Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

PURIHIN NATIN ANG PANGINOON Katulad ng Halimuyak ng insensong

KORO: Umaakyat sa kalangitan. (KORO)


Purihin natin ang Panginoon! 2. Nawa’y ang aming kaloob,
Purihin Ka ng lahat ngayon! Maging si Hesukristong aming Panginoon
At ating ihayag ang Kanyang salita. Ang sinumang tumanggap at makisalo
Purihin natin ang Panginoon magpakailanman. Ay mabubuhay kailanpaman. (KORO)

1. Itatanghal ang ‘Yong Pangalan PANALANGING MAGING BUKAS PALAD


Sa banal Mong tahanan Panginoon, turuan Mo akong maging bukas-palad
Ang ‘Yong gawa’y papupurihan Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo;
Mula ngayon at kailanman. (KORO) Na magbigay ng ayon sa nararapat,
Na walang hinihintay mula sa ‘Yo;
2. Bayang Iyong tinawag, Na makibakang ‘di inaalintana
nagpupuri sa ‘Yong buong galak mga hirap na dinaranas;
kasama ang Mahal na Ina Sa twina’y magsumikap na hindi humahanap
sa kal’walhatian ng Ama. (KORO) Ng kapalit na kaginhawahan.
Na ‘di naghihintay kundi ang aking mabatid,
Na ang loob Mo’y s’yang sinusundan.
SALMONG TUGUNAN:
Panginoong nagliligtas sa tanang bansa’y nahayag. Panginoon, turuan Mo akong maging bukas-palad,
Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo,
Na magbigay ng ayon sa nararapat
HANDOG NAMIN SA IYO AMA Na walang hinihintay mula sa ‘Yo.
KORO:
Handog namin sa Iyo Ama
Ang tinapay at alak na ito
Handog ng bayang umaasa,
Sumasamba’t nagmamahal sa ‘Yo.

1. Nawa’y dalhin ng ‘Yong anghel


Ang aming panalangin sa ‘Yong dambana
AWIT NG PAGHILOM[13] 2. Halina't sumayaw (buong bayan)
KORO: Lukso, sabay, sigaw (sanlibutan)
Panginoon ko, hanap-hanap ka ng puso Ang ngalan Niyang angkin 'sing ningning ng bituin
Tinig Mo’y isang awit ng paghilom Liwanag ng Diyos sumaatin. (KORO)
Ang baling ng aking diwa ay sa’Yo
H’wag nawang pababayaang masiphayo At isigaw sa lahat
Ikaw ang buntong-hininga ng buhay Kalinga Niya'y wagas
Dulot Mo’y kapayapaan, pag-ibig. Kayong dukha't salat
(KORO) Pag-ibig Niya sa inyo ay tapat
(VERSE 1 – KORO – VERSE 2)
Ako’y akayin sa daang matuwid
H’wag nawang pahintulutang mabighani Langit at lupa Siya'y papurihan
Sa panandalian at huwad na rilag Araw at tala Siya'y parangalan
Ikaw ang aking tanging tagapagligtas. (KORO) Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan (Aleluya!)
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
Sigwa sa ‘king kalooban ‘Yong masdan Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
Pahupain ang bugso ng kalungkutan Sa tanan
Yayakapin ng buong higpit ‘Yong anak
Nang mayakap din ang bayan Mong ibig. (KORO)

HUMAYO’T IHAYAG
1. Humayo't ihayag (purihin Siya)
At ating ibunyag (awitan Siya)
Pagliligtas ng Diyos na sa krus ni Hesus
Ang S'yang sa mundo'y tumubos

KORO:
Langit at lupa Siya'y papurihan
Araw at tala Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan. (Aleluya!)

You might also like