Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Division of South Cotabato

Polomolok East District
POLOMOLOK NATIONAL HIGH SCHOOL
OPEN HIGH SCHOOL PROGRAM

Ikalawang Linggo

Pangalan: __________________________________________ Baitang:___________________

Petsa: __________________ Guro:___________________

ARALIN 2: NATALO RIN SI

PILANDOK

Maraming taong tuso at manloloko sa ating panahon. Patuloy silang nakapanloloko dahil sa kanilang pagiging
mapagkunwari kaya’t hindi namamalayan ng kanilang mga nagiging biktima na sila pala’y napapasok na sa isang bitag o
kapahamakan. Ang ilang paraan ng modus operandi sa mga panloloko o scam ay mababasa sa ibaba. May nalalaman ka
ba kung paano isinasagawa ang mga ito? Subuking ipaliwanag sa kahon kung paano isinasagawa ang bawat isa.
(Magtanong sa magulang o kaya’y magsaliksik sa internet kung kinakailangan).

Dugo-dugo Gang

Laglag Barya Gang

Tanong: Paano kaya makaiiwas sa mga taong mapanlinlang o manloloko? (Isulat ang sagot sa patlang, gamitin nang
wasto ang mga bantas. Gamitin din nang wasto ang maliliit at malalaking mga titik).

___________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

Basahin ang pabula sa ibaba upang mas maintindihan mo pa ang ating aralin para sa linggong ito.

NATALO RIN SI PILANDOK

Kilala si Pilandok sa kanyang pagiging tuso at mapanlinlang. Katunayan, madalas na
panlilinlang o panloloko ang ginagamit ni Pilandok sa kanyang mga laban kaya lagi siyang nananalo.
Subalit may kasabihang “ang anumang gawin mo sa kapwa mo, babalik at babalik din sa iyo.” Darating
nga kaya ang pagkakataong mababalikan din siya ng mga nagawa niyang panloloko o panlilinlang at
siya naman ang matatalo? Sino kaya ang hayop na makatatalo sa kanya? Isa kaya itong Malaki at
makapangyarihang hayop o isang hayop na mas maliit pa sa kanya? Halina’t iyong alamin!
Isang hapon, mainit ang sikat ng araw kaya’t nagpasiya ang matalinong pilandok na magpunta
sa paborito niyang malinaw na batis upang doon magpalamig at uminom. Isang malaki at gutom na
gutom na baboy-ramo pala ang nakatago sa gilid ng malalabay na puno at naghihintay ng anumang
darating na puwedeng makain. Nang Makita niya ang pilandok ay agad na nagningning ang kanyang
mga mata. Mabilis siyang lumabas at humarang sa daraanan ng pilandok. “Sa wakas, dumating din
ang aking pagkain. Gutom na gutom na ako sa maghapong
hindi pagkain, Pilandok! Kaya’t humanda ka na dahil ikaw
ngayon ang aking magiging hapunan,” ang tatawa-tawang
sabi ng baboy-ramo. Kitang-kita ng pilandok ang matutulis
na ngipin at pangil ng baboy-ramo.
Takot na takot ang pilandok dahil alam niyang sa
isang sagpang lang sa kanya ay tiyak na magkakalasog-la-
sog ang kanyang payat na katawan subalit hindi siya nag-
pahalata. “Kawawa ka naman, Baboy-ramo, maghapon ka na palang hindi kumakain,” ang sabi na tila
awang-awa nga sa kalagayan ng kausap. “Puwede mo nga akong maging pagkain, pero alam mo, sa
gutom mong iyan at sa liit kong ito, tiyak na hindi ka mabubusog sa akin,” ang dugtong pa nito.
“Kung gayon, ano ang gagawin ko? Gutom na gutom na ako!” ang malakas na sigaw ng babo-
ramo. “Ha! Matutulungan kita riyan, Baboy-ramo,” ang sabi ng pilandok habang mabilis na nag-iisip.
“Tao, tao ang dapat mong kainin para mabusog ka. Sasamahan kita sa paghahanap ng isang taong
tiyak na makabubusog sa iyo,” ang paniniyak nito.
“Ano ba ang tao? Tiyak ka bang mabubusog ako sa tao?” ang tanong ng baboy-ramo.
“Anong tao ang pinakamalakas na hayop sa buong mundo,” ang sagot naman ng pilandok.
“Mas malakas pa kaysa sa akin?” ang tanong ng baboy-ramo habang hinihipan at pinapalaki
ang kanyang dibdib.
“Oo, malakas talaga ang tao, subalit sa talas ng iyong mga ngipin at pangil, at sa bilis mong
tumakbo, tiyak na kayang-kaya mong sagpangin at kainin ang tao,” ang pambobola pa ng pilandok.
Paniwalang-paniwala ito sa kanyang matatamis na pananalita. “Kung gayon, samahan mo na ako sa
tao at nang ako’y makakain na. Basta’t tandaan mo, kapag hindi ako nakakain ng taoay ikaw pa rin
ang magiging hapunan ko,” sabi ng baboy-ramo sa pilandok.
“Oo, basta, ako ang bahala sa iyo. Tiyak na mabubusog ka, Kaibigan,” ang paniniyak pa ng
pilandok sa baboy-ramo.
Naglakad-lakad nga ang dalawa sa kagubatan hanggang sa mapunta sila sa isang talon.
Nakarinig sila ng tinig ng isang batang tila tuwang-tuwa sa paglangoy. Nakita nila ang isang batang
lalaking nagtatampisaw sa batis na nasa ibaba ng talon.
“Iyan, iyan na ba ang tao? Susunggaban at kakainin ko na,” ang mabilis na sabi ng baboy-ramo.
“Kaibigan, hindi pa iyan ang tao. Sumisibol pa lang iyan kaya’t hindi ka pa masisiyahan diyan,”
ang sagot ng pilandok.

“Kung gayon, saan natin makikita ang taong gagawin kong hapunan?” ang naiinip nang tanong
ng baboy-ramo.
“Doon, sa gawing-hilaga,” ang sagot ng pilandok.

Nakakita sila ng isang taniman ng mga kamote. May isang matandang lalaking nagtatanim.
Nakabaluktot na ang likod niya at nakalalakad na lamang sa tulong ng baston.

“Iyan na ba? Iyan na ba ang taong gagawin kong hapunan? Ayoko niyan, payat at ni hindi ako
matitinga riyan,” ang sagot ng baboy-ramo.
“Tama ka kaibigan. Masyadong payat iyan at hindi ka mabubusog. Hindi iyan nababagay sa isang
matikas na baboy-ramong tulad mo,” ang muling sabi ng pilandok.
Galit na ang baboy-ramo. “Kung gayon, saan ko makikita ang taong kakainin ko? Gutom na
gutom na ako! Niloloko mo lang yata ako e. Ikaw na lang ang kakanin ko!” ang gigil na sabi nito sa
pilandok.
“Huwag! Huwag, kaibigan… Hayun na, hayun na ang taong laan para sa iyong hapunan,” ang
sabi ng pilandok sabay turo sa isang matikas at matangkad na mangangasong naglalakad sa gilid ng
gubat.
“Tiyak na mabubusog ka riyan dahil malaman iyan at tiyak, hindi mo na gugustuhin pang
kumain ng isang munting hayop na tulad ko pagkatapos mo siyang makain,” ang nakangising sabi ng
pilandok.
“Tama ka, Pilandok, ito na nga ang hapunan ko,” ang sigaw ng baboy-ramo sabay sugod sa
nabiglang mangangaso. Subalit nabigla man at natumba ang mangangaso ay mabilis pa rin itong
nakabangon at napaputok ang dalang riple.Muntik nang tamaan ang baboy-ramo subalit nang
makabawi sa pagkabigla ay mabilis na itong nagtatakbo palayo para mailigtas ang kanyang buhay.
Nakahinga nang maluwag ang tusong Pilandok. Ngayon siya ay nakadama ng matinding uhaw
kaya’t nag-isip niyang muling bumalik sa batis upang ipagpatuloy ang naputol na pag-inom. Tahimik
na umiinom ang pilandok nang bigla niyang maramdamang ay sumunggab sa kanyang isang paa.
Paglingon niya ay nakita niya ang buwayang makailang beses na niyang nalinlang. Alam niyang galit
na galit sa kanya ang buwaya pero galit din siya rito dahil lagi siyang pinipigilang uminom sa batis.
Sa halip na magsisigaw sa sakit ay mabilis na nag-isip ng solusyon ang matalinong pilandok.
“Hay naku, kawawa naman ang buwayang ito. Hindi niya makilala ang pagkakaiba ng patpat sa paa ng
isang pilandok na tulad ko,” ang tila nang-uuyam na sabi ng pilandok.

Subalit hindi siya binitawan ng buwaya. Sanay na kasi itong naiisahan ni Pilandok kaya ngayon
ay natuto na siya. Baka isa na naman patibong ito ng pilandok.
Subalit hindi tumigil doon ang pilandok. “Buwaya, bulag k aba? Patpat lang ang kagat-kagat mo.
Heto ang paa ko, o,” ang malakas na sabi niya sabay taas ng isang binti. Biglang binitiwan ng buwaya
ang kagat-kagat na paa ng pilandok. Akmang susunggaban na sana nito ang isang pang itinaas ng
pilandok nang mabilis itong makalundag palayo. Sising-sisi ang buwaya, naisahan na naman siya ng
matalinong pilandok.

Habang naglalakad pauwi ang pilandok ay nasalubong niya ang isang suso. Dahil maliit ang suso
ay naisip ng pilandok na kayang-kaya niyang magyabang dito. Hinamon niya ang suso sa isang karera
at anong laking gulat niya nang pumayag ang suso at nagsabi pa itong kayang-kaya niyang talunin ang
pilandok. May isang kondisyon lang ang suso, kapag natalo niya ang pilandok ay titigilan na nito ang
ginagawang panlalamang o panloloko sa ibang hayop sa gubat. Tatawang-tawang pumayag ang
pilandok dahil sigurado naman siyang mananalo sa karerang ito.

Ang hindi alam ng pilandok ay kalat na kalat na sa kaharian ng mga hayop ang kanyang pagiging
tuso o mapanlinlang kaya’t napaghandaan na ng suso ang araw na siya naman ang maaaring
mapagdiskitahan ng pilandok. Kinausap na niya ang kanyang mga kapatid. Magkakamukha sila at
aakalain mong iisang suso lang sila dahil sa kanilang parehong-parehong itsura.

Nagsimula na ang karera. Agad na umarangkada at tumakbo nang ubod bilis ang pilandok.
Subalit paghinto niya sa kalagitnaan upang silipin kung nasaan na ang kalaban ay anong laking gulat
niya nang magsalita ang suso. “O, ano Pilandok, pagod ka na ba?” ang tanong nito. Takang-taka ang
pilandok kung paanong nagawa ng suso na mauna pa sa kanya kaya’t mabilis itong tumakbong muli
hanggang sa makarating sa dulo ng karera nang halos lumawit ang dila sa pagod. Subalit, hayun at
nauna na naman ang suso na ipinagbubunyi na ng ibang mga hayop bilang nagwagi. Hindi
makapaniwala ang pilandok na natalo siya ng isang suso. Natalo niya ang mabangis na baboy-ramo
natalo niya ang malaki at mahabang buwaya, minsa’y naisahan na rin niya ang isang matalinong sultan
subalit, heto, siya naman ngayon ang natalo ng isang munting suso. Binati niya ang suso at buong
pagpapakumbaba niyang sinabi, “Suso, kung sa paanong paraan mo man ginawa iyon, tinatanggap
kong tinalo mo ako. Matalino ka nga. Binabati kita at dahil diyan, ipinangangako kong iiwasan ko na
ang ginagawa kong panlalamang sa kapwa.” Muling nagbunyi ang mga hayop na nakarinig kay
Pilandok.
-Muling Isinalaysay

A. Ngayon na nabasa mo na ang pabula, ay sasagutan mo ngayon ang mga katanungan sa ibaba upang malaman
natin kung lubos mo nga bang naintindihan ang kuwento. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Ano ang pinakaangkop na paglalarawan para kay Pilandok, matalino nga ba o mapanlinlang? Patunayan sa
pamamagitan ng mga ginawa niya sa binasang pabula.

_____________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________

2. Sa paanong paraan nakilala ni Pilandok ang baboy-ramo? Sa iyong palagay, nararapat nga kaya ang ginawa
niyang panlilinlang sa baboy-ramo? Kung ikaw si Pilandok, ano ang gagawin mo para makaligtas ka na maging
hapunan ng baboy-ramo nang hindi mo ito kinakailangang ipahamak?

_____________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________

3. Bakit kaya galit na galit ang buwaya kay Pilandok? At bakit naman galit din si Pilandok sa buwaya? Sa paanong
paraan muling naisahan ni Pilandok ang buwaya?

_____________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________

4. Sa paanong paraan napagtanto ni Pilandok ang kanyang pagkakamali? Sino ang nakatulong sa kanya upang
maimulat siya sa kanyang pagkakamali?

___________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________
B. Ano kaya ang kalalabasan ng mga pangyayaring nakalahad sa bawat bilang? Maghinuha o mag-isip batay sa
nabasa o napakinggang akda. Bilugan ang titik ng iyong sagot at bigyan din ito ng paliwanag at isulat sa patlang.

1. Kung magpapatuloy pa rin si Pilandok sa ginagawang panlalamang o panloloko sa mga kapwa niya hayop
a. iiwasan siya ng mga hayop at walang makikipagkaibigyan o makikisama sa kanya
b. mapipili siya bilang pinuno at gagayahin din ng ibang hayop ang mga halimbawa niya
c. pupurihin nila ang mga ginagawa ni Pilandok sa kanyang mga kapwa hayop

dahil________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________

2. Naisahan na naman ni Pilandok ang buwaya. Ano kaya ang mangyayari sa susunod na mag-krus uli ang landas
ng dalawa?
a. Hindi na pakakawalan nang buhay ng buwaya si Pilandok
b. Muli na namang maiisahan ni Pilandok ang buwaya
c. Magiging magkaibigan na si Pilandok at ang buwaya

dahil________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________

3. Nagbunyi ang ibang hayop nang matalo ng isang munting suso si Pilandok. Ano kayang mensahe ang ipinaabot
ng mga hayop kay pilandok?
a. Pumusta kami kay suso kaya sa pagkatalo mo ay mayroon kaming matatanggap na premyo
b. Tama lang na nangyari iyan sa iyo para malaman mo kung ano ang nadarama ng kapwa mo kapag ikaw naman
ang nanlilinlang sa kanila
c. Ang galing mo talaga, Pilandok! Ikaw ang “idol” naming mga hayop dito

dahil________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________

4. Tinanggap ni Pilandok ang pagkatalo niya kay Suso at nangako pang magbabago na. Anong katangian ang
makikita kay Pilandok dahil sa ginawa niyang ito?
a. Marunong ding tumanggap ng pagkatalo at alam ni Pilandok kung kalian siya magpapakumbaba
b. Masipag din pala si Pilandok at gagawin niya ang makakaya para sa makatulong sa mga kapwa hayop
c. Mahusay talagang makisama at maaasahan ng maraming hayop ang mabait na si Pilandok

dahil

___________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________

5. Pagkatapos ng pagkatalo ni Pilandok sa suso at pangangakong magbabago na sa harap ng kanyang mga kapwa
hayop, ano kaya ang mangyayari?
a. Muling manlilinlang si Pilandok ng hayop kapag siya’t nagipit
b. Iiwas na si Pilandok na manlinlang o manloko ng ibang hayop
c. Hindi na ipapakita o ipapaalam ni Pilandok sa iba kapag siya’y nanloko uli ng kapwa niya

dahil________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________
Ngayong nasagutan at nahinuha mo na ang mga maaaring kalalabasan ng mga pangyayari sa kuwento, pupunta
naman tayo sa mga mahahalagang kaisipan na maaari nating makuha mula sa kuwentong iyong binasa. Tutukuyin mo ang
mga mahahalagang kaisipang ito sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (√) sa kahon kung ang pahayag ay nagbibigay ng
mahalagang kaisipan at ekis (X) naman kung hindi. Ipaliwanag naman kung paano mo magagamit ang mahalagang kaisipan
na nilagyan mo ng tsek sa iyong pang-araw-araw na buhay. (Sa inyong tahanan, komunidad o paaralan) Isulat ito sa
patlang.

1. Si Pilandok ay isang nilalang na laging nag-iisip ng paraan kung paano makapanlilinlang o makapanloloko
ng kanyang kapwa

Paliwanag:____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

2. Ang matamis na dila o maboladas na pananalita ay karaniwang nakaaakit sa iba kaya sila nagiging
biktima ng panloloko.

Paliwanag:____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

3. Ang masipag na nilalang ay nagagantimpalaan.

Paliwanag:____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

4. “Tuso man ang matsing, napaglalamangan din.” Napatunayan ito ni Pilandok nang siya naman ang
manlinlang ng mas maliit na nilalang kaysa sa kanya.

Paliwanag:____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

5. Maging matalino at kilalanin munang mabuti ang isang tao bago maniwala upang di matulad kina baboy-
ramo at buwaya na naging biktima ng isang manloloko.

Paliwanag:____________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________
Si Pilandok ay isang tauhang likhang-isip lamang subalit marami siyang katulad sa ating lipunan. Ang problema,
hindi basta makikilala sa kanilang suot, pananalita, o kilos ang mga taong manloloko dahil tulad ni Pilandok, madalas ay
magaling din silang magpanggap o mapagkunwari. Basahin ang balita at pagkatapos ay isagawa ang mga panuto.

‘Mayamang’ pamilya sa Mandaluyong, biktima ng ‘Dugo-dugo’ Gang

GMA News Online, April 18, 2013
Isa umanong prominenteng pamilya sa Mandaluyong City ang natangayan ng P15 milyong
halaga ng salapi at alahas matapos mabiktima ng ‘Dugo-dugo’ Gang madaling araw nitong
huwebes.
Hindi muna pinangalanan sa ulat ang pamilyang nabiktima, subalit sinabi nito na ang
pamilya ay taga Wack-Wack Village. Sa paunang imbestigasyon, tinawagan umano ng isa sa mga
suspek ang bahay at kinausap ang isang katulong. Sinabihan daw ang kasambahay na
naaksidente ang isang miyembro ng pamilya.

Sa utos ng kausap nito sa telepono, agad dawn a winasak ng katulong ang safety vault sa
bahay at kinuha ang pera at alahas na nagkakahalaga ng 15 hanggang 20 milyong piso.
Agad na humingi ng tulong sa pulisya ang nabiktimang pamilya.

Batay sa balitang iyong nabasa, walang iisang pagkakakilanlan ang mga taong manloloko o manlilinlang. Minsan
maging ang isang kakilala, isang bata, o isang taong sa telepono mo lang nakausap ay puwede palang manloloko o gumawa
ng hindi mabuti sa iyo.

Batay sa mga nakalahad na halimbawa sa balitang nasa itaas gayundin sa karakter na ipinakita ng pangunahing
tauhang si Pilandok at sa mga manlolokong napapanood mo sa telebisyon, ano kaya ang puwedeng maging profile ng isang
taong maaaring maging manloloko? Ilarawan mo ito sa mga kahon sa ibaba.

Ang itsura ay maaaring:

Ang kasarian ay
Ang edad ay maaaring:
maaaring:

Ang mga estilo sa panloloko

ay maaaaring:

Ang background o uri ng

pamumuhay ay maaaring:
Sa iyong mga isinagot sa naunang gawain ay maaaring napansin mong hindi basta makikilala o malalaman kung
ang tao ay may kakayahang manloko batay lamang sa kanilang hitsura, edad, kasarian, o uri ng pamumuhay. Kung gayon,
ano-anong hakbang o tip ang maaari mong maibigay para sa iyong sarili at sa ibang tao para maiwasang maging biktima
ng mga taong manloloko? Maglahad ng lima.

1._________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________

2._________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________

3._________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________

4._________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________

5._________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________

Basahin ang teksto sa ibaba na nagpapaliwanag kung saan at paano nagsimula ang mga pabula na nababasa mo ngayon.
Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan na ilalahad.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA

Ang pabula ay nagmula sa salitang Griyegong “muzos” na ang ibig sabihin ay myth o “mito”. Nagsimula ito sa
tradisyong pasalita at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon hanggang sa kolektahin ng mga pantas at sa huli ay
binigyan ng ilang pagbabago ng mga tagapagkuwento nang naaayon sa kultura o kapaligirang kanilang ginagalawan. Ang
ilan sa mga naunang kilalang koleksiyon o kalipunan ng pabula ay nagmula sa mga kaugalian ng mga bansa sa silangan.
Ang iba pang koleksiyon ay nagmula naman sa Griyego at Romano kung saan masasalamin sa mga paksa nito ang mga
elementong panrelihiyon.
Sa pagdaan ng panahon ay isinilang ang pabula ni Aesop na gumamit ng mga hayop na nagsasalitang parang mga
tao bilang mga pangunahing tauhan. Si Aesop na isang Griyego at nabuhay noong panahon 620 hanggang 560 BC ay
itinuturing na ama ng mga sinaunang pabula (ancient fables). Si Aesop na sinasabi ring isinilang na kuba ay lumaking isang
alipin subalit pinagkalooban ng kalayaan ng kanyang amo at hinayaang maglakbay at makilahok sa mga kilusang pambayan
at makisalamuha sa mga tao (sa panahong iyon, ang mga alipin ay walang karapatang lumabas at makisalamuha sa iba
maliban na lamang kung may pahintulot ng kanilang amo.) Dito lumabas at nakilala ang kanyang taglay na talino at galing
sa pagsulat at pagkukuwento. Tinatayang siya ay nakasulat ng mahigit 200 pabula sa kanyang buong buhay.
Marami pang ibang manunulat ang sumunod na sumulat ng pabula at nakilala rin dahil sa kanilang mga likha.
Kabilang sa mga ito sina Barbrius, isang manunulat ng koleksiyon ng mga pabulang nasusulat sa wikang Griyego; Phaedrus
na kinikilalang kauna-unahang nagsalin sa Latin ng mga pabulang hango sa mga pabula ni Aesop; gayundin sina Romulus,
Socrates, Phalacrus, at Planudes. Kabilang din sa mga nagpalaganap ng pabula sa kani-kanilang kapanahunan sina Odon
ng Cheriton noong 1200, Marie de France noong 1300, Jean La Fontaine noong 1600, G.E. Lessing noong 1700, at Ambrose
Bierce noong 1800.
Sa mga tauhang hayop ng mga pabula masasalamin ang mga katangiang taglay ng mga tao tulad ng pagiging
malupit, makasarili, mayabang, tuso, madaya, at iba pa. Itinuturo din ng mga pabula ang tama, mabuti, makatarungan, at
makataong pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Ang mga pabula ay lumalaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na
ibinibigay nito.
Taliwas sa iniisip ng marami, ang pabula ay hindi maituturing na “pambata lamang” sapagkat ang mga ito’y
nangangailangan ng pag-unawa sa mga katangian ng mga tauhang hayop at pag-uugnay ng mga ito sa kahawig na
katangian ng mga tao upang maging epektibo ang paghahambing. Mahalaga ring makilatis ang mga aral o mahahalagang
kaisipang taglay ng mga ito.

A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Bakit kaya patuloy na lumalaganap ang mga pabula kahit pa ang mga naunang pabula ay sa paraang pasalita
lamang nagpasalin salin?

2. Ano-ano ang katangian ng pabula noon at ngayon? Paano nagkaiba ang mga ito?

3. Ano-anong katangiang taglay ng tao ang masasalamin sa mga tauhang hayop sa pabula ayon sa tekstong
nabasa?

Inihanda ni:

VINCENT JAKE E. NAPUTO

You might also like