Ang Ibat-Ibang Uri NG Teksto

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

========= Ang iba't-ibang uri ng teksto =========

1. Impormatibo- uri ng tekstong nagbibigay ng bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, at


impormasyon. Karaniwang naka-ayos ito sa paraang sikwensyal at ipinaliliwanag nang maayos
ang mga kaalaman.

Halimbawa:

- Mga talang pangkasaysayan

- Mga balita

2. Argumentatibo- uri ng tekstong naglalahad ng posisyon ng isang manunulat sa kaugnay na


usapin na dapat pagtalunan. Tumutugon ang mga ganitong akda sa tanong na bakit.

Halimbawa:

- Ang Editoryal

3. Persuweysib - isang uri ng akdang layon mangumbinsi o manghikayat.

Halimbawa:

- Propaganda

- Mga patalastas

4. Naratibo - naglalahad o nakgukuwento ng pangyayari ayon sa kronolohikal na ayos.

Halimbawa:

- Nobela o mga akdang pampanitikan


5. Deskriptibo - tekstong nagtataglay ng kauukulang impormasyon sa katangiang pisikal ng isang
tao, lugar, bagay o pangyayari. Ito ay isa sa mga pinakamadadaling hanapin sapagkat ito ay
sumasagot sa tanong na “ano”

Halimbawa:

- Mga akdang pampanitikan

- Mga lathalain

6. Prosidyural - ang isang uri ng tekstong nagsasaad ng pagkakasunod-sunod ng mga partikular


na hakbang upang maisakatuparan ang anumang gawain.

Halimbawa:

- Mga panuto

- Mga recipe o guide

You might also like