LP - Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

School Occidental Mindoro State College-Lubang Grade Level IV

Campus
Teacher Ms. Charish de Lara Learning Area Filipino
Teaching October 26, 2019 Quarter First Quarter
DAILY LESSON PLAN
Dates and 3:00 – 3:45 P.M.
Time

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling


Pangnilalaman ideya, kaisipan, karanasan, at damdamin.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakabibigkas ng tula at iba’t ibang pahayag nang may damdamin, wastong tono at
intonasyon.

C. Kasanayan sa Pagkatuto Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili, sa mga
tao, lugar, bagay, at pangyayari sa paligid

II. NILALAMAN Aralin 3: Halaga ng Paggalang sa Loob ng Tahanan

Paksang Aralin: Kasarian ng Pangngalan

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
A. Mga Pahina sa Gabay sa 48 – 50
Pagtuturo
B. Mga Pahina sa 23 – 24
Kagamitang Pang Mag-
aaral
C. Mga Pahina sa Teksbuk

D. Karagdagang Kagamitan
mula sa LRDMS

B. Iba pang Kagamitang Manila paper, board, chalk/whiteboard marker, tsart


Panturo

IV. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Balik – Aral sa nakaraang Ano ang pangngalan? Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop,
Aralin o Pasimula sa bagay, lugar at pangyayari.
Bagong Aralin
( Drill/Review/Unlocking Ano ang 2 uri ng pangngalan? Pantangi at pambalana
of Difficulties )
Tukuyin ang mga salita kung pantangi
o pambalana.

1. Luneta Park 1. pantangi


2. aso 2. pambalana
3. National Heroes Day 3. pantangi
4. Tatay Ben 4. pantangi
5. guro 5. pambalana

B. Paghahabi sa Layunin ng Tukuyin ang mga bagay na ipapakita


Aralin ( Motivation ) kung para sa babae, lalaki, o hindi
matukoy.

1. Palda 1. Babae
2. Headband 2. Babae
3. Jersey shorts 3. Lalaki
4. Panyo 4. Hindi matukoy
5. Kwintas 5. Hindi matukoy

Ano ang kaugnayan ng ating ginawa


sa pag-aaralan natin ngayon? Ano ang
kaugnayan ng babae o lalaki sa mga
bagay na ipinakita? Ang pag-aaralan ay tungkol sa kasarian ng
pangngalan.

C. Pag – uugnay ng mga Basahin ang talata.


halimbawa sa bagong
aralin ( Presentation ) Ang Gintong Hiyas ng Magulang

Isang araw, ang magkapitbahay na


sina Cita at Luisa ay nag-uusap
tungkol sa pinakamahalagang bagay
sa kanilang buhay. Para kay Cita, ang
kaniyang kabuhayan, ginto at alahas
ang pinakamahalaga. Para naman kay
Luisa, ang kanyang tatlong anak ang
natatangi niyang hiyas.
Tulad ni Aling Luisa, kahit sino pang
magulang ay tiyak na sasabihing ang
kanilang anak ang natatangi nilang
hiyas at pag-asa sa kinabukasan.
Bilang anak, paano mo masusuklian
ang pagmamahal sa iyo ng iyong mga
magulang? Hindi sapat na batiin at
bigyan sila ng regalo tuwing sasapit
ang Araw ng mga Ina o Ama.
Kailangang ang anak ay maging
masunurin sa mga magulang at
magtapos sa pag-aaral upang
magkaroon ng matatag na
hanapbuhay. Kung ito ay
maisasagawa ng mga anak, ano
kayang damdamin ang
mangingibabaw sa kanilang tahanan?
Ang pagmamahal sa magulang ay
isang bagay na madalas nating
ipagwalang-bahala. Kabaligtaran
naman ang ginagawa ng ating mga
magulang na walang sawang
nagmamahal sa atin.
Kaya’t habang sila’y ating kapiling pa,
mahalin natin at igalang ang ating
mga magulang. Wala silang maaaring
kapalit pa sa daigdig na ito.

Tungkol saan ang binasang talata? Tungkol sa mga anak na masasabing


gintong hiyas ng mga magulang.
Anu-ano ang mga pangngalang
ginamit sa talata? Luisa ama Magulang Ginto
Cita anak Alahas
ina Daigdig

D. Pagtatalakay ng bagong Ano ang napansin nyo sa bawat


konsepto at paglalahad hanay ng pangngalan?sa unang Sa unang hanay ay may kinalaman sa
ng bagong kasanayan No. hanay? babae o pambabae.
1 ( Modelling )

Sa ikalawang hanay? Panlalaki

Sa ikatlong hanay? Di tiyak kung pambabae o panlalaki.

Sa ikaapat na hanay? Walang kasarian.

Ano ang masasabi nyo tungkol sa


pangngalan? Ang pangngalan ay mayroon ding kasarian.

E. Pagtatalakay ng bagong Magbigay ng mga halimbawa ng


konsepto at paglalahad pangngalan sa bawat kasarian.
ng bagong kasanayan No. Idagdag sa talaan. Gamitin sa sariling
2 ( Guided Practice ) pangungusap. (isa-isang magbibigay ng halimbawa ang
mga mag-aaral )

F. Paglilinang sa Kabihasnan Pangkatang Gawain.


( Tungo sa Formative Papangkatin sa 2 ang mga mag-aaral.
Assessment) Bibigyan ang bawat pangkat ng iba’t
( Independent Practice ) ibang kulay ng papel. Bawat isa ay
susulat ng isang pangungusap na may
pangngalan sa ibinigay na papel.
Pagsasama – samahin ang mga
pangungusap upang makabuo ang
pangkat ng isang kwento tungkol sa
nasaksihang pangyayari sa labas ng
silid-aralan. Gagawin ito sa loob ng 5
minuto. Pagkatapos ay pipili ng isang
miyembro na mag-uulat ng nabuong
kwento. (magsisimula ng gumawa ang bawat
pangkat )

G. Paglalapat ng aralin sa Isulat sa isang manila paper na may


pang araw-araw na iba’t ibang kulay ang mga
buhay ( pangngalang dapat mong igalang.
Application/Valuing )
Rosas – pambabae
Asul – panlalaki
Dilaw – di-tiyak
Berde – walang kasarian

H. Paglalahat ng Aralin Anu – ano ang mga kasarian ng


( Generalization ) pangngalan? Pambabae
Panlalaki
Di – tiyak
Walang kasarian

I. Pagtataya ng Aralin Tukuyin ang kasarian ng pangangalan


na may salungguhit sa bawat
pangungusap.

1. Nagising si Lisa at ang ate


niya isang gabi. Walang kasarian
2. Siya at ang kanyang ate ay
may narinig na ngiyaw ng
pusa sa labas. Pambabae
3. “Ngiyaw, ngiyaw,” mahinang
ungol ng pusa na tila nasa
gipit na kalagayan. Madilim
noon at natakot silang
lumabas. Di – tiyak
4. Matagal na nilang ibig
magkaroon ng pusa, kaya
ginising nila ang kanyang kuya
upang samahan sila sa labas
ng kanilang bahay. Panlalaki
5. Mula noon, ang pusang
napulot ay naging kalaro at
kasama nina Lisa. Di - tiyak

J. Karagdagang Gawain Gumupit ng mga larawan ng


para sa takdang aralin pangngalan batay sa kasarian. Idikit
( Assignment ) ito sa bondpaper.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remediation? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa
sa aralin.

D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation.

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasan na
nasolusyunan sa tulong
ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitan ang
aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
ALMUSAL
TANGHALIAN
HAPUNAN

You might also like