Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Aking Mga Pangako bilang Isang Pilipino

Ano ang wika para sa’yo? Para sa akin, hindi lamang ito isang paraan upang
makipagtalastasan. Ito ay isang paraan rin upang makipag-ugnay sa ating kasaysayan at mga
kapwa Pilipino. Pinapangako kong higit na ipagmalaki ito. Ito ay aking maisasabuhay sa
paraang paggamit nito araw-araw at sa pagkumbinsi ng iba na gamitin ito.

“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang


isda”. Ito ang sikat na kasabihan ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Kahit ilang
daang taon na itong kasabihan, ito parin ay angkop sa panahon ngayon. Lahat tayo ay dapat
matutong ipagmalaki ang ating sariling wika. Ito ang sumisimbolo sa ating kultura at kasaysayan
at wala tayong karapatan upang ipagkahiya ito.

Maari lamang mamatay ang isang wika kapag hindi ito ginagamit. Kaya bilang mga
Pilipino, ang paggamit ng ating wika ay higit na mahalaga. Maari natin gamitin ito upang
makipag-usap sa ating kapwa, manood ng mga pelikula, at magbasa ng mga teksto sa wikang
ito. Sa mundong ito kung saan marami tayong pagkakaiba, ang ating wika ang maaring
magkaisa sa ating lahat. Ang simpleng paggamit ng ating wika ay makakagawa ng malaking
epekto.

Sa paraan ng paggamit ng ating wika, nakukumbinsi mo na rin ang mga tao sa iyong
paligid na gamitin ito. Ito ay parang “domino effect” lamang. Kailangan natin ipaalam sa iba na
huwag tayong mahiya magsalita sa ating wika at hindi ito “jeje” o ano man. Ito ay ating
magagawa sa simpleng pagpatawa sa ating wika o pag “share” ng mga post sa ating wika sa
social media. Sa maliliit na bagay na tulad nito, siguradong mabubuhay ang wikang Filipino.

Ang ating wika ay ang tulay sa ating mga ninuno na nagsakripisyo para lamang
maibigay sa atin ito. Ito ay isang bagay na hinding-hindi ko tatalikuran. Ito ang isang bagay na
hindi ko papabayaan. Ito ay isang bagay na aking ibabahagi. Ito ang aking mga pangako bilang
isang Pilipino.

You might also like