DLP Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino II

Isinanib ang Matematika at Edukasyon sa Pagpapakatao.

I. Mga Layunin:
Pagkatapos ng 50- minutong talakayan ang mga bata ay inaasahang:
1. nabibigyang kahulugan ang pang- uring pamilang,
2. nasusuri ang pang- uring pamilang na makikita sa pangungusap , at
3. nakapagbibigay ng halimbawa ng pangungusap na may pang- uring
pamilang.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Pang- uring Pamilang
Akda: “Ang Pamimili ni Aling Sonia”
Target na Kasanayan: Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita
at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
Kaisipang Pangwika:
Pang- uring Pamilang- ay nagsasabi o nagpapakita ng bilang,
dami, o posisyon sa pagkakasunod-sunod ng pangngalan o panghalip.
Mga Sanggunian:
Ang Bagong Batang Pinoy Filipino II, LM pahina 334- 335.
Mga Kagamitan: Mga nabibili sa Palengke, Daster ng Nanay, Basket

III. Pamamaraan ng Pagtuturo


Gawain ng Guro Gawain ng Mag- aaral
A. Paghahanda
1. Pagsasagawa ng Pang- araw-
araw na Gawain
a. Pagdarasal
b. Pagbati
c. Pag- awit
d. Pagtatala ng mga pumasok at
lumiban sa klase

2. Pagsasanay:
Panuto: Bilugan ang titik kung alin ang
naglalarawan ng bilang sa pangungusap.

1. Si Joseph ay ibinili ng nanay ng


tatlong bagong damit.
a. Joseph c. damit
b. nanay d. tatlong
2. Marami akong laruan na nakatago sa
bahay.
a. laruan c. marami
b. nakatago d. bahay

3. Tatlong pares ang aking uniporme sa


aming kabinet.
a. aking c. uniporme
b. tatlong pares d. kabinet
3. Pagbabalik- Aral:

Mayroon akong mga pangungusap


na narito. Ako ay tatawag ng limang
estudyante upang pumunta sa
harapan at guhitan ang pang- uri sa
loob ng pangungusap.

1) Maganda ang batang si Yesha.


2) Minasdan ni Norie ang kanyang sarili
sa salamin na parihaba.
3) Si Keith ang babaeng nakasuot ng
pulang bestida.
4) Ang matabang bata ay nakatutuwang
pagmasdan.
5) Mainit pa ang bagong saing na kanin
ni Inay.
4. Pagganyak:

Tayo ay kakaroon ng isang larong


tinatawag na “Ako ay
mamamalengke”. Ang klase ay
hahatiin natin sa tatlong grupo.
Mayroon akong mga bagay ditto na
maaaring bilhin gaya ng nabibili sa
palengke.
Ganito ang magiging pamantayan sa
ating laro. Bawat grupo ay
magkakaroon ng pila at ang unang
bata ay ang magsusuot ng damit
pamalengke at magdadala ng
basket papuntang palengke. Kapag
tapos na siyang mamalengke ay
ilalagay niya ang kanyang pinamili
sa lalagyan ng pangkat upang ang
susunod na miyembro ng pangkat
ay susunod naming mamalengke.
Gagawin ito ng bawat miyembro ng
grupo. Gamit ang tsart, itala ang
mga pinamili sa palengke. At
pagkatapos ay magkakaroon tayo
ng pagbabahagi ng inyong
karanasan sa pamilihan.
Maliwanag ba?

BAGAY BILANG

Lahat: Opo.

B. Mga Panlinang na Gawain:


1. Panimula:
Mayroon akong maikling akda na
inihanda para sa inyo. Ito ay
pinamagatang “Ang Pamimili ni Aling
Sonia”.

Maaari ba ninyong basahin ng Lahat: Ang Pamimili ni Aling Sonia


malakas at sabay- sabay ang
akdang aking babasahin.

Ito ay patungkol sa ating leksyon na


tatalakayin ngayong araw na ito na
“Pang- uring Pamilang”.

Ano ulit ang ating tatalakayin sa


araw na ito, pakibasa nga ninyo ng
sabay- sabay at malakas.

2. Pagbabasa sa mga Pamatnubay Lahat: Pang- uring Pamilang.


na Tanong:

Ngunit bago ko basahin sa inyo ang


kwento patungkol sa “Pamimili ni
Aling Sonia” atin munang alamin at
basahin ang mga mga pamatnubay
na tanong na ating sasagutin maya-
maya.

Maaari mo bang basahin ang unang


katanungan, Jonna.

Salamat Jonna. 1. Sino ang nagpunta sa Divisoria?

Maaari mo bang basahin ang


kasunod na katanungan Nikko.

Salamat Nikko. 2. Ano-ano ang pinamili ni Aling Sonia?


Sino ang nais bumasa sa ikatlong
tanong?
Ikaw nga Gilbert.

3. Ano ang dahilan kung bakit


Salamat Gilbert. nagbabadyet si Aling Sonia?
Sino ang maaaring bumasa sa
ikaapat na katanungan, ikaw nga
Lindsay.

4. Tama bang ibadyet ang pera? Bakit?


Salamat Lindsay.
Maari mo bang basahin ang
ikalimang katanungan Jessie.

5. Ano ang pamantayan niya sa pagpili


Salamat Jessie. niya ng kaniyang bibilhin?

Sino ang nais bumasa ng ikaanim


na katanungan.
Ikaw nga ang bumasa Aljien.

Salamat Aljien. 6. Tama ba ang ginawa niya?

Sino ang gusting bumasa ng


ikapitang katanungan.
Ikaw nga Mira.
Salamat Mira.
3. Pag- alaala sa Pamantayan sa 7. Paano mo siya tutularan?
Pakikinig:

Bago ko basahin ang akda. Maaari


mo bang basahin ang mga dapat
isagawa habang nakikinig, Lino.

Pamantayan sa Pakikinig:
1. Umupo ng matuwid.
2. Huwag makipag- usap sa katabi.
Salamat Lino. 3. Intindihin ng mabuti ang akda.

4. Pakikinig sa Akda:

(Babasahin ng guro ang akdang


“Ang Pamimili ni Aling Sonia” ng
dalawang beses.)

(Makikinig ang mga bata sa binabasang


akda ng guro.)
5. Pagsuri sa Pang- unawa:

Ngayon ay maaari na nating sagutin


ang mga Pamatnubay na tanong.

Maaari mo bang basahin ang unang


katanungan, Jonna.

Salamat Jonna. 1. Sino ang nagpunta sa Divisoria?

Sino ang nais sumagot ng unang


katanungan? Ikaw nga Angie.

Ang nagpunta sa Divisoria ay si Aling


Magaling! Sonia.

Maaari mo bang basahin ang


kasunod na katanungan Nikko.

2. Ano-ano ang pinamili ni Aling Sonia?


Salamat Nikko.
Sino ang nais sumagot ng ikalawang
katanungan? Ikaw nga Neli.

Ang pinamili ni Aling Sonia ay


dalawang t-shirt at dalawang pantalon
para sa mga anak na lalaki at isang
bestida naman para sa anak na babae
at limang pares ng sapatos.
Mahusay!

Sino ang nais bumasa sa ikatlong


tanong?
Ikaw nga Gilbert.

3. Ano ang dahilan kung bakit


nagbabadyet si Aling Sonia?
Salamat Gilbert.

Sino ang nais sumagot ng ikatlong


katanungan? Ikaw nga Levy.
Ang dahilan kung bakit nagbabadyet si
Aling Sonia ay pinagkasya lamang niyang
mabuti ang kanyang dalang pera.
Tama.

Sino ang maaaring bumasa sa


ikaapat na katanungan, ikaw nga
Lindsay.
4. Tama bang ibadyet ang pera? Bakit?

Salamat Lindsay.

Sino ang nais sumagot ng ikaapat


na katanungan? Ikaw nga Belle.
Opo, tama po na ibadyet ang pera
upang hindi ito maigasta lamang sa
mga bagay na hindi kailangan.

Magaling!

Maari mo bang basahin ang


ikalimang katanungan Jessie.
5. Ano ang pamantayan niya sa pagpili
niya ng kaniyang bibilhin? Bakit?
Salamat Jessie.
Sino ang nais sumagot ng ikalimang
katanungan? Ikaw nga Jakie.

Ang pamantayan niya sa pagpili niya


ng kaniyang bibilhin ay gawa sa ating
bansa dahil naniniwala siya na
magaganda at matitibay ito.

Mahusay!

Sino ang nais bumasa ng ikaanim


na katanungan.
Ikaw nga ang bumasa Aljien.

6. Tama ba ang ginawa niya?


Salamat Aljien.

Sino ang nais sumagot ng ikaanim


na katanungan? Ikaw nga Yannie.
Opo, tama ang ginawa niya na
tinangkilik niya ang produkto ng ating
bansa.
Magaling!

Sino ang gustong bumasa ng huling


katanungan.
Ikaw nga Mira.
7. Paano mo siya tutularan?
Salamat Mira.

Sino ang nais sumagot ng huling


katanungan? Ikaw nga Renzo.
Kung ako rin po ang bibili ng mga
gamit ko ay ang bibilhin ko rin po ay
ang produkto ng ating bansa.
Isang paraan ng pagpapakita ng
pagmamahal sa ating bansa ay ang
pagbili ng produktong gawa rito.

6. Paglinang sa Kasanayang
Pangwika:
Narito ang ilang pangungusap na
galing sa kwentong inyong
napakinggan.
Maaari mo bang basahin ang unang
pangungusap. Ikaw nga Aubrey.
Bumili siya ng dalawang t-shirt at dalawang
pantalon para sa mga anak na lalaki.
Salamat Aubrey.

Maaari mo bang basahin ang


pangalawang pangungusap. Ikaw
nga Lovely.
Isang bestida naman para sa anak na babae
at limang pares ng sapatos.

Salamat Lovely.

Ano ang inyong napapansin sa mga


salitang may salungguhit?
Sino ang nais sumagot. Ikaw nga
Dennis.
Ang mga salitang may salungguhit po ay
Pang- uring Pamilang.
Magaling!

Ano nga baa ng Pang- uring


Pamilang. Maaari mo bang basahin
kung ano ito. Ikaw nga Ivan.

Pang- uring Pamilang- ay nagsasabi o


nagpapakita ng bilang, dami, o posisyon
sa pagkakasunod-sunod ng pangngalan o
panghalip.
Salamat Ivan.

Maaari ba ninyong ulitin ng malakas


at sabay- sabay kung ano ang Pang-
uring Pamilang.
Pang- uring Pamilang- ay nagsasabi o
nagpapakita ng bilang, dami, o posisyon
sa pagkakasunod-sunod ng pangngalan o
panghalip.

Maaari ba kayong magbiigay ng


halimbawa ng pangungusap na may
Pang- uring Pamilang.
Ikaw nga ang magbigay Jonna.
Kami ay may alagang tatlong aso.
Magaling!

Maaari ka bang magbigay ng isa


pang halimbawa ng pangungusap
na may Pang- uring Pamilang.
Ikaw nga ang magbigay Sky.

Ako ay may limang lapis at dalawang


pambura.
Mahusay!

C. Paglalahat:
Sino ang maaaring makapagsabi kung
ano ang Pang- uring Pamilang?
Ikaw nga ang sumagot John.

Ang Pang- uring Pamilang ay nagsasabi o


nagpapakita ng bilang, dami, o posisyon sa
pagkakasunod-sunod ng pangngalan o
panghalip.

Magaling!

Maaari mo bang ulitin kung ano ang


Pang- uring Pamilang? Ikaw nga Love.

Ang Pang- uring Pamilang ay nagsasabi o


nagpapakita ng bilang, dami, o posisyon sa
pagkakasunod-sunod ng pangngalan o
panghalip.

Mahusay!

Maaari ba kayong magbiigay ng


halimbawa ng pangungusap na may
Pang- uring Pamilang. Ikaw nga ang
magbigay Ylonna.

Ako ay pitong taong gulang na.


Magaling!

Maaari ka bang magbigay ng isa pang


halimbawa ng pangungusap na may
Pang- uring Pamilang. Ikaw nga ang
magbigay Rhys.

Si Anna ay pumunta sa tindahan at bumili ng


isang supot na asukal.
Mahusay!

D. Paglalapat:

Panuto: Isulat sa patlang ang salitang pamilang na angkop sa bawat larawan.

IV. Pagtataya:

Panuto: Guhitan ang salitang pamilang sa bawat pangungusap.

1. Mayroong dalawang babae na pumasok sa bahay ni Cardo.


2. Sina Popoy at Basha ay may tatlong anak.
3. Bumili ako ng isang litrong yakult sa tindahan.
4. Higit sa dalawang daang pamilya ang nawalan ng tirahan.
5. Si Pinky ang panlima sa sampung magkakapatid.
6. Pangalawang pagkakataon mo na para ipagtanggol ang iyong sarili.
7. Dalhan mo ako ng sampung matatamis na mangga.
8. Kalahating manok ang bilhin mo sa palengke.
9. May walumpung porsiyentong posibilidad na pag-ulan sa Metro
Manila bukas.
10. Tatlong boto lang ang lamang ni Monalisa kay Manaloto.

V. Takdang- Aralin:
Magbigay ng 5 sariling halimbawa ng mga pangungusap na may
Pang- uring Pamilang.

MYRA JOYCE R. ORTIZ


Gurong Tagapatnubay

CHRISTINE MEL JOY G. TIBURCIO


BEEd 4- 1

You might also like