Professional Documents
Culture Documents
Sipag o Talino
Sipag o Talino
Sipag o Talino
Nalimutan ng kantalo, mga bayaning namatay, Na nagtanggol sa ‘ting bayan , ng laya ay makamtan. Kung
di dahil sa talino, taglay nila nung araw, Hanggang ngayon, tayong lahat, alipin pa ng dayuhan. Mga
naging presidente o senador at kongresman. Lahat sila ang talino ay di natin matawaran. Mga batas na
ginawa’t pinatupad sa ‘ting bayan, pinuhunan ay talino , kaya't sila'y naging gabay. SIPAG: Sa dami ng
matalino, namumumuno sa ating bansa, Ibat-ibang pagpapasya at maging paniniwala. Utos ditto, utos
doon, sila'y di gumagawa, kaya't laging nababalang kapakanan naming dukha. Samantalang kung
masipag itong mga punong halal, Sa problema’t kalamidad, sila'y laging naririyan, Hindi na kailangang
tawagin sila kung saan, Sapagkat pagtulong nila ay kambal ng kasipagan. TALINO: Tila yata nalimutan
nitong aking katunggali, Sa pagtulong ay talino ang gamit palagi, Pag mayroong kalamidad, manloloko'y
nariyan lagi, Kaya’t anong mahalaga, Talino'y ipagbunyi. Matataas na gusali, Super market, public mall,
Fly overs, sky ways, at ibat-ibang komunikasyon. Lahat ng yan ay nagawa, talino ang naging puhon, Kaya’t
bayan ay umunlad, ang biyaya’y tuloy-tuloy. SIPAG: SIPAG ANG KAILANGAN !! TALINO: TALINO ANG
PUHUNAN !! SIPAG: Matalino nga, tamad naman! TALINO: Ang taong tamad ginagamit ang talino para
sumipag. SIPAG: Sipag.! TALINO: Talino.! LAKANDIWA: Saglit munang pinipigil, inyo itong lakandiwa.
Pagtatalo nitong dalwang mahuhusay na makata, Pagkat tila nag-iinit, at kapwa di masawata. Inilahad na
katwiran, nakatatak sa ating diwa, Ang talino ay biyaya’t kayamanang handog ng Dyos, Lagi nating
nagagamit, sa mabubuting gawa't loob. Kasipagan at talino, pagsamahing walang toos,
Kaya't dapat ng magsanib, pag-isahing lubos-lubos. Ang talino'y siyang utak sa balangkas ng paggawa.
Ang sipag nama’y s’yang bisig sa planong binabadya. Kung ang isa'y mawawala, walang silbing
magagawa. Kaya't kapwa mahalaga. PANALO SILANG KAPWA!!