FJGHJ

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Republika ng Pilipinas

NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY


Sumacab Este, Cabanatuan City
Kolehiyo ng Edukasyon

“Cyber Bullying sa Facebook”

Paper Pananaliksik

Lindlever R. Marcos

Reniel N. Melegrito

Jaypee L. Santos

Reynaldo M. Santos
Dahon ng Pagpapatibay

Bilang pagtupad sa kahilingan ng asignaturang Filipino, Pagbasa

at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang papel pananaliksik na ito

na pinamagatang “Cyber-bullying sa Facebook” na inihanda nina

Lindlever R. Marcos, Reniel N. Melegrito, Jaypee L. Santos at

Reynaldo Santos. Tinanggap sa pangalan ng kagawaran ng Filipino.

Pabasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Bb. Samantha L. Policarpio

Guro sa Filipino
Dahon ng Pasasalamat

Nagpapasalamat kami sa mga taong tumuulong sa amin upang ang

aming pananaliksik ay maisakatuparam at sa mga nagbigay ng tulong

para ito ay madagdagan, kami ay nagpapasalamat. At ito ay ay aming

natapos dahil sa aming pagsisikap.

Nagpapasalamat din kami sa aming guro na si Bb. Samantha

Policarpio, para sa kanyang tiwala at paniniwala na aming magagawa

at matatapos itong papel pananaliksik. Gayun din sa pamilya namin

na sumuporta at gumabay sa aming ginawa. At higit sa lahat sa

Panginoong Diyos na nagbigay sa amin ng karunungan at kalakasan

habang ginagawa naming an gaming papel- pananaliksik na ito.


Talaan ng Nilalaman

Panimulang Pahina --------------------------------------------- i

Dahon ng Pagpapatibay ---------------------------------------- ii

Dahon ng Pagpapasalamat ------------------------------------- iii

Kabanata I

Panimula ( Suliranin at Kaligiran nito ) -------------------- 1-3

Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral ------------------------- 3-4

Saklaw at Deliminasyon -------------------------------------- 4

Paglalahad ng Suliranin ------------------------------------- 4

Kabanata II

Mga kaugnay na Literatura at Pag-aaral ---------------------- 5-6

Mga Epekto sa mga nakakaranas ng Cyberbullying sa Facebook o

internet ---------------------------------------------------- 6-7

Estadistikong Pamamaraan sa Pagkompyut ng Datos ------------- 7

Kabanata III

Disensyo ng Pananaliksik ------------------------------------ 8

Mga taga-tugon sa pag-aaral/respondent ---------------------- 8


Instrumento ng Pananaliksik --------------------------------- 8-9

Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos ------------------------ 9

Kabanat IV

Konklusyon -------------------------------------------------- 10

Rekomendasyon --------------------------------------------- 10-11

Hanguang Elektroniko ---------------------------------------- 12


KABANATA I

Suliranin at Kaligiran nito

Panimula

Ang pagsasagawa ng pananaliksik hingil sa Cyberbullying sa

facebook ay isang paraan upang malamab ang mga dahilan at epekto

nito sa isang tao. Ang pagmamaton sa internet o Cyberbullying sa

ingles ay paggamit ng internet upang makapanakit o maka-apak ng

pagkatao ng isang tao. Ang paggamit ng masasakit na mga salita o

ang paglalabas ng mga di kaaya-ayang mga litrato na maaring ikasira

ng nag-mamaya-ari nito ay isang halimbawa ng Cyberbullying, sa

panahon ngayon lubos na talagang umunlad ang ating teknolohiya.

Nagkakaroon tayo ng makabagong kaalaman na nakakatulong sa ating

pang araw-araw na pamumuhay ay isa sa mabuting naidudulot sa atin

nito. Ngunit nakakalungkot isipin na naabuso din ito dahil na rin

sa mga sariling interes.

Ginamit na din ang facebook para makapanakit ng iba at mag-

pahiya. Ang Facebook ay numero unong laganap ang Cyberbullying,

Twitter, Instagram ay ilan lamang sa mga websites na kadalasan na

nagaganap ang Cyberbullying. Mahirap alamin kung sino ang gumagawa

ng cyberbullying dahil hindi agad malalaman kung kaninong pangalan


o address ng may ari ng isang account sa facebook. Ang mga tao

ngayon ay nagiging malupit na sa isat isa pagdating sa paggamit ng

facebook. Ang layunin nila ay intensyonal na magpahiya, guluhin,

mang-insulto at magbanta sa isa’t isa. Ang pang-bubuling ito ay

nagaganap sa pamamagitan ng elektronikong liham, mabilisang

pagmemensahe, at ang pagpapaskil ng mga sulatin sa facebook.

Cyberbullying sa Facebook ay sobrang laganap sa panahon

ngayon, dahil na din sa mataas na bilang ng gumagamit o mayroong

account nito. Naitala pa nga na ang bansang Pilipinas ay isa sa

mga bansang may mataas na bilang na may sariling account ng

Facebook sa buong mundo. Layunin ng Facebook na magkaroon tayo ng

madali, maayos at mabilis na komunikasyon, kahit saang sulok ng

mundo ka naroroon. Layunin din nito ang pagkakaroon ng kaibigan,

ngunit sa ngayon hindi lang ang pagkakaroon ng kaibigan ang

nagaganap sa Facebook bagkus nagkakaroon din ng kaaway o pagmamaton

dito.

Nakakalungkot lamang isipin na ang mga nakakaranas ng

Cyberbullying sa Facebook ay padami ng padami ang bilang. Isang

post o pagko-komento lang ng hindi maganda ay maari ka ng makasira

ng buhay ng isang tao. Kadalasang namamaton o nabibiktma ng

cyberbullying sa facebook ay anfg mga taong nagpopost ng mga


malulungkot at kahinaan ng loob. Mayroon pa ngang kaso ang

nabubully ay ang mga miyembro ng LGBTQ.

Ang pagmamaton sa internet ay ang patuloy na pagpapadala ng

mensahe sa isang tao na nagsasabing hindi nila kilala kung sino

ang nasa likod nito na may kasamang pagbabanta, seksuwal na

nilalaman, nakakainsultong pananalita, panghahamak at pagpapahatid

ng mga maling pahayag na nagdudulot ng pagkawala ng kahihiyan ng

isang tao.

A. Layunin at Kahalagahan ng pag-aaral

Kahalagahan ng pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nagsisilbing batayan kung ano ang

maaring epekto sa mga ugali ng nakakaranas ng Cyber bullying sa

Facebook.

Layunin

Magulang

- Upang makita ang mga pagbabago na nangyayari kung ang kanilang

anak ay nabubuli.

Kabataan
- Upang malaman kung sila ay nakakaranas ng pang-bubuli sa

facebook.

Guro

- upang malaman kung ang estudyante nila ay nakakaranas ng pang-

bubuli sa facebook.

B. Saklaw at Deliminasyon

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa mga cyber bullying sa

facebook ay dito lamang isinagawa sa loob ng paaralan ng NEUST

Sumacab campus, at pili lamang an gaming kinuhang respondent

tungkol sa aming paksa, kung sila ay nabiktima ng pagmamaton sa

Facebook. Binibigyan nito ng higit na pansin ang mga taong

direktang naaapektuhan ng nasabing suliranin.

C. Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong magbigay ng kaalaman sa mga

epekto ng cyber bullying sa facebook.

1. Ano-ano ang mga salik na sanhi ng cyber bullying sa facebook?

2. Ano-ano ang mga epekto ng cyber bullying sa facebook?

3. Sino-sino ang mga nabibiktima ng cyber bullying sa facebook?


KABANATA II

Mga kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Aming isinasagawa ang pananaliksik na ito tungkol sa mga dahilan

at epekto ng cyber-bullying sa facebook, upang maiwasan o mabawasan

ang bilang ng mga nabibiktima nito gamit ang facebook. Ang isang

indibidwal na nakakaranas ng cyber-bullying ay maaring magkaroon

ng epekto sa kanyang emosyonal o sikolohikal na aspeto at higit sa

lahat kanyang pangkalahatang gawain. Ang salitang “cyberbullying”

sa ingles ay binigyan ng kahulugan ni Bell Besev “ paggamit ng

teknolohiyang pang inpormasyon at pang komunikasyon para

suportahan ang sinasadya at paulit-ulit na mapanirang pamamaraan

ng isang indibidwal na tao.

Meron din na websayt sa internet na stopCyberbullying.org na

tumatalakay at binibigyan ng pansin ang mga kadalasang biktima at

nam-bibiktima ay inilahad ang sitwasyon na ang isang tao na

gumagamit ng facebook ay karaniwang tinatakot, pinapahiya at

pinahihirapan. Nasasaad din dito na may tatlong elemento na maaring

ituring na cyberbullying: una na dito ang pag-gamit ng nam-

bibiktima ng modernong impormasyon ang communication technology;

pangalawa para sa taong namamahiya, mang-gulo at manakit; at

pangatlo ang mga biktimang dahilan ng edad, pisikal na itsura,

estado ng pamumuhay at uri ng seksuwalidad.


Robert W. Fuller (2007), sumasaklaw ang paghahari-harian mula

sa payak na isang tao sa isa pang tao na paghahari-harian

(nagaastang hari) sa mas kumplikadong pagmamaton kung saan ang

maton ay maaring mayroong isa o maraming mga “tentyente” na tila

nagnanais na tulungan ang pangunahing maton sa kanyang mga gawain

nag paghahari-harian. Ang paghahari-harian sa paaralan at sa pook

ng trabaho ay tinatawag ding pang-aabuso ng kauri o pang-aabuso ng

kapantay na tao.

(http://tl.wikipedia.org/wiki/Paghahari-harian)

A. Mga Epekto sa mga nakakaranas ng Cyberbullying sa Facebook o

internet.

stopBullying.gov ay nagreport na ang mga kabataang nakakaranas

ng pagmamaton sa facebook o sa internet ay nakakaranas ng depresyon

at pagkalito.

Ang mga sintomas ay ang mga sumusunod:

 Matinding kalungkutan at pag-iisa.

 Pagbabago ng pagtulog at pagkain.

 Pagka-wala ng interes sa ibang bagay.

 Pagdaing ng mga sakit.


Ang isang tao o kabataan na nakakaranas ng pagmamaton o

pangbubuli sa facebook ay nagkakaroon ng problema sa pansarili at

sa paaralan. Maaaring sila ay;

 Lumiliban sa klase o kaya ay tumitigil sa pag-aaral.

 Pagkakaroon ng bagsak na grado.

 Pagiging sobrang mahiyain.

 Paginom ng alak at at paggamit ng droga.5

Ang ilang mga katangian na likas sa mga online teknolohiya ay

maari itong samantalahin para gamitin sa mga di kaya-ayang layunin.

Ang paggamit ng facebook o ng internet ay isang paraan para mang-

bully at bukod pa dito ay madali nilang maitago ang kanilang

pagkakakilanlan, ito din ang nagbibigay sa kanila ng kalayaan sa

normatibo at mga panlipunang hadlang sa kanilang paguugali.

B. Estadistikong Pamamaraan sa Pagkompyut ng Datos

Ang bawat kasagutan sa mga katanungan sa aming papel pag

sesurvey ay naitala at naiayos ng mabuti.


KABANATA III

DISENYO NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong paglalahad ng

mga datos sa pananaliksik. Ito ay ginamit upang malaman at matukoy

kung ano ang mga dahilan at epekto ng cyberbullying sa facebook

sa isang indibidwal.

A. Mga taga-tugon sa pag-aaral/respondente

Ang mga nagsagot o taga-tugon sa pananaliksik na ito ay ang mga

mag-aaral ng pangkat ng BSE1A at pangkat ng BEED2A. Sa pag aaral

na ito, ginamit ng mga mananaliksik ay ang pagse-survey sa mga

nabanggit na mag-aaral na nakaranas o nasangkot sa cyberbullying

sa facebook.

B. Instrumento ng Pananaliksik

Sa pananaliksik na ito, gumamit ng mga tanong na:

1. Naranasan mo na bang mabully sa facebook?

2. Bakit kaya may mga taong nabubully?


3. Sa tingin mo ano ang epekto nito sa mga taong nakakaranas ng

pang-bubully?

4. Ano ang mga posibleng nangyayari sa mga taong nakakaranas ng

cyberbullying.

Ginamit ang mga kagtanungang ito upang mangalap ng impormasyon

na manggagaling sa mga respondente ng mga mananaliksik.

C. Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos

Upang matukoy ang dahilan at epekto ng cyberbullying sa facebook

ay gumawa ang mga mananaliksik ng isang survey. Ang naging resulta

ng pagsusurvey ay nalaman ang epekto ng cyberbullying sa isang

taong. Nalaman ng mga mananaliksik ang mga pagbabago ng ugali ng

isang taong nabuli sa facebook, ang naging resulta ay nawalan ng

tiwala sa sarili at takot makipahalubilo sa mga tao. Nalaman din

na napakalaking epekto ng cyberbullying sa facebook dahil

natatakot na silang pumasok sa eskwelahan at ang madalas na

pagliban sa eskwelahan na nagdudulot ng pagbaba o pagbagsak ng

kanilang grado.
KABANATA IV

Konklusyon at Rekomendasyon

Konklusyon

Para sa aming paksa na may titulong Cyberbullying sa facebook

., nais naming pag-aralan, palawakin at unawin ang aming naging

paksa. Dahil kaunti lamang ang taong nakakaalam kung ano ang mga

epekto at dahilan dito, an gaming papel – pananaliksik ay

magbibigay ng kaalaman sa mga katanungan ng mga taong hindi alam

ang tungkol dito.

Ang naging konklusyon ng aming grupo sa mga sagoy na aming

naging respondente sa ibinigay na survey questionnaire ay kaunti

lamang ang mga nabully gamit ang teknolohiya at alam nila kung

papaano umiwas sa mga ganitong pangyayari.

Sa aming papel – pananaliksik, ay nakaroon kami ng malalim na

pag-unawa tungkol sa cyberbullying, naintindihan din naming ang

kahulugan nito.

Rekomendasyon

Batay sa aming pananaliksik ito ang aming nabuong

rekomendasyon.

Para sa mga taong mababa ang kumpiyansa sa sarili.


Para sa mga kabataan, kung kayo ay nabully gamit ang teknolohiya

magkaroon kayo ng sapat na lakas ng loob na magsumbong sa

awtoridad.

Para sa gobyerno, dapat bigyan nila ng kaukulang pansin ang

cyber bullying sa facebook o sa internet, dahil hindi na biro ang

lumalaking bilang ng nabibiktima ng cyberbullying.

Para sa mga magulang, dapat magkaroon sila ng sapat na kaalaman

sa mga posibleng epekto at solusyon ng cyberbullying (facebook),

dahil pwede mabiktima ang sarili nilang mga anak. Wastong patnubay

at gabay sa kanilang anak at pagturo ng tamang paggamit ng

teknolohiya.

Para sa mga guro, bigyan ng sapat na kaalaman ang mga estudyante

patungkol sa mga epekto ng cyberbullying. Bigyan din sila ng payo

kung paano ito maiwasan o bigyan solusyon at pagtakda ng patakaran

sa loob ng paaralan.

Para sa pangkalahatan, maging maingat sa paggamit ng facebook.

Maging maingat sa mga binibitawang salita at pagkokomento , upang

sa gayon ay maiwasan natin ang cyberbullying at ang pinakamahalaga

tulungan natin ang mga nabibiktima nito.


Hanguang Elektroniko

http://www.academia.edu/31574745/PAG-

AARAL_UKOL_SA_EPEKTO_NG_CYBERBULLYING_SA_MGA_MAG-

AARAL_NG_SIENA_COLLEGE_OF_TAYTAY

http://prezi.com/m/kbyou5ky-fy4/cyberbullying/

You might also like