapitan.

Pero hindi 'yon naging dahilan para tumigil ako. Hindi pa rin ako tumigil sa
pagwawala at pagsisigaw hindi pa rin talaga nawawala 'yong sigaw sa 'king utak at
parang sira na plaka ito kung nagpaulit-ulit. Hanggang sa mapatigil ako nang
makaramdam ng konting kirot sa 'king leeg. Nang sinubukan kong kapain ito ay
laking-gulat ko na lang nang maramdamang may syringe palang nakabaon sa leeg ko. Sa
likod ko nama'y nandoon ang isa pang pulis na hindi ko kakilala at sa tingin ko ay
siya 'yong tumurok ng kung anong gamot sa 'kin.
Dahil sa malapit lang din siya sa 'kin ay ibinaling ko ang atensyon sa kaniya at
ibinunton lahat ng galit. Siya naman ang sinugod ko pero gano'n na lang ang
pagkagimbal ko nang maramdamang bumibigat ang aking katawan at para bang nanghihina
ako.

"A-anong gi-ginawa m-mo?" Nahihirapan kong tanong nang biglang lumabo ang aking
paningin na nasundan ng pagbagsak ko sa malamig na sahig. Mas lalong bumigat ang
aking paghinga na sinundan ng pagkalanta ko. Hindi ko na talaga magalaw ang aking
katawan.

Ilang saglit pa, bago ako sinakop ng walang hangganang dilim ay narinig kong
nagsalita 'yong pulis na nagturok ng kung anong droga sa 'kin.

"Dalhin n'yo na 'yan."

...

THE END

×××

=================

Xenon's Note

Maraming salamat sa pagbabasa ng Diary ni Ariela. Nakakatuwa dahil sa umabot talaga


kayo rito at nabasa nyo lahat ng sikreto niya.

Maraming salamat sa sumuporta; sa votes n'yo at comments na nagpapa-inspire sa 'kin


na magpatuloy.

Sana ma-check n'yo facebook page ko: XenontheReaper. Nandoon lahat ng updates,
news, ilang upcoming plans at mga hinanaing ni Ariela.

Hit like para 'di mapaslang ni Ariela!

×××

=================
Xenon's News

Luckily ang DIARY OF A PSYCHOPATH ay IPA-PUBLISH na! Ito ay binigyang katuparan ng


ECRIVIAN_pentagonial at Fairy Publishing House.

Sa mga interested magkaroon ng personal hard copy ng Diary ni Ariela ay pwede


kayong mag-comment, mag-pm sa 'kin.

Maraming salamat!

At mahal kayo ni Ariela!

×××

Ang Diary of A Psychopath: Mental Asylum

(Book 2 ng Diary ni Ariela) ay posted na sa works ko!

Enjoy!

- - -

=================

Book Jacket

Guys!

Sa may planong bumili at mag-order ng Diary ni Ariela ito na ang BOOK JACKET niya!
Enjoy!

=================

Ariela's Note

Dear Mambababasa,

Ikinagagalak kong inanunsyo na ang Diary ko ay may eksaktong presyo na.

Ito ay nasa Php. 300.00 (Kasali na po ang shipping fee rito.)

Bakit kailangan n'yong bumili?

Kasi, nandoon sa libro ang dalawang entry ko sa Diary na nagsasalaysay sa mga


pangyayari ko noong aking kaarawan.

Sa mga interesado pong mag-order ay pwedeng-pwede pa dahil sa release na po ngayong


September!

Pm n'yo lang po si Xenon 'pag gusto n'yong kumuha ng kopya.

Nagmamahal,

Ariela

You might also like