Professional Documents
Culture Documents
It Is Bold
It Is Bold
It Is Bold
Layunin ng Talumpati
1.Maglahad
2. Humikayat
3. Magbigay-aliw
4. Tumugon
5. Mangatwiran
6. Magbigay-kaalaman
Narito ang ilang kasangkapan na maaaring magamit para maging mabisa ang
pagpapahayag ng talumpati.
1. Tinig
Nakakatulong ang tinig sa pag-unawa sa nilalaman ng talumpati. Kailangang ibagay ang tinig sa
nilalaman ng pananalita. Isinasaalang-alang sa bahaging ito ang tulin o bilis ng pananalita,
pagbibigay-diin sa mahahalagang salita o mensahe na kailangang maunawaan ng tagapakinig,
tono ng pananalita, pagtaas at pagbaba ng tinig, at paglakas at paghina ng tinig. Ang
magandang tinig ay madaling makaakit sa madla. Iwasan ang matining na tinig o kaya ay
garalgal na tinig na parang sirang plaka.
2. Tindig
Tumindig nang maayos at iwasan ang tindig militar na parang naninigas ang katawan. Sikaping
maging magaan ang katawan at nakarelaks. Mahalaga na magmukhang kapita-pitagan para
makuha agad ang atensyon ng mga tagapakinig. Ang ganitonng uri ng anyo ay
nakapagpapahiwatig na handang-handa ang tagapagsalita.
3. Galaw
1. Kahandaan
2. Kaalaman sa paksa
Ang sapat na kaaalaman sa paksa ng tagapagsalita ay masasalamin sa paraan ng pagbigkas o
–pagtatalakay na ginagawa niya. Makikita ang kanyang kahusayan sa paksang tinatalaky sa
paraan ng pagpapaliwanag, pagbibigay ng interpreyasyon, paglalapat, paghahambing, pag-uulit
ng padron at ang pagbibigay ng problema at solusyon. Madaling matuklasan kung kulang sa
kaalaman ang tagapagsalita dahil mararamdaman ito sa kanyang tinig at ikinikilos.
3. Kahusayan sa pagsasalita
Madaling maganyak na makinig ang publiko kung matatas at mahusay magsalita ang
mananalumpati/tagapagsalita. Ibinibigay ng tagapagsalita ang kanyang tinig sa nililalaman ng
kanyang talumpati. Dito rin makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita gaya ng paggamit
ng angkop na salita, wastong gramatika at wastong pagbigkas ng mga salita. Mahalaga na
maunawaan ng tagapakinig ang mensahe kaya nararapat na ibigay ang lenggwaheng
gagamitin sa uri ng tagapakinig.
HALIMBAWA:
Sa Dilim Ng Gabi
Ni: Quennie N. Quiobe(Talumpating Naglalahad)
Lumatag na ang kadiliman, simula na naman ng gabi para sa akin, ngunit parasa mga
kabataang nagtitipun-tipon sa may bilyarang ilang metro lamang ang layo mula sa
aming munting tindahan ito’y hudyat ng simula ng araw sa kanila, tila ba ang p a g l a b a s n g
buwan ay ang pagsikat ng araw, tila ang malamlam na liwanag
angi t i n u t u r i n g n i l a n g i l a w . U m i h i p a n g h a n g i n , n a p a y a k a p a k o s
a a k i n g s a r i l i , nakapangingilabot ang pakiramdam ngunit alam kong hindi ang lamig ng
hangin angdahilan.Matagal-tagal na rin ako sa lugar na ito, dito ako nagkaisip, natutong
mangarapat higit sa lath dito ko natutuhang magpahalaga, batid mo bang ako’y mabuting
tao?Sana naman oo, kasi iyon ang tingin ko sa aking sarili.Tinitingnan ko ang mga bituin sa
madilim na langit nang maagaw ang pansinko ng mga taong nagtitipun -tipon sa ilalim
ng puno ng manga, mga kalalakihangnagsisitangkaran ngunit patpatin ang nakita
ko, nag-uusap, nagbubulungan, tila bawala ng bukas kung magtalastasan ang mga
ito, ilang sandali pa’y napagtanto kong lumipat sila ng pwesto, doon sa may bilyaran,
dagli kong inalis ang tingin ko sa kanilasapagkat nahinuha kong umiiral ang pagiging ususera
ko.Minuto lamang ang lumipas at napagtanto kong tila may kandilang nakasindisa kadiliman ng
bilyaran at sa tanglaw ng munting ilaw ay naaninag ko ang hawak ngm g a k a l a l a k i h a n g
u m a g a w s a a k i n g p a n s i n , a n o a n g m g a i y o n ? S i g e n a , s i g e n a , sasabihin ko
na.Droga! Iyon at sumaksak sa aking isipan ang naghuhumiyaw na katotohanangsa kabila ng
kagandahan ng lugar na ito sa umaga ay ang kapangitang lihim nito sa dilim ng
gabi.Ayokong isipin ng hindi totoo pero imposibl eng hindi ko paniwalaan
dahilnaamoy ko ang nakakasukang baho ng isa sa mga sakit ng lipunan, isang sakit
nahindi malunasan, hindi masugpo-sugpo.Hindi masugpo-sugpo? Mga kaibigan iyon ba talaga
ang kasagutan sa tanongng “Ano na nga ba ang kalagayan ng bawal na gamot sa ating bansa?”
Nakakalungkotmang isipin ngunit parang ganoon na nga. Pagsapit ng umaga, tila ba
simbolo ngkalinisan ang lugar na ito. Normal ang takbo ng buhay, napapatanong tuloy ako.
Akolang ba ang nakakaalam ng mga kaganapan sa dilim ng gabi?Hiling ko sa mga may
kapangyarihan, sana’y tuklasin ninyo ang mga lihim nggabi at marapat lamang na bigyan
ng solusyon dahil hindi lang dapat ang umagang kay ganda ang dapat nating
pahalagahan ngunit pati na rin ang gabing kay payapa.
Makasaysayang Lansangan
Ni: Quennie N. Quiobe(Talumpating Nagbibigay-aliw)
Naranasan mo na bang mayakap ng isang batang gusgusin at palaboy sal
ansangan? Naransan mo na bang makipaghabulan sa isang matandang may hawak ngmalaking
sako at gula-gulanit ang damit? E, ang tumakbo sa kalsada dahil tila ba hinahabol ka
ni kamatayan? Hindi pa?K u n g h i n d i m o p a n a r a r a r n a s a n a n g m g a i y o n
aba marami ka pa
p a l a n g napapalampas sa mundong ito. Ordinaryong araw lamang iyon pa
r a s a a m i n n g kaklase kong si Jonalyn. Singbagal ng pagong kung kami’y maglakad sa
kahabaan ngk a l s a d a s a p a l e n g k e b a k i t ? G a n d a n g -
g a n d a k a s i k a m i s a p a g m a m a s i d s a m g a basurang nakakalat sa daan
at sa pagsinghot sa maruming hanging dulot ng mgasasakyan ngunit
nahinto ang walang tigil naming pagbatikos kuno sa paligid
ngmaramdaman kong may mga bisig na pumalibot
s a k a t a b i k o n g s i J o n a l y n . S a pagpihit ko ng ulo para tingnan kung sino iyon ay
nanlalaki ang mata ko sapagkatnakita kong may batang palaboy na nakayakap kay
Jonalyn. Sa higpit ng yakap
ng b a t a s a k a s a m a k o , p a l a i s i p a n p a r a s a a k i n k u n g b a k i t n i h i n d
i m a n l a n g n i t o pinapansin ang bata. Nagsisimula na akong magduda kung
namamalikmata lamangako ng sa wakas ay tiningnan rin ni Jonalyn ang bata, pigil ang
hiningang hinintay koang reaksyon ng “malas” kong kasama at iyon na nga, sa gitna
ng maraming tao natahimik na nagdaraan at sa tahimik na hapong iyon
umalingawngaw ang matinis natili ni Jonalyn. Nasindak ako ng binalak ni Jonalyn na ilipat
sa aking ang bata, at ang sumunodna eksena at tila pampelikula. Nakita ko na lamang ang sarili
ko na tumatakbo na tilahinahabol ng sangkatutak na mga aso, palingon -lingon tila
eksena sa pelikula kungsaan hinahabol ang bida ng aswang. Sa isang paglingon ko ay
nahagip ng paningin koang tumatakbo ring si Jonalyn na nakukupuan pa rin ng batang yagit, tila
nakadikit naito sa baywang niya at hindi maalis-alis. Ako naming si Aning, takbo lang ng
takbowalang pakialam kahit pinagtitinginan na ng mga tao. Nang mapagtanto kong OA naang
reaksyon ko ay bumagal ang takbo ko at bumato sa isip ko “teka, di ba
dapattulungan ko ang kasama ko?” sa naisip ay napahinto ako at pumasok sa
tindahangnakita ko malapit sa
Alfonso’s Restaurant
, oo nakarating ako doon, hinintay
kongd u m a a n a n g d a l a w a p e r o k a y t a g a l k o n g n a k a t a n g a a y d i p a
r i n l u m i l i t a w a n g hinihintay ko. Nagpasya akong lumabas, muntik na akong sumigaw ng
mabangga
kos i J o n a l y n , p e r o k u m a l m a a k o n g n a k i t a k o n g w a l a n a s i y a n g t
u k o n g k a s a m a . Tinanong ko siya kung paano niya napaalis iyon at gusto kong
iuntog ang ulo ko sa pader na nakita ko nang sabihin niyang piso lang pala ang katapat
niyon. Walanghiya!Tinakot pa ako para sa piso.Gabing madilim, gabing malamig tamang tama
ang burger para ditto, tuwangtuwa ako ng gabing iyon dahil nilibre na naman ako ni mama ng
burger, okay na sanaang lahat, masayang masaya akong naglalakad sa kahabaan ng kalsada,
patalon-talon pa ako na parang si
Little Red Riding Hood
, pakumpas-kumpas pa ang kamay ko ngmula sa kung saan ay biglang sumulpot ang isang
matandang lalaking may hawak ngm a l a k i n g s a k o , t u l o y s a n a a n g k a l i g a y a h a n k o
k u n g h i n d i n i y a l a n g a k o h i n a b o l . Hindi ako nagbibiro! Talagang hinabol niya
ako, tandang-tanda ko pa na ayaw naayaw ko na sanang lumabas ng Prime Supermart
dahil baka bigla na lang niya akongdakmain sa labas, buti na lang nakita ko ang kapatid
ko kaya nakalabas ako, sa isip ko kung Makita ko ulit iyon ipapain ko kapatid ko. Ops, biro
lang, ewan ko ba kung bakit palagi na lang akong target ng mga kakaibang nilalang.
Bago ko simulan ang aking talumpati, tatanungin ko muna kayo. Kagaya ko bilang isang
kabataan, may kamalayan ba kayo sa mga nangyayari sa ating lipunan? Paano nga ba natin ito
matutugunan at mabibigyan ng solusyon?
Sa panahon ngayon, marami ang nagsasabi sakin na kung hindi ka marunong sumabay ,
maiiwan ka talaga. Ngunit ang karamihan sa atin ngayon ay parang napag-iwanan na ng
panahon. Marami na sa ating mga kababayan ang nalugmok sa kahirapan. Kahit anong sikap
nilang umahon ay hinihila pa rin sila pababa dahil sa pagiging makasarili ng bawat isa sa atin.
"Ang buhay ay kakambal ng paghihirap" ika nga ni Buddha. Simula pa noong tayo ay sanggol,
ang kahirapan ay nandyan na. Kahit iwasan natin ito, kahit magtago pa tayo saan mang sulok ng
mundo. Hindi parin natin ito magagawang iwasan dahil ang kahirapan ay parte na ng buhay ng
tao.
Imbes na magalit tayo dahil sa naging ganito ang katayuan natin sa buhay, dapat nating isipin at
isapuso ang mga magagandang katangian na ipinagkaloob ng ating Panginoon. Ang mga
biyayang ito ay may kapalit na responsibilidad upang ito'y gamitin sa tamang paraan upang mas
mapaunlad pa ang ating mga sarili.
Ngunit taliwas ang tugon natin dito. Masakit isipin na dahil sa kahirapan maraming tao ang na
udyok na gumawa ng mga masasamang bagay para mabuhay. Ang katotohanang ito na aking
nasaksihan tungkol sa kahirapan na kinakaharap ng ating lipunan ay taliwas sa nakikita ko sa
telebisyon. Kasi sa Tv, napapansin kong ang mga tao ay puro sisi sa pamahalaan sapagkat para
sa kanila ay napapabayaan na sila nito. Wala namang masama ang pagiging dukha, kung tayo
ang magsisikap lamang na malampasan ang problemang ito. Ito ay isang bagay na hindi
nararapat isisi kahit nino man. Dahil tayo mismo ang may hawak ng ating kapalaran. Ito ay
maaring sanhi ng kawalan ng iyong pagsisikap, kawalan ng determinasyong mangarap at iba
pang mga dahilan ng iyong paghihirap. Bilang isang taong may kakayahang magdesisyon at
mangatwiran para sa sarili, nararapat lang na tayo ay maging responsable at huwag umasa at
maging reklamador sa pamahalaan lalo pa't mahirap ang kanilang tungkulin sa ating lipunan.
Mga kaibigan, Sariling sikap po ang solusyon sa kahirapan.
Kayo namang mga nakaupo sa pamahalaan at sa mga nakakataas, huwag po nating abusuhin
ang kapangyarihan na hawak natin. Kaya nga pinili kayo ng sambayanan upang maglingkod sa
kanila ng tapat at para maka tulong sa kanila hindi para kubitin ang pondo ng bayan at igasto
para sa sariling kapakanan. Ang mga taong naghihikahos at naghihirap sa buhay ay mas lalong
naghirap dahil sa mga kalokohan na inyong ginagawa. Sana'y inyong mapagtanto ang inyong
mga nagawa para sa ikagaganda at ikalalago ng ating bansa.
Ako ay lubos na naghahangad ng pagbabago para sa ating lipunan. Magtulungan tayong lahat
upang masugpo ang kahirapan. Simulan natin ang pagbabago sa ating sarili na gusto nating
makita sa mundo. Sapagkat ang kahirapan ay kakabit na ng ating pagkasilang, nararapat na
lamang na tayo mismo ang bumago nito at hindi lamang umasa sa pamahalaan. Dahil kung
nakaya ng ibang bansa na pigilan ang kahirapan sa paglaganap, ibig sabihin makakaya rin natin
kung ang bawat isa sa atin ay may pakialam sa mga pangyayari. Ako bilang isang tipikal na
kabataan ay nais na maging huwaran ng lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng
mabuti ng may katwiran. Mag-aral ng mabuti para may sapat na kaalaman para sa kinabukasan
ng ating bayan. Balang araw, tayo ay magiging bahagi ng hinaharap, magsikap tayo habang
hindi pa huli ang lahat. Kung may magagawa ka simulan mo na. Huwag matakot harapin ang
hamon sa buhay dahil ang kahirapan ay di mawawakasan, kung mismo tayo ay hindi marunong
gumawa ng paraan.
Kaya para sa mga kabataang pinoy, huwag tayong magpabulagbulagan sa mga nagaganap dahil
tayo ang pag-asa ng hinaharap.